The Filthy Rich Bitch
"Magandang umago pa Ma'am Sky."
Hininto ko na yung big bike sa harapan ng kubo. Nakita ko duon yung mga kabataan na hindi nalalayo sa edad ko. "Magandang umaga rin." naka ngiting bati ko. Hindi naka lagpas sa mata ko yung pag tingin nila sa big bike na dala ko. Actually, tinakas ko lang ito kay Jarred. Hahaha!
Nag bigay agad sila ng pwesto para sakin ng makiupo ako sa kanila. Walang sabi sabing naki-kain ako ng hilaw na mangga na sobrang lutong at mainit init na bagoong alamang na kahapon ko lang na-discover. Naka tingin lang sila sakin kaya huminto ako pag kain at kinunotan sila ng noo.
"Bakit? Bawal ba kumuha ng mangga dito?" alanganing sabi ko na ikina mutla nila.
"H-Hindi ho! Nagulat lang ho kami dahil.. Kasama namin kayo dito sa kubo.." Sabi ng babae
"Toma~ Madalas kasi, pag nadaan si Sir Storm ay binabati nya lang kami at hindi na hihinto dito." sabi ng isang babae na kinikilig pa. Okay, crush nya yung kapatid ko.
"I see." Kumuha muna uli ako ng ilang pirasong mangga saka iyon sinawsaw sa bagoong alamang at tumayo "I should get going. See you around guys."
Nag paalam na sila sakin. Ako naman, sumakay na uli sa big bike saka umalis. Medyo nahirapan akong maka punta duon sa baryo dahil baku-bako ang daan. Isama pa ng maalikabo kaya pag dating ko duon kila Ara ay kasing puti na ng daan yung kulay itim kong buhok
Si Ara, yung kapatid nyang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Tapos may iba pa kaming kasama na kadalagahan. Apat silang lalaki at pitong babae, hindi pa kasama ang batang si Ara. Pag lapit ko palang ay alam ko na. Hindi ako gusto ng ibang babae.
"Magandang umaga po, Ma'am Sky." Ara
"Magandang umaga po.." sabay sabay na sabi ng iba.
Ngumiti ako saka tumango. "Magandang umaga rin.. Ara, nasaan yung sasama sa atin papuntang ilog? Gusto ko na pumunta duon." Hindi ko mapigilan yung excitement sa boses ko. Oo ako nang ignorante! May dala pa nga akong malaking backpack dahil nag dala ako ng mga pagkain. Sila din ay may dalang mga basket.
Hindi ko napigilang matawa dahil yung mga lalaki ay nag sisikuhan kung sino ba ang unang kakausap sakin kaya nilahad ko yung kamay ko. Gusto ko ng mga kaibigan dito. Siguro naman iba ang ugali ng mga taga probinsya kesa sa mga taga syudad na kinalakihan ko. Medyo nailang nga lang ako dahil isa-isa nilang pinunasan muna yung kamay nila sa shorts nila bago nakipag kamay sakin.
"Marco po, Ma'am Sky." Kinamayan ko iyon saka nginitian
"Leo po, Ma'am.. A-Ang ganda nyo nga po pala talaga. Akala ko ay nag loloko lang sila Aling Ika-- Aray naman!" agad dumako yung tingin ko sa lalaking sumiko kay Leo!
"Ang daldal mo talaga.. Ah, magandang umaga po uli Ma'am Sky. Biboy nga po pala." hindi ko napigilang mapa tawa dahil dumako yung tingin nya sa likod dahil may humahatak sa lalayan ng damit nya. "Ano yun Ara?" sya
"Kuya, umalis ka na dyan. Yung Kuya ko nalang mag papakilala." naka simangot na sabi nya saka hinatak yung lalaking napapakamot ng batok habang naka ngiwi. Dumako yung mata ko sa mga babaeng nag bubulungan. Mmm..
May something?
"A-Ah. Kino po pala.. Kamusta po?"
Ang alam ko nalang ay hawak ko na yung mag kabilang pisngi nya saka iyon hinahatak-hatak! Ang cute ng mukha nya! Oo moreno sya pero halata naman na maputi sya eh! Ang lalim ng dimples nya sa mag kabilang pisngi at yun agad ang napansin ko sa kanya.
"A-Aray ko po! M-Ma'am! Biboy alisin nyo sya sakin!"
Sa sinabi nya ako napa tigil. Narinig kong tumawa yung mga babae kaya hindi ako kumibo. Halata naman nagulat sila Ara sa reaksyon ng kapatid nya. Hindi ko naman sadya ang ginawa ko. Basta nalang nag land yung kamay ko sa pisngi nyang may dimples.
Huminga muna ako ng malalim saka nginitian yung mga baabe na ngumiti din sakin ng peke. Sa tagal na namin na mag kakasama nila Lele, alam ko na ngayon ang peke sa hindi. Haist, siguro nabulag lang ako nung mga panahon na kasama ko sila.
"Malayo pa ba dito ang ilog na sinasabi nyo?" palapit na ako sa big bike na dala ko. " Ara, gusto mo bang sumabay nalang sakin?"
"Ma'am Sky, hindi po tayo makaka punta ng ilog na gamit iyan. Aakyat pa po tayo ng bundok. Kasi po ang sabi nila Ate Ina ay duon daw tayo sa talon sa itaas nun." sinundan ko yung tinuro ni Ara at seryoso, napa lunok ako ng wala sa oras.
"Duon? Delikado duon. Hoy Ina, ano bang iniisip nyo, ha?" Marco
"Ang sabi ni Mang Ben ay gusto daw pumunta ni Ma'am Sky sa ilog. Edi duon natin sya dalhin." mataray na sabi ng babae. Nag hagikhikan naman yung iba.
Wala nang nag salita saka kami nag simulang mag lakad. Masyadong mabato at matarik yung inakyatan namin kaya hindi talaga pwede ang kahit anung sasakyan dito. Mahigit isang oras din ang nilakad namin pero napawi din agad yung pagod ko ng makita ko yung lugar.
"Wow.." ako
"Nagustuhan nyo po ba? Maganda talaga dito!" Leo. Tumango lang ako.
Agad kong inayus yung mga nasa bag ko. Yung iba naman ay nagsi languyan na.. Wow, saan sila naka bili ng mga swimsuit nila. Siguro ay may malapit na mall dito kaya ganun? Kinuha ko yung DSLR ko saka kinuhaan ng pictures yung buong lugar. Ipo-post ko nga ito sa facebook!!
"Ma'am Sky, duon tayo banda manghuli ng isda! Marami duon!" Ara
"Saan?" excited na tanung ko.
May mababang parte naman duon kung san may mga bato. At totoo nga! Ang daming mga isda kaya halos hindi kami magkanda ugaga ni Ara sa pag huli nun! Hindi ko napansin na may iba kaming kasama dahil mas enjoy kasama itong batang ito.
"Ara ayun!" sigaw ko!
Nag paunahan kaming hulihin yung salm-- SALMON?! May salmon dito!? Basta ayun, basa na kaming pareho! Hindi kami gumamit ng fishing rad dahil wala lang. Mas exciting ang ganito. Nagulat ako ng may sumabay sa pag dakma ng isda. Si Biboy at Marco.
"T-teka, wag nyo bitaw-- Wala na! Naka takas na!" nasasayangan na sabi ko.
"Haha Ma'am Sky, hindi po talaga natin makukuha ang mga iyon dahil mabilis sila at madulas." Marco
"Pwede nama--" Biboy
"Ayun!" sigaw ko saka takbo sa tubig pero nakawala uli
Para akong bata na habol ng habol sa mga isda. Sila Ara naman ay nakikisali habang si Kino naman at Leo ay nag papadingas. Yung mga babae naman ay tingin ng tingin sakin. Okay? May problema ba sakin?
Nang mapagod ay nag desisyon na kaming bumalik duon sa mga gamit namin. Basang basa ako at seroso, kahit naka cargo shorts ako at tshirt ay sobrang lamig parin!
"Ang kulit mo Ma'am Sky! Ngayon ka lang ba naka punta sa ganito kaya akala mo ay--" Leo
"Tumigil ka na. Kumain na kayo." Kino
"Meron akong dala sa bag na mga pagkain. Teka kukunin ko lang." ako
Napa ngisi ako sa nakita ko sa likod ng bag ko. ANG LAKI! Kinuha ko muna yung mga pagkain saka inabot iyon sa kanila saka ako bumalik. Mabuti naruon parin. Agad kong dinakma iyon saka naka ngiti ng masaya sa harapan ng mga babae at nila Ara.
"Ara, may nahuli ako!" masayang sigaw ko na nagpa hinto sa pagkain nya.
"Ano po iyon Ma'am Sky?" excited din na tanung nya.
"Ang lawak ng ngiti mo ha." sabi ng isang babae.
"Mm-Mm, naka huli kasi ako. Ang cool lang! Hahaha!" ako
"Ano ba yung nahuli mo at sobrang laki ng ngiti mo, Ma'am Sky?" Marco.
"Eto oh!" sabay abot ko sa kanya gamit yung dalawa kong kamay!
"KYAAAA!!!" sigawan nila!
"M-Ma'am Sky!!" sigaw nila
Napa upo na ako sa lupa habang walang tigil sa kakatawa. Hanggang sa mapa luhod ako ay tawa lang ako ng tawa. Nag sigawan silang lahat dahil lang duon? Halos mamilipit na ako sa sakit ng yan ng lapitan ako ni Kino at saka hinampas ng mahina sa noo.
"Hindi ka dapat nag hahawak ng karag. Marumi po iyon." sya
"Palaka lang iyon! S-Saka- Pfft!! Hahaha tumili si Marco-- Pfftt Hahahahaha!!"
Sinundan na iyon ng tawa ng iba habang si Marco ay natatawa lang din habang namumula. Hindi kasi ako madalas makakita ng palaka dahil lagi lang naman akong nasa bahay. Saka nakakatuwa yung mga reaksyon nila.
Nang mapagod ay nag pahinga kami. Nag langoy kami ng magkakasama kahit na ba si Ara lang ang madalas kong makasama at si Biboy. Yung ibang lalaki ay kasama ng mga babae na halata namang ayaw akong kasama.
Hapon na ng mag desisyon kaming umuwi. Ayoko na nga sana mag drive dahil sobrang pagod na ako pero pinilit ko. Mabuti na lang at naka uwi ako ng maayos sa hacienda. Sinalubong agad ako ng isa sa mga katulong saka kinuha yung bag ko.
"Nasaan si Jarred?" ako. Baka kasi mayari ako pag nandyan sy--
"Nasa music room po."
"Ah sige."
Dumeresto na ako sa hagdan paakyat ng marinig ko yung malamyos na tunog ng piano. Tinignan ko kung sino iyon.. Napa ngiti ako ng makitang tumutugtog ng piano si Jarred. Nung bata pa kami ay palagi syang tumutugtog nyan. Ang talented nya talaga.
Sumandal ako sa gilid ng pinto saka pumikit. Parang mabilis akong makaka tulog pag ito ang papakinggan ko. Hindi ko na namalayang tapos na pala ang pag titipa nya nang huminto iyon saka nag salita.
"Do you want to try?"
"H-Ha? Hindi. Hindi ako marunong nyan." ako
"But you know how to play guitar?" tumango ako.
Tumayo na sya saka lumapit. Umatras naman ako para maka daan sya ng tumigil sya sa harapan ko. Kumunot yung noo ko ng tignan nya ako sa mga mata saka nailing.
"You left your phone. The chairman of your school is asking about the papers he handed to you. Sabi dalhin mo na daw bukas." natigilan ako sa sinabi nya "Bukas pupunta ako ng city, sumabay ka na."
"H-Ha?" hindi ko pa na sasagutan iyon! "Pero--"
"Dinala ko iyon. I put my name as your guardian kaya wala ka nang problema. Bukas maaga ka gumising para maaga tayong maka alis." naka ngiting sabi nya saka sya umalis.
Masaya ako sa ginawa nya. Totoo. Pero natatakot ako. Kung pupunta ako duon. Paniguradong mag kikita kaming dalawa ni Akiko. Panigurado iyon!
---
"J-Jarred.."
"Mmm?"
"Ibili mo ako ng marshmallows. Kinakabahan ako." huli na para bawiin ko yung sinabi ko nang mapa tingin sya sakin.
Nag lalakad na kami papuntang opisina ng chairman. Sinamahan nya ako dito. Actually nag stay muna ako sa office nya na hindi ko alam na may kumpanya pala itong higante kong kapatid. Nakipag meeting kasi sya tapos ay sabay na kaming pumunta dito.
"Para saan?" he said. I swallowed hard when I saw students are all staring at us.
"K-Kasi, sabi ng chairman, mag te-test na ako. Malapit na yung graduation and I decided not to attend." totoo yun. Kapalit ng pag lagay ng pangalan ni Jarred ay hindi ako a-attend ng graduation sa kadahilanang awkward.
He stopped from walking and face me. May mga kumukuha din ng mga litrato naming dalawa pero hindi ko iyon pinansin. Kung lumabas man iyan sa tv, alam kong ipag tatanggol ako ni Jarred. I trust him now. I know he will fight for me.
"Why? Graduating in your collage is once in a lifetime event, Sky. Why're you not going to attend? If you want, pwede naman ako ang sumama sayo." sya
"Basta." sagot ko.
Hinatak ko na sya duon sa cafeteria. Ang daming estudyante duon since lunch break na ngayon. Hindi ko pinansin yung pag piglas ni Jarred pero napa tingin na ako ng umakbay sya sakin saka ako iginiya sa counter.
"She's a flirt!"
"Grabe, hindi na nahiya! Laha na ng gwapo napunta sa kanya!"
"Tapos ngayon si Jarred Sakamoto naman?! Grabe lang ha!?"
Nginitian ko si Jarred na tumigil na sa pag lalakad saka humarap sa iba. Ayoko na gumawa ng eksena dito kaya hinatak ko nalang sya. Matapos makabili ay agad kaming umalis duon pero halatang wala na sa mood ang kasama ko.
Kumatok muna kami sa pinto bago kami napag buksan ng chairman.
"Hija! Naku, mabuti't nakarating ka! Ang sabi ng Kuya mo ay nasa Tagaytay kay-- Abat! Sya ba itong kuya mo?!" Chairman "Ke-gwapong bata! Saka parang nakita ko na sya dati?"
"O-Opo. Ah Chairman, si K-Kuya J-Jarred ko po.. K-Kuya.. Yung Chairman namin." ako
"Nice meeting you. I heard a lot about you." Jarred na malapad ang ngiti ngayon. Bwisit sya.
Sinubmit ko lang yung files ko. Sa kasamaang palad ay gusto akong papuntahin ni Chairman sa president ng room namin which is nakita ko kanina sa cafeteria. Bakit kasi kailangan ko pa kunin yung attendance ko samantalang puro tulog lang din naman ang record ko duon bukod sa mag gagawa ko ng assignments nila.
Nakita ko agad sila Gio. Naka tingin sya sakin. Naka titig lang sya sakin habang sila Lele naman ay naka simangot na tinititigan ako. Halos samin na ang atensyon habang nag lalakad ako papunta kay Danila.
"What?" sya
"Sabi ng chairman, kunin ko daw yung attendance ko sa--"
"Sorry, akala ko hindi na kailangan kaya itinapon ko na."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya! Teka, bakit nya tinapon!? Paano ako makaka graduate?! Pinigilan ko ang sarili na mapa sigaw sa sinabi nya pero nag bulungan naman yung iba. Lumapit na samin si Jarred pero sinenyasan ko sya na wag makielam samin dalawa ni Danila na naka tulala na sa kanya ngayon.
"Why did you throw it?" ako
"Because you're no longer in our class. What's the big deal with that?" sya
"Nag iisip ka ba? Kung wala iyon, hindi ako makaka graduate." sinigurado kong hindi ako sisigaw kahit na ang totoo ay gusto ko na syang sapakin!
"Hindi naman namin problema kung maka graduate ka o hindi." napa tingin ako kay Mizzel na naka tayo na sa gilid ko habang naka ngisi.
"May ginawa ba ako para gaguhin nyo ako dito?" hindi na ako nakatiis na tinanung ko.
"Alam mo kasi, naiirita lang kami kaya ganito. Bakit hindi ka na umalis dahil nawawalan na kami ng gana kumain ngayon." Anna
"Anna." Kiko.
"Watch your words, young lady." Jarred. "Sky, let's go. Hindi ka nababagay sa polluted na lugar na ito."
Nag patianod nalang ako kay Jarred. Alam siguro nya na may marinig pa akong isang salita mula sa kanila ay sasabog na ako. Sa galit na itinago ko sa loob mahabang panahon. Pero dahil nga ako ang center of attraction ngayon ay mag papahuli ba naman ang numero unong babae na trumaydor sakin?
"You sure have found a big fish, huh? Tell me Jarred? Magaling ba sya sa kama?" Lele
Okay, bellow the belt na. Humarap ako kay Lele saka walang sabi-sabing hinaklit yung braso nya. Nagsinghapan ang lahat pero wala akong pakielam. Mabuti naman at naiintindihan ni Jarred na ayoko na may pipigil sakin!
"Ulitin mo ang sinabi mo." mariing utos ko.
"Diba bed warmer ka nyang lalaking yan? He's japanese so for sure hindi nya tayo maiintindihan. Pokpok ka diba kaya kahit sya ay pinatulan mo pa." naka ngising sabi nya.
"Bibigyan kita ng tatlong segundo para bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong mapahiya ikaw at ang mga kaibigan mong ahas sa harapan ng mga tao dito." pinag diinan ko talaga ang word na ahas para alam nilang sila ang tinutukoy ko. "Isa.. Dalawa.."
"Hoy, bitawan mo na nga sya!" susugod na sana si Anna pero pinigilan sya ni Donna.
"Totoo naman diba? The reason why you're rich is because you sell your body!"
"Hey, pokpok sya?"
"Prosti pala. Kaya pala di na pumapasok. Bitch!"
"Tol, sarap nyan. Kaso maluwag na!"
"Haha pre, saya neto, abangan natin mamaya, bayaran nalang natin!"
"You bullshits! How dare you--" Jarred
"Jarred!" pigil ko. Pumiglas si Lele sa pagkaka hawak ko. Tinitigan ko sya ng masama saka huminga ng malalim. Nang kumalma ako ay nag taas ako ng kilay saka sya nginitian. Bitch? Sige, kaya kong patunayan iyan.
"Do you seriously think that I'm a prostitute and I sell my own body to have money?"
"Totoo naman!" Mizzel.
"Do you know.. Who I am? Does any of you know who I am?" ako. Nagka tinginan silang lahat. "Do you know.. That in one snap of my finger, I could make your lives miserable?"
"A Bitch like you could not do anything besides on fucking!" Lele. I held her chin harshly as I arch my brows. "Bitch, don't touch me! Jarred, if I were you I will stop seeing her!"
"Hah! You don't know anything about me or which family I came from, Lele. I am richer than any of you, at alam mo iyan. You even know that I can buy your family business by just using my platinum card." nagsi singhapan ang lahat kasabay ng bulungan.
"Sky.." Gio
"Don't call my name Mr Alcantara. So don't you dare to insult me. I can buy you Lele. I can buy you kung gugustuhin ko. Pero syempre, hindi ako bumibili.. Nang mga bagay na sira na."
Pag sabi ko nun ay marahas ko nang binitawan ang namumula nyang mukha. Tinignan ko muna sila bago kami tuluyang nag lakad ni Jarred. Oh I'd forgot something. Humrap uli ako sa kanila kaya natigilan na naman sila.
"Anyway.. This man beside me-- Jarred Sakamoto, is my Older Brother. You should know by now kung saang pamilya sya nanggaling. If I know, ay alam iyon ng lahat." sabay talikod ko.
Naka rating na ako sa pinaka likod ng Engineering building na ewan kung paano ako naka abot. Sobrang sama ng loob ko kanina kaya nasabi ko iyon sa kanila. Hindi ko naman talaga gustong hamakin sila. Pero pinahiya na nila ako sa harapan din ng lahat. Ayoko maging mahina lang.
Sa pag lalakad ko ay napa hinto ako sa nakita ko. Si AKIKO! Pero kumunot yung noo ko dahil para syang lantang gulay habang nag lalakad at nag iisip. Hindi ko maiwasang maawa sa nakikita ko. Nangingitim na ang ibabang parte ng mata nya. Wala narin yung dating kulay pulang labi nya dahil sa pamumutla nya.. Isa pa.. Biglaan din ang pangangayayat nya.
Mukhang hindi nya pa ako napapansin kaya gumilid ako. Nag tago ako sa isa sa mga bench dito habang pinag mamasdan sya. Hindi nya ba alam na tirik na tirik ang araw ngayon? Bahagya pa akong tumingin sa langit at nasilaw! Ang init!
Pero nangunot ang noo ko.
May naka tayo sa rooftop na lalaki.. May hawak itong kung ano.
"M-Mico?"
Lumipad yung tingin ko kay Akiko na huminto sa pag lalakad at may sinilip sa cellphone nya! Shit! Napa tingin uli ako sa ibabaw at bumundol agad ng kaba yung dibdib ko ng makitang may hawak na flowerpot si Mico.. Teka, wag nyang sabihin na..
Walang sabi-sabing tumakbo ako kay Akiko "Yuki!" saka sya itinulak!
I felt the sudden pain in my head when I saw his shock expression. Something liquid from my head are leaking when my vision is spinning as I felt the familiar arms snaked around my waist and fall.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top