Skyland
Inaantok na humikab ako habang nakatulala sa kawalan. "Ang boring ng buhay.."
Nakaka boring naman talaga. Minsan kasi paulit-ulit na lang ang nangyayari sa bawat araw natin dito sa mundo. Mabuti pa nga sa America, pag sawa na sila sa buhay nila, nag su-suicide sila.
Hulaan nyo kung nasaan ako ngayon?
Ok, sirit na?
Narito lang naman ako sa rooftop ng SM kung saan naka pwesto ang helipad. Naka upo ako sa kanto nito. Kung titignan ay para ako'ng mag papakamatay dahil ang taas kaya at naka senti lang ako. Tutal weekend naman ngayon.
I'm not afraid of heights unlike the others. I just like to be here since the ambiance are very soothing.. I can breath the fresh air, unlike when I'm at the ground na puro usok ng sasakyan ang malalanghap.
Habang ponag mamasdan ko yung mga ibon na nag liliparan at langit na bughaw (nasobrahan ata ako sa pag sesenti?) ay may umagaw ng maganda ko'ng mood -_-
*kring! *kring!
Agad ko nama'ng sinagot yung tawag para lang naman maka rinig ng isa'ng nakakapag payelong boses.
[How's your day?] kumunot agad yung noo ko.
"ayos lang ako." kiming sagot ko habang sumisilip silip sa ibaba.
[Glad to hear that.]
"Pero nag bago iyon nung tumawag ka. Totoo." bulong ko. Hindi ko kayang itago iyon.
Narinig ko pa ito'ng tumawa kaya naman pinatay ko na. Binalik ko na lang ang pansin ko sa paligid. Pumikit ako at saka kinalma ang sarili na nag wawala na sa kaloob-looban ko.
Hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Gustong humulagpos ng galit sa dibdib ko pero wala akong magawa.
Ito ako.
Siguro sa paningin ng iba, wala akong problema. Pero kung ako lang, halos hindi mo ako mapapansin. Kaya mas gusto ko sa paaralan. Kahit papaano nalilibang ako at hindi nag iisip ng kung anu-ano.
Siguro nga may split personality ako. No wonder my parents abandoned me. Pero tingin ko, hindi ito seryoso. Baka talagang mas gusto ko lang na may kasama.
Or lets say na... Ito talaga ako.
"Ineng! Mahalin mo ang buhay mo! Huwag ka mag padala sa bugso ng damdamin! Bata ka pa!"
Napa mulat ako ng mata kasabay ng pag kunot ng noo ko. Tumingin ako sa ibaba at napa ngiwi ng makitang marami nang tao ang nag kukumpulan sa ibaba at naka tingala sa akin.
Tinignan ko rin yung matandang babae na sumigaw. Hala, nag dadasal na sila! Tumayo ako at saka bahagyang yumuko s akanila na sya'ng ikinasigaw nila. Ano'ng tingin nila sakin, mahuhulog dito?
"Diyos ko po! Mag hulus dili ka!" babae1
"Hindi masasagot ng pag papakamatay mo ang mga problema mo! Panagutan mo na lamang ang bata kausa mag pakamatay ka!" babae. Bata? Saan?
Lumingon ako sa paligid ko pero ako lang naman ang narito?
"Ineng huwag ka na gumalaw, baka ka mahulog!" lalaki
"Miss, ang ganda mo pa naman! Papanagutan ko na iyang batang dindala mo! Wag ka lang mag pakamatay!"
Tuluyan na akong umikot at saka nag lakad pabalik sa helipad. Mga gagong iyon! Kaya pala kung makapag react, akala mo kung ano na! Buntis daw!?
Umupo lang sa rooftop mag papakamatay agad! Sumakay ako ng elevator at saka bumaba sa ground floor diretso sa parking area. Nakita ko agad duon yung big bike ko kaya naman sumakay na ako.
Imbis na mag liliwaliw ako ay napurnada pa dahil sa mga tao'ng malakas mag hinala!
Hindi ko alam kung nasaan na ako. basta ang alam ko na lang ay huminto ako sa isa'ng lugar kung saan para'ng abandonado na. Iniwan ko na lang duon yung big bike ko at saka nag lakad-lakad.
Napansin ko'ng isa ito'ng playground na napag lipasan na. Halawa'ng matagal na'ng wala'ng tumao dito. Napa ngiti ako, isipin pa lang na ako lang ang nakaka alam nito ay nakakatuwa na!
Kumuha ako ng mga pictures at saka nilibot ang kabuoan. Ang laki masyado dito saka tahimik! Mas maganda ito compare duon sa rooftop! Saka ito, natatakpan pa sya ng malalaking puno at halatang malayo sa kabihasnan!
"Aba.. Mukha'ng may bago na ako'ng tambayan.." naka ngiti'ng saad ko.
Nag tagal lang ako duon ng ila'ng oras at umalis din ng mag gagabi na. That place... That will be in my name from now own.
My Skyland..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top