Signals

Naka tingin lang ako sa kisame. Masama ang pakiramdam ko. Isang linggo na mula ng malaman ko na mga magulang pala namin yung naka sama ko sa iisang lugar.

Pero ang pinag tataka ko, the moment na malaman ko na sila yung mga magulang ko.

I don't feel anything.

Kinuha ko agad yung cellphone ko. It's 3:30 in the morning at hindi ko alam kung tulog na si Akiko. Kahapon narito sya pero nami-miss ko agad sya.

To: Dhie

Sleeping?

Pag send ko pumikit ako. Maya-maya lang biglang tumunog yung cellphone ko. Nag reply sya, so it means gising pa sya.

From: Dhie

Nope. Is there something wrong? Why are you still awake?

Mag ta-type palang sana ako ng sagot pero tumatawag na sya. Nilingon ko si Jarred. As usual, naka siksik na naman sa tabi ko. Hindi ko alam sa kanya kung bakit hindi sya lumipat sa condo nya, hindi yung sakin sya sumisiksik.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto bago ko sinagot iyon.

"Hell--"

[What took you so long?]  napa irap ako.

"Baka magising si Jarred."

[Why? Is he sleeping inside your room?]

"Yeah." sagot ko agad. Narinig kong bumuntong hininga sya.

[Is there something wrong? Anong oras na, gising ka pa.]

"Can I see you? Puntahan kita dyan. Mag co-commute nalang--"

[No. Sunduin nalang kita, okay? I love you.]

"I love y--"

Hindi ko na nasabi yung gusto sabihin ng biglang bumaliktad yung sikmura ko. Tumakbo agad ako papuntang sink at saka dumuwal. Naluluha na ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Pag tapos ay nag mumog ako, then nakita kong off na yung tawag.

Naupo lang ako sa gilid ng sink dahil hindi parin maganda ang pakiramdam ko. Medyo naka ramdam narin ako ng pagka alarma..

Agad akong pumunta ng kwarto ko at saka tinignan sanitary napkin ko. Wala pang bawas eh dapat last week meron na ako.

Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan. Tinignan ko si Jarred na sarap na sarap sa tulog. Anong sasabihin nya kung sakaling may nagawa ako?

Lumabas na ako ng kwarto. Nalasahan ko kasi yung pait sa bibig ko kaya kumuha ako ng chocolate syrup. Pero ng tignan ko yun, bigla akong nauta. Naupo nalang ako and after minutes ng pag iisip, may nag doorbell.

Binuksan ko agad yon just to see an exhausted Akiko. Pumasok agad sya at saka ako tinignan sa buong katawan. As if he's checking me.

"May masakit ba sayo, mhie? Bigla ka nalang nag hangup sa cellphone.." sya

"I-I'm okay.."

Naupo kami sa couch. Biglang kumunot yung noo nya pero ako, kumportable lang sa pag upo ko.

"I don't mind you, sitting on my lap. Pero kung inaantok ka na, humiga nalang tayo dito sa couch." sya. Umiling ako kaya bumunton hininga sya.

"Gusto ko kumain ng shawarma." out of nowhere sinabi ko. I felt him get shock pero umiling.

"No you can't. You're not even sure if that's clean." sya. Sumimangot ako saka hinampas yung braso nya. Bakit ayaw nya?

"I want it so go and buy it." naka kunot noong sabi ko but he just rolled his eyes and nibble my ears. "Akiko, I want it. Nagugutom na ako." pag mamakaawa ko. Umayos naman na sya saka tinitigan ako.

"At time like this?" tumango ako. Kumamot sya sa buhok nya saka tinignan ako saying 'are you really serious?' tumango ako saka sya binigyan ng smack sa labi.

"Yes!" sigaw ko ng tumayo na kami.

Kumuha lang ako ng jacket ko at saka sabay na kaming lumabas. Sya na yung nag drive. Kagaya nga ng sinabi nya, walang nabibiling shawarma ng ganitong oras kaya naka simangot lang ako dito sa loob ng kotse nya.

"Mhie.."

"Shut up, Akiko.." naiinis talaga ako.

Bumuntong hininga sya. "What about siopao? Meron nun sa 7/11 , wanna buy some?" parang bigla akong nag laway sa sinabi nya. Wala pa sa alas kwatro na tumango ako. Ngumiti naman sya.

--

"Tatlo ng asado, tapos tatlong bola-bola. Tapos bili tayo ng balot, ayun oh, tatlo din! Tapos Dhie, mang hingi ka ng suka, masarap yon!" natatakam na sabi ko. Sya naman kuha lang ng kuha ng sinasabi ko.

"Bakit tig tatatlo?" sya

"Para mabusog ako. Sige na, okay?" tumango lang sya.

Honestly, right now. May alam na ako sa sarili ko ang I can't find this happiness inside me. Nang maka bili kami ay hindi kami umuwi agad. Niyaya ko sya duon sa 'Skyland'  ko na nadiscover ko long long long time ago pa.

Naka ngiting umupo ako sa gilid. Nilapitan nya ako. I hug him tight and kiss him. Nagulat sya sa ginawa ko kaya nginitian ko sya. I love this man so much. I really really love him with all my heart. Sino ba mag eexpect na ang supladitong lalake na to eh boyfriend ko ngayon?

"I love you so much, dhie." sabay kuha ko nung hawak nya. Natawa lang sya.

"I love you too. Sobra atang gutom ka." umupo sya sa tabi ko. Inuna ko yung siopao. Kinagatan ko agad iyon! Yum, shalaaap!

Kain lang akong kain habang sya naka tingin lang sakin. Inalok ko sya pero tumango lang sya.

"How about the souce?" umiling ako. "Oka-- what are you doing?" parang nandidiri yung mukha nya. Inabot ko kasi sa kanya yung balot na kabubukas ko lang.

"Kainin mo yung sisiw. Akin yung dilaw." ako. Bigla syang umiling.

"No. You can have it all, mhie."

"No. Eat it." umiling parin sya. "Ayaw mo?" naluluhang tanong ko. Nanlaki naman yung mata nya pero umiling lang sya. Still the same Akiko, pag ayaw, ayaw talaga. "Ayaw mo talaga? Huling tanong na'to." ako

"No. If you don't want to eat that, then throw it." tumango nalang ako at nag punas ng luha. Gago, ang manhid ng lalakeng to!

----

Alam kong napapansin na ni Akiko yung pag lakas ko kumain. One time nga nag pahanap ako sa kanya ng siopao na chinese talaga ang gumawa. Ang hayop, sinabi ba naman sakin 'learn how to make it. You're chinese after all'  oh diba, gago?

Tapos meron pa. Ang sabi ko sa kanya, palitan nya yung pabango nya dahil ayoko, pero ang sinabi nya sakin 'I met that perfume before you. Why would I change it?'  gusto ko sya tirisin!

There are sudden changes about my taste. Every morning, I'm vomitting. I fall asleep very fast at ayoko rin kumilos sa bahay. Mabuti nalang umatras agad ako sa company na papasukan ko. Two reasons. Dahil sa katamaran ko at dahil narin sa.. 'Tatay' ko ang company na yon.

Siguro nga, galit ako sa kanya. Masisis nyo ba ako? I was abandoned by my own parents. Sa pamilya namin, kapatid ko lang ang may tanggap sakin. And that's more than enough forme. I wouldn't know what to do kung iiwan ako ni Jarred. Not him.

Kasalukuyan akong naka upo dito sa isang sweet shop. Kumakain ako ng ice cream at melted mollows with vanila cake. Pinag titinginan nga yung kinakain ko eh. Hindi ako huminto kahit may naka tayo sa harapan ko. Kumakain ako dahil ito ang gusto ng panlasa ko.

"You're eating that much now? So weird." nanlaki yung mata ko at tiningala yung lalakeng yon. This past few days, may hinahanap ako na hindi ko makita o malaman.. Then ngayon, alam ko na!

"Gio!" sabay yakap ko. Agad kong pinisil yung pisngi nya. Ng di ako makuntento ay kinagat ko pa yung tenga nya!

"Awww Sj, stop it!!" sigaw nya! Tumawa lang ako.

"I miss you! Ang gwapo mo parin hanggang ngayon! Pakurot pa nga!" kinurot ko nga sya! Nang gigigil ako! Naka simangot na inalis nya yung kamay ko.

"Mahal pa-derma, wag mo sirain mukha ko." sya.

Ngumiti lang ako. Tapos bumalik na sa kinakain ko. Sinaluha nya ako kumain at tawa lang kami ng tawa habang nag kukwentuhan.  Maya-maya lang umalis na sya. Saglit lang daw sya dito sa pilipinas dahil may pictorial lang sya.

May gusto pa akong marinig na oses eh. Kaya tinawagan ko agad yung phone nya.

[Hello?]

"Miguel!" ako

[Yeah, the one and only?] What do you need?]

"Nothing. Bye!" sabay hangupo ko. Yeah, much better!

Napapa ngiti ako.. Ang gaan ng pakiramdam ko matapos makausap yung dalawang yun ah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top