Preparation
AKIKO'S POV
Papunta ako'ng division office. Hindi mawala yung ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Sky nung nakaraan linggo.
Dahil dun naka tingin lahat ng student sakin. Naka ngiti din sila'ng binabati ako. Pag dating ko du'n ay sinalubong ako ni Ms. Mirasole.
Pinilit ko paseryosohin yung sarili ko saka tinanguan sya. Hindi ko sya type. Fake nose and boobs doesn't temp me. Unlike Sky na naka cover pa lang ang katawan, nag wawala na yung katawan ko. Nginitian nya ko pero nilagpasan ko sya at dumeretso sa Head Teacher.
"Oh, Sir Akiko. Is there a problem?" naka ngiting bati sakin ng matandang lalaki
"Nothing, Sir. I just want to know who are the judges of the pageant. Tomorrow na iyon." ako
"Ah. We decided to put you there with Sir Mico. May iba pa'ng judges from other school. Iyon lang ba?" sya
"That's all I want to know Sir. I'll take my leave."
Umalis agad ako dun. Nawala yung G.V ko dahil sa Mico na yun. Bwisit sa buhay, dapat mawala na sya. Hindi mapapasakin si Sky kung naka kalat pa sya. Pag dating ko sa room nagulat pa ako ng malakas na tugtog ang sumalubong sakin. Nakita ko duon si Sky at Ismael na sumasayaw.
Seryoso'ng seryoso sila.
Lahat ng estudyante ko ay naka tutok sa kanila'ng dalawa. Nakita ko pa yung Gio na tinuturuan yung dalawa kung paano ang tama'ng step. Nahagip ng paningin nito ako at ngumiti sakin. Tinitigan ko lang sya saka pumunta sa lamesa ko. Hindi nila ako napapansin dahil duon sa dalawa.
"Gio, partner tayo. Ismael, Mizzel, partner kayo." serysong sabi ni Sky na sinunod ng tatlo.
"Ms. Tsui, iyan na ba ang pang lalaban nyo?" ako. Tinignan nila ako.
"Hindi Prof. Pero sisiguraduhin ko'ng mananalo kami." binalik nya na yung atensyon nya sa pag sasayaw.
Sumalang yung kanta at napa taas ang kilay ko. They're dancing like pro. My students are very talented I may say. Kahit yung Gio ay magaling. He can follow Sky's every delicate movements. They are very fond to each other.
Pero nakaka awa lang dahil huli na yan.
Akin na si Sky.
SKY'S POV
"SJ, mag suot ka ng heels. 8 inches will do." Gio. Prente lang sya'ng naka upo at kumakain ng konti'ng gulay. Baka maging kambing na ang best friend ko kaka-gulay.
"Ayoko. Madadapa ako." ako. Nasa cafeteria kami.
"Trust me, you need it. You'll wear formal dress for that pageant, you know." pumilit nya.
"Tama si Gio, Boss. Mag ga-gown ka dun!" Kiko
"Psh. Utak ipis naman yan, ba't kayo maniniwala?" Donna
"Hoy, bwisit na babae. Mag tigil ka kung ayaw mo'ng ibaon ko sa paliparan mo'ng noo yung 8 inch heels na regalo ko kay SJ!" Gio
Literal kami'ng napa nganga sa sinabi ni Gio. Kahit si Donna ay napa nganga sa sinabi nya. Ngumiti sya sami'ng lahat ng pang inosente pero ng dumapo iyon kay Donna ay bigla'ng nag bago. Binato naman sya ni Donna ng fries na naiwasan nito. Ano'ng meron sa kanila? Tinignan ko yung iba pero nag kibit balikat lang sila.
Mag sasalita sana ako pero nag ring yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung caller pero unregistered. Sinagot ko iyon habang sumusubo ng spaghetti.
"*munch Heyyoww..?" ako. Ang haba ng spaghetti!
[How are you..?] ...
"Buhay pa.." ako
[Mm. I'm in Philippines. Let's meet some time?] natigilan ako pagkain sa sinabi nya.
"Busy ako. Bumalik ka na sa bahay mo." ako
[Don't be so cold, Sky.. I've miss--]
"Alam mo Jarred? Busy ako sa pagkain. Mamamayat ako pag natigil 'to." ako.
[Second name basis na pala tayo ngayon? Ganyan mo ba tratuhin ang kuya mo?]
"Gaganahan ba ako'ng tawagin ka'ng Kuya matapos nyo ako itapon?" pinatay ko agad yung phone saka kumain. Ganito'ng gutom ako bawal maistorbo--
"Don't eat much, SJ. Dapat sexy ka para bukas."
"S-Sir M-Mico.." ako
"Yep. I'm looking forward for your presentation, my favorite student. Ikaw din Ismael, galingan mo." Mico
"Syempre naman Sir! Ako pa ba!?" Ismael. Tahimik lang kami ni Gio.
"Haha. As expected from Mr. Cruz. Oh sige, mauuna na ako. 'Marami' pa ako'ng aasikasuhin."
Tinignan nya muna ako bago sya tuluyang umalis. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako'ng hinawakan ni Gio sa kamay. Nakita ko na lang na tapon-tapon na yung pasta na kinakain ko dahil sa panginginig ng kamay ko. Nginitian ko lang sila saka nag patuloy na sa pagkain.
Bukas ay pageant.. Kailangan manalo kami.. Para kay Isma at para sa Date ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top