Popular
Hanggang ngayon hindi parin talaga ako maka paniwala. Parang joke eh. Si Prof Yukimura, professor? AHAHAHA, di nga?
Ang hirap paniwalaan eh. Saka ang bata nya tignan. Mas matatawag pa nga sya'ng estudyante sa paarala'ng ito kesa sabihing professor.
Nag co-concentrate ako dito sa ballpen na nasa pagitan ng ilong at nguso ko. Tinatamad kasi ako makinig kay Prof Yukimura. Ang husky ng boses nya na kala mo bago'ng gising. Ok, sige, pang mama na yung boses nya pero ang itsura nya pang teenager lang kaya nahihirapan ako mag focus at isipin na sya ang magtuturo.
Saka sya na nga ata ang pinag uusapan ng lahat dito dahil sa itsura nya. Bakit ba kasi dito pa sya, to think na mukha'ng hindi pa sya graduate in any course dahil uhg! Ang bata nya talaga eh!
Saka ang poker ng mukha nya. Pilit sya ngumiti at bilang ang salita, pero syempre excempted duon yung pag tuturo nya. Tuwa'ng tuwa naman yung mga classmate ko'ng babae dahil may 'inspirasyon' daw sila. Kung dati si Mrs. Santos ang inspirasyon ng boys, meron na daw ngayon ang girls.
Pero hindi ako kasama dun. Pake ko naman sa inspirasyon nila'ng poker. Mas gusto ko yung palangiti tapos alam mong mukhang anghel. E yan si Prof, mukhang gagawa ng masama pag nagkamali ka.
"Ehem. Miss?" napatingin ako kay Prof. Yukimura at saka tinuro ko ang sarili ko. Tumango sya.
"Tsui, Prof. Bakit?" ako. Bastos ba? Hindi naman, nag tataka lang talaga.
"Put your attention on me. Only." Ano daw?
"Err. Sorry Prof." nakangiwi kong sagot.
Umayos nalang ako ng upo at saka tumingin sa kanya. Pero ang totoo nyan hindi ako nakikinig. MATH!? EIW, alergic ako sa numbers no. Hanggang sa matapos ang klase ay pinilit ko'ng hindi matulog.
Tss, pagod ako no! Biruin mo, lahat ng major subjects namin, sya ang prof. Aba sya ng matalino!
Ka'pagod!
Saan?
Ikaw kaya maupo ng mahabang oras kung di mangawit ang puwet mo.
Pag uwi ko sa bahay, katulad ng dati ay tahimik. Sanay na ako, mag-isa lang naman ako dito. Iingay lang ito'ng bahay pag papapuntahin ko ang mga kaibigan ko. Pero ngayon, 'wag muna.
Naligo lang ako at nag palit ng damit saka dumeretso sa kwarto ko. Hindi na ako kakain dahil wala ako'ng gana. Bakit ba, ayaw ko nga kumakain dito sa bahay dahil wala ako'ng kasabay.
"A long tiring day.. Tss.. Weirdo ng prof ko.." hmp, maka tulog na nga!
"Kikoooo!" Isma
"Bakit?" Kiko
"Tulungan mo ko sa thesis. Dudugo na utak ko!" Isma
"Paano ka matututo kung nakaasa ka sakin? Do it on your own, I'll check it if there's wrong." sagot nito na naka tutok sa binabasa'ng aklat.
"Para saan pa ang 'friendship' kung 'di mo'ko tutulungan? Please? Pwittii pweiish?" Isma
Tinitigan lang sya ng masama ni Kiko at saka bumunto'ng hininga. Kahit anu'ng gawin ni Kiko na pag tanggi kay Ismael ay susuko at susuko parin ito sa kakulitan nung isa.
Andito kami ngayon sa cafeteria ng school. As usual ay maingay, magulo at makukulit ang mga nasa paligid namin.
Mung kailan college na kami saka pa mag lumala ang kakulitan ng bawat isa. Minsan naiisip ko baka katawan lang talaga namin ang nag mamature.
Kumunot ang noo ko ng biglang tumahik ang kanila lang maingay na kapaligiran—
"KYAAA!!"
Este umingay pala dahil sa hindi ko alam na bagay. Katulad nga kasi ng sinasabi ko, hindi ako interesado. Kung hindi ko pa nakita yu'ng tatlo'ng babaita na kasama namin na para'ng mga timang na nangingisay ay hindi ko pa titignan kung sino ang tinitilian nila.
Pag tingin ko sa likod ay.. Kaya naman pala nag titilian ang mga babae. Nasa cafeteria ngayon si Prof Yukimura. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan tumili ng iba, dahil para sakin normal lang naman ang mukha nito.
Gwapo. Matangkad, siguro mga 5"11 yan or 6"1 o mas mataas ng konti— ah basta ayoko sa numbers. Hula ko lang yan! Tapos golden brown ang buhok nya. Singkit sya na kahit malayo makikita mo yung walang buhay nyang mata. Tapos maputi. Masarap ibilad sa araw yan.
"Shet! Le, papunta sya dito!" Mizzel
"ihh, girl kinakabahan ako! Boss, pahiram naman ng compact mirror and foundation!" Lele, napa tawa ako ng wala sa oras na ikinatingin nila.
"Wala ako nun eh. Si Ana, meron panigurado." natatawa'ng saad ko.
"Girl, eto." Ana, halata'ng hindi sila prepared.
Nabato yung tatlo dahil nakatayo na si Prof Yukimura sa harapan ng table namin. Nginitian nila ito at binati, ganun din ako. Pero ngumiwi ako dahil tumango lang ito at tumingin sakin.
Tango ang tugon ko sa tingin nito. Ano naman sasabihin ko?
Pinag bubulungan na kami ng mga nasa paligid, kesyo daw bakit nasa amin si Prof Yukimura. Eh ano ba'ng malay namin kung dito nya ginusto'ng pumunta?
"Sir Aki? Lunch po tayo?" Lele, kinikilig ang bruha!
".. I'm done. Just checking your lunch." sabay alis nito?
Anyare dun? Nagka tinginan kami nila Kiko dahil sa ginawa ni Prof. Sigurado na ako. Weirdo talaga yung bago'ng prof namin!
Nang maka alis sya ay inulan agad kami ng mga tanong.. Seriously, what do we know about him? One week pa lang naman namin sya'ng nagigi'ng professor?
Pero seryoso.. Popular na agad sya ah?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top