Personal Alalay
"Boss dito!" Kiko
Tumakbo agad ako palapit sa kanila. Lunch break na at narito kami sa cefeteria. Kumpleto kami ngayon. May absenera kasi kaming kasama, si Donna. Ewan ba sa babaeng iyon, tamad din pumasok!
Pag dating ko ay napangiti ako at niyakap si Kiko. May naka order na kasing pagkain para sakin. Si Kiko lang naman ang may alam ng pagkain na gusto ko.
"Uy salamat!" ako
"H-Hey.. Fine, just eat." Kiko, sosyal no!
"Oh, Donna? Buti andito ka? Na-miss kita pards!" ako, sabay kain ng fries.
"Psh. Kung di lang ako pinuntahan ni Mr. Labo, baka nasa bahay pa ako at natutulog." kita mo to. Asarin ba yung isa'ng prof namin.
"Haist, nga pala guys. Hangout naman? I kinda miss mountain hiking yah know!" Mizzel
"Pass ako. Wala kwarta eh." ako.
"Maniwala. If we know, ikaw ang hindi nauubusan ng pera. For a loner like you, it's weird na may malaki kang pera everyday!" Lele, ngumiti na lang ako sa kanya.
Ok. Ako na! Sure, I receive monthly allowance. Kasalanan ko ba na malaki ang ipinapadala sakin? Saka, hindi ko nga nauubos iyon within a month. Tapos kahit sabihin ko na may pera ako, basta nalang mag babagsak ng pera, cool right?
Kumain lang kami. Nang matapos ay dumeretso na kami sa room namin. Wala pa'ng estudyante at kami palang. Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Pinag hiwa-hiwalay kami dahil dakilang mga daldalera si Ana, Mizzel at Lele. Ewan ba dyan sa mga yan.
Nag antay lang kami ng MATAGAL saka dumating yung prof namin. Sya na naman na poker ang mukha. Ewan ba dito, kung itatanong mo, kung teenager sya, mukha na syang 20+ pero kung 20+ na sya, mas mukha naman syang teenager. Ang gulo di ba?
Hindi kasi accurate and boses, mukha, at katawan nya. Mukha syang bata pero bumabawi sa boses at katawan e.
Ngumiwi ako dahil ayan na naman yung tingin nya. Psh, may hinanakit ba sakin ito'ng lalaki'ng to? I mean ito'ng prof na to? Baka ibagsak ako nito ah, pepektusan ko sya!
"Ms. Tsui, come here and fill all the blanks in this form." walang emosyon nyang sabi habang nakatitig sakin.
Naka ramdam ako ng kaba. Kinuha ko yung form na hawak ni Prof. Yukimura. Bakit naman kasi nakita nya pa ito? Eh yung iba ko nga'ng mga prof, hindi napansin ang blanks na ito!
"Prof. Pwede lumabas saglit? Dyan lang ako sa pintuan, promise dyan lang ako" sabay ngiti ng pilit. "Tuloy mo na lang ya'ng English."
Hindi ko na hinantay na mag salita sya at lumabas na. Bumuntong hininga lang ako ng makita ang form. Bakit ba? Nakaka-frustrate naman siya!
Name: Tsui, Sky Johan S.
Age: 19
Date of Birth: Jan. 30, 1996
Gender: Female
Address: *****, ******
Contact#: 09*********Home#: 2222-***
Mother's name: __Occupation: __
Father's name: __Occupation: __
Kailangan ko ba talagang sagutan ang mga 'to? Napa lingon ako sa bumukas na pinto, Nakatayo duon si Prof. Yukimura at nakatitig sakin. Lumapit sya sakin na naka pamulsa kaya tinignan ko lang sya.
Tangkad! Hanggang balikat nya lang ako!
"Mindi if I ask?"
"Ho?"
"Iniwan mo na blank iyan. Why?" sya.
Ngumiti ako at bahagyang napailing.
"Wala lang, basta gusto ko lang ho iwan. Hayaan mo na ito, hindi naman importante. Tara, pasok na tayo." naka ngiting aya ko.
"It's important for me." kumunot yung noo ko. "What if may emergency? Who am I going to contact?" napa tawa ko.
"Wala ho'ng mangyayari sakin! Ako pa! Magaling ata ako!" pumasok na ako sa loob. Hindi ko alam pero, naiilang ako sa kanya.
Habang gumagawa ako ng essay dahil iyon ang ipinagawa nya ay alam ko na naka tingin lang sya. Minsan nag tataka ako dito eh. Masyado sya'ng tingin ng tingin sakin.
Madali lang ako natapos. Hindi ko gusto ang lahat ng subjects, tamad nga ako mag-aral pero dahil gusto pumasok ng mga kaibigan ko sa school ay pumapasok rin ako. Oh diba, mabait ako?
"Okay. We still have 20minutes left. So, I'll entertain your questions." Prof Yukimura. Hmp, YUKI na nga lang! Sobra'ng haba ng apilyedo nya.
Nagsi tilian naman yung mga classmates ko na haliparot. Idamay mo na yung tatlong itlog na sila Lele, Mizzel at Ana. Mga chismosa talaga pag dating sa mga lalaki. At si Donna, ayun, panigurado, nag lalaro ng cp nya.
"Sir. Aki, ilang taon ka na?" Chelsea, my walking AIDS classmate. Tingin pa lang, alam ko'ng natikman na yan ng lahat. BAD MOUTH KA SKY! DON'T STATE FACTS, SIS!
"I'm 22." napa woah kaming lahat ang bata nya!
"Sir, bakit ganyan ang name mo? Saka ang bata mo pa, para mag turo!" Lele
"I'm half Japanese. I graduated from a high class university. Accelerated ako." napa 'woah' uli kami. So matalino talaga sya!
"Eh Sir, may girlfriend ho ba kayo!? Ia-apply ko si Boss sa'yo!"
"Hoy! Umayos ka Isma kung ayaw mo samain sakin!" nakaka hiya! Tinignan tuloy nila ako.
"I'm.. Single.."
"Aba pake ko!"
Huli na para maalala ko kung ano'ng aksyon ang ginawa ko kaya napa tingin ako sa kanila na tinignan na ako ngayon. Napa kamot ako sa pisngi ko ng makita ko'ng naka tingin din sakin si Yuki at naka ngiti.
Hindi ko na kinaya yung kahihiyan ko at tumayo na. Nag iinit kasi ang mukha ko dahil sa inis sa sinabi ni Ismael. Idamay ba ako sa kalandian nila!?
*BOSH!!
Bumukas yung pintuan ng room at sa pagka gulat ko ay may biglang yumakap sakin na lalaki. Nag pa-papasag ako dahil hindi ko alam kung sino ba iyon. Lumapit si Yuki samin at akmang mag sasalita ng bumitaw sakin ito'ng lalaki at pinaulanan ako ng halik sa mukha.
Lahat sila naka nganga sa ginawa ng lalaki sakin. Hindi ko napigilang mapa simangot nang makilala ko kung sino iyon.
"Gio!" sigaw ko. Akala ko kung sino nang manyak na manghahalik at yayakap bigla.
"Hello, babe? Miss me?" sabay taas ng kilay nito.
"Bakit ka andito!? Hindi mo ba nakikitang may Professor pa kami. May klase kami ngayon. Dapat hindi ka basta na lang pumapasok. Mapapagalitan ako nyan!" Ako
"Asan? Asan? Wala naman." kunot noong sabi nya habang lumilingon sa paligid. Pag tapos hinawakan nya ako sa kamay at bahagyang hinahanatak. "Tara labas na tayo, na-miss kita ng sobra. I'll makenup to you, babe. I promise." Gio
Napa tingin ako kay Yuki. Agad bumangon sa akin ang kilabot dahil blangko ang ekspresyon nya at saka sampal nga naman sa kanya ang sinabi ni Gio. Nakita ko rin ang mga classmates ko na tumahimik. Oo ramdam na sa buong klasrum na galit na ang prof namin. Biruin mo, linggo pa lang si Yuki ay nagalit agad!
"Ms. Tsui, at my office. Now." mariing utos ni Yuki
Napapalunok na agad akong lumayo kay Gio na nakataas ang isang kilay ngayon.
"Oh.. You're the Prof." ngumiti si Gio ng alanganin. "I'm sorry. Na-miss ko lang talaga si SJ isang buwan kaming di nag kita. Hindi rin kita napansin," sabay tingin nito sakin. "I'll wait you outside, hurry up and come back to me." sabay gulo nito ng buhok at umalis na.
Napapa iling na kinuha ko yung bag ko at sumunod kay Yuki na kalalabas lang. Habang nag lalakad kami sa hallway maraming nakatingin sa kanya. Babae, lalaki, bakla o tomboy? Oo na, sya nang malakas ang appeal, pero wala akong pakielam. Ang inaalala ko ay ang pag punta ko sa office!
Napaka gandang timing naman kasi ni Gio! Bakit ngayon pa sya nangulit. Ayan tuloy! Nakaka takot tignan si Yuki dahil poker na nga sya ay mas naging blangko pa ang itsura nya. Sana magaan ang parusa gaya ng patakbuhin ako sa gymnasium ng sampu'ng ulit!
Napalunok ako habang naka tayo sa harapan ng pintuan ng office. Papasok ba ako o hindi? Tss, hindi ito ang first time na mao-office ako. Numero-uno nga akong suki dito. Kaso iba kasi ngayong hindi si Mrs. Santos ang kausap ko kung hindi ang bago kong prof.
"Are you just going to stand there?" wooh, ang cold men!
"Ito na nga ho, oh. Papasok na." sabay ngiwi ko ng makitang nag tatagis ang bagang nito habang nakatitig sakin. ARU KU PU!
Pumasok na agad ako. Aba, may sarili syang office katulad ng ibang prof? Kung sa bagay, kahit bata pa sya ay dapat lang na meron na syang sariling lugar. Tinignan ko lang sya, at sya na kanina pa ata naka tingin sakin ay malamig ang tingin ngayon.
Phew. Sabay pasimpleng punas ng imaginary sweat ko.
Hindi dapat ang tingin nya ang intindihin ko kung hindi ang parusa ko. Kinakabahan ako ah!
"Prof. Yuki-" Kumunot yung noo nya.
Shit! Shit! May nagawa ba ako!?
"'Sir. Aki', Miss Tsui." i-emphasize ba? Kinamot ko yung pisngi ko. Nakaka ilang sya. Ang strikto pa!
"Prof. Yuki, tungkol sa kanina. Pasensya na ho. Hindi ko rin alam na dadating si Gio. Pasensya sa abala. Pwede na ho ba ako bumalik sa klase?" sabay ngiti ko.
Please, palampasin mo na'ko.
"Public Display Affection is not allowed when we're in class, Ms. Tsui."
"Hindi naman ho kami PDA ah-"
"You kissed. So as a punishment, you'll be my assistant for a week. Clear?" Nakaka takot sya!
"Prof naman! Hindi nga PDA yun. Natural lang na halikan ka ng tao na 'miss' ka!" napapa nguso tuloy ako sa kanya! Ayoko magi'ng alalay.
"Stop pouting. Are we CLEAR?" napa buntong hininga na lang ako at tumango. PSH! AYOKO SA KANYA! PANSIN!
Naka nguso'ng lumabas ako ng office nya. Grabe, alalay for one week?! Siguro mas gusto ko pa'ng mag linis ng public toilet dito sa school kesa ang malapit sa Yuki na'yon!
Baka kasi wala pa'ng 1day ay nag yeyelo na ako sa sobra'ng lamig nya!
--
"SJ! Ano ba? Kakain ka ba o hindi?" Gio
Tinignan ko lang sya saka umub-ob sa lamesa. Kung friday ngayon, edi sa monday ang start ng 'alalay' portion ko. Totoo naman, ang tagalog ng 'assistant' ay 'alalay', pinaganda nya lang.
"Kelan ka pa umuwi?" ako
"Kanina lang. I'm expecting to see you at the airport kanina. Nakaka tampo ka." tinignan ko sya.
"At dahil sa 'tampo' mo. Alalay ako ng prof ko." tinignan nya ako ng nag tataka.
"What do you mean? Nagalit ba sya? Eh mukha naman kasi sya'ng student, to think that he look so young to be a professor!" Gio
"Accelerated 'daw' sya. Anyway, kelan ang balik mo sa France?"
"Kadarating ko lang, balik agad?"
"Hindi sa gano'n. Para alam ko lang. So kelan nga?"
"Psh. My two-weeks-holiday kami. So all in all, more than a week ako dito."
Tumango na lang ako saka kumain. Nagutom ako eh. Ewan sa lalaki'ng to, masyadong gala. Kung maisipan nya'ng pumunta dito sa Pilipinas ay pupunta sya. Siguro totoo ang sinabi nila Tita na pinag lihi sya kay Dora?
Ah. Sya si Gio Alcantara. Best friend ko simula elementary. Sanggang-dikit kami nya'n dahil kami lang naman ang nakaka tagal sa isa't isa. Iyon nga lang ay ginusto'ng mag aral sa France for modeling. Hayaan sya, tutal long time dream nya iyon. Sya lang din ang nakaka-alam ng tungkol sa background ko.
Hindi naman sya nag tagal at umalis na rin. Hindi din sya mag tatagal dito so it means na mag gagala ito kung saan-saan at bago sya umalis ay dun ko na lang uli sya makikita. Gala nga di'ba?
"Yosh! Nakaka stress ang araw na ito, kailangan ko mag pahinga!"
Naligo lang ako at saka dumeretso na sa kama ko. Sana lang hindi ako masyado'ng pahirapan ni Yuki. Wala naman kasi ako'ng kasalanan. He didn't give me a chance to explain my side. Is he really like that? He only believes in what he wants to believe without consulting anyone?
Nakaka inis sya. Weirdo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top