Muse & Escort
Papikit na yung mata ko sa sobrang antok nang biglang bumato sakin ng papel. Tinignan ko kung saan nanggaling iyon saka napa simangot ng makita ko si Danila. Bored na tingin na ipinako ko sa kanya habang nag kakamot ako ng tenga. Psh, ano'ng kailangan nya?
Ganito'ng wala ako sa mood! Ewan ba, hindi maganda ang gising ko kanina'ng umaga! Alm nyo yun? Yung katulad sa mga bata'ng di maganda ang gising, nag mamaktol? Ako yun eh!
Para'ng tanga'ng kung anu-anong senyas ang ginawa nya. Nag 'ah' lang ako nang ma-gets ko na basahin ko daw yung nasa papel. Pwede naman mag salita, ba't di nya ginawa? Ah, baka wala sya'ng toothpaste sa banyo at di nakapag toothbrush? Sige, mamaya rin bibigyan ko sya, marami ako nu'n eh.
Talaga'ng inaantok ako at mas lalo ako'ng inantok sa nabasa ko. Humikab pa nga ako with matching taas ng kamay at diretso ng binti. Nag pupunas ng mata'ng tinignan ko uli yung sulat saka nilamukos at itinapon sa labas ng bintana. Napa 'Oops' ako ng marinig na may tinamaa'ng babae duon. Nasa 2nd floor ako nun eh. Sinilip ko yung babae saka humingi ng pasensya. Nginitian nya lang ako saka nag lakad na, I remember that she's the one who offered me her seat before, sa bus. Such a kind girl.
"Hey, what is your answer na!?" oh, nakalapit na pala sya?
"Huh? Ano ba'ng sagot ang gusto mo?" antok na tanung ko saka kamot sa pisngi ko.
"I'm asking you! Why are you so malapit to those hunk professors of us?!" ano'ng english yun?
"Tsk. Nakatabi ko lang sila." boring na sagot ko.
Mukha naman kuntento sya sinagot ko saka umalis sa gilid ko. Nakita ko'ng nag tataka'ng tinignan ako ng mga classmates ko. Nag taas ako ng balikat para sabihi'ng hindi ko alam. Sa totoo lang, ayaw ng buo'ng klase kay Danila, well isama na rin pala si Chelsea, my walking AIDS classmate.
Yuyuko na sana ko sa sobra'ng antok ng dumating si Yuki. Wala ba'ng karapatan ang mga estudyante na matulog? Nung nasa nursery pa ako ay lagi kami'ng pinapatulog ng teacher namin tuwing tanghali tapos ngayon bawal na? Psh, natatandaan ko pa ang sinabi ng teacher ko that time.
"Ugaliin nyo'ng matulog ng tanghali para maging healthy kayo.." saulo ko yun! Syempre, motto ko na yun simula nursery ako!
"Is there a problem, Ms Tsui?" Yuki
Nag 'huh' lang ako. Tinignan ko sila Isma at ang mga loko, nag pipigil ng tawa! Tinignan ko si Donna at Kiko, natatawa din sila! Ngumiti lang ako ng alanganin kay Yuki at saka napa kamot sa pisngi ko.
"Is there something bothering you?" sya
"Ah. Wala ho. May naalala lang." nasabi ko ng malakas yun!?
"Your boyfriend?" tanung pa nya.
"Di'ah!" agad na sagot ko.
Tinignan nya lang ako na sinasabi'ng 'really?' tumango ako na para'ng bata. Nag simula na sya'ng mag salita uli. So meron pala'ng Mr. & Ms. College na gagawin ang school at meron din labanan ng bawat class. Mamimili daw kami ng magigi'ng muse at syempre kasama ng escort duon. Hinayaan ko lang sila'ng mag recommend na gusto nila'ng muse.
Hindi sinasadya'ng napa tingin ako kay Yuki. Naka tingin sya sa mga classmates ko na sobra'ng kukulit na kung sinu-sino ang tinuturo. Nadamay pa si Romar, yung nerd classmate ko.
Isinulat na nya yung tatlo'ng napili na maging muse sa whiteboard. Napa ngisi ako ng makita na isa si Lele sa mga iyon. Tumayo na ako saka umupo sa armchair ko na ikina tingin ni Lele. Halata'ng hindi nya gusto sumama.
Ang mga nakalagay duon ay si Lele na ang tunay na pangalan ay Lean Anne Carlson, si Danila at Diana . Masaya ako para sa kaibigan ko. Kahit na inaantok ako ay hindi pwede'ng di sya suportahan. Nakaka ilang lang dahil masama'ng tingin na ang tinitingin nya kay.. Ismael.. pahamak talaga -_-
"Oy pards, do your best..?" patanung na saad ko kay Lele na ikina lingon nila.
"Letche, Boss! 'Wag mo na gatungan!" sigaw nya na ikinatawa ko.
"Ok. 3 muses. How about escorts?" Yuki. Naah, kelan ba magkaka emosyon yan bukod sa mapang asar na ngiti nya?
"Si Kiko, Sir!" sigaw agad ni Isma na ikina simangot ni Kiko.
"Ayoko ho Si- tsk." Kiko. Hindi na nya naituloy dahil naisulat na nya agad iyon.
"Isama mo na rin si Ismael, Sir! Hot ang katawan nyan!" Mizzel.
"Hah!? Ako ba ang tinutukoy mo, Mizzel? Sige Sir, walang problema sakin yan!" yabang ni Isma -_-
Naka lagay na yung pag bobotohan namin. Nakita na ang muses kaya naman ang mga escorts naman ay sina, Kiko, Ismael, Tammy at Andrew. Kung tutuusin ay gwapo naman lahat ng nasa section namin. Sabi nga, mas angat ang 'lowest' sections compare sa 'highest' sections. Naka kalumbaba ako habang tinitignan yung pito sa harapan. Maganda naman sila at gwapo. nagkataon lang na dalawa lang ang pwede mapili.
Nag simula ng mag botohan ng biglang umeksena si Anna na mukhang may binabalak. Ngayon pa lang hindi ko na gusto ang naka ukit sa mga labi nya habang naka tingin sakin. Tinignan ko sya ng masama at alam ko'ng natakot sya. Pero mukhang buo na ang pasya nya.
"Sir Aki. Apat ho yung escorts and tatlo ang muse. Isama nalang ho natin si Boss para fair ang laban!" tinignan ko si Yuki at umiling pero. BWISIT!
"Ok. Ms. Tsui will participating. I'll give you 1minute to vote the muse and escort." Yuki
Naka simangot na inantay ko yung resulta. Hindi ako mahilig sumama sa ganyan. Pero bahala na. Hindi rin naman masama na subukan ko. last year na namin in collage so so better ride on my crazy friends' trip. Pinasulat kami sa isa'ng papel at ilalagay dun ang candidate namin. Hindi na ako nag taka ng malaman ko'ng si Ismael ang escort pero.
"So the muse is." parang ayaw pa sabihin ni Yuki ah.
"Sino Sir?" lahat sila.
"Ms. Tsui."
Muntikan ako'ng malaglag sa upuan ko ng biglang tumakbo palapit sakin si Isma at niyakap ako. Masaya na sya nyan dahil partner kami. Kadalasan kasi ay si Kiko ang partner ko. Nakita ko'ng masaya naman ang lahat. Bukod kay Danila na gusto na ata ako'ng ibaon sa lupa.
"Ok. Ipapasa ko sa Head Teacher ang candidates. Take your lunchbreak now." Yuki
Biruin mo nga naman. Ako pa ang nakuha. Ano kaya'ng ginagawa sa mga ganun? Hindi naman kasi kami nanunuod ng mga events kaya hindi namin alam ni Isma ang gagawin. Siguro mag tatanung nalang kami kay Yuki.
Lumabas na lang kami at saka dumeretso sa cafeteria. Parang biglaan ako'ng nagutom dahil duon. Kailangan ba'ng may talent portion? Kung kailangan, wala'ng problema dahil ang group of friends ko ay talent ang pag sasayaw. Kasama syempre si Donna na tamad.
"Boss, galingan natin ha?" excited na sabi Isma sakin habang nag lalakad.
"Oo naman. Ikaw na'ng bahala sakin partner." ako
"Yeeeii! Kaya loves na loves kita eh! galingan natin para sa class natin!" Isma.
Tumakbo na ako papunta'ng cafeteria dahil sa sobrang excite ni Isma ay tumakbo sya habang nag sisisisgaw at sumunod na ang iba. Sana lang maganda ang kalabasan naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top