His Place
After class, nag kita kami ni Donna. Ayoko sana maging rude pero. Partner kami sa isang activity ng subject namin, which is Economics. Seryoso, magagamit ba namin yun sa course namin? At isa pa.. Parehas kaming tamad ni Donna, anong mangyayari samin?
Dumeretso muna ako sa office ni Yuki. Pero wala naman sya duon kaya minabuti ko na mag lakad na papuntang parking area. Mas gusto ko dito dumaan dahil wala masyadong dumadaan, tahimik pa.
Bakit kaya weirdo yun?
"Teka! A-Aray! Bitawan mo nga ko!" biglang may humatak sakin, hindi ko kilala!
"Hey! I said let go or I'll call my Adviser! Sige ka, nakaka takot yun!" parang bata na pananakot ko.
Bwisit! Ang lakas nya! Advantage ba talaga ang pagiging matangkad? At saka, sino ba itong lalaking to!?
Huminto kami sa isang.. Woah, nice Bugatti huh? Rich kid, ganon?
"Hala, bitaw!" sabay kalas ko sa paghawak nya, bwisit ang sakit!
Mag sasalita pa sana ako kaso binukas nya yung pinto... E-Err, ayoko nga baka bigla nalang ako rape-in nyan! Kaso..
Parang imposible din?
Lalo na kung ang humatak pala sakin eh yung..
Sintu-sinto ko'ng Professor!
Humarap kasi sya sakin, and guess what!? Ang laki ng ngiti nya sa labi habang naka tingin sakin! Nababaliw na talaga si Prof Oh! Humakbang na ako palayo pero hinablot nya ko!
"So... If ever someone grab you.. You'll call me first?" ay putek! Yun ba yon!?
"Ahm, sorry Prof, hindi ko naman ho balak—"
"Great. Now let's go to my place 'cause you got lot works to do."
"Ha!? Akala ko tapus na!? Kailangan ko na umuwi! Prof naman!" sinenyasan nya lang ako na pumasok kaya wala na akong nagawa.
Pero in fairness, ang ganda ng sasakyan nya! Rich kid, sobra! Hindi ko alam kung gano ako katagal naka upo dito. Naiilang kasi ako kay Yuki. Tinignan ko sya and..
May itsura naman sya.
Fine, gwapo sya PERIOD! Makinis ang balat, meron sya'ng rosy cheeks at mapupungay na mata. He has long and pure black lashes. Yung kilay nya, para'ng naka pluck pero hindi. And that made him more sexy. Sa side view, meron syang nice bridge of nose, unlike mine na maliit. Pero pag naka harap sya, maliit tignan yung nose nya. Medyo magulo na rin yung may kahabaan nyang GOLDEN BROWN na buhok.
Professor ba talaga sya? Kasi bawal samin ang naka 'hikaw', which is meron sya! May 'color' ang buhok na kulay GOLDEN BROWN. At siguro akala nya hindi ko napansin, meron syang piercing sa dila at meron din sa itaas ng kaliwang tenga nya! Seriously. Hindi sya magandang ihemplo samin!
Mas bagay sa kanya maging 'gigolo' dahil iyon ang feature nya. Naka suot na sya ngayon ng plain white fit v-neck shirt at saka naka faded skinny jeans na sya. Eh totoy parin naman pala ang pormahan nya!
"I told you.. I'll melt." nanlaki yung mga mata ko dahil naka tingin na sya sakin at naka ngisi!
"Huh?! Ang kaps mo Prof Yuki! Tinignan ko lang 'yang porma mo!" sabay iwas ko ng tingin.
"You're looking at my face, not my fashion style, Sky."
"Ah. Eh napa tingin lang. Andito na ba tayo?" pag iiba ko. Tumango lang sya.
Laglag panga!
"Di nga? Baka naman bahay yan ng amo mo t-tapos anak ka ng katulong dyan? Kasi.. Kasi IMPOSIBLE!"
Umiling lang sya saka bumusina. Lumaki yung mata ko kasi biglang bumukas yung gate! Woah! Ilang beses kaya dapat palakihin ang bahay ko para maging katulad nyan!?
Para ako'ng pumasok sa ibang dimensyon! kasi.. Kais ang galing! Yung garden nya, hindi ko alam kung paano nangyari ng kulay itim at pula lang ang mga bulakalak! Parang yung sa mga anime na kalaban..
Kinankabahan na ako! Paano kung... Kung..?
Ayaw ko pa sana bumaba nung huminto yung kotse pero napilitan ako. Napa lunok ako dahil malaki yung bahay pero napaka neat... W-What I mean is parang ayaw ko pumasok! Kasi.. BLACK and WHITE and mixture ng bahay nya. Para sya'ng sindikato!
May sumalubo'ng samin na lalaki. AMPOGI kaso mukhang mas matanda pa samin eh. Kinakabahan ako! Baka mamaya kampi silang dalawa!
Mabibigat na hakbang na pumasok kami. Walang kabuhay-buhay yung paligid, bagay talaga kay Yuki. Tapos marami din pala'ng maids na naka tingin sakin at halatang gulat sila.
'Oh shoot! Hindi naman kaya bago'ng biktima ako!?'
"P-Prof... Hindi m-mo naman balak na k-kunin yung laman loob ko t-tapos ibebenta sa sindikatus n-neh?" bulong ko. Mukha na ata akong tanga dahil kulay papel na ko!
Kumunot yung noo nya, tapos bigla sya'ng ngumiti! Yumuko sya sakin at lumapit sa tenga ko, KINIKILABUTAN AKO! Nakita ko rin kung paano ako tignan ng masama ng mga katulong nya, oh mer gerd!
"How did you know..?"
O____O
Tatakbo na sana ko pero bila nya ako'ng hinaklit sa bewang at saka sabay kaming bumagsak sa malambot na couch nya! Kaya ang pwesto namin naka upo sya at ako naman ay naka kalong sa kanya!
"Haha! I'm just kidding, angel."
Narinig ko pa ang pag singhap ng mga maids at pati na rin yung lalaki.. A-At syempre ako din.. A-Ang ganda kasi pakinggan ng tawa nya.. Ang sexy pakinggan tapos parang music, pero mas nagulat ako dahil tinawag nya akong 'angel'.
Pumalupot ang mga braso nya sa bewang ko. Kasabay nun ay ang pag baon ng mukha nya sa batok ko!
Hindi ko alam kung bakit pero parang may spark? Hindi ko mapaliwanag pero meron talaga eih! Napa pikit ako ng hindi ko alam dahil bahagya nya'ng ikuskos yung pisngi nya sa batok ko! Gusto ko na kumawala!
Hindi ko na nakayanan kaya..
"A-Akiko... Stop.."
Is that a moan!?
Narealize ko kung ano yung tinawag ko sa kanya. Kaya agad akong humarap. He's amazed a-and.. l-lust are all over his eyes..
Pinilit kong tumayo pero nilapitan nya ako at saka nginitian ng matamis. Seryoso, ayoko nakikitang naka ngiti sya! ANG CREEPY!
"I like my name even more after you said it." sabay haplos sa pisngi ko.
Natanga ako dun ah?
*EHEM
Biglang naging blangko yung ekspresyon ni Yuki saka ako lumingon sa babae na ngayon ay naka tingin sakin ng masama. Hindi ko sila masisisi kung may isang katulad ni Yuki na naka lapit sakin. Panigurado crush nila itong Prof ko.
"Master, naka hain na po yung pagkain." umirap pa ito sakin bago tumalikod. Anyare?
"Let's go." Yuki
"Saan?"
"In my room." pamimilosopo nya. Napa nguso nalang ako saka sumunod sa kanya.
Para'ng mag lalaway na ako sa dami ng pagkain, pero kasi kahit ano'ng dami ang gusto ko'ng kainin hindi kaya ng tyan ko >3<. Pero.. may iba. Kahit na kasi marami ang pagkain ay parang may kulang..
"Donald, where's Sky's plate?" Yuki..
Patukoy nya sa lalaki na pogi. Oo nga. Si Yuki lang yung may plato tapos ako, andun lang para tumunganga sa kanya? Pero hindi naman iyon ang tinutukoy kong 'kulang'.
Kulang sa saya.
"Prof. Yuki naman! Ayos lang ako, sa bahay na ako kakai—"
"Psh. Pakunwari pa." maid1
"Day wag ka maingay.. Marinig ka ni Master!" maid2
"Nakaka irita sya! Akala mo kung sin—"
"Pack your things. You're fired. Donald, itapon mo lahat yan, sa labas kami kakain." Yuki, hala!? Sayang naman!
And FIRED!? Alam nya ba kung gaano kahirap mag hanap ng trabaho ngayon!? Si Kuya Donald naman, inutusan na yung mga katulong na mag ligpit! Hala! Konting konsiderasyon naman sa mga taong hindi nakaka kain ng tatlong beses sa isang araw.
Or worse ay sa loob ng isang araw!
"Teka Prof, sayang naman yun! Pinag hirapan nila yan!" tinignan nya lang ako saka mag lalakad na sana pero hinila ko sya.
"Prof naman. Sayang yung foods. Kung ayaw mo kainin wag mo itapon, iuuwi ko nala—"
"Sky, let me do whatever I want. Hindi natin kailangan yan." malamig na sagot nya.
"Sige, pero iuuwi ko yung foods para ibigay dun sa mga bata sa kalsada. OK ba yon?" kumunot yung noo nya.
"For what? Itapon mo na lang. Donald, why aren't you moving? Itapo—"
"AKIKO YUKIMURA! Kuya Donald, paki lagay na lang po sa container kasi ibibigay ko na lang sa mga bata sa labas. At ikaw, ayaw mo ba ng niluto nila!?" umiinit ang ulo ko sa kanya!
Natigilan silang lahat sa pag sigaw ko! Anong pakielam ko kung nasa bahay nya ako!? Sayang ang pagkain at pera nya!
Tapos sya, mag tatapon lang!? MY GOODNESS!
"Ano, sagot Akiko!" grabe!
Tumango lang sya at nag iwas ng tingin! Aba dapat lang na mahiya sya!
"Ganon!? Kuya Donald, pahiram ng kusina nyo. Hoy, dyan ka lang ha, mag antay ka dyan! Pag ikaw umalis at iniwan ako, pepektusan kita!" saka ako nag lakad paalis. Napahinto rin ako saka naka ngiti ng alanganin kay Kuya Donald na ngayon ay ngi-ngiti-ngiti lang sakin.
"Eh.. Kuya Donald, san ba yung kitchen dito? Hehehe." Narinig ko'ng tumawa si Yuki pero nag takip din ng mukha.
Nang makarating kami dun GRABE! Kasing lawak ng buong tinitirahan ko -_-
"Sige Kuya, Thanks ha? Wag mo palalabasin yung sintu-sinto nyo'ng amo ha? Kun'di uuwi sya dito ng may bukol!" sabay kindat ko. Tumawa lang ito.
"Ikaw lang ang naka gawa nyan sa alaga ko. Sige, maiwan na kita." Ngumiti lang ako.
Siguro nga? Mukha kasing spoiled brat si Yuki -_-
Nakita ko na may karne duon at mga gulay. Napa ngiti na lang ako, it's been so long since the last time I cooked for someone. Hinugasan ko na yung karne saka hinawa. Sumunod ko'ng ginawa ay yung pag huhugas ng gulay at pag babalat.
Masyado ako'ng abala sa pag hihiwa ng biglang may humawak sa bewang ko. Agad akong napa ikot para lang malaman na naka kulong na pala ako sa kanya. Naka ngiti sya sakin at saka tumingin sa ginagawa ko. Ewan, naiilang ako sa kanya!
"Prof—"
"Aki na lang. We're not in school. So, what are you cooking?"
"A-Ah.. Caldereta. Kumakain ka ba nito?" Ako
"Hmm? I don't know that."
"Oh edi kainin mo to mamaya. Kaya layo na sakin kasi nakaka ilang."
"Ya.da" (Ayaw)
"Isa."
"Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. I know how to count, angel."
Hindi ko alam pero nag-init bigla yung mukha ko kaya nag iwas ako ng tingin at itinulak sya. Hinarap ko na yung ginagawa ko kahit alam ko na naka titig lang sya.
Habang nag luluto ako, ang dami nyang tanung. Kung bakit kailangan lagyan ng liver's spread ang caldereta, at bakit kailangan pa ng gulay eh ang 'beef steak' daw hindi na nilalagyan. Seriously, kelan ba sya pinanganak!?
Hindi na kami pumunta sa dining area at dun ko nalang nilagay sa table ng kitchen yung pagkain. Hinain ko muna iyon at binigyan sya ng plato at saka nilagyan iyon ng kanin at ulam. Naku, pag di nya nagustuhan yan, itatali ko sya!
"Kain na! Masarap yan!" masayang sabi ko pero naka tingin lang sya.
"Ayoko nito. Itapon—"
Alam ko kung ano nang sasabihin nya kaya kinuha ko yung kutsara at kumuha ng kanin at ulam saka isinubo sa kanya. Ngumunguya nguya lang sya at sa pagka tataka ko ah ngumanga pa sya saka naka tingin sakin. Oh bakit sya naka nganga?
"Ayos ka lang?" ako
"Ahh.." hanu daw?
"Huh? Di ka pa ba kakain? Mukha naman nagustuhan mo eh." tinignan nya lang ako saka ngumanga uli.
"Ahh!" this time, para syang nag utos.
"Ano ba y—"
"Feed me already. I'm hungry!"
"Ano ka!? Pinag luto na nga kita tapos susubuan pa kita?! Naku bahala ka dyan! Uuwi na ako!" aalis na sana ako ng hatakin nya ako at paupuin sa lap nya.
"Joke. Eat with me."
"Paano kung naka kalong ako say—"
Kinuha nya yung kutsara na hawak ko saka nag kuha ng pagkain at akmang isusubo sakin ng umiwas ako. Ano tingin nya sakin, baldado? Saka bakit ba ganito to!? Gusto ko na kaya umuwi para maibigay ko ng yung foods!
"What?" sya
"Psh. Uuwi na ako, gabi na rin oh! Maawa ka naman sakin!"
"Sleep her—"
"Prof.. baka nakaka limutan mo.. Hindi ko pinapansin ang ginagawa mo sakin. But that doesn't mean it's nothing for me. Umakto ho kayo ng tama, baka sakaling magka sundo tayo."
Umalis na ako. Nakita ko si Kuya Donald na hawak yung mga container. Nag pasama ako hanggang sa pintuan, alam ko'ng naka tingin lang sya sakin na mayroo'ng blangko'ng mukha kaya hindi na ako lumingon saka nag pahatid sa gate para mag antay ng taxi.
Sumakay agad ako ng taxi at saka sinabi kung san ako nakatira. Nang madaanan ko yung isang pamilya na nakatira lang sa kariton ay pinatigil ko muna yung taxi saka tinawag yung bata'ng babae na lumapit agad.
"Ano po iyon Ate?" bata
"Be, ito oh. Ibigay mo sa mama mo, sa inyo na lang iyan :)"
"Ay! Salamat po Ate, hindi pa nga po kami nakain! Salamat po uli!" tumango lang ako, tumakbo na ito papunta sa kariton nila.
*kriiing.. *kriing
Sinagot ko yung cellphone ko ng hindi manlang tinitignan kung sino iyon. Nawala ako sa mood dahil kay Yuki, kailang sya.
"Hello?"
[Your money was sent to you 5 minutes ago. Just check it.] heck, ba't sumabay pa 'to!
"I don't need it."
[Sky Johan—]
"Bye."
Psh. Life sucks. How I wish something new will come. Nakaka sawa na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top