Feelings

SKY'S POV

Bumuntong hininga ako at kinuha ang life size teddy bear na naka lagay sa tabi ng pinto ko. Pumasok ako at naupo sa couch. Si Jarred naman, busy sa egg facial mask nya habang natutulog. Kaarteng tao talaga.

Tinitigan ko ang card na naka lagay duon. Galing uli ito kay Yahiko. These past few day, he keeps on sending me this sweet stuffs. Naiilang na ako sa kakaibang ginagawa nya. I admit.. T-The kiss was to tensed pero.. Hinahanap ng labiu ko ay hindi kanya.. Kay Akiko.

Naiilang ako sa ginagawa nya. Hindi ko maatim. Pakiramdam ko ay nag tataksil ako. Sa walang kahit anong dahilan. Panigurado kasi ay masaya na si Akiko. Sa piling ni Mia. Pero ako, eto. Nag mumukmok parin sa sulok. Tahimik na nag dadasal na sana balang araw, bumalik sya sakin.

Mahal na mahal ko sya. Sobra na kaya kong i-give up yung kasiyahan ko, para sa kanya. Ganun ko sya kamahal.

Singot ko agad yung tawag sa phone ko.

"Yahiko." ako

[Hi! Na-receive mo ba yung bear? Ang cute di'ba? Anyway, I call out. Gusto ko itanung kung free ka ba ngayon?] agad akong naka ramdam ng discomfort.


"Yahiko.." bumuntong hininga ako.

[Yes? Di mo ba nagustuhan?] rinig ko ang lungkot sa kanya pero di tama ito.

"Ihinto mo na ang pag papalipad hangin mo. Ex ko ang kapatid mo. Hindi maganda tignan na nang liligaw ka sakin." seryoso kong sabi. Last week, lantaran nya sinabing mang liligaw sya sakin.

[Pero wala na kayo. You're free and I am. Walang masama hanggat--]

"I-I love Akiko and you know it.. A-Ayoko saktan ka pero di ko kaya na tumingin sa iba."

Nasasaktan ako sa sinasabi ko. He's like a brother to me and nothing more. Katahimikan ang nasa kabilang side ng linya. Pumikit ako ng mariin at hinintay ang sasabihin nya ng marinig ko ang mahinang pag singhot nya. Na-alarma tuloy ako.

"U-Umiiyak ka ba!? I-I'm sorry.. I'm so sorry.." bulong ko. Hindi ko kayang mahalin sya.

[No! I-I'm just happy! Please love my brother like there's no tomorrow.] mahina nyang sabi ko. Di ko alam pero ramdam ko ang pag gaan ng pakiramdam ko.

"Yahiko.. I want to be honest to you. Hindi ko naramdam ang kahit anong kilig nang.. Nang mag simula kang mag --"

[You won't feel anything because I don't mean everything] natatawang sabi nya na nag palalaglag ng panga ko.

Bago pa man ako makapag tanung ay humalakhak na sya at pinatay ang tawag. Ano daw?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top