'Do I have The Right?'

SKY'S POV

Natigilan ako sa pag s-strum ng gitara ng maramdaman ko yung mahigpit na yakap sa likuran ko. Hindi ako kumibo o ano pa man. Sa pabango palang alam ko naman na kung sino iyon. Hindi maiwasang may kumirot sa dibdib ko ngayong narito na sya.

Mas humigpit yung yakap nya sakin. Pinilit kong mag paka tatag at huwag tumulo ang luha. Nakakapagod umiyak ng walang dahilan. Nang mapansin nya sigurong hindi ako kumikibo ay hinarap nya ako sa kanya. Nag iinit na naman yung sulok ng mga mata ko.

Shit. Nag mahal lang ako naging iyakin na ako!

"Mhie.. Mhie, I miss you so bad.. I'm sorry kung ngayon lang ako naka balik.." mahinang sabi nya saka ako pina harap. Nilagay nya yung dalawang palad nya sa pisngi ko, pababa hanggang sa balikat ko. Akma sana syang hahalik ng umiwas ako, kaya ang nangyari ay sa pisngi ko sya napa halik.

Yung pakiramdam na ISANG BUWAN! Isang buwan syang nawala at halos mabaliw ako dahil wala manlang akong balita sa kanya? Hindi ko alam kung magagalit ako o mami-miss sya! Nag hahalo yung emosyon sa dibdib ko at nangingibaw yung pangungulila ko sa kanya pero ayoko munang ipakita iyon. Gusto kong malaman nya na hindi ko nagustuhan ang ginawa nya.

Para akong tanga na hinintay sya!

"You're sorry? Akiko, pinag mukha mo lang naman akong tanga! Halos araw-araw pumupunta ako sa inyo! Nag babaka sakaling naka uwi ka na o may balita na galing sayo, pero wala! Wala!" nag simula ng tumulo yung mga luha ko.

"Sky, I have my reason. Si Mia.. Yung anemia nya napunta na sa leukemia at nasa second stage na. Sana maintindihan mo na kailangan nya ako." nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nag pahalata. So that's why!

"Si Mia ulit? Akiko di'ba sinabi ko na! Maiintindihan ko kung kailangan mong alagaan sya! Hindi makitid ang utak ko para hindi ka payagan! Pero yung aalis ka at ilihim sakin lahat ng to, yun ang hindi ko maintindihan!" hikbing sabi ko. Agad kong pinunsan yung luha ko pero ayaw talagang tumigil. Pesteng luha! Pinag mumukha lalo akong tanga.

"Kailangan din naman kita eh. Kailangan din kita sa tabi ko.." napa yuko ako. Naalala ko ko yung mga sinabi ni Yahiko. Childhood sweethearts sila pero ang sinabi nya sakin ay mag kaibigan lang sila. Obvious na tinatago nya at para akong tanga na nasasaktan duon.

"Sky, bakit ba nagkaka ganyan ka? I told you already, it's because of Mia!" nawawalan na sya ng pasensya. Umiling ako saka sya tiningala. Bakas sa mukha nya yung inis na alam kong anu mang oras pwede nya akong saktan. Kagaya ng dati.

"Yeah, mas priority mo pa nga sya kesa sakin na girlfriend mo.." cold na sabi ko saka tumingin sa malayo. At tingin ko yun yung nagpa patid ng pasensya nya. One thing I should remind to myself.

Never try Akiko because he has short patience.

Hinablot nya agad yung braso ko saka bahagyang inangat. Napa ngiwi ako sa higpit ng pagkaka hawak nya. Alam kong anu mang oras, pwede nya akong saktan. Sa isiping iyon na nakikita ko sa kanya ngayon, hindi ko maiwasang pumikit. Nang dahil sa mga bagay na ito, nag aaway kami.

"Pinaiiral mo iyang selos mo, Sky. Alam mo ba yon?" mariing tanung nya. Sumigaw na ako sa sobrang higpit ng hawak nya sa braso ko. Tuloy tuloy yung agos ng luha ko ng marahas nya akong bitawan. Humakbang agad ako palayo saka tumalikod para mag punas ng luha.

Nasasaktan ako. Nag seselos ako. Normal lang naman iyon kung mahal ko yung taong yon diba? Mas magalit nga dapat sya kung wala akong pakielam sa kanilang dalawa ni Mia. Hindi ko nga alam kung ano na nag ginagawa nilang dalawa habang naka talikod ako!

Knowing Mia by myself and base on Yahiko's stories. Mia can't be trusted! Pero sa sitwasyon ngayon, dapat hindi kami mag pataasan ng pride. Tama sya. Dapat nga huwag ko rin pairalin yung pag seselos ko. Ayokong ito ang maging dahilan para mag hiwalay kami. Alam kong para akong tanga. Kalaban ko yung dati nyang mahal.. O hanggang ngayon mahal nya parin? Kahit alin man duon, ayoko parin na magka hiwalay kami.

Kung kinakailangang ako ang unang aamo sa amin, gagawin ko.. Huminga ako ng malalim saka humarap sa kanya. Bakas parin yung galit sa mukha nya. Nanginginig na yumakap ako sa kanya saka binaon yung mukha sa dibdib nya. Alam kong mali din yung ginawa ko.

"I-I'm sorry. Nadala lang ako sa sitwasyon.. Isang buwan kang wala.. Hindi mo naman maiiwasan sakin yung masaktan at mag isip ng kung a-anu-anong bagay.. Lalo na't alam naman nating pareho na may gusto sya sayo.." mahinang sabi ko. Hindi ko na babanggitin yung tungkol sa picture na pinost nya sa facebook para hindi kami mag away.

Pumalibot na yung braso nya sa likod ko saka ako niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry.. N-Nasaktan kita.. I'm so sorry Mhie.. I'm sorry kung pinag alala kita.. I'm so sorry." bulong nya sakin. Tumango nalang ako saka sya niyakap ng mas mahigpit. God, I miss him so much!

--

Nag desisyon kaming kumain ng lunch sa labas then after nun ay sabi nya, pupuntahan daw namin si Mia. Nilipat sya dito sa Pilipinas dahil mas gusto nya daw dito. Naka confine sya ngayon sa ospital at eto, papunta na kami kung saang kwarto sya naka confine.

Nanlalamig yung kamay ko. May dala din kami na isang basket ng prutas saka bulaklak. Tinignan ko si Akiko na kakatok ng pinto. Nginitian nya ako saglit saka kumatok. Pag bukas ng pinto, napatutop agad ako sa bibig. She's pale like  paper. Napansin ko rin yung pag bagsak ng katawan nya at ang mangilan ngilang kulay ube sa katawan nya.

Nang dumako yung tingin nya kay Akiko ay magandang ngiti ang binungad nya.. Ngiting puno ng pag mamahal. Kitang-kita sa mata nya masaya sya na makita ito. Pero nung dumako ang tingin nya sakin, lahat ng iyon biglang nawala. Tumalim agad yung tingin nya sakin at pinapaalam nyang hindi ako welcome duon.

Naka tingin sakin si Akiko kaya hindi nya nakita iyon. Inalalayan nya akong umupo sa katabing silya ng kama ni Mia. Nag paalam pa sya ng bibili ng pwedeng makain kaya gustuhin ko man sumama sa kanya para hindi mapag-isa kasama si Mia ay hindi ko rin nagawa.

"Why did you come here?" naka taas ang kilay na sabi nya. Kung yung mga panahon na madaldal pa ako, baka sinabihan ko sya na 'may sakit ka na lahat-lahat, ang ugali mo magaspang parin.'

"To visit you." nahimigan nya ata ang pagiging sarkastiko ko kaya naman ngumisi sya. Hindi ko alam pero napipikon ako sa ginagawa nya. Sya lang ang nakitang kong naka himlay sa hospital bed na kayang kaya parin itaas ang sarili sa iba!

"I'm impressed na kayo parin ni Aki after what happened." na ngungutya na sya, hindi ba? "He's with me the whole month habang ikaw, mukhang tanga na nag hihintay sa kanya. Alam mo bang marami kaming ginawa habang naka talikod ka?"

Parang sinaksak ako sa dibdib ng kutsilyo sa mga sinasabi nya. Hindi. Hindi dapat ako maniwala sa mga sasabihin nya. Pero anu nga ba? Anu nga bang pinag gagagwa nila habang naka talikod ako? Gusto ko malaman pero gusto kong manggaling mismo kay Akiko iyon! Gusto ko na kung meron mang katotohanan na dapat kong malaman, masakit man sakin, gusto ko kay Akiko mismo mangagaling iyon.

Hindi ko pinakitang na bo-bother ako sa sinabi nya. Bagkus, kinuha ko yung mga bulaklak saka inayos. Nilagay ko iyon sa isang vase at nilagyan ng tubig. Hindi ako kumikibo hanggang sa mag salita muli sya.

"If I were you, break up with him. Because sooner or later, ako parin ang pipiliin nya." Natigilan ako sa ginagawa saka lumingon sa kanya. May bakas ng pag mamalaki ang mukha nya habang naka ngisi sa akin.

"Ano naman ang ibig mo sabihin dyan?" medyo naiinis na ako sa inaasal nya. Mabuti na lamang inaalala ko na may sakit sya. Ayoko naman mapaaga ang buhay nya dahil lamang sa pinatulan ko sya. Or worse, mapaaga ang hiwalayan namin ni Akiko nang dahil lang sa kanya.

"That Akiko and I will be together in the end. My family and his family are planning to merge our companies. And to do that, we have to get married. It was already approved by my parents. Si Akiko naman, I think sinusubukan na syang kumbinsihin." mahabang sabi nya pero ang salitang married  na syang nag palamig sa kamay ko.

"Sa tingin ko nga, sooner or later, papayag na sya. Why not naman di'ba? We used to love each other before you enter the picture. Kung hindi lang dahil sa inutos  ng father nya na hanapin ang anak  ng Tsui  na babae para bilugin, baka hanggang ngayon, nasa akin parin ang atensyon nya." nag iinit yung bawat sulok ng mata ko.

"P-Paano mo naman nasabi? Ano'ng meron sa tao'ng yun?" gusto ko suntukin ang sarili dahil nagawa ko pang itanung iyon. Kaya ba? Kaya ba halos ipag siksikan nya ang sarili nya sakin. Dahil ba nalaman nyang.. Isa akong Tsui? Nang tignan ko sya naka simangot sya. Hindi nya siguro alam..

"I didn't know you were this stupid! Like duh! Everyone  knows that Tsui has a daughter. But no one ever dared to see her. Even the tip of her fingertoes! Para nga daw sobrang iniingatan ng mga Tsui iyon. So I get scared. Na what if  ma-fall kay Akiko ko ang babaeng yun at napa payag na mag merge  ang companies nila!? Edi ako ang nawalan?"

For a sick person like her, she has lot of energy to talk huh? Pero hindi yon ang punto ko. Para lang akong binola ni Akiko. So all along may plano talaga sya? He knew from the start that I'm a Tsui. Pero ang mas ikinagugulat ko.. Paano nalaman na may anak na babae ang pamilya ko? If I remember correctly, my parents doesn't want me.

"Napaka tanga  ng babae'ng yun kung ganon.." bulong ko. Nakita kong tumango sya saka humarap sakin.

"Kaya if I were you, break up with him. Wala ka namang binatbat sa family'ng meron ako at sa family na meron si Akiko o ang babaeng chinise na yun!" matapos nyang sabihin iyon at tumalikod na sya.

Nanginginig na napa upo ako sa katabing upan ng kama nya. Nahilamos ko ang palad sa mukha ko habang nag iisip. Bakit? Ang akala ko totoo na. Ang akala ko, meron nang totoong nag mamahal sakin! Naguguluhan ako! Bakit kailangang gaguhin nya ako! Bakit.. Bakit kailangan mahalin ko pa sya bago ko malaman to?!

"Pupunta lang akong restroom." hindi kumibo si Mia. Lumabas agad ako sa kwarto nya saka dali-daling pumunta sa banyo sa ground floor. Kung tutuusin ay may sariling banyo ang hospital room ni Mia pero.. Hindi ako pwedeng mag labas ng saloobin duon.

Pag dating sa banyo ay nag kulong ako sa cubicle. Pagka upo ko palang sa toilet ay nag unahan agad ang mga luha ko sa pag tulo. Tangina'ng yan! Ang sakit naman nito! Akala ko, yung mga panahon na pinapakita nya kung gaano nya ako kamahal.. Akala ko totoo na. Pero pinaasa nya lang ako.

Gusto ko humagulgol poero pinigilan ko. Ang bigat sa dibdib. Ang sakit sa dibdib. Ang hapdi sa dibdib. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag pero iisa lang ang alam ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

Siguro nga mahal nya talaga si Mia. Kasi kung hindi naman.. Hindi naman nya ako iiwan sa loob ng isang buwan. Hindi naman sya mag aabalang mag gugol ng oras kay Mia ng ganun katagal para laamng sa wala hindi ba? Kasi kung mahal nya ako, kahit isang text ang sa loob ng isang buwan na iyon magagawa nya. Kahit blank space lang yon.

Kinuha ko yung cellphone ko. Para akong piniga nang makita ang picture naming dalawa. Naka halik sya sa pisngi ko habang ako, masayang ngka tingin sa camera. Pinilig ko ang ulo ko saka nag simulang mag text.

To: Dhie Aki

Sorry nauna akong umuwi. May kailangan pa akong gawin. Tell Mia to get well soon.

After that, I send it. Lumabas ako ng cubicle. Pinag titinginan ako ng mangilan-ngilan pero hindi ako kumibo. Nag hilamos ako ng mukha saka tumingin sa salimin. Namumula yung mag kabilang pisngi ko at medyo mugto ang ma mata ko. Matapos iyon ay lumabas na ako at dumeretso ng sakay ng taxi.

Mabigat ang paang nag lakad ako sa hallway pag labas sa elevator. Pag pssok ko palang sa pinto ng unit ko ay nakita ko si Jarred. Naka upo sya malapit sa center table habang may suot na salamin. Seryoso syang naka tingin sa laptop at nag titipa. May mga papeles din sa tabi non at yung atache case nyang tinawanan ko pa dahil sabi ko, hindi bagay sa kanya maging business man.

Sa sobrang kaseryusohan nya ay di nya manlang napansin na naka tayo na ako sa harapan nya. Nang tignan ko ay module iyon at may bar graph. Nakita kong naka lagay sa bawat bar ang pangalan ng labing dalang buwan. Nakita ko'ng pataas ng pataas ang nasa line bar sa bawat buwan. Nang tignan ko iyon ay naka lagay ang percentage ng sales na itinataas nun. Nanlaki ang mata ko ng Makita ang naka lagay sa itaas nun.

"Tsui Industries?"

"OH FUCK!!"

Sigaw ni Jarred. Kinunotan ko sya ng noo. Mas lalong bumigat yung pakiramdam ko dahil sa nakita ko. Nangunguna ang company ng mga Tsui sa listahan ng mga kumpanya.. At hindi ko alam kung yung kumpanya ba iyon ng mga magulang namin o ang sariling kumpanya nya. Pero nakita ko, nangunguna iyon. Ngayon alam ko na.

Nag iinit na naman yung sulok ng mga mata ko. Tumabi ako sa pag kakasalampak ni Jarred sa carpet saka sumandal sa kanya. Naramdaman ko yung gulat mula sa pag tigas ng katawan nya. Kumawit ako sa mga braso nya saka nag simulang mag salita. Hanggat maari ayokong mabasag ang boses ko. Gusto kong malaman. Tarantado ako sa pag tatanung pero gusto ko patunayan.. Na mahal ako ni Akiko dahil ako si Sky Johan Tsui na simple at nangungulit sa iba. Hindi yung Sky Johan Tsui na.. Na galing sa kilalang pamilya.

"Yung mga Tsui.. Mayaman ba talaga sila?" tanung ko. Naramdaman kong natigilan sya saka bumuntong hininga. Inabot ng ilang segundo bago ko sya narinig na sumagot.

"Yes."

"Edi, marami ang gustong umabuso sa inyo?" hindi ko sinasadyang sabihin iyon pero.. Tsui lang ang apilyedo ko pero kahit kailanhindi ako magiging parte nun. Tinitigan ko sya sa mata. Kita sa kanya ang lungkot habang ako naman ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman.

"Yes."

"Jarred.." umayos ako ng upo saka pumaharap sa kanya. Tinignan nya anamn ako ng may nag tatanung sa mata. Nag iinit ang mga mata ko habang lumalabas sa bibig ko ang mga katagang ito..

"Do I have the right to get mad or jealous towards the person I love? If that person doesn't love me back?"

---

 "I miss you."

Naka ramdam ako ng matinding sakit ng marinig ko ang boses nya. Ngumiti ako ng pilit saka hinarap si Akiko na ngayon ay naka titig sakin ng matiim. Nag iwas agad ako ng tingin pero pinigit nya ang mukha ko paharap sa kanya. Hindi ko maiwasang di masaktan habang tinititigan ko sya.

"Is there something wrong?"

There is! And it's you and my feelings that you played!

That's what I wanted to say, but I better not. I look at his emotionless face. I wonder how did it happened that I fall for someone cold like him? His expression are not changing at all. The way he speaks are giving me chills like everyone. His brown and black eyes that always intimidates the inner me whenever our gazes met.

I want to see every part of his face so I would know how in the hell I fall for him! This man.. He sure is heartless. Akala ko may mag babago if ever na mag mahalan kami, pero hindi.. Walang nag bago. Ako ang nabago.

"W-Wala naman.." sagot ko sa tanong nya. "Napapa isip lang ako.. Importante talaga si Mia sa buhay mo, no? Sana gumaling na sya para.. Para hindi ka nahihirapan ng ganito." kahit gustuhin ko.. Pinilit kong palabasin na nag aalala lang ako sa kanilang dalawa. Kahit masakit.

"I hope so.. I hope.. Nahihirapan narin ako."

Parang isang kutsilyo ang sumaksak sa dibdib ko ng sagutin nya iyon. Wala manlang pag aalinlangan ang boses nya habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Hindi nya manalang naisip na masasaktana ko sa simpleng salita na bibigkasin nya..

What do I expect from Akiko Yukimura? Have I forgotten already? He's the second cold man I've ever met. Of course, coldest and ama ko na tumakwil sakin. Tinitigan ko sya saka nginitian ng malungkot. I wonder if someday, makikilala ko ang lalakeng mag mamahal sakin ng totoo..

Yung hindi ako sasaktan ng ganito. Yung lalakeng mahal ako kung sino at ano ako. Kase ngayon palang.. Nawawalan na ako ng pag asa.. Unti unti na akong nawawalan ng tiwala.. Sa sarili ko. Lalong lalo na sa kanya.

May mag mamahal ba sakin? O kagaya ng ginawa ng pamilya ko, wala rin akong karapatan para sumaya?

"Do.. I have the right.. to be love?" bulong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top