Decision
Nag lalakad ako papuntang school namin. Graduation na bukas pero hindi ko manlang iyon napansin. Dumeretso ako sa office ng chairman. Kumatok muna ako saka pumasok. Nakita ko ang matandang lalake na abala sa pag babasa ng files. Nang mag anagt ito ng tingin, ang seryoso nitong mukha ay umaliwalas.
"Magandang umaga po." bati ko saka lumapit. Sinenyasan nya ako maupo kaya iyon ang ginawa ko.
"Oh hija, long time no see! Kamusta? Have you decided to attend your graduation tomorrow?" naka ngiting tanung nya. Yumuko ako saka muling nag balik ng tingin sa kanya. Ngumiti ako ng pilit saka tumango.
Sa tuwa nya ay napa tayo pa sya upang yakapin ako. Ganun din ang ginawa ko. Nang mag hiwalay ay tinapik nya ang aking ulo. Napa ngiti ako ng totoo. Ilang araw ng mabigat ang aking pakiramdam dahil sa natuklasan ko. Pero dahil sa tinuturing ko ama sa harapan ko, medyo nabawasan iyon.
"Nag pilit po yung Kuya ko na um-attend ako. Ayoko talaga sana kaso, sabi nya naman gusto nya daw umakyat ng stage para sakin." naka ngiting sabi ko. Tama, si Jarred ang nag pipilit na um-attend ako.
"Napaka swerte mo sa kuya mo, hija." tumango ako. Totoo naman iyon eh.
"Sya nga po pala, aalis na po ako. Kailangan ko pong kunin yung ibang gamit ko sa locker." natatawang sabi ko.
"Hindi ko naman matandaan na ginamit mo yung locker mo. Hindi ka naman nag dadala ng gamit sa school, bata ka." naka kunot noong sabi nito pero natatawa-tawa. Hindi ko narin mapigilan ang matawa. Grabe, ganun pala ako kalala noon? Hindi ko alam.
"Ganun po ba?" sabi ko. Aalis na sana ako ng may maalala ako. "Mr. Chairman, lahat ba ng homeroom advisers ay dadalo?" pasimpleng tanung ko. Pupunta kaya si Akiko? Napa ngiwi ako. bigkasin lang ang pangalan nya, nasasaktan na ako.
"Of course! Walang hindi pwede dumalo. This is a very important occasion for every students na tinulungan nila!" naka ngiting sabi nya. Tumango na lamang ako saka nag paalam na aalis na.
Kasalukuyang nag lalakad ako papuntang locker ng maka salubong ko yung mga classmates ko. Hindi ko sila kasundo pero alam ko ang mga mukha nila. Natigilan sila ng makita ako. Ngumiti ako ng pilit sa kanila saka nag simula ng mag lakad ng may humawak sa braso ko. Si Andrew. Yung makulit na kaklase ko na.. Nag pakalat na anak ako sa buho.. Kagaya ng sinabi ni.. Ni Akiko.
Hindi ko nag salita. Nakita kong nag aalangan sya. Kahit yung mga kasama nya ay nag tataka sa inasta nya. Humigpit yung hawak nya sa braso ko kaya tinignan ko iyon. Sumunod sa mukha nya na naka yuko na ngayon.
"Boss, I-I'm sorry." natigilan ako sa sinabi nya. Boss?
"Pre.. Ano'ng ginagawa mo?" bulong ni Mark.
"Manahimik ka.. Boss, sorry sa ginawa ko sayo. Duon sa pang aasar ko sayo. Ga-graduate na tayo kaya naman gusto ko mag sorry sa lahat-lahat.."
Napa ngiti ako ng tipid saka sya tinignan. Tinapik ko yung balikat nya. Tumingin agad sya sakin. Namumula yung buo nyang mukha. Maybe it took him a lot of courage to say those words. And I appreciate it.
"Ayos lang. Wala naman yon." kahit ang totoo gusto ko sya batukan. Pero nag sorry na sya. Kung sana lahat ng sorry nila, mawawala lahat ng masasakit na salita na binigay nila.
"A-Ano.. Sorry narin pala kung ganon." Mark.
"Ako din. Sorry." Ben.
Tumango nalang ako saka tumalikod na. Pag dating sa locker ay kinuha ko yung pares ng sapatos, jacket at yung walkman ko na hindi ko alam kung gagana pa. Andun din yung burned cd's na lagi kong sinasayaw dati. Lahat ng iyon ay kinuha ko saka inilagay sa bag na naka suksok din.
Matapos makuha ang lahat ay sandali ko munang nilibot ang puong school. Apat na taon din ako dito. Nakaka lungkot lang dahil iiwan ko na ito. Kung saan nabuo ang pag kakaibigan namin.. At kung saan nasira din iyon. Nakaka tuwa lang dahil itong lugar na iyon ang naka saksi ng lahat. Lahat ng masalimuot na alala sakin.
Bago pa ako maiyak, dumeretso na ako sa parking area. Sumakay sa kotse ko saka mabilis na pina sibat. Huminto muna ako sa isang flowershop saka bumili ng bulaklak. Matapos iyon ay dumeretso na ako sa ospital kung saan naka confine si Mia.
Alam kong ang gago ko. Pero anong magagawa ko? Importante sya sa taong mahal ko. At kailangan ko tanggapin yon.. O hindi ko kaya at pinipilit lang ang sarili? Kumatok ako sa pinto ng mahina pero wala namang sumasagot kaya marahan ko iyon binuksan.
Para lamang tumambad sa akin si Akiko at Mia na halos takam na takam sa isa't isa.
Nag init bigla ang sulok ng mga mata ko. Hindi ako makapag salita. Para bang may nag tutulak sa akin na pigilan sila pero hindi ko magawa. Habang pinapanuod silang nag hahalikan. Para akong binagsakan ng malaking yelo sa ulo at nag simula na mag unahan ang mga luha ko ng gumapang yung kamay ni Akiko papunta sa dibdib ni Mia. Nag takip ako ng bibig upang hindi umalpas ang hikbi sa akin saka dahan-dahang umalis duon.
Tumakbo ako pag dating sa parking area. Pag sakay ko palang sa kotse ko ay umalpas agad ang hikbing kanina ko pa pinipigil. Humawak ako sa dibdib. Ang sakit. Para akong pinipilas sa maraming piraso. Gusto ko mag wala pero pakiramdam ko wala naman akong karapatan. Hinampas ko ng malakas yung manibela at tumunog ang busina.
"Aaahh!" sigaw ko sa sobrang sakit. Tangina, bakit kailangan sakin pa mangyari to?
Matagal na nila akong niloloko pero ngayon ko lang nalaman. Kitang kita pa ng dalawang mata ko kung ano'ng ginagawa nila. Nakaka diri silang dalawa! Sa likod ko, nag kakalantari sila! Gusto kong iuntog yung ulo ko pero hindi mababawasan nun ang sakit. Nang lalabo ang mata na pinatakbo ko ang kotse. Kung saan ako pupunta, yon ang hindi ko alam.
Kahit sa pag mamaneho ay lumuluha ako. Nasasaktan ako. Binigay ko na lahat sa kanya, hindi parin sapat. Bakit ba may mga taong kahit lahat na binigay mo, hindi parin sila makuntento sayo? Bakit ano pa ba ang kulang? Hindi ba masaya pag isang tao lang ang tinitikman?
Nag yellow light na sa kalsada at malapit na mag red kaya nag full speed ako. Narinig ko ang malalakas na busina ng naiwanan kong lugar saka nag patuloy sa pag mamaneho ng hindi binabawasan ang bilis. Pinindot ko ang isang button malapit sa dashboard ng kotse ko at saglit lang ay, tumupi ang bubong non saka tuluyang napunta sa likod.
Naramdaman ko ang hangin na dumdampi sa mukha ko. Katulad din ito ng dati. Nung naka motor pa ako. Halos ganito rin iyon. Nasasaktan ako ng mga oras na iyon at ang pag sama sa hangin lamang ang nagpa kalma sakin. Kasabay ng pagka alam ko sa nararamdaman ko para kay Akiko. Banggitin pa lamang ang pangalan nya ay matinding sakit at galit na ang nararamdaman ko.
Base sa lugar na dinadaanan ko, papunta ng Tagaytay ito. Siguro katulad ng dati, may mabubuo uli sa utak ko. Desisyon na maaaring mag wakas sa isang bagay na nung umpisa pa lang, hindi na dapat nangyari pa.
---
"Tsui, Sky Johan S." tawag sa pangalan ko. Tumayo na ako saka nag martsa papauntang stage. Hindi kagaya sa mga nakaraang pag tatapos ko ay ngayon, may dahilan para mapa ngiti ako. Nakita ko si Jarred na todo palapak at ngiti sa akin. Pag dating ko sa harap ay kinuha ko ang diploma saka nakipag kamay sa chairman.
"Naku, malulungkot ako. Wala na ang anak ko sa paaralan na ito. Masaya ako at nasubaybayan kita sa loob ng limang taon." sabi nito na agad nag punas ng luha. Hindi ko napigilan at niyakap ito. Bumitiw din ako saka ngumiti.
"Salamat din po sa pag tatyaga kahit puro tulog ginawa ko." tumawa ang ito. Nag lakad na ako pababa. Pilit kong tinataboy nang mag kasalubong ang tingin naming dalawa ni Akiko kaya nag mamadaling bumalik ako sa upuan.
Sumunod ang iba pang istudyante na tinawag. Hanggang sa mag salita na ang mga may honor. Masyadong okupado ang utak ko sa ibang gabay na hindi ko na namalayan na patapos na pala yung graduation. Naki sabay na lamang ako sa bag hagis ng motardboard at naki sali sa ingay.
Matapos iyon isa-isa na kaming nag hiwalay para pumunta sa kanya-kanyang pamilya. Niyakap agad ako ng mahigpit ni Jarred na syang pinag bulungan ng lahat. May mangilan-ngilan din ang kumukuhang litrato namin.
"Congratulations, baby! Graduate ka na! So may plano ka na ba kung saang company ka mag ta-trabaho?" Jarred. Umiling lang ako. Maraming nag o-offer sakin perosa ngayon, ayaw ko pa. Hindi ko pa magawang mag isip na matino sa ngayon.
"Pahinga muna.. Ah, Jarred punta lang ako saglit sa room. Mauna ka na sa kotse."
"Sure. Hurry up because I'm planing to celebrate it!" sya. Kumaway lang ako sa kanya saka nag simulang mag lakad pa-balik sa room ng may humatak sa akin. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino iyon. Sa pabango palang alam ko na. Napunta kami sa laboratory at walang estudyante ang maliligaw duon.
"Congratulations, Mhie.."
At agad nya akong sinalubong ng halik pero ni katiting na pananabik ay hindi ko maramdaman. Pakiramdam ko ay bumalik lahat ng sakit at galit sa akin ng maalala ko na hinalikan nya rin ng ganito si Mia. Ganitong ganito rin. Hindi ko na mapigilang mag init ang bawat sulok ng mata ko. Ang sakit lang na kaya nya akong ganituhin!
Naramdaman nyang hindi ako tumutugon kaya nag simulang gumapang ang kamay nya sa dibdib ko at ang isa ay sa bewang ko. Mas naging mapusok din ang halik nya at bahagya pang kinagat ang labi ko. Pumikit ako ng mariin upang labanan ang sariling kagustuhan at saka sya itinulak.
"Mhie, what's wrong?" gulat na tanong nya kasabay ng muling pag lapit sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at agad na pinunasan ang kumawalang luha. "Hey why are you crying? Are you worried that we won't be able to see each other after this?" Oh fuck, how could he be so clueless!?
"No." maikling sagot ko. Naramdamn kong pinunasan nya ang luha ko. Mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa nya. And I decided. I can't just instruct myself to forget what I saw that day and make up with him! "Lets finish what we have hanggat maaga." because I know I can't take it anymore! I might get crazy for thinking about those things! Sa mga bagay na maaari nilang gawin habang naka talikod ako!
I look straight in his eyes and confusion are all over his face. Gusto ko makita nya na ayoko na patagalin pa ang usapan. I don't need to ask kung nag sasawa na sya sakin because obviously its a yes. Pero ang hindi ko maintindihan. Bakit may parte sa akin na gustong bawiin ang sinabi ko? Gusto ko mag grab on na pwede pa maayos ito pero hindi eh. It's obvious that he's cheating on me!
"What are you saying Sky? Anong tatapusin? Will you straight it to the point?" halata ang kaba sa boses nya, pero alam kong may bahid ng galit duon.
"Gusto ko na makipag hiwalay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top