Beg

Sinamaan ko ng tingin si Jarred. Tapos yung kasama nya. Kaliligo ko lang at balak ko sana mag punta ng mall para mag liwaliw. Mababaliw na ako kakaisip. Aaminin ko, gustong gusto ko na sya makita at mayakap pero meron parin yung sakit sa dibdib ko. Kahit ngayon lang, gusto ko taasan ang pride ko para sa kanya.. Masyado na kasing wasak para madurog pa.

Pero kung minamalas ka nga naman ng pag kakataon, nakita ko lang naman ang kapatid ko na prenteng naka upo sa couch habang si Akiko ay naka tingin sa akin.

"Mmm. I saw him in front of our door so I let him in." Jarred. Bwisit! Minsan iniisip ko kung talaga bang kapatid ko sya at di sya maka halata na umiiwas ako sa taong to!

Tumayo sya at akmang lalapit sa akin ng mabilis akong naka takbo sa pintuan. Naramdaman ko ang pag habol nya kaya hanggat maaari ay binilisan ko. Naninikip yung dibdib ko. Panginoon, hindi pa ako handa. Ayoko na po masaktan. Please lang..

"Sky!" nahawakan nya ako sa braso. Hindi ako tumingin sa kanya at pilit pumipiksi pero malakas sya.. "Sky.. Please lets talk.. We haven't seen each other for weeks. Please?" Pag susumamo nya. Tinignan ko sya ng walang emosyon. He's black and brown eyes are pleading but no. Ayoko na.

"May dahilan ba para mag kita o mag usap tayo? Sa pag kakaalam ko, Mr. Yukimura, wala." malamig na sabi ko na nagpa tigas ng ekspresyon nya. Gusto ko humakbang palayo sa tingin nya pero di ko magawa. Kailangan ko kainin ang sariling takot para lang malagpasan ko sya.

"Are you telling me that you're serious about our break up!? Dalawa tayo sa relasyon na'to, kaya dalawa tayong mag dedesisyon kung paano mag tatapos to! Hindi ako pumayag na makipag hiwalay, at hindi ako papayag!" mahabang sabi nya.

Tumawa ako ng pagak. Pag tapos ng ginawa nila ng Mia na yon, may nasasabi pa syang 'relasyon'?

"Wag mo'ko patawanin. We both know the reason why we broke up--"

"We're not done!" sigaw nya

"Yes we are! The moment you kiss Mia is the cue of our breakup! Bakit, di pa ba ako sapat? Kulang pa ba? Kulang pa ba na binigay ko lahat para ako lang yung mahalin mo!?" sigaw ko. Wala akong pakielam kung nasa hallway kami. Kung marinig ba ako ni Jarred o hindi.

"Why are we talking about her?! It's about us!"

"Because she's the reason why we broke up!" sumanggi sa isipan ko yung tungkol sa mga Tsui.. Parang nang lambot yung mga tuhod ko at di ako maka tingin sa kanya. Umiwas ako ng tingin pero di ko mapigilan yung luha ko. Bakit ba ganito ako?

"I hate you Akiko.. I really really hate you.." bulong ko. Naramdaman ko yung yakap nya. Na nginginig yung mga palad nya habang naka yakap sakin. Malakas din yung kabog ng dibdib nya pero di ko magawang alalahanin pa iyon.. Bumalik na naman sakin yung sakit. Yung sakit sa katotohanang di nya naman talaga ako mahal.. Dahil planado na ang lahat. Na dahil sa tatay nya ay nagka kilala kami. Dahil alam nyang isa akong Tsui.

"Mhie, ayoko.. Please ayoko.. I love you so much, Sky. I love yo--"

"You love me? Wag mo naman akong gaguhin.." lumayo ako sa kanya. Kita sa akin ang sakit at pait na kina tahimik nya. "Mahal kita eh.. Totoo ako na mahal kita pero sayo? Nahihirapan akong paniwalaan ka dahil sa mga nalaman ko."

"Are you.. Questioning my love for you?" bulong nya. Nag iwas ako ng tingin.

"Dati hindi. Pero ngayon? Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin sa mga bagay na yan."

"S-Sky.. Kung may problema man, handa ko naman harapin. Handa ko tanggapin lahat, wag mo lang ako iwan, please." tarantang sabi nya.

I close my eyes as I see the nonstop teardrops from his eyes. I can't look at it. I can't look at him. Hinawakan nya ako s amag kabilang braso saka ako hinarap. Nag iwas ako ng tingin. Ayoko makita na umiiyak sya. Para saan? Dahil alam nyang may kasalanan sya?

He kiss me lightly. I caress my cheeks. He held my hand tight. He hug me. He tuck my hair at the back of my ear. He did everything but I remain silent. Nang maramdaman nya na wala akong reaksyon sa ginagawa nya ay dahan-dahan syang lumayo sa akin. Naka yuko sya habang kitang kita ko kung paano mag unahan ang mga luha nya.

Kung paano tumataas-baba ang dibdib nya habang pinipigilana ng pag hikbi. Gusto ko sya yakapin. gusto ko sya hatakin palapit sakin. Halikan ang mga labi nya. Gusto ko damahin uli sya sa tabi ko. Gusto sabihin na 'ayos lang naman ang lahat' pero mag sisinungaling ako. Sasaktan ko lanbg lalo ang sarili ko. Lolokohin ko lang sarili ko kung gagawin ko iyon.

"Angel, don't d-do this please.." tumingin sya sakin. Bakas sa mukha nya yung sakit. Nag punas sya ng luha at tumingin sa malayo. Gusto ko maniwala na totoo yung sakit na naka sulat sa mukha nya pero di ko magawa.

"No.. Wala na tayo. Please tigilan-- Akiko ano ba!?" sigaw ko. My voice cracked and echoed to the wall area.

Bigla nalang kasi syang lumuhod sa harapan ko at niyakap ako. Hindi ako sanay na ganito sya. Ayoko na. Binaon nya yung mukha nya sa tyan ko habang mahigpit ang pag kakayakap nya sakin. Bakit nag papakabab sya sa kagaya ko? May Mia na sya pero narito sya para habulin ako. Para mapaniwala ako na totoo sya?

"No. I want you. I love you." sabi nya.

Tumawa ako ng pagak. Naalala ko yung sinabi ni Gio. "Mahal mo ako? Kung mahal mo ako bakit mo nbilayo sakin si Gio?! Malinaw sayo na si Gio nalang ang meron ako ng mga panahon nayon pero sinira mo kami!" galit na sabi ko.

"That's because I hate seeing you with someone! I felt like he's stealing you away from me!"

"He's my friend. My goddamned bestfriend!"

"But still. He's a man!"

"Ewan ko sayo.. AYoko na makita ka pa."

Hindi ko na kinaya pa. Nag ipon ako ng lakas saka dahasan syang tinulak. Sinaman ko sya ng titg saka umiling. Cue for him that my decision won't change. I wipe my tears and turn my back to him. I heard him call me but I head straight and enter the elevator.

I have to fight. For myself. I'm tired of being hurt. Ako nalang palagi.

---

Nilakasan ko yung loob ko at huminga ng malalim. Nag iinit yung bawat sulok ng mata ko habang naka tayo sa harapan ng malaking gate ng isang mansion. Na nginginig ang kamay ko ng pindutin ko yung doorbell. Agad may lumabas ng security at ng mamukhaan ako ay agad akong pina pasok.

Pag dating sa loob ng mansion ay binati agad ako ng mga katulong. Naka yuko lamang ako. Ang bibigat ng hakbang ang nagawa ko hanggang sa maka akyat ako sa second floor. Huminto ako sa isang pinto.

Mahinang katok ang ginawa ko kasabay ng pag uunahan ng mga luha ko ay ang pag bukas non. Agad kong sinugod ng yakap si Gio at umiyak ng umiyak sa dibdib nya. Hinigpitan ko yung yakap sa kanya ng maramdaman ko yung braso nya. Nasa mansion nila ako. Wala na akong alam na pwede pang puntahan sa ganitong pag kakataon.

"SJ! What happened? Why are you crying?!" tarantang tanung nya. Umiling ako saka yumakap lamang sa kanya.

"Gio.. Galit ako kay Akiko! Nagagalit ako p-pero mahal ko sya.. Tangina, kung pwede lang mamili ng taong mamahalin, nagawa ko na!" iyak ko.

"A-Akiko? You mean si Sir Aki?" tumango ako. Tinignan nya ako saka pinunsan ang mga luha ko. Pakiramdam ko mukha akong basahan sa harapan nya. Nakaka diri ako. Nabigay ko na lahat sa kanya, wala nang natira para sakin.

"SJ, ano b-bang nangyayari? May ginawa ba sya sayo!? Sinaktan ka ba nya?! Saan?!" galit nyang tanung. Bumalik na yung best friend ko. Bumalik na sya sakin. "Babes, sumagot ka naman.."

Kwinento ko sa kanya lahat ng nangyari. Lahat lahat. Wala akong itinago na kahit ano mula sa kanya. Wala akong tinagong sekreto. Dahil alam ko. Alam ko sa sarili ko na mawawalan ako ng tiwala sa lahat pero hindi sa taong nakasama ko sa loob ng maraming taon. Nariyan si Jarred na kapatid ko pero alam ko kung gaano ko sya masasaktan. Iba parin pag sa ibang tao ko sinabi ang problema ko kesa sa kapatid ko.

Naramdaman ko yung galit sa bawat pag tagis ng ipin nya habang naka kuyom ang kamao nya. Gusto nya bubugin si Akiko pero di nya magawa.

Naka upo almang ako sa gitna ng king sized bed nya habang nag pupunas ng luha sa aking tshirt. Ayoko ng tissue dahil pag nabasa, naiiwan yung kaunting himulmol sa mukha ko. I felt less burden again.

"Did you let him explain himself?" umiling ako. Naka upo sya sa single couch nya na pinaharap pa para sakin.

"N-Nakita ko naman lahat.. W-Wala na dapat itago.." naka yukong sabi ko.

"What if that scene is like those dramas we watched before. What if it was scripted. Ikaw narin ang nag sabi na kahit alam ng Miabitch na yon na may relasyon kayo ni Sir, e'todo cling parin sya. You know, like whores' always doing? Maybe she's that desperate to get Sir Aki?"

Naalala ko si Miguel sa kanya. Parehas sila ng ibig sabihin. Tumingin ako sa iba saka nag punas muli ng luha. Bakit pakiramdam ko ako pa yung mali dito? Nag sumbong na nga ako, ako pa ang napa sama.

"Parehang-pareha kayo ng sinabi ni Miguel. Baka daw mali lang yung pag kaka intindi ko sa nakita ko. Bakit ba mas marunong pa kayo sakin e ako nga yung naka kita!" ako

"What I'm saying is, wala naman masama kung marinig mo yung explanation ni Sir. Kung pakiramdam mo, you still felt betrayed then go, leave him. Let him understand that you doesn't want him in your life again." suggestion nya. "I'm here at your back. Bumalik na ako.. At mukha ngang may pinalit ka pa sakin.. Miguel huh.." bulong nya sa huli. Akala nya naman di ko narinig.

"You were not with me nung halos mabaliw ako. What do you expect from me?" ako. Umirap sya sakin saka binato ako ng throw pillow.

"I explained myself.. But honestly.. I'm thankful na naalala mo parin ako.. Kahit alam mo na.. Iniwan kita.." tumango sko sa kanya.. "Pero di rin ako maka paniwala. That cold hearted man became your lover.. Anong kalseng gayuma ang ginawa mo?"

"Ewan ko sayo!" sigaw ko nalang. Balik narin sya sa pagiging pang asar nya.

But what If I let him explain?

May mababago ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top