Special Chapter - OPERATION: Help Coleman Number 1
Special Chapter
OPERATION: Help Coleman Number 1
VALERIAN DIDN'T even know what he was doing with these lunatics. Basta bigla na lang pumasok sa bahay niya—inakyat ang gate niya— at ginising siya sa napakahimbing niyang tulog.
It's just three in the morning!
Valerian hissed at his so-called friends. "Ano ba ang ginagawa n'yo rito sa bahay ko ng dis-oras ng gabi?! Alam n'yo bang hatinggabi na ako nakatulog at ngayon gigisingin n'yo ako?!"
Tumawa lang sina Lysander at Andrius, ni hindi nga yata ang mga ito apektado sa pagsigaw niya. What the fuck!
Valerian rolled his eyes. He met Lysander Callahan and Andrius Salazar through Coleman Twins. Ang nakakairitang mga lalaking 'to ay parang five years old kung kumilos at mag-isip.
It's irritating!
"It's time, Volkzki," sabi ni Andrius na nakangisi. "It's time to help a friend in need."
Valerian scoffed. "At bakit ako sasama sa inyo? My bed is waiting for me." Itinuro niya ang malapad at malambot na kama. "Matutulog pa ako."
"Valerian!" Si Lysander.
"Volkzki!" Si Andrius.
"Knight!" sigaw niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng dalawa, saka nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya.
Valerian smirked when his Saint Bernard dog, named Knight, barged into his room. Agad itong kumahol nang makita sina Lysander at Andrius.
Good boy.
"Guys, meet my dog. Si Knight," sabi ni Valerian na pinipigilan ang matawa sa gulat na hitsura ng dalawa. "Gusto n'yo pang makilala ang aso kong si Shun?"
Nakaawang ang mga labi na umiling ang dalawa.
"Okay." Valerian shrugged then went back to his bed. "Knight?"
Kumahol agad si Knight.
"Chase those two and bite their asses for me," utos niya na agad naman nitong sinunod.
Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na tumakbo ang dalawa palabas ng kuwarto niya habang hinahabol ng aso niyang si Knight. Panay ang sigaw ng mga ito pero walang pakialam si Valerian sa ingay. Ipinikit niya ang mga mata at natulog.
Thanks God I have a dog.
Medyo malalim na ang tulog niya nang biglang tumunog ang cell phone niya.
"Fuck!" Galit na bumangon siya. "Can't I have a good night sleep?!" sigaw niya sa hangin, saka sinagot ang tawag. "Whoever you are, fuck you!"
Mas nadagdagan pa ang inis niya nang marinig ang boses ni Knight.
"Val, kailangan ni Lath ang tulong natin. Bumangon ka na riyan at patigilan mo na si Knight sa paghabol kina Lysander at Andrius."
"Paano mo naman nalaman?"
"I can hear Lysander and Andrius' shouts and Knight's barking from the gate. Patigilin mo na nga 'yon."
He scowled. "Fuck you."
"I know." Binuntutan pa nito iyon ng tawa. "Anyway, you coming?"
Valerian grunted. "Fine."
Did he have a choice? Tinawagan siya kagabi ni Lath para hingin ang tulong niya. And of course, he said yes.
Pangit talaga ang maging mabait, Buwisit! Pati tulog ko naiistorbo dahil sa love life ng iba! Punyeta!
Kaya hayun siya ngayon, pinipilit ang sarili na bumangon.
Naiinis na nagbihis si Valerian, saka tinawagan ang sekretarya niya na agad namang sumagot kahit pa nga dis-oras na ng gabi.
"Lester," sabi niya sa matigas na boses. "Ihanda mo ang private plane ko. Kakailanganin ko 'yan mamayang alas-sais ng umaga. At dahil ginising kita, mag-day off ka ngayong araw. Bukas ka na pumasok. Don't worry. Double pay ka ngayon."
"Yes, Boss. Siya nga pala, Boss, si Mr. Kingsley, gusto niyang i-pull out ang investment niya sa AirJem dahil hindi mo raw pinayagan ang two percent na additional profit na hinihingi niya."
Umingos siya. Fucking investors. "Eh, di i-pull out mo. Hindi naman yata ako mamamatay kapag nawala ang investment niya."
"Yes, Boss. Pero sayang din dahil malaki ang investment niya. Siya nga pala, gustong mag-invest ni Mr. Hasegawa sa AirJem—"
"Hasegawa?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Japanese siya?"
"Opo, pero dito siya lumaki sa Pilipinas."
"Wala akong pakialam. Hapon pa rin siya at ayoko sa Hapon. Mamaya sa meeting, wala ako. Pakisabi sa mga board of directors na kung sino man sa kanila ang mag-suggest uli na maglagay ng paliparan sa Japan, China at Spain, they are fired. And I will burn their asses to the fucking ground."
"Yes, Boss."
"Oh, and Lester, call Mr. Gallero and tell him he is fired for suggesting to the board about putting an AirJem Airport in Japan and Spain. At kapag nandiyan pa siya pagbalik ko sa makalawa, ipapakain ko siya kay Lacoste."
Si Lacoste ang alaga niyang buwaya na nakakulong sa isang lawa sa isla na pagmamay-ari niya.
"Yes, Boss. Sasabihan ko po si Mr. Gallero," magalang na tugon ni Lester.
Pinatay na niya ang tawag. The perks of having an efficient male secretary. Ayaw niya sa babaeng secretary. Sa halip na magtrabaho, halos maghubad na sa harap niya.
Pagkababa niya ng hagdan, tinawag niya ang magaling niyang aso. "Knight, here boy!"
In a matter of seconds, Knight was in front of him, waggling his tail.
"Nasaan ang dalawang akyat-bahay gang?" tanong niya sa aso. Alam niyang naiintindihan siya nito. Knight was a well-trained St. Bernard dog.
Kumahol-kahol ito habang nakaharap sa pinto na patungo sa kusina ng bahay niya.
Valerian sighed and went to the kitchen. Natawa siya nang makita sina Lysander at Andrius na nakatayo sa lababo at hawak ang mahabang kutsara na ginagamit niya sa pagluluto.
"Ano'ng ginagawa n'yong dalawa riyan?" napapantastikuhang tanong niya kina Lysander at Andrius.
Lysander glared at him. "Nagtanong ka pa talaga? Pinahabol no kami sa aso mo na kapangalan ni Knight!"
"You're a weird dude, Volkzki!" singhal sa kanya ni Andrius.
Tumawa lang siya at sinenyasan ang dalawa na bumaba na sa lababo.
Sabay-sabay silang lumabas ng bahay. Doon ay nakita nila si Knight sa labas ng gate.
"Akala ko hindi ka na lalabas," sabi ni Knight, saka tinapik ang balikat nina Lysander at Andrius. "Kumusta naman ang habulin ng aso?"
Walang sumagot sa dalawa at lihim na napangiti si Valerian. 'Yan ang napapala ng mga akyat-bahay gang.
Binuksan ni Knight ang pinto ng Lamborghini nito, saka tumingin sa kanya. He was urging him to get in. "Pasok. Pupunta tayo sa bahay nina Coleman."
Umingos siya. "Magta-taxi na lang ako kaysa sumakay sa sasakyan mo."
Tumawa lang si Knight at nagkibit-balikat. "Whatever you say, Val."
Umalis ang tatlo gamit ang sasakyan ni Knight samantalang siya ay nahirapan pang pumara ng taxi. Ayaw niyang gamitin ang sasakyan niya, sayang ang gasolina.
Letse! Bakit ba nadadamay siya sa love life ng iba?
KNIGHT WAS GRINNING from ear to ear as he drove to the Coleman's residence. Alam niyang papayag si Valerian na sumama sa kanila para sa "Operation: Help Coleman Number 1."
Valerian might act cruel sometimes, pero alam niyang kapag kaibigan nito ang nangangailangan ay tutulong ito.
That's him.
Pagdating nila sa Coleman Mansion, naroon na sina Ream, Cali at Tyron sa labas ng gate.
"Hey, guys," nakangiting bati niya sa tatlo.
"Pumunta na tayo sa likod ng mansiyon. Sa dalampasigan daw nakadaong ang yate na sasakyan ni Lash," imporma sa kanila ni Tyron. "Let's go, guys."
"Aakyatin natin ang gate na 'to?" tanong ni Lysander habang nakaharap sa gate ng mansiyon.
"Oo, unless hindi namin alam na kaya mo palang lumipad," sarkastikong sagot ni Tyron, saka nag-umpisa nang akyatin ang gate.
He snickered. "Burn, Lysander."
Andrius chuckled. "Toasted."
"Grilled," he added.
Itinirik lang ni Lysander ang mga mata, saka nag-umpisang akyatin ang gate.
Habang umaakyat silang anim, panay ang mura ni Andrius kasi natutusok ito.
Panay naman ang tawa ni Knight. Iyon ang unang beses na umakyat siya sa gate.
This is fun!
Nasa tuktok na sila ng gate nang dumating si Valerian.
Tumingala ito sa kanila. "Ano'ng ginagawa n'yo riyan?" nagtatakang tanong nito.
Knight bit his lower lip. Shit. Ang bilis naman nitong dumating. Akala niya matatagalan pa ito. Sayang. No fun pa naman si Val.
"Inaakyat ang gate malamang," naiiritang sagot ni Andrius na napunit na ang laylayan ng pantalon na suot.
Napailing-iling si Valerian at lumapit, saka itinulak ang kaliwang bahagi ng gate pabukas. At dahil nasa kanang bahagi sila gate, nanatiling naka-lock ang bahaging iyon.
Valerian tsked. "Magsibaba nga kayo diyan. Lath told me na bubuksan niya ang kaliwang bahagi ng gate." Itinuro siya nito. "Tinext ko ang kumag na 'yan habang nakasakay ako sa taxi papunta rito."
Five set of eyes glared at him.
Nakasimangot na bumaba siya ng gate. "What? Don't glare at me." Umingos siya. "Hindi pa ako nakakaakyat sa gate, eh."
"Baliw." Masama ang tingin sa kanya ni Tyron. "Nakakalimutan mo bang inakyat natin ang gate ng palasyo ng Duke sa Tuscany para alamin kung buhay pa si Shun?"
Knight glared back. "Anong inakyat? Inakyat n'yo 'kamo. Have you forgotten that you open the gate for me and Dark to get in?"
"You are royalties," Andrius pointed out, rolling his eyes. "Hindi iyon puwede sa inyo. Hindi kayo bagay maging akyat-gate gang."
Alam niyang nagbibiro lang ito. Knight knew that his new found friends didn't care if he had a title or none.
But it still irritated him.
Knight gritted his teeth in annoyance. He might brag about his title, about him being a Spaniard count, but that didn't mean they have to take it seriously. Kaya nga siya pansamantalang umalis sa Spain para maranasan ang nararanasan ng mga normal na tao, at siyempre, para hanapin ang kapatid niya.
Hindi namalayan ni Knight na nakapasok sa pala sa loob ang mga kaibigan niya at naiwan si Valerian dahil ini-lock nito ang gate.
His mouth hung open. "Fuck! Hey! Open the gate, Val!"
Tiningala ni Valerian ang tuktok ng gate, saka nakakalokong tumingin sa kanya. "Umakyat ka para makapasok."
In that instant, Knight remembered why Valerian, the history lunatic, was his best friend.
He grinned at Valerian. "Thanks, Val."
"Don't call me that, moron," Valerian hissed at him and followed their friends.
Siya naman ay madaling naakyat ang gate at humabol sa nga kaibigan. It was fun climbing the gate. Thanks to Valerian for letting him.
Madali siyang nakahabol sa mga kaibigan. Para silang mga magnanakaw na pumasok sa Black Pearl Yacht na nakadaong sa dalampasigan.
Nang makapasok sa loob, agad silang nagtungo sa mini kitchen ng yate. Binuksan ni Lysander ang refrigerator na ang tanging laman ay isang bote ng rum.
"Great." Isinara ni Lysander ang ref at humarap sa kanila. "Ang rum na 'yon ay nilagyan ng pampatulog ni Lath. Knowing Lash, siguradong iinumin niyon ang rum. And that's where we'll come in."
Itinaas ni Cali ang kanang kamay nito. "May tanong ako."
"Yes?" Lysander promted.
"Ano'ng ginagawa ko rito?"
"Good question." Lysander grinned. "Well, pag-alis ng yate na 'to at nakatulog na si Lash, idadaong natin ang yate sa port mo."
Sumimangot si Cali. "Bakit hindi na lang sa Coleman's Port?"
"Kasi malalaman ng daddy ni Lash na hindi naman talaga siya naglayag," Andrius answered. "Remember, people, our main target in this 'Operation: Help Coleman Number One' is to make Mr. Leandro Coleman believe that Lash is in the sea and Nez, the name of Lash's love interest is in Baguio."
Tumango-tango si Knight. Good plan. He had to give it to Lath. That man was cunning.
"At ako..." Bored na itinaas ni Ream ang kamay. "Ano'ng ginagawa ko rito?"
"Sabi ni Lath sinabihan ka na niya ng gagawin mo," sabi ni Lysander na parang naguguluhan.
"Oh..." Realization dawned on Ream's face. "That. Yes. Nagkausap na kami ni Lath kagabi."
"Well, this is fun, no, not really..." Puno ng sarkasmo ang boses ni Valerian. "Pero naririnig ko na ang boses ni Lash kaya magtago na tayo bago pa mabulilyaso ang planong ito."
"Agree," sabi ni Knight at nginitian si Valerian.
Valerian raised his hand at him. "Talk to the hand, Velazquez."
Tinawanan lang niya si Valerian, saka kanya-kanya silang tago sa loob ng yate.
THIS IS A BAD IDEA. Alam iyon ni Valerian nang umupo si Knight sa driver's seat. Bakit naman kasi ito ang hinayaang nagmaneho ng jeep na dala ni Ream. At wala silang ibang sasakyan maliban sa sa jeep na dinala nito.
Good heavens! He was expecting a limousine not a freaking jeep.
Napamura si Valerian nang gumiwang ang jeep na sinasakyan sa sobrang bilis habang lumiliko. "Fuck it, Spaniard! Itigil mo ang jeep! Bababa ako! Ayoko pang mamatay!"
Malakas lang na tawa ang naging tugon ni Knight sa kanya. "This is fun, Val," sigaw nito habang mabilis pa ring nagmamaneho. "This is freaking fun. Fuck dust and asthma. Fuuuuuun!"
"Fuck you! You're a piece of shit—" Napatigil si Valerian sa pagmumura nang marinig ang sirena ng pulis. "Holy shit! What is that?"
Sumilip si Lysander sa pinto ng Jeep. "Is that a police siren?"
"Hinahabol tayo ng pulis?" natatawang tanong ni Knight. "Cool! Bakit kaya?" Biglang itinigil nito ang jeep. "Valerian, kausapin mo sila."
Gusto niyang sakmalin ang leeg ni Knight sa sobrang galit na nararamdaman pero ayaw niyang maging mamamatay-tao. Knight is not worth my freedom.
Nagsisitaasan ang mga balahibo niya sa isiping magpapatayo ng AirJem Airport ang board of directors sa Japan kapag nakulong siya.
He wouldn't let it happen.
Kalmadong siya bumaba sa jeep, saka nakangiting humarap sa mga pulis na ngayon ay bumaba na ng police car.
"Sir, ano ho ang kasalanan namin? Bakit n'yo kami hinahabol?" Yeah, right! As if I don't know. Thanks to Knight's shit driving.
"Sobra sa speed limit ang takbo n'yo," sabi ng isang pulis na maangas ang mukha.
Bumuga siya ng marahas na hangin. Sabi na, eh.
Humarap siya sa mga kaibigan na nasa loob pa rin ng jeep. "Too much speeding, guys," imporma niya sa mga itoat humarap uli sa pulis. "Sir, nag-aagaw-buhay po kasi ang kaibigan namin." Itinuro niya si Lash na nakalupaypay sa upuan. "May epilepsy kasi iyang kaibigan namin, inatake, kaya hayun, nauntog ang ulo." Pinipigilan niya ang matawa nang malakas sa pinagsasasabi.
"Hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para sumobra ang speed limit ng takbo ng sasakyan n'yo," sabi pa ng pulis.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Sana pala ay ambulansiya na lang ang dinalang sasakyan ni Ream.
"Get in," sabi ni Ream na katulong ni Lysander sa pagkawak sa walang malay na si Lash.
Lucky bastard. Hindi nito alam ang nangyayari.
"Get in!" ulit ni Ream na may diin na ang boses.
Valerian frowned. "What?" Wait a minute... Hindi naman siguro binabalak ng mga lalaking 'to na takbuhan ang mga pulis, tama?
Nang hindi siya pumasok sa jeep, hinawakan ni Cali ang kuwelyo niya, saka hinila papasok.
"Shit!" Kalahati ng katawan niya ay nakasakay sa jeep, ang kalahati ay nasa labas ng jeep. Para siyang palaka na nakadapa. "Mga baliw talaga kayo! Knight! Sasakalin talaga kita! Lash! Buwisit ka!"
Valerian pushed himself up and sat on the jeep's floor. Tamang-tama naman na tumatawag si Lath.
"Tulog na si Nez—"
"Fuck you, Coleman!" sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. "Alam mo bang nakasakay kami ngayon sa jeep na si Knight ang nagmamaneho at hinahabol kami ng police car?"
"Ha? Nakasakay kayo sa Jeep? Si Knight ang nagmamaneho? Wait, what? Hinahabol kayo ng police car? Ano'ng ginawa n'yo?"
Valerian sighed, trying to calm himself. "Too much speeding. Kasalanan ito ng Kastilang 'yon."
"Too much speeding? Mga baliw. Sabihin mo kay Ream na tawagan si Evren Yilmaz, 'yong kaibigan ni Montero,kung ayaw niyang ma-impound and jeep niya. Bye. Kita-kita na lang tayo sa airport mo, Volkzki."
Valerian grunted. "This is a very stressful day."
Hindi niya sinabi kay Ream ang ipinapasabi ni Lath. 'Buti nga kung mai-impound ang jeep na 'to. Wala siyang pakialam.
Fortunately, they arrived in AirJem Airport in one piece. Hindi alam ni Valerian kung paano 'yon nagawa ni Knight pero naiwala nito ang police car na humahabol sa kanila.
Madramang lumuhod si Andrius sa sahig ng airport. "Salamat sa Diyos at buhay pa ako."
Tinapik niya ang balikat nito. "Get up, moron. Pinagtitinginan ka ng mga tao."
"Ang guwapo ko kasi," nakangising tugon ni Andrius, saka tumayo.
Nakalabas na silang lahat maliban kay Ream na may kausap sa cell phone.
"Halika na, Ream," sabi ni Knight na halata ang kasiyahan sa mukha.
Moron.
"I can't." Ream exhaled. "Gusto akong kausapin ng mga pulis tungkol sa nangyari. Unfortunately, na-track nila kung sino ang may-ari sa plate number ng jeep."
Napangiwi si Knight. "Sorry, man. Nakakatuwa kasi na pahabulin sila, eh."
"That's okay." Lumabas si Ream sa Jeep at umikot patungo sa driver's seat. "Bye, guys. I hope to never see your faces again."
That earned chuckles from all of them.
"You'll see me," sabi ni Lysander na nakasampay sa balikat ang walang malay na katawan ni Lash. "Magkasosyo tayo sa negosyo."
Ream grimaced. "Give me a break, will you?"
Natatawang nag-umpisa nang maglakad si Lysander. Sumunod naman ang apat dito.
Valerian rolled his eyes. "Follow me. Wala sa direksiyon na tinatahak n'yo ang private plane ko."
Agad na humarap sa kanya ang lima.
"Well..." Pinandilatan siya ni Lysander. "Lead the way. Alam mo ba kung gaano kabigat si Lash?"
"Hindi." Puno ng sarkasmo siyang sumagot. "Ikaw ang nagbubuhat, malamang hindi ko alam."
Tinalukuran niya ang mga kaibigan at nag-umpisang maglakad patungo sa kung saan nakaparada ang private plane niya.
"Yes! Sa wakas! Makakasakay na rin ako sa private plane mo, Val," excited na sabi ni Knight.
"Hindi ka kasama."
Napaigtad siya nang bigla siyang inakbayan ni Knight, saka bumulong sa kanya.
"Be nice, Val. Nag-uumpisa na akong mabuwisit sa 'yo," sabi nito sa seryosong boses.
In that instant, Valerian knew that he already said too much to Knight. At alam niyang hindi nagbibiro ang lalaki.
"Fine. Pero ngayon lang," sabi niya.
Malapad na ngumiti si Knight. "You are the most amazing best friend ever."
Valerian rolled his eyes. "I'm your only best friend, moron."
"I know."
Valerian sighed. This was really a very long day. Pasalamat talaga si Lash na wala akong galit sa mga Amerikano. Kundi, ihuhulog ko talaga siya sa eroplano.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top