CHAPTER 9

CHAPTER 9

BAGO PA SUMIKAT ang araw, nakalabas na si Lash sa mansiyon at naglalakad na patungo sa dalampasigan kung saan naroon ang Black Pearl Yacht.

Pero agad na nasira ang umaga niya nang makita ang ama na nakatayo sa harap ng yate.

"Ano'ng kailangan mo?" walang buhay niyang tanong.

"Gusto ko lang makita kang umalis. Para masiguro kong wala ka ngang gagawing masama kay Nez."

That made him smirk. Too late, old man. "Aalis na ako kaya umalis ka na. Nakakasira ka ng araw."

Pumasok siya sa yate at mabilis na inihanda iyon para sa paglalayag. And when all the preparations were finished, pinaandar niya ang makina, then he maneuvered it away from the shore, away from his father and... Nez.

Nang nasa gitna na siya ng karagatan, doon niya itinigil ang yate. Malayo na siya sa dalampasigan at gamit ang teleskopyong dala, sinilip niya ang kanyang nakakairitang ama. He was already walking back to the mansion.

Ibinaba niya ang teleskopyo, saka tumingin sa karagatan.

Saan kaya siya pupunta ngayon? Napailing-iling siya at pumasok sa loob para tingnan kung may laman ang refrigerator.

Nalukot ang mukha ni Lash nang makitang isang maliit na rum lang ang laman niyon. Shit! Mabilis niyang tiningnan ang expiration date. Nakahinga siya nang maluwag nang mabasang may apat na buwan pa bago ma-expire ang inumin.

"Okay na 'to." Good thing may naiwan pa palang isang bote ng Rum. Puwede na 'to hanggang mamayang hapon. Dadaong na lang siya mamaya para mamili ng makakain. Hindi pa naman siya malayo.

Bumalik siya sa top deck, saka naupo sa recliner. Binuksan niya ang bote ng rum at ininom 'yon. Hindi pa siya nakakatatlong lunok nang maramdamang parang umiikot ang paningin niya.

Shit! Bakit ba siya nahihilo?

Nabitawan niya ang alak at sinapo ang ulo. He closed his eyes, hoping that the dizziness would lessen, but nothing happened. Mas lumala pa ang hilong nararamdanan niya.

Then the weirdest thing happened, narinig niya ang boses ng mga kaibigan niya. Nagha-hallucinate ba siya? Malaki ang posibilidad na nagha-hallucinate siya. Ano naman ang gawin ng mga ito roon sa yate?

Mas diniinan pa niya ang pagsapo sa noo niya. Lalo siyang nahihilo, lalo na at ang iingay ng boses ng mga kaibigan niya.

"Andrius, maneuver this yacht to Sudalga's Port." Boses iyon ni Lysander.

What the heck?

"Aye, aye, Captain," sigaw ni Andrius, kapagkuwan ay naramdaman niyang gumalaw ang yate.

"What the..." Babangon sana si Lash pero hindi niya magawa dahil sa sobrang hilo na nararamdaman at nanghihina rin siya.

What the heck is happening to me? Lalo pang lumala ang hilo na nararamdaman. Fuck!

"Bakit gising pa siya?" Boses iyon ni Cali.

"Baka kaunti lang ang nainom niya." Boses iyon ni Lysander. "Sabi na kay Lath na damihan ang pampatulog, eh."

"But no worries, guys," sabi ni Knight. "Mawawalan din ng malay si Coleman Number One at magtatagumpay ang plano ni Coleman Number Two."

Someone snorted. "Why am I even here?"

What the fuck? Ano ang ginagawa roon ni Valerian? At ano ang plano ni Coleman Number 2? Was he Coleman Number 1? Ano ba ang nangyayari?

Ni hindi nga niya maibuka ang bibig para makapagsalita. Nilalabanan lang niya ang hilo na nararamdaman para hindi siya mawalan ng malay.

Shit!

"Nakakalimutan mo na bang pumayag ka kagabi na ihatid si Coleman Number One sa Baguio?" Si Tyron iyon.

"Oo nga," segunda ng boses ni Lysander. "Ikaw lang naman yata ang piloto sa ating lahat dito."

Someone snorted again. "Ginagawa n'yo akong alalay. Pasalamat talaga si Lath wala akong galit sa mga Amerikano." Si Valerian iyon.

"Hoy, Cali, The Drink, malapit na tayo sa port mo," sigaw ni Andrius.

"Don't call me that!" sabi ni Cali na halatang galit.

Tumawa si Andrius. "What? Pikon ka talaga kahit kailan. Saka dapat nga maging proud ka, kapangalan mo iyong soda na Cali. 'Tapos coincidence pa na favorite color mo ay green, parang iyong Cali talaga na inumin— Lysander! Shit!Si Cali! Sinasakal ako!"

"Stop it you two!" sigaw ni Tyron. "Cali, ilabas mo ang maleta ni Lash. Ream, pagkadaong natin, ihanda mo ang sasakyan—teka, anong sasakyan ba ang dinala mo?"

"Jeep," Ream said nonchalantly.

"Jeep?!" Tyron sounded shocked.

"Oo. Jeep," sabi ni Ream. "Sa dami natin, hindi tayo kasya sa limousine ko."

"May pagmamay-ari kang jeep?" gulat na tanong ni Lysander.

"Oo. Ano'ng nakakagulat do'n?"

"Holy shit! A Jeep?" Halata ang excitement sa boses ni Knight. "Hindi pa ako nakakasakay ng jeep sa tanang buhay ko. I want to ride one."

"Itong Kastilang 'to ang pagmanehuhin mo," sabi ni Valerian. "Tingnan lang natin kung hindi ka magka-asthma sa alikabok na masisinghot mo."

"Yes!" hiyaw ni Knight. "Jeep, here I come!"

"Manahimik ka ngang Kastila ka!"

"Valerian, tawagan mo si Lath. Tell him we succeeded." Si Lysander.

"Mga gago. Ginawa pa akong utusan." Paused. "Hello, Lath?"

Patuloy na nag-ingay ang mga kaibigan niya pero hindi na niya marinig. He tried but failed. His consciousnesswas already slipping away. And the next thing Lash knew, darkness swallowed him whole.



"GOOD. 'BUTI NAMAN at naayon sa plano natin ang nangyayari," sabi ni Lath sa kausap nito sa cell phone. "Oo. Tatawagan kita mamaya kapag nasa biyahe na kami.

Iyon ang narinig ni Nez habang hila-hila ang bagahe palabas ng kabahayan. Tumikhim siya para ipaalam kay Lath na handa na siya.

Agad siyang nilingon ng lalaki. "Hey, sister-mine." Ngumiti ito. "Halika na." Kinuha nito ang maleta niya. "Dadaanan natin ang girlfriend ko, then we're off to Baguio."

"Okay."

Hinayaan niyang si Lath ang maglagay ng maleta niya sa back compartment. Sumakay siya sa passenger seat at hinintay na makasakay si Lath sa Porsche nito. Sa backseat siya mamaya kapag naroon na ang girlfriend ni Lath.

"Nakaalis na ba si Lash?" tanong niya nang makapasok sa sasakyan ni Lath. Nahihiya siyang magtanong pero hindi niya napigilan ang sarili.

Binuhay ni Lath ang sasakyan, saka bumaling sa kanya. "Oo. Kanina pa bago sumikat ang araw. Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Ahm, bakit naman siya magpapaalam sa akin?" Why am I hurting? "Wala naman kaming relasyon. He hates me, remember?"

Lath maneuvered the car out of the mansion gate to the highway. "Nez, last time I check, hate doesn't meankissing someone like your life depended on it."

Namula ang mga pisngi niya. "K-kailangan mo bang banggitin 'yon?"

Lath grinned. "Because you are misinterpreting everything." Napailing-iling ito. "Nez, kung galit sa 'yo si Lash, hindi ka n'on hahalikan kundi sasakalin."

Nez pressed her lips together. Was she really misinterpreting everything? Hindi ba talaga galit sa kanya si Lash? Was he not doing that stuff to ruin her?

Bumilis ang tibok ng puso niya sa isiping 'yon. Kung sana lang ay totoo 'yon, baka hayaan niya ang nararamdaman para sa lalaki.

"Want some water?" pukaw sa kanya ni Lath, sabay abot sa kanya ng bote ng mineral water.

"Thanks." Medyo nanunuyo nga ang lalamunan niya.

Binuksan niya ang takip ng mineral water at uminom, pagkatapos ay ibinalik ang bote kay Lath na nakangiting tinanggap 'yon at ibinalik sa compartment.

"How are you feeling, sister-mine?" May kakaibang ngiti ito sa mga labi, na para bang may ginawa itong masama sa kanya pero hindi niya alam.

"I'm...." Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang makitang parang umiikot ang buong paligid. "Dizzy."

"Ano? Bakit ka naman nahihilo?" tanong ni Lath pero halata sa boses nito na hindi naman ito interesado sa magiging sagot niya.

"Lath... n-nahihilo ako." Sinapo niya ang ulo at pilit na nilalabanan ang hilo na nararamdaman. "Lath... oh, shit! Itigil mo ang sasakyan, Lath... na-nahihilo a-ako..." Her voice was weakening. "Lath... please... stop."

"Tulog na si Nez," sabi ni Lath na parang may kausap. Hindi naman niya makita pero naririnig niya. "Ha? Nakasakay kayo sa jeep? Si Knight ang nagmamaneho? Wait, what? Hinahabol kayo ng police car? Ano'ng ginawa n'yo?" Paused. "Too much speeding? Mga baliw. Sabihin mo kay Ream na tawagan si Evren Yilmaz, 'yong kaibigan ni Montero, kung ayaw niyang ma-impound and jeep niya. Bye. Kita-kita na lang tayo sa airport mo, Volkzki."

Natahimik ang buong sasakyan at naramdaman niyang may humaplos sa pisngi niya. She was losing consciousness... she was losing the strength to stay awake.

"Ginawa ko na ang parte ng isang mabait pero pilyong kapatid, now, it's your turn. Make my twin brother happy, Nez. He deserves all the happiness in the world. At kung kailangan kong kalabanin si Daddy maging masaya lang ang kakambal ko, gagawin ko 'yon. Make him happy, Nez. I'm counting on you."

After hearing those words, Nez just shut down.

LASH GROANED as he came awake. Sapo-sapo ang ulo na bumangon siya mula sa malambot na kamang kinahihigaan. What the hell happened? Pilit niyang inaalala ang nangyari kung bakit wala na siya sa yate niya.

Lumabas siya ng kuwarto na nagisnan, saka malakas at malutong na napamura nang makita ang nasa labas ng nakabukas na sliding window.

"Holy shit!" Sigurado na siya ngayong wala siya sa kanyang yate.

Tumakbo siya palapit sa bintana at umawang ang mga labi niya nang yumakap ang malamig na klima sa katawan niya. Bumungad sa kanya ang napakagandang tanawin.

Lush green grass, tall pine trees and a cold afternoon breeze. It only meant one thing.

"Holy shit! Nasa Baguio ako? Paano ako napunta rito?"

Gulong-gulong ang isipan ni Lash, nag-iisip siya kung paano siya napunta sa Baguio. He ransacked his mind but all he could remember was leaving the mansion, sailing on Black Pearl Yacht, drinking the only liquor in the fridge and then nothing.

No... not nothing... bago siya nawalan ng malay, narinig niya ang boses ng mga kaibigan niya.

What the hell is happening?

As if on cue, narinig niyang may tumunog ng telepono. Mabilis niyang sinundan ang pinanggagalingan ng tunog at natagpuan niya ang sarili sa sala.

Agad niyang nilapitan ang tumutunog na telepono at sinagot ang tawag.

"Sino 'to?" 'Yon agad ang lumabas sa bibig niya.

"Hey, brother-mine." Si Lath iyon. Mukhang masaya ang kakambal niya.

"Where the hell am I, Lath?" tanong niya sa matigas na boses. Nag-uumpisa nang tumaas ang dugo niya.

"Relax. Dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin, eh," sabi nito na mahinang tumawa. "Anyway, nasa Baguio ka ngayon, sa townhouse ng kaibigan nating si Lysander. Puno ng pagkain ang refrigerator at cupboard. Every week may pupuntang tagalinis diyan para linisin ang buong bahay at ang swimming pool. Pinagkakatiwalaan iyan ni Lysander. Walang cook na darating kaya kayo ang magluluto ng kakain n'yo. And lastly, mag-enjoy kayo riyan. Ayokong masira ang effort naming lahat para lang mapasaya ka sa birthday mo." Tumawa uli ito. "I mean, birthday natin pala."

Halos mag-isang linya na ang kilay niya. "Kayo? Sinong kayo, ako lang naman ang tao sa bahay na 'to?"

Lath snickered and Lash wanted to strangle his twin brother.

"Hindi lang ikaw ang tao sa bahay na 'yan, Lash. Nang sabihin kong kayo, kayong dalawa ni Nez ang tinutukoy ko."

Nanigas siya sa kinatatayuan at tumigil din ang pagtibok ng puso niya. "Kami ni Nez?" he asked in a whisper, stunned.

"Yes, dimwit." Biglang nawala sa kabilang linya ang kausap at naiwang siyang nakatanga sa kawalan.

Siya at si Nez ... sa iisang bubong at walang ibang tao maliban sa kanila.

Slowly, a wide wicked grin stretched his lips. "Best birthday gift ever."

Tumalon siya at napasuntok sa hangin, saka nagmamadaling bumalik sa kuwarto na pinanggalingan para magbihis. The cold didn't bother him. Sanay na siya sa malamig ang panahon kaya naman muscle shirt ang isinuot niya. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina para magluto.

Yes, he could cook. It was part of Lash Coleman's panty-dropping charms.



NAGISING SI NEZ dahil sa mabangong aroma na nanunuot sa ilong niya. Iminulat niya ang mga mata at iniinat ang mga braso, saka umalis sa kama.

She shivered when cold air hit her. So cold. She was definitely in Baguio. Nang makita ang maleta, agad niyang binuksan iyon at kumuha ng cardigan.

Napatitig siya sa kama habang isinusuot ang cardigan. Siguro nakatulog siya sa biyahe at hindi na lang siya ginising ni Lath. Pero imposible naman yatang hindi siya magising. At nasaan ang kasintahan ni Lath?

Madaming katanungan si Nez na walang kasagutan. Kaya naman ay lumabas siya ng kuwarto habang yakap-yakap ang sarili at sinundan kung saan nanggagaling ang mabangong aroma na iyon.

She found herself in the kitchen, staring at the cook's back. Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya. It couldn't be! She knew that back!

Naka-muscle shirt ang nagluluto kaya nabigyan siya ng pagkakataon na pagnasaan ang ma-muscle nitong balikat at mga braso.

At isang lalaki lang ang pinagnanasaan niya. Goddamn it!

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng nagluluto. Parang nag-harakiri ang puso siya nang humarap ang lalaki at ang kulay-lila nitong mata ay tumingin sa kanya.

"Bloody hell," Nez whispered.

It was Lash! Nasisiguro niya. Mula sa kinatatayuan niya ay naamoy niya ang pabango nitong Calvin Klein.

Lumunok siya. "Lash?" Nanginginig ang boses niya sa kaba.

He smirked, his violet eyes twinkling in delight. "Welcome to Baguio, apple. Lash Coleman, at your service, baby." He winked at her.

Nez was breathless and yes, her heart... stopped. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top