CHAPTER 8

CHAPTER 8

DINNER TIME and Lash was not in the table. Hindi na nagulat si Nez. Alam naman niyang hindi talaga nito kayang kumain na kasalo ang ama. Samantalang si Lath ay maganang kumakain ng hapunan at panay ang kuwento.

"So I was thinking, bakit hindi sumama sa akin si Nez sa Baguio? Kasama ko naman ang girlfriend ko. Wala kaming ibang gagawin do'n kundi mamasyal. They could bond together. Bukas ang alis namin. What do you think, Dad?"

Nez snapped her eyes at Lath. Nakangiti ito sa kanya. She could see something in his eyes... something wicked.

"Yeah. Okay lang sa 'kin kung sasama ka sa Baguio kay Lath," sabi ni Tito Leandro na may malapad na ngiti. "Nang sa ganooon ay hindi kayo magkita ni Lash. Baka inaaway ka na naman niya. Ayokong masaktan ka, hija."

Kumunot ang noo niya. Bakit napasok si Lash sa usapan? At ngayon nasisiguro niya, gusto talaga ni Tito Leandro na iwasan niya si Lash. Akala niya ay nagbibiro lang ito noon o tinatakot lang siya.

"Oh, si Lash?" May kapilyuhan sa kislap ng mga mata ni Lath habang nagsasalita. "No worries. Mawawala siya ng isang buwan. He's going to sail around Luzon and Visayas with Black Pearl."

Hindi alam ni Nez kung bakit, pero parang may kumurot sa puso niya. Aalis si Lash nang hindi man lang nagsasabi sa kanya. Wala lang ba rito ang nangyari sa kanila?

Of course, it was nothing to him! It was just sex to Lash Coleman.

It hurts.

Ang boses ni Tito Leandro ang pumukaw sa pag-iisip niya. "Good." Bumaling ito sa kanya. "Pagkatapos mong kumain, mag-empake ka na agad. Mag-e-enjoy ka sa Baguio. Bring extra jacket. Malamig ang panahon do'n."

Tumango si Nez. "Okay po."

Looked like it was already decided. Pupunta siya sa Baguio kasama si Lath at ang girlfriend nito. Maybe it was a good thing. Hindi niya makikita si Lash ng isang buwan. Kapag nangyari 'yon, sa wakas ay mawawala na ito sa sistema niya.

This is good, right?



LASH WAS BEING MEAN, he knew it to himself. Alam niyang para kay Nez, mali ang nangyari sa kanilang dalawa. Nez seemed to think that what happened between them was forbidden.

Forbidden, my ass! Ni hindi nga sila magkadugo, eh.

"You look like a jaguar ready to pounce, brother-mine," sabi ni Lath na kakapasok lang sa kuwarto niya. "Anyway, bakit hindi ka nag-dinner kasama namin?"

Lash rolled his eyes. "Nakalimutan mo bang ayokong kumain na kasalo si Dad?"

Itinirik lang ng kakambal ang mga mata nito. "Anyway, look, man." He dangled a set of keys in front of his face. "Naalala mo 'to?"

Napangiti siya nang makita ang anchor key chain na kasama ng mga susi. "Oo. Susi iyan ng Black Pearl. Matagal-tagal na rin mula nang sumakay tayong dalawa sa yate na 'yon."

Tumango si Lath. "Yes, and I want you to take these keys and set sail tomorrow."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What? Why?" May pagdududang matiim niyang tinitigan ang kakambal. "May pinaplano ka. Ano 'yon?"

Ngumisi si Lath. "Hindi mo kailangang malaman 'yon. Just trust me."

Naguguluhan man ay tinanggap niya ang susi. "Okay. After I set sail, ano'ng gagawin ko?"

Lath grinned cunningly. "That, brother-mine, is for me to know and for you to find out and enjoy afterwards."

Napailing-iling si Lash kasi wala siyang maintindihan sa pinagsasasabi ng kakambal niya. But he would set sail tomorrow, he needed fresh air and he needed to get away from Nez for some time. Ayaw niyang puwersahin ang babae na tanggapin ang nangyari sa kanila. She had to accept it to herself without him meddling.

And then the phase two of his not so brilliant plan would begin.

Game on, apple.

"Okay." Ngumiti siya. "Mawawala ako ng isang linggo—"

"Make it a month."

Nanlaki ang mga mata niya. "A what?"

Lath grinned. "Make it a month."

Kinunutan niya ng noo ang kakambal. Lath was smiling like a devil incarnate. Lash sighed. This idiot twin brother of his was really planning something wicked. At mukhang malalaman niya kung ano 'yon bukas.



NEZ PACKED her clothes, gadgets and all the stuff that she would need. Nasisiguro niyang magiging third wheelsiya ni Lath at ng girlfriend nito at ayaw niyang mangyari 'yon. She would stay away from the couple as much as she could.

Unlike what Tito Leandro said, alam niyang hindi siya mag-e-enjoy sa Baguio. Sasama lang siya dahil gusto niyang umiwas kay Lash. Dahil alam niyang kapag nanatili siya roon habang wala si Lash, mami-miss niya ang lalaki. And she didn't want to miss him! It was wrong to miss his lips and his embrace.

So wrong.

Itinabi niya ang maleta sa gilid at pumasok sa banyo para kunin ang toiletries niya. She was putting her body wash, toothpaste and shampoo in a zip lock when someone knocked on the door and pushed it open. Agad na nanuot sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng Calvin Klein na pabango ni Lash.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya pero pinilit niya ang sarili na harapin ang lalaki.

The scene in front of her took her breath away. Nakahilig si Lash sa hamba ng pinto, may naglalarong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya. Bagong paligo lang ito dahil halatang basa pa ang buhok. And damn it! He was not wearing a goddamn shirt. Nanuyo ang lalamunan niya.

Damn this man for having the hottest abs ever!

"Lash." Para siyang kinakapos ng hininga. Kasalanan iyon ng abs nito.

His violet eyes stared at her breasts. "Hmm?"

Sa isiping tinanggal pala niya ang bra, agad na pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib.

Lash just chuckled and walked towards her. Bawat hakbang nito ay lalong lumalakas ang tibok ng puso niya. Para siyang hinahabol ng kung sino dahil para siyang hinihingal. At nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya, hinaplos nito ang pisngi niya, dahilan para mahimatay ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok niyon.

"Lash..."

Binaklas nito ang nakakrus niyang braso at masuyong hinawakan ang mayayaman niyang dibdib. He was massaging it lightly. Napapadaing siya sa bawat masuyo nitong masahe.

Nez gulped. "Lash..." Naramdaman niyang nakikiliti ang puson niya. She felt a tingling sensation running through her veins like wildfire. Oh, God. Her clitoris was throbbing. Hell!

Mas inilapit pa ni Lash ang katawan sa katawan niya, patuloy pa rin ang pagmasahe sa mayayaman niyang dibdib. It seemed that he was enjoying massaging her breasts.

Well, the feeling is mutual.

"Lash..."

He pressed his delectable lips on hers. She sighed. This was heaven. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya kapag si Lash ang kahalikan niya. She had been kissed before in college, so she knew how it felt like. Their kisses were bland, tasteless and sour. Pero nang si Lash ang humalik sa kanya, nabuhay ang katawang lupa niya. She saw fireworks when they kissed—

Someone cleared their throat.

Parang nawala ang lahat ng dugo sa katawan ni Nez. Nilukob ng takot ang buo niyang pagkatao. Nanlamig ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Tumigil ang paghinga niya pati ang pagtibok ng puso niya. Lash hadalready let go of her lips but she stood there, frozen and afraid. Kahit si Lash ay nanigas din sa kinatatayuan nito.

And then a chuckle filled her room.

"Relax, people." Boses iyon ni Lath. "It's just me."

Pinakawalan ni Nez ang pinipigil niyang hininga, saka bumaling sa pinto kung saan naroon si Lath at nakangisi sa kanila.

"Lath..." May takot pa rin sa loob niya at nanginginig pa rin ang kamay niya, nanlalamig. "Please, d-don't tell Mom..."

Itinirik nito ang mga mata, saka pumasok sa loob at isinara ang pinto. "Magsara kasi kayo ng pinto para walang makakita sa inyo." Binato nito si Lash ng triple A battery. "At ikaw naman, dapat nag-iingat ka. Alam mo nang mainit ang mata sa 'yo ni Dad, eh."

Lash just rolled his eyes and then embraced her from the side. At dahil ayaw niyang makita sila ni Lath nang ganoon, pilit siyang kumawala sa yakap nito. Pero sa halip na pakawalan siya ay siniil nito ng halik ang mga labi niya.

Nez was lost again. Nakalimutan niyang naroon si Lath at nanonood sa kanila. Tinugon niya ang halik ni Lash at yumakap na rin sa lalaki.

"Niyayakap kita kasi ayokong makita ni Lath ang mayayaman mong dibdib na para lang sa mga mata ko," bulong ni Lash sa mga labi niya habang hinahalikan siya.

They kissed until Lath cleared his throat again.

"Please, stop it."

Para siyang napaso at agad na humiwalay kay Lash pero hindi siya nito hinayaang makalayo. Ipinalibot nito ang mga braso sa baywang niya at niyakap siya mula sa likuran.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Lash kay Lath na para bang hindi sila nito nahuling naghahalikan.

Itinuro ni Lath ang triple A battery na nasa sahig. "Tatanungin ko sana si Nez kung may extra battery siya para sa remote control ng TV ko, and then I saw you eating each other's face." Nginitian siya nito. "By the way, I know about you two. That idiot hugging you told me and it's okay. Ayos lang sa akin kung magkakaroon kayo ng relasyon. Hindi naman kayo magkadugo, eh."

Napakurap-kurap si Nez. Lath knew? Since when? Umawang ang mga labi niya. "Ahm, t-thanks?" Wala naman kasi silang relasyon ni Lash.

Lath grinned. "Sige, alis na ako." Binuksan nito ang pinto, saka itinuro ang doorknob. "Lock it, please. Para kayong natuklaw ng ahas kanina nang pumasok ako." Tuluyan na itong lumabas sa kuwarto niya.

Binaklas niya ang braso ni Lash na nakayakap sa baywang niya, saka humarap sa lalaki. "Sinabi mo kay Lath? Lash, naman, what are you thinking?" She was so afraid.

He just smiled. "Apple, let it go, okay? Aalis na ako bukas, mag-aaway pa ba tayo?"

Sadness gripped her heart. "Oh. Ganoon ba?" Why do I feel so sad? "Saan ka naman pupunta?"

"Hindi ko pa alam."

Pinilit niyang ngumiti sa lalaki. "Happy trip then."

Hinaplos nito ang buhok niya. "Actually, pumunta ako rito kasi may request sana ako. Hope you grant it though."

Nag-isang linya ang kilay niya. "Ano naman 'yon?"

"Can I sleep beside you?"

Her heart thumped like crazy. "W-what?"

"Okay lang kung ayaw mo," sabi ni Lash at nasisiguro niyang nakita nito ang takot sa mga mata niya.

I'm his stepsister! "I, ahm, h-hindi 'yon t-tama. Mali ang matulog tayo sa iisang kama, Lash." Parang sasabog ang puso niya.

Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya, saka nginitian siya. "Good night, apple."

"G-good night."

"See yah after a month, Nez." Pagkasabi n'on ay agad itong lumabas sa kuwarto niya.

Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama at sinapo ang mukha. Gulong-gulo ang isip niya. Alam ni Lath na naghalikan sila ni Lash. Would he tell someone? She doubted it. And then there was Lash and his heart thumping request.

Ayaw ng isip niya pero gustong-gusto ng katawan niya. My God.

Isang buwan niya itong hindi makikita. Isang buwang walang tatawag sa kanyang "apple." Isang buwang walang Lash sa buhay niya at dapat siyang maging masaya. Pero bakit parang nasasaktan ang puso niya? Bakit parang sinasakal iyon sa isiping isang buwan niyang hindi makikita si Lash?

Bakit ba niya iyon nararamdaman?

You're falling for him, Nez.

Nanlaki ang mga mata niya at sinapo niya ang nakaawang na mga labi sa sobrang gulat. No way. She couldn't be, right?

Hindi puwede! Stepbrother niya si Lash! And she couldn't be... Ilang araw pa lang mula nang magkita sila uli. Hell! She couldn't be falling for him!

It was a good thing na aalis siya bukas patungong Baguio kasama si Lath at ang kasintahan nito. Nagdarasal siya na makakalimutan niya kung ano man iyong nararamdaman niya para kay Lash. This was not healthy.

Whatever she was feeling for Lash was wrong. Kailangan niyang makalimutan ang lalaki. Baguio would help her forget Lash.

I hope so. I really hope so.



GUSTONG KUTUSAN ni Lash ang sarili. Really? Sleep beside Nez? Napailing-iling na natawa siya habang naglalakad. Bullshit! Para namang kaya niyang gawin ang matulog lang habang katabi ang babae.

He would do more than sleep beside her. He would ravish her from head to toe. At salamat sa apple juice, he was always having sinful thoughts about Nez' pussy covered with it were he would lick it off of her.

Lash blew out a loud breath. Mababaliw talaga siya kapag nanatili siya sa tabi ni Nez. Hindi niya kayang kontrolin ang sarili kapag ito ang pinag-uusapan. Pruweba na ang nangyari sa kuwarto nito. Ni hindi nga niya naisip na baka may makakita sa kanila.

Maybe because deep down inside, gusto niyang may makakita sa kanilang dalawa sa ganoong posisyon. He didn'twant Nez to be his dirty little secret. Gusto lang naman niya itong makasama. Ano ba ang masama roon?

Nang makapasok sa kuwarto niya, naroon si Lath at may kausap sa cell phone. Nang makita siya ay agad nitong tinapos ang tawag.

"Brother-mine..." Ngumiti ito na para bang may alam na sekreto at wala itong balak na ipaalam sa kanya. "Anong oras ang alis mo bukas?"

Agad na pumasok sa isip niya si Nez. Ayaw niya itong makita bago umalis, baka mawalan siya ng lakas na maglayag sa karagatan at pansamantalang lumayo para makapag-isip nang mabuti.

"Well?" pukaw ni Lath sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Bago sumikat ang araw." Siguro naman tulog pa no'n si Nez.

Tumango-tango ito. "Okay." Nag-umpisa itong mag-type sa cell phone na parang may tini-text, saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Have a good night, brother-mine." He grinned at him. "Advance happy birthday."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sa susunod na buwan pa ang birthday natin."

Tinapik ni Lath ang balikat niya. "Pero mas magiging maaga ang regalo namin sa 'yo."

He frowned. "Stop being so cryptic, Lath."

Tinawanan lang siya ni Lath, saka itinuro nito ang malaking maleta na nasa ibabaw ng kama niya. "Punuin mo 'yan ng damit."

Lash just rolled his eyes. "Yeah, sure."

Tinapik uli ni Lath ang balikat niya, saka umalis na ng kuwarto niya.

Napapantastikuhang hinabol niya ng tingin ang papalayong bulto ng kakambal. Ano kaya ang pinaplano nito? 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top