CHAPTER 22
CHAPTER 22
HINDI MAPUKNAT ang ngiti sa mga labi ni Nez habang kausap ang asawa ng mga kaibigan ni Lash. Kanina habang isa-isang ipinapakilala ni Lash sa kanya ang mga kaibigan at asawa nito, hindi niya maiwasang isipin na mayayaman at nirerespetong negosyante ang mga kaharap niya.
They way Lash's friend acted, para ang mga itong mga mental patient na nakawala sa pagkakakulong. They teased, they laughed and they argued like kids.
At ngayon nga ay nahati sila sa dalawang grupo. Ang kalalakihan ay nasa gilid ng top deck at nag-iinuman, samantalagang silang mga babae ay nasa kabilang bahagi ng top deck at nag-uusap.
Panay ang tingin ni Nez kina Train at Lash na parang batang nag-aagawan ng pulutan.
"Hayaan mo ang mga mokong na 'yan," komento ni Krisz, ang asawa ni Train Wolkzbin, ang isa sa pinakamayamang negosyante as Asya, Amerika at Russia. "Mga isip-bata talaga kahit kailan. Pero cute naman, kaya ayos lang."
Mahinang tumawa si Czarina, nagbabasa ito ng libro at kumakain ng saging. "Nang una kong makilala 'yang si Ymar, akala ko seryoso at snob. Hay naku. Pero pagkatapos naming mag-sex, nag-iba agad ang ugali. Hindi pala seryoso, pang-mental din pala tulad ng mga pasyente ko."
Si Czarina ay asawa ni Ymar Stroam, ang may-ari ng isang sikat na pharmaceutical company.
"Cza!" Pinandilatan ito ni Anniza, ang asawa naman ni Dark Montero. "Puwede 'yang bibig mo, paki-filter naman."
Nalaman din niya kanina na isa palang prinsipe si Dark. A Greek prince. That made Anniza a princess. At kahit big-boned si Anniza, maganda pa rin ito. At halatang in love na in love si Dark sa asawa nito.
Inungusan ni Czarina si Anniza. "Anniza, lahat tayo rito may asawa na. Well, maliban sa tatlong 'to." Itinuro si Grace, si Jergen at siya. "Pero malapit na at alam kung natikman na ang mga 'to."
Hindi umimik si Grace at tumaas naman ang kilay ni Jergen.
"Sekretarya lang ako ni, Lysander, so spare me. Wala sa to-do list ko ang mapunlaan ng semilya ng boss ko. Eww!"
"Eh, bakit kayo narito?" nakataas ang kilay na tanong ni Krisz.
Bumuntong-hininga si Grace. "Pansamantalang alipin ako ni Valerian."
"At hinila lang ako papunta rito ni Boss," dagdag ni Jergen. "Wala akong alam na gathering pala 'to ng mga may asawa. Diyosmiyo, Marimar."
"Ay, Fulguso, ikaw ba yan?" natatawang tanong ni Czarina.
"Hindi. Ako si Marimar," matigas ang boses na sabi ni Jergen, saka umingos.
Tinawanan lang nila si Jergen.
Kapagkuwan at pilyong ngumiti sa kanya si Etheyl, ang asawa na Calyx Vargaz. "'Buti hindi ka nag-Lashlas sa sarap nang gapangin ka ni Lash."
Nagtawanan ang mga ito at namula naman ang pisngi niya.
"Aww. She blushed." Raine, Tyron's wife wiggled her brows at her. "Siguradong pagkatapos ng honeymoon n'yo ni Lash at lahat ng posisyon ay nagawa n'yo na, hindi ka na mamumula. Uungol ka na lang sa sarap."
Lalo siyang namula, actually, hindi lang siya. Pati si Haze na katabi niya ay walang imik at namumula rin ang pisngi.
Lihim siyang napangiti. Hindi siya kanina makapaniwala nang ipakilala ni Lath si Haze bilang asawa. Wala siyang kaalam-alam na nag-asawa pala ang loko nang nasa Baguio sila ni Lash. But when Haze started cursing Lath, napailing-iling siya. Mukhang may ginawa si Lash sa babae para murahin nito.
"Girls, stop teasing Nez," sabi ni Mhel, amg asawa ni Iuhence Vergara, na abala sa pakikipag-Skype sa dalawang cute na cute na kambal na batang babae.
Vienna, Lander Storms' wife, flipped her hair. "Hay naku, girl, don't blush. Pinagdaanan na namin ang pinagdaanan mo. Lahat kami ay punit na punit na ang hymen nang iharap sa simbahan. But we love it. Wala kaming pinagsisisihan sa nangyari sa amin. Look at us now, happy and contented with our hubbies."
Tumango-tango si Themarie na karga-karga ang anak na si Saito Becker. "Agree. Those sexy times before marriage are very memorable. Talagang naka-engrave yan sa utak naming lahat."
Doon siya tumango. "Agree." She blushed profusely. "Grabe si Lash, hindi ko makakalimutan ang mga sexy time naming dalawa. God. He took me in every position—" Napatigil siya sa pagsasalita nang makitang nakangisi ang lahat sa kanya. Lalo siyang namula. Good thing hindi naririnig ni Lash ang usapan nila.
"Go on." Nanunudyo ang ngiti ni Czarina. "We want to know every juicy detail."
Hindi na siya nagpatuloy at nanahimik na lang. Nagtawanan ang mga kausap, saka nagsalita si Anniza.
"Anyway, girls, iniimbitahan ko kayo sa birthday ko."
"Great," Czarina chirped. "Wala akong regalo pero pupunta pa rin ako."
"Ikaw bahala." Anniza smirked. "Sa Greece ang venue."
Napanganga silang lahat.
"What?!" sabay-sabay na sigaw nila.
Anniza chuckled. "I can't say no to my sweet mother-in-law. Ang bait kaya niya sa akin."
"We are all blessed with amazing and loving in-laws," sabi ni Raine na nakangiti.
"Yeah," sabay-sabay na sang-ayon ng may mga asawa na.
Their conversation went on and on until they were laughing their asses off. Wala silang pakialam sa kalalakihan. But unfortunately, kailangan na ng mga nitong umuwi kasi may mga anak ito na naghihintay sa kanya-kanyang bahay.
Inakbayan siya ni Lash habang pareho silang nakatingin sa papalayong sasakyan kung saan nakasakay ang mga kaibigan nito kasama ang kanya-kanyang asawa. Sina Lath at Haze ay nagpaiwan sa yate.
"It's a fun day," komento ni Lash, saka hinalikan siya sa ulo. "Nag-enjoy ka ba?"
Ipinalibot niya ang braso sa baywang nito at humiling sa balikat nito. "Yes. Ang saya nga."
It felt good to be able to express her emotion towards Lash. Hindi na sila nagtatago, wala nang sekreto at wala na siyang kinatatakutan.
All is well.
Lash lowered his head and captured her lips in a slow kiss. Masuyo ang halik nito at puno iyon ng pagmamahal. Buong puso naman niyang tinugon ang halik.
Siya ang unang pumutol sa halik nang makarinig ng mga yabag papalit sa kinatatayuan nila. Nang tingnan niya kung sino 'yon, napangiti siya nang makita ang mayordoma.
"Nay Helen." Natutuwa siya dahil walang panghuhusga sa mukha nito habang nakatingin sa magkadikit nilang katawan ni Lash. "May kailangan po kayo?"
Tumango ito at tumingin kay Lash. "Gusto makausap si Sir Lash ni Sir Leandro."
Nagsalubong ang mga kilay ni Lash at nalukot ang mukha. "Bakit naman daw?"
"Hindi po niya sinabi, Sir Lash."
Lash scowled. "Okay. Nasaan siya?"
"Hihintayin ka raw niya sa library."
"Tell him I'm coming," sabi nito na lukot pa rin ang mukha.
Nang makaalis si Nay Helen, naguguluhang nagtanong siya kay Lash. "Akala ko galit ka ka kay Tito Leandro, bakit kakausapin mo siya?"
"Yes, I am." He stared deep into her eyes. "Pero para sa 'yo, kakausapin ko siya. Alam ko na deep down, gusto mong magkausap kami. Hindi mo lang masabi kasi alam mo kung ano'ng pinagdaanan ko nang dahil sa kanya."
Napakagat-labi si Nez. Totoo ang sinabi ni Lash. Gusto niyang magkabati ang dalawa pero wala siyang karapatang hingin iyon kay Lash kasi alam niyang nasaktan ito dahil sa ginawa ng ama.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Lash, kung ayaw mo, huwag mong pilitin."
Lash smiled. "I can do it... for you."
Nagtatalon sa tuwa at kilig ang puso niya. "Salamat."
Sabay silang umakyat sa hagdan pero nang makarating sa tuktok, lumiko siya sa kanan patungo sa kuwarto niya at lumiko naman ito pakaliwa, patungo sa library.
"Apple?"
Mabilis siyang lumingon. "Ano?"
"See yah later," sabi ni Lash at kinindatan siya bago tuluyang pumasok sa library.
Tumalon ang puso niya, saka bumilis ang pintig. Napakalapad ng ngiti niya.
Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto niya na may malapad pa ring ngiti sa mga labi.
"Natutuwa ako at masaya ka na." Boses iyon ng kanyang ina.
Napaigtad si Nez sa gulat at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Nakaupo ang kanyang ina sa gilid ng kama. "Mommy." Lumapit siya at umupo sa tabi nito.
"Anak..." Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Alam kong masaya ka na, pero kailangan ko itong sabihin." Huminga ito nang malalim, saka magsalita. "Ayokong manatili ka sa bahay na ito mula ngayon. I would so much appreciate it if you would look for a condo or apartment to live in. Hindi puwede sa iisang bubong lang kayo tumira ni Lash, babae ka pa rin at mali iyon. Hinayaan ko ang pagmamahalan n'yo ni Lash dahil alam kong walang mali do'n, pero mali ang sa iisang bubong lang kayo nakatira hangga't hindi pa kayo kasal. It's not proper."
Tumango siya at ngumiti. "Naiintindihan ko po."
"Salamat, anak." Hinaplos nito ang buhok niya. "Pero puwede ka namang manatili kung pakakasalan ka ni Lash."
"Oh." Lumapad ang ngiti niya. "Nag-propose na po ako kay Lash, Mommy, at pumayag na po siya."
Napailing-iling ang kanyang ina na natatawa. "Payag akong tumira ka rito. Just secure a wedding ring in your finger first."
Nez giggled. "Opo, Mommy."
She planned to be Mrs. Nez Coleman in the near future—maybe months from now.
"How about you, Mom?" tanong niya. "Kumusta kayo ni Tito Leandro?"
"Nagkausap na kami kanina at sinabi niyang hihingi siya ng tawad kay Lash." Bumuntong-hiningan ito. "Sa tingin ko ay ngayon lang nakonsiyensiya si Leandro sa ginawa niya sa anak niya. At sana, mapatawad siya ni Lash."
Umiling si Nez. "Hindi siya mapapatawad ni Lash. Pero sana, subukan niya. Ayokong nag-aaway silang dalawa. But who am I to say that? Maraming pinagdaanan si Lash nang dahil kay Tito Leandro. Hindi madali ang makalimot, Mommy. But I'm hoping that Lash would forgive him, not now but maybe in the future."
Ngumiti ang mommy niya. "Sana nga."
"Sana," sabi niya at pinisil ang kamay ng ina.
NANG MAKAPASOK si Lash sa loob ng library, pinakalma niya ang sarili, saka tumayo sa harap ng mesa ng ama. Nakaupo naman ito at nakatingin sa kanya.
"May kailangan ka?" sabi niya sa walang emosyong boses.
Iminuwestra nito ang kamay sa visitor's chair. "Upo ka."
"Ayoko." Kinunutan niya ito ng noo. "Now, talk."
Huminga ito nang malalim. "I just want to say..." Tumikhim ito. "I'm sorry."
Napatitig siya sa kanyang ama. "Ano?"
"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko." Puno ng pagsisisi ang mukha at boses nito. "Patawarin mo ako sa pagtakwil ko sa 'yo dahil sa pansariling kadahilanan. Patawarin mo ako kasi hindi ako naging mabuting ama sa iyo. Patawarin mo ako—"
"Stop." His expression darkened. "After all these years, ngayon ka lang humingi ng tawad. Bakit? Kasi natatakot ka na iwan ng asawa mo?" Mapakla siyang tumawa. "Dad, it's too late to ask for forgiveness. Huli ka na. Nakatatak na sa isip ko ang ginawa mo."
"Anak, I'm so sorry." Nanubig ang mga mata nito. "I just realize how selfish I am."
Umiling siya. "There are things that sorry cannot fix." Nagtagis ang mga bagang niya nang maalala ang nakangiting mukha ni Nez. Hindi nito magugustuhan na patuloy siyang magtanim ng galit sa ama. "But..." Bumuga siya ng marahas na hangin. "I'll try."
Umawang ang mga labi ng ama niya sa gulat. Even he was shocked at was he said.
"Y-you'll try?"
Napalunok si Lash at tumango. "Yes. Susubukan ko." Nez came into his mind again. "Para kay Nez. Susubukan ko. Alam kong hindi niya gugustuhin na palagi tayong magbabangayan pero mahihirapan akong patawarin ka. Susubukan ko pero hindi ako nangangako."
Lumiwanag ang mukha ng ama niya. "Salamat."
"I'm doing this for Nez." He sighed. "I love her and trying to forgive you will make her happy."
His father smiled warmly. "Mahal mo talaga siya, 'no?"
Tumango siya. "Mahal na mahal ko siya. Kaya kong gawin ang lahat para kay Nez, ganoon ko siya kamahal."
Tumango-tango ito. "Make her happy."
"I intend to."
Naglakad si Lash patungo sa pinto at lumabas ng library. Huminga siya nang malalim, saka naglakad patungo sa kuwarto ni Nez.
Bago pa siya makalapit sa kuwarto nito, nakita niyang lumabas mula roon si Tita Elspeth.
Lash stilled. Wala siyang magandang memorya sa ina ni Nez. He had been rude and callous towards this woman. Damn it. Sinagot-sagot pa niya ito noon.
Fuck.
"Hi." His fingers raked over his hair. "Ahm..." Tumikhim siya. "Ahm. I don't know what to say."
Mahina itong tumawa. "Simulan mo kaya sa pagtawag sa akin ng mommy."
Happiness swelled inside him. "Sorry... about..." Tumikhim siya. "Everything that I said and done."
Umiling-iling ito na nakangiti, saka tinapik ang balikat niya. "It's okay. Don't dwell on the past or you'll miss the future. Hayaan mo na 'yon. Basta pasayahin mo ang anak ko, okay na ako."
He smiled. "Thank you." Humugot siya ng isang malalim na hininga, saka nilakasan ang loob. "May itatanong sana ako."
"Ano naman?"
"Ahm..." Lumunok si Lash. "Can I marry your daughter? Gusto kong ikaw muna ang tanungin ko bago si Nez. I want your blessing, more than anyone."
The woman smiled warmly at him, there was tenderness in the depths of her eyes. "Of course. I give you my blessing. Alagaan mo ang baby ko. Paligayahin mo siya."
Mabilis siyang tumango. "Opo. Makakaasa kayo." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Mommy...."
Lumiwanag ang mukha ni Tita Elspeth at malapad na ngumiti. "Thank you."
Hindi siya nakagalaw nang yakapin siya nito at tinapik-tapik ang likod niya. Ipinalibot din niya ang mga braso sa ginang.
Nang pakawalan siya, ngumiti ito at nilampasan siya.
Lash looked back at the woman and smiled. Ang babae na galit siya noon, ngayon, magiging ina na niya.
God really had His ways in making people reconcile and be happy.
"Lash?"
Ibinalik niya ang atensiyon sa harap at napuno ng pagmamahal ang puso niya nang makita si Nez na nakangiti sa kanya.
Agad niyang tinawid ang pagitan nilang dalawa, saka niyakap ito at hinalikan sa mga labi. With his lips so closed over hers, "Baby apple ... will you marry me?"
Kinagat nito ang pang-ibabang labi, saka mabilis na tumango. "Yes! Yes, I'll marry you."
He grinned happily. "I love you so much, my baby apple."
"I know." She pressed her lips on hers. "And I love you too."
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top