CHAPTER 21

CHAPTER 21

"HOW DARE YOU seduced, Nez!" Nagtatagis ang mga bagang ng kanyang ama habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.

Lash just rolled his eyes at the old man. "Dad, puwede ba, huwag kang epal."

Mas nanlasik ang mga mata ng ama at magmamartsang nilapitan sila ni Nez.

His apple clung into him. Agad na ipinalibot niya ang braso sa baywang nito at sinalubong ng matalim niyang mga mata ang nanlilisik na mga mata ng ama.

"Inakit mo siya! Nasisiguro ko!" Hinawakan nito si Nez sa pupulsuhan at bumaling kay Tita Elspeth. "Honey, this isn't my fault. I'm sure Lash seduced Nez!"

Mapakla siyang natawa at napailing-iling. Talaga ang sarili lang nito ang iniisip.

Hinawakan niya ang kamay ng daddy niya na nakahawak sa pupulsuhan ni Nez, saka pilit iyong tinanggal. Napangiwi si Nez tanda na nasasaktan ito.

Nagtagis ang mga bagang niya. The old man won't budge! He won't let go.

Itinaas niya ang kamay at handa nang suntukin ang ama nang biglang sumigaw si Tita Elspeth.

"Tama na!"

Natigilan silang lahat sa lakas ng boses nito. They all froze and looked at the fuming woman.

Nang-aakusa ang tingin nito sa kanyang ama. "Leandro, pinapalabas mo ba na madaling maakit ang anak ko?!" Her fury was visible in her eyes and expression. Dinuro nito ang kanyang ama. "I should have known better! Hindi ko lubos akalain na makakaya mo 'yong gawin sa anak mo. Kung hindi pa sa akin sinabi ni Lath ang katotohanan sa likod ng palagi n'yong pag-iiringan ni Lash, hindi ko pa malalaman. Good heavens, Leandro, mahal mo nga ako pero wala kang tiwala sa akin... You don't have faith in me! You claimed you love me, yet you do not know me at all! Mahal ko ang anak ko, Leandro, at hindi ko iisiping nakakadiri ang relasyon nila ni Lash! You should have known that it would not repulse me! Kung naniwala ka lang sana na hindi kita iiwan katulad ng ipinangako ko sa 'yo noon, eh, di sana hindi mo nasaktan ang anak mo at hindi mo pinahirapan ang anak ko." Napahagulhol ito. "How could you be this selfish, Leandro?"

Dahan-dahang binitawan ng ama niya ang pupulsuhan ni Nez, saka lumuhod sa harap ni Tita Elspeth. Puno ng pagsisisi ang mukha nito at maputlang-maputla. Fear and pain were written in his eyes. The same fear and pain he had when Nez left him in Baguio.

"Elspeth, I'm sorry." Hinawakan nito ang kamay ni Tita Elspeth. "Patawarin mo ako, mahal ko. Natakot ako na iwan mo—"

"Pero hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para saktan mo ang anak mo." Tumingin sa kanila si Tita Elspeth. "Lumabas muna kayo. This matter is between us. Mamaya na kayo mag-usap ng daddy mo." Ang huling tinuran nito ay para sa kanya.

Yumakap siya kay Nez, saka umiling. "No. I don't want to talk to him. Ang gusto ko lang ay marinig mula sa bibig niya na hindi niya kami gagambalain ni Nez. And that he will give us his blessing. Kasi kahit galit ako sa kanya, siya pa rin ang nirerespetong ama-amahan ni Nez. At alam kong pagkatapos ng nangyari ngayon, mananatili ang pagmamahal sa kanya ni Nez bilang isang ama." Tumingin siya sa mga mata ng ama na puno ng emosyon. "I hate you, Dad. But thank you for taking care of Nez."

Nez pressed her hot lips on his neck. "Salamat, Lash." Mahigpit itong yumakap sa leeg niya. "I love you."

Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig uli ang tatlong katagang 'yon mula sa bibig ni Nez. His heart was loudly beating inside his ribcage.

Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. "I love you too, my baby apple. I love you so much."

Tinapik ni Lath ang balikat niya. Nginitian niya ito, saka binuksan ang pinto at lumabas silang tatlo sa library. Naiwan ang ama niya at si Tita Elspeth sa loob, nag-uusap. Well, they needed to talk.

As for him, wala na siyang pakialam sa ama niya. Ang importante ay nasa mga bisig na niya ang babaeng minamahal.

Hinawakan niya sa magkabilang baywang si Nez at ipininid ito sa dingding, saka agad na siniil ng mainit na halik ang nakawang nitong mga labi.

Nez moaned at his lips as he kissed her fervently. Mas idinikit nito lalo ang katawan sa katawan niya at yumapos ang mga kamay sa kanya. Para silang mga uhaw sa halik. Sinisipsip nito ang dila niya at kinakagat niya ang mga labi nito.

Lath cleared his throat. "People, bago n'yo kainin ang labi ng isa't isa, puwede bang ipaalam n'yo muna sa mga kasambahay natin na may relasyon kayo?"

Naghiwalay ang mga labi nila ni Nez. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Ready to tell them the truth?"

Tumango ito pero agad na nagdilim ang mukha.

Dread consumed him. "May ginawa ba ako?" mabilis niyang tanong. "Galit ka sa akin? What did I do wrong?"

Nang manatiling tikom ang bibig ni Nez, nag-panic siya. Shit! I can't lose my apple!

"Baby, apple, come on, talk to me."

Pinitik nito ang tungki ng ilong niya. "Once and for all, Lash, sabihin mo sa akin, ano ba talaga si Grace? Ayokong magselos sa kanya kasi nakikita at nararamdaman ko namang mahal mo ako—"

He sealed her lips with his. "Apple, kaibigan ko lang si Grace." Inilapat uli niya ang mga labi sa mga labi nito at pinaglandas ang dila niya sa pang-ibaba nitong labi. "Ikaw ang babaeng tinutukoy ko. It was you who I am in love with for ten years now."

Umawang ang bibig nito at namilog ang mga mata sa gulat. "No way..."

Napangiti siya at hinalikan ang leeg nito. A chuckle escaped his lips when he saw the necklace she was wearing.

"I'm glad you wear it," sabi niya habang nilalaro ng daliri niya ang kuwintas na ipinasalubong niya rito.

Mabilis na dumako ang kamay ni Nez sa kuwintas at nagtatanong ang mga mata. "Sa 'yo 'to? Akala ko kay Lath."

Umasim ang mukha niya. "Sa akin 'yan." Sumimangot siya. "I can't believe you! Sa tingin mo bibigyan ka ng lalaking 'to?" sabi niya, sabay turo kay Lath na nagte-text habang nakatayo malapit lang sa kanya.

Sinapo ni Nez ang mukha niya, saka naglalambing na pinaulanan siya ng halik sa buong mukha. "I'm sorry, babe." She made a cute puppy face. "Forgive me?"

"Pasalamat ka mahal kita."

"Mahal din kita," tugon nito na naging dahilan ng mas mabilis na pagtibok ng puso niya.

"So, ahm..." Kinakabahan siyang magtanong. "Do you..." Bumuga siyang marahas na hangin. "Ahm, d-do you want to me my g-girlfriend?"

Nez blushed and she looked so radiant. "Yes. Yes, I want to be your girlfriend."

Masakit na ang bibig ni Lash sa kakangiti nang malapad, but he couldn't help it. "I love you." Hindi siya magsasawang paulit-ulit na sabihin 'yon kay Nez. "I love you so much, apple."

Nez grinned. "I love you too."

Magtatagpo sana ang mga labi nila ni Nez nang mapagdesisyunan ni Lath na maging isang peste.

"Aherm. Please, people, stop eating each other's face off. Baka ma-heart attack si Nay Helen sa pinaggagagawa n'yo. Mag-explain muna kayo."

Lash scowled and faced Nay Helen. Nakakapit nang mahigpit ang mayordoma sa banister at halos mahulog ang panga habang nakatingin sa kanila.

"Nay Helen." Nginitian niya ito at pinagsalikop ang kamay nila ni Nez. "Mula ngayon, girlfriend ko na si Nez. Please, ipakalat mo ang balitang 'yon."

Ang gulat na ekspresyon sa mukha ng mayordoma ay napalitan ng ngiti. "Sabi na nga ba may something kayong dalawa." Para itong kinikilig na teenager na bumaba sa hagdan at nagtungo sa kusina para ipagsabi ang relasyon nila ni Nez.

Humarap uli siya kay Nez, saka hinalikan ito. "Gusto kitang dalhin sa kuwarto ngayon at angkinin nang paulit-ulit."

Tinampal nito ang balikat niya. "Bastos." 'Tapos bumulong ito sa tainga niya. "Sa Black Pearl Yacht na lang. Walang makakarinig sa atin."

He grinned sexily. "Naughty. I like it."

Agad niya itong pinangko at naglakad patungo sa yate na nakadaong sa dalampasigan.



HINIHINGAL NA BUMAGSAK ang katawan ni Lash sa tabi ni Nez. Hindi na sila umabot sa kuwarto. Nang makapasok sila sa yate, sa kusina pa lang, wala nang saplot ang kanilang mga katawan at doon na nila ipinagpatuloy ang mainit na pagtatalik.

"Apple?"

"Hmm?"

"I love you."

Her heart swooned and beat faster. "I love you too."

Kinubabawan niya ito nang agad niyang naramdaman na nabubuhay na naman ang pagkalalaki nito.

"Lash!"

Natatawang niyakap siya ng kasintahan, saka ginawaran ng halik sa mga labi. "Salamat," seryosong sabi nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sa?"

"Ngayon ko lang napagtagni-tagni ang nangyari. Noong hinalikan mo ako kanina sa harap ni Tita Elspeth, naguluhan ako. Akala ko ay ayaw mong malaman niya, kaya naman napaisip ako. And now I know. Ipinagtapat mo sa kanya ang lahat bago mo pa sabihing mahal mo ako sa harap ni Daddy. At nagpapasalamat ako. It took courage to confess it to your mother without knowing what she'll say. And I love you more for that."

Masuyo siyang ngumiti. "Nasasakal na kasi ako sa sekretong 'yon. And I'd been crying for the whole week since I got home. Well, I deserved it. Alam ni Mommy na may mali sa akin, na may dinaramdam ako at hindi ko na kaya. I have to tell her. Nang hindi mo ako pinansin kanina, ang sakit, pero kailangan ko 'yong tanggapin kasi 'yon ang gusto ko. That's when I realized that I missed you and I would be miserable without you in my life.

Ipinikit ni Lash ang mga mata, saka ngumiti. Nang magmulat ito, napakalamlam niyon habang titig na titig sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Nez, finally, sa akin ka na talaga. No secret. No hiding. You and me. For as long as God let us together."

Her heart melted. Gusto niyang dito manggaling ang itatanong niya pero hindi na siya makapaghihintay pa. Tulad nga ng sinabi ng mommy niya, may mga pagkakataong dapat babae rin ang manuyo... o magtanong.

"Lash?"

"Yes, apple?"

Pinakatitigan niya ang kulay-lila nitong mga mata. "Will you let me be Mrs. Nez Fernandez Coleman?" she asked, naked and all that.

Nagningning ang mga mata ni Lash, saka siniil ng halik ang mga labi niya. "Dapat ako ang magtatanong niyan sa 'yo, pero 'yong singsing nandoon pa kay Grace, hindi ko pa nakukuha."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Grace na naman."

Natatawang hinalikan siya nito ng ilang beses sa mga labi at tungki ng ilong. "Baby apple, kaibigan ko lang si Grace. At saka, I asked her a huge favor."

Tumaas ang kilay niya nang maalala ang text message na nabasa niya. "Anong favor?"

"You see, my sweet apple." Hinawi ni Lash ang buhok na nakatabing sa mukha niya. "Nang ma-realize kong baliw na baliw ako sa 'yo at gusto kitang makasama habang-buhay, ilang araw pagtapos dumaong ang Black Pearl, nagpasama ako kay Grace na mamili ng singsing. Um-order ako ng singsing kay Ream Oliveros, ang may-ari ng Reaveros Jewelry. Sa Russia pa raw manggagaling ang singsing at ipapa-deliver na lang niya. Hindi ko naman puwedeng ipa-deliver 'yon sa bahay kaya si Grace na lang ang pinaasikaso ko sa singsing."

Nawala ang pagsasalubong ng mga kilay niya at napalitan iyon ng matamis na ngiti. "Matagal mo na akong gustong pakasalan?"

"Yes. Hindi nga lang puwede noon kaya hindi kita inakit tulad ng ginawa ko ngayon."

"Inakit," ulit niya sa sinabi nito, saka natawa. "At bakit naman hindi puwede noon?"

"Apple, ayokong ma-Bantay Bata." Hinaplos ng daliri nito ang tungki ng ilong niya. "You were just seventeen when I thought of marrying you."

Namula ang pisngi ni Nez. Ang bata pa nga niya. Hindi siya makapaniwala na sampung taon na siyang mahal ni Lash. He didn't act like a lovestruck man.

But she should have known better. Nang sampung taon na hindi sila nagkita at wala silang komunikasyon, palagi siyang nakakatanggap ng regalo sa bawat espesyal na okasyon. Christmas, New Year, Valentine's Day at birthday niya. It always came from "L."

Nez assumed it came from Lath, kasi imposible naman na bigyan siya ni Lash. Pero ngayon, pakiramdam niya ay mali ang akala niya.

Matiim niyang tinitigan si Lash. "It was you, isn't it?"

"Ha?" Confusion filled his handsome face.

"Sa loob ng sampung taon, palagi akong nakakatanggap ng regalo sa mga espesyal na okasyon. Noon akala ko si Lath ang nagbibigay sa akin, pero ngayon, pakiramdam ko ay mali ako. Kung mahal mo ako noon pa, nasisiguro kong sa 'yo galing ang mga 'yon."

"Oh. Yeah. Those gifts came from me." May nahihiyang ngiti sa mga labi si Lash nang tumango. "Alam ko kung saan ka nakatira for nine years. But last year, I think you moved because my gifts were returned to me. So I asked my friend to look for you, pero na busy siya. And then you came home. Such a blessing." Hinaplos nito and pisngi niya. "I put 'L Coleman,' kasi ayokong malaman mo na galing sa akin 'yon at alam kong mag-a-assume ka na kay Lath kasi parehong 'L' ang umpisa ng pangalan namin."

Her heart melted again. "I love those gifts. Nakatago pa ang mga ibinigay mo sa akin sa bago kong apartment sa London."

Lumiwanag ang mukha ni Lash. "Salamat at pinahalagahan mo ang mga bigay ko."

He looked so cute, Nez couldn't help it. Inilapat niya ang mga labi sa mga labi nito. "I love you, Lash."

Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya, saka lumamlam ang mga mata nito. "Every time you say you love me, para akong inililipad sa ere. Those three words have the power to rob the oxygen in my lungs and to steal the beats of my heart. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, Nez. At sobrang saya ko kasi mahal mo rin ako."

Akmang uulit-ulitin niya rito ang salitang "I love you" nang may tumunog na cell phone. Napamura si Lash at inabot ang nakakalat na pants sa sahig at kinuha ang cell phone sa bulsa niyon.

"Hello?" sabi ni Lash nang ilapit sa tainga nito ang cell phone. Kapagkuwan ay ini-loudspeaker 'yon para marinig niya.

Si Lash ang nagsasalita.

"Brother-mine, are you two decent? Papunta kami ngayon diyan sa yate."

"Ha? Sinong kami?" naguguluhang tanong ni Nez.

"Me and the akyat-gate gang," sagot ni Lath sa kabilang linya. "Anyway, malapit na kami. Bye."

Nang maputol ang tawag, mabilis silang tumayo ni Lash at nagdamit. Tamang-tama naman na nang magpunta sila sa top deck, nasa hagdanan na si Lath at may kasamang kalalakihan ma walang tulak-kabigin sa kaguwapuhan. At kalahati yata sa mga kalalakihan ay may kahawak-kamay na babae.

Nang bumaba ang tingin ni Nez sa kamay ng mga ito, kitang-kita niya ang wedding ring na suot ng mga ito. And when she looked at their husbands, love was shining in their eyes.

Wow. These women are so lucky. Just like her. Lucky in love. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top