CHAPTER 20

CHAPTER 20

MATAGAL NA NAGKATITIGAN sina Nez at Lash bago naglakad si Lash palapit sa kanya at humilig sa railing. Ilang dangkal lang ang distansiya ng mga katawan niya, ramdam na ramdam ni Nez ang init nito.

Tumikhim si Lash habang nakatingin sa karagatan. "So, ahm..." Bahagya itong tumingin sa kanya. "Dad is adopting you." He chuckled humorlessly. "You should be happy. Magiging tunay ka nang Coleman. Magiging magkaapelyido na tayo."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "A-ano?"

Lash managed a forced smile. "You know, when you and your mother came into the house, medyo hindi na maganda ang relasyon namin ni Dad. I'm a bit of a rebel. Wala akong pinakikinggan. Wala akong pakiaalam... and that makes Dad hates me. At least, that's what I think. Then you came and I kissed you." He gave her a lopsided smile. "And I like it. Kaya palagi kitang inaaway noon. Hindi ko gusto ang mga emosyon na binubuhay mo sa loob ko. Kaya laking pasasalamat ko kapag pasukan na. And then one day, Dad and I got into a heated fight. Gusto kasi niyang ilibing sa sementeryo ang abo ni Mommy kasi baka raw matakot ang mommy mo kapag nakita iyon. I said no, of course. Pero hindi siya nakinig. He's so focus on your mom, he loves her way too much. Well, mula't sapul alam namin na hindi niya mahal si Mommy. It was an arranged marriage. Pero sapat na ba 'yon para bastusin niya ang ina namin?"

Mapakla itong tumawa at kumuyom ang kamay. "Kaya naman sinabi ko sa kanya, 'Hinalikan ko si Nez. Ano na lang ang sasabihin ng mahal mong asawa? Incest is not acceptable. Siguradong iiwan ka niya.' I struck fear into my father's heart. He loves your mom so deeply that he got scared of what I said and did. So, ginawa niya ang sa tingin niya ay makabubuti para sa kanya, sa 'yo at sa mommy mo. He disowned me. Just like that. He disowned me, like I'm not his flesh and blood."

Nagtagis ang mga bagang nito. "Nag-aaral ako no'n sa Stanford. I was on my third year and I don't want to drop out. Pero ano'ng magagawa ko, wala akong perang pambayad sa tuition? 'Yong allowance na ibinibigay ni Dad kay Lath, hindi sapat para tustusan kaming dalawa. But I didn't give up. I won't let him ruin my life and my future. Masuwerte lang talaga ako at may kakambal ako na gagawin ang lahat para sa akin. I was lucky enough that I passed Stanford's special scholarship for students who can't afford the tuition. At nag-part-time job ako para tustusan ang iba ko pang pangangailangan. Like food, clothes and a roof over my head. It wasn't easy. Hindi naman kasi ako nabuhay na mahirap, hindi ako sanay magtrabaho, pero kailangan. I didn't tell my grandparents. Siguro pride ko na rin bilang isang lalaki ang hindi magsumbong. I believe I can do it, and I did.

"Nang maka-graduate kami ni Lash ng kolehiyo, nakuha namin ang mana namin sa grandparents namin sa mother side. Ginamit namin iyon para magpagawa ng cruise ship, just like what we dreamed of. Two years after, the Black Pearl Cruise ship got well-known all over Asia and that's made me and Lath's wealthy."

Hindi mapigilan ni Nez ang maluha sa pinagdaanan ni Lash. God. She lived a luxurious life! Samantalang ito na totoong anak ni Tito Leandro ay naghirap. Lash was really a wonderful man. And she loved him more for what he'd been through.

Humarap ito sa kanya. "So, payag ka ba na ampunin ka ni Dad? I mean, his wealth would be divided into three. Kay Lath, sa mommy mo at sa 'yo. Pero wala namang pakialam si Lath sa pera ng matandang 'yon. All he wants is his shipping line. So..." Tinuyo nito ang basa niyang pisngi. "Payag ka ba?"

Mabilis siyang umiling. "I don't deserve Tito Leandro's wealth."

"Bakit naman?" Kumunot ang noo nito. "Hindi nga ba kaya ayaw mong may makaalam sa nangyari sa atin dahil ayaw mong ma-disappoint si Dad? Not accepting the adoption would really disappoint him. Sasaktan mo siya nang ganoon? Kaya mo ba siyang saktan?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Ayaw kitang maging kaapelyido."

Pain struck his face. "Oh. Sorry. Nakalimutan kong hindi mo pala ako gusto." Mahina itong tumawa.

"Lash..." Hinawakan niya ang kamay nito. "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."

GUSTONG IUMPOG ni Lash ang ulo sa pader sa sobrang gulo ng isip niya. Nez was turning him into an insane person. Mame-mental talaga siya dahil sa sobrang pagmamahal niya sa babaeng 'to.

Hinuli niya ang mailap na mga mata ni Nez. "Then what do you mean? Kasi, Nez, gulong-gulo na ako. Mababaliw na ako sa kung ano ang dapat kong gawin, sumaya ka lang. I thought what we had in Baguio was something, but it turns out, it doesn't mean anything to you. Gusto mong umuwi at magpanggap na parang walang nangyari, I let you because I thought it would make you happy. Nang bumalik ako, hindi kita pinansin tulad ng gusto mo para maging masaya ka lang. You see, Nez, gagawin ko ang lahat kahit masakit sa akin maging masaya ka lang. I understand Dad in a way because I can do everything for you. You just have to ask, Nez. You just have to ask."

Nanubig ang mga mata nito at agad na lumambot ang puso niya.

Masuyo niyang sinapo ang pisngi nito, saka tinuyo ang nga luha gamit ang hinlalaki niya. "Huwag kang umiyak," sabi niya at hinalikan ito sa noo. "Sorry, pinaiyak kita."

His plan of pretending not to care had failed. Mahirap magpanggap na wala kang pakialam sa babaeng halos sambahin mo ang nilalakaran.

Humikbi ito. "Sorry. Palagi na lang kung ano ang makapagpapasaya sa akin ang iniisip mo—"

"Trust me, apple, I'm also a selfish person. Nagkataon lang na mas importante ka sa akin kaysa sa sarili ko."

She sobbed and embraced him. Nagulat siya sa ginawa nito pero niyakap pa rin niya ang babae. God. He missed this woman in his arms. Gusto niyang nasa mga bisig niya ito sa habang-buhay.

"Nez..."

"You called me apple," bulong nito.

Napangiti siya. "Well, endearment ko 'yon para sa 'yo. And I miss calling you apple... my apple." Hinaplos niya ang mahaba nitong buhok. "You're like a forbidden fruit, apple. Alam kong bawal pero pinitas ko pa rin at kinain. At wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin, basta masaya ka, masaya na rin ako."

Ayaw niyang bitawan sa pagkakayakap si Nez. He wanted her to stay forever in his arms. But sometimes we couldn't have what we wanted so he let go of her and stepped back.

"Lash—"

"Shut up." Tumingin siya sa hagdanan na naghahatid patungo sa top deck, sa kinaroroonan nila. "Nakita kong pumasok ang mommy mo sa Yacht."

As if on cue, Tita Elspeth emerged from the stairs. Agad na dumako ang tingin nito kay Nez, saka ngumiti.

"Baby, kanina pa kita hinahanap," sabi nito. "Gusto kang makausap ng Tito Leandro mo. May sasabihin daw siya sa 'yo."

Nasisiguro ni Lash na tungkol sa adoption ang pag-uusapan ng matandang 'yon at si Nez. Nagtagis ang mga bagang niya.

Buwisit talaga ang matandang 'yon. Napakasarap bugbugin.

Kumunot ang noo ni Nez. "Ano naman daw po?" May iritasyon sa boses nito.

Naiirita ba ito dahil hanggang yakap lang sila? Was she irritated because they were disturbed? Ah... his heart could only hope.

"Hindi ko alam kung ano 'yon," sagot ni Tita Elspeth habang pasimple siyang tinitingnan.

Nez sighed. "Okay. I'm coming."

Nanigas sa kinatatayuan si Lash nang bigla na lang siyang yakapin ni Nez, at sa harap pa ng ina nito! But his eyes widened in shock when Nez pressed her soft lips on his.

Nakalimutan niya na naroon ang ina ni Nez at nakatingin sa kanya. He kissed his apple back with so much passion. Fuck. He missed her soft lips. Lumalim ang halikan nilang dalawa at ang kamay niya ay yumayapos na sa katawan nito.

Biglang may tumikhim dahilan para maghiwalay ang mga labi nila ni Nez.

Lash's face actually reddened when he realized that it was Nez' mom who cleared their throat. At sa isiping 'yon, umawang ang mga labi niya habang nagtatanong ang mga mata kay Nez.

Hell! They just kissed! At sa harap pa ng mommy nito! Hindi ba ito nag-iisip? Akala niya ayaw na ayaw nitong malaman ni Tita Elspeth namamagitan sa kanilang dalawa?

"Nez—"

"Mag-uusap tayo mamaya," sansala ni Nez sa iba pa niyang sasabihin, saka hinalikan uli siya sa mga labi. It was a quick kiss.

Nakangiting lumapit na ito sa ina, saka magkahawak-kamay ang dalawa bago bumaba sa yate.

Si Lash naman ay naiwang nakatulala sa hagdanan.

What the fuck is going on?

KINOKONTROL NI NEZ ang inis habang kaharap ang stepfather niya na kahit kailan ay hindi siya itinuring na iba. Inilagay niya ito sa pedestal dahil malaki ang respeto niya rito. She owed this man so much, but what he did to Lash... it made her want to punch the man's face.

"Nez." Ngumiti si Tito Leandro.

Pilit siyang ngumiti at umupo sila ng kanyang ina sa visitor's chair. Samantalang nakaupo si Tito Leandro sa swivel chair, sa likod ng mesa. Nasa loob sila ng library na nagsisilbing opisina rin nito.

"Nez, hija, matagal ko nang pinag-isipan 'to," nakangiti wika ni Tito Leandro. "Napag-usapan na rin ito namin ng mommy mo pero nasa iyo ang desisyon kung papayag ka. I already know that you would agree."

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Ano po 'yon?"

Tito Leandro grinned. "I want to legally adopt you. Nang sa ganoon ay maging isa ka nang totoong Coleman."

The blood on her face was drained in an instant. Namilog ang mga mata niya sa gulat at bumuka ang mga labi niya. Hindi makapaniwalang nakatingin siya kay Tito Leandro na nakangiti at hindi alintana ang emosyon niya. Akala niya ay nagbibiro lang kanina si Lash nang sabihin nitong ia-adopt siya ni Tito Leandro.

The answer was no. But could she hurt the man who nurtured her half of her life?

Nasa ganoong pag-iisip siya nang pumasok ang guwapong mukha ni Lash sa isip niya. She smiled at that.

She already decided.

Susundin niya ang sinabi ng mommy niya. Hindi niya iisipin ang ibang tao. Sa pagkakataong 'yon, magiging selfish siya. Hindi niya iisipin na madi-disappoint sa kanya si Tito Leandro at hindi niya iisipin na masasaktan ito. Sa pagkakataong 'yon, ang lalaking mahal naman niya ang pagtutuunan niya ng pansin at atensiyon.

They say love was selfless... well, maybe... but for Nez' opinion, love was selfish. Dapat sarili muna niya bago ang iba. At panatag na siya sa opinyon ng kanyang ina. Ang iniisip lang naman nito ang mahalaga sa kanya.

Si Tito Leandro... oo, malaki ang utang-na-loob niya rito at hindi niya mababayaran 'yon. Pero hindi niya ito hahayaan na humadlang sa nararamdaman niya para kay Lash.

"Tito Leandro, nakapagdesisyon na po ako," sabi niya.

Mas lumapad pa ang ngiti nito. "Talaga? Magpapa-party na ba ako? You will be Nez Coleman soon—"

"Opo. Magiging Nez Coleman ako, pero sa isang kondisyon."

"Ano 'yon?" Tito Leandro looked so eager.

Tamang-tama naman na bago pa siya makasagot, pumasok sina Lash at Lath sa loob ng library.

Agad na nawala ang ngiti ni Tito Leandro at madilim ang mukhang tiningnan ang kambal. "Lath, Lash, may kausap pa ako. Huwag kayong istorbo."

"No." Lath—it was him because her heart didn't beat faster than normal—stepped in. "May sasabihin si Lash." Itinuro nito ang lalaki na nakahilig sa nakasarang pinto ng library. "Sa ating lahat."

"Well, kung ano man 'yon, tiyak na makapaghihintay 'yon." Bumaling sa kanya ang stepfather niya. "Nez, you were saying?"

"I agree to be a Coleman, in one condition," sabi niya at sinalubong ang matiim na tingin ni Lash sa kanya. She saw fear, pain and... love in his violet eyes.

He does love me! Her heart soared and swelled.

"And that is?" Tito Leandro prompted.

Puno ng pagmamahal na nginitian niya si Lash. "Kung pakakasalan po ako ni Lash." Hindi na niya nakita ang gulat sa mukha ni Lash dahil agad siyang bumaling sa stepfather. "Iyon lang po ang tanging paraan para maging isa akong Coleman. I don't want to be adopted by you. You see, Tito Leandro, mahal ko po si Lash. At hindi po kayo ang mag-iiba ng apelyido ko, kundi siya."

Bumaling siya sa lalaki na nakabadha ang gulat sa mukha. "Alam kong nasaktan kita dahil ipinagtutulakan kita palagi palayo. Alam kong masakit ang ginawa kong pagtakbo noong nagtapat ka sa akin, but I'm tired of running and pushing you away. I don't want you to be my dirty little secret. I want to come out in the open and shout, 'I love you, Lash Coleman. I love you so much.'"

Hinawakan ni Lash ang dibdib kung nasaan ang puso nito, saka marahang tumawa. "Mahal mo rin ako? You're not kidding or anything?"

Tumango siya. "I want you back, Lash. That is, if you'll have me again."

Umingos si Lash. "Hindi ako tanga para pakawalan ka pa."

Mabilis na tinawid ni Nez ang pagitan nila ni Lash, saka niyakap ito. Wala siyang pakialam kung nakikita siya ng kanyang stepfather. She was happy to be in Lash's arms. God. She missed him so much.

Inilapat niya ang mga labi sa mga labi niya Lash pero agad ding naghiwalay ang mga labi nila nang marinig ang galit na boses ni Tito Leandro.

"What's the hell is the meaning of this?!" 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top