CHAPTER 17
CHAPTER 17
HINDI ALAM ni Nez kung papalakpakan niya ang perfect performance ni Lash sa harap ng ama nito. Tito Leandro didn't suspect a thing. Dalang-dala ito sa acting ni Lash. Even her mother didn't see the difference.
Lash was Lath in every way. The way he moved and spoke.
Splendid performance indeed!
At katabi nito si Jergen. Hindi man niya aminin pero selos na selos siya. Gusto niya ang kamay niya ang hawak nito. Pero imposible iyon dahil ayaw niyang malaman ng iba ang relasyon nila ni Lash. And she had no right to be jealous. They were not even together.
"Kailan ang alis n'yo, Dad? O mananatili kayo? Maybe for a day?" Nakangiti si Lash katulad ng kung paano ngumiti si Lath. It was creepy. "Siguradong masisiyahan si Nez kapag nanatili kayo."
Umiling si Tito Leandro. "Nah, my son. Umupa na kami ng hotel room. Doon kami matutulog at bukas na kami uuwi. Gusto lang namin kayong bisitahin. And I also want to make sure that Lash's not here."
Nagsalubong ang mga kilay ni Lash. "Dad, napag-usapan na natin 'to. Don't be hard on Lash."
He really sounded like Lath. Nakanganga lang sila ni Lysander kay Lash sa napagaling nitong pag-arte. Even she was convinced that he was Lath. Ang kislap ng mga mata nito ay magkaparehong-magkapareho.
"I know, son. But you know why I'm doing this," sabi ni Tito Leandro.
Lash sighed dramatically. "Alam ko, Dad. But still..." Umiling-iling pa ito, saka tinapik ang balikat ni Tito Leandro. "Well, have a good night, Dad. Sabay-sabay tayong mag-breakfast bukas?" Mahina pang natawa. "Pero sa labas, ha? Alam mo namang wala akong talent sa pagluluto."
Tumawa si Tito Leandro at tinapik-tapik ang balikat ni Lash. "Thanks, son." Bumaling ito sa kanya. "Masaya ka ba rito, Nez?"
"Bored na po siya," sagot ni Lash para sa kanya. "'Buti nga po narito kayo, isabay n'yo na lang si Nez sa pag-uwi n'yo bukas." Inakbayan nito si Jergen. "Ayaw niyang maging third wheel namin ni Haze ko."
Napanganga siya sa sinabi ni Lash. Napakurap-kurap siya at hindi makapaniwalang mahinang tumawa.
"Nez? Ayos ka lang, anak?" tanong sa kanya ng mommy niya.
Tumango siya, saka tumayo. Siniguro niyang walang emosyon ang mukha niya. "Ayos lang ako. Nakaka-bored nga rito. Mag-eempake lang ako para bukas ay ready na ako."
Umalis siya sa sala at nagmamadaling nagtungo sa kuwarto niya. Nang ma-i-lock ang pinto, nag-uunahang nahulog ang mga luha niya. Parang pinapiraso-piraso ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman sa mga sandaling iyon.
Her heart was bleeding... it was hurting. She couldn't stop her tears. Oh, God. Please, have mercy on me.
Umiiyak si Nez habang inaayos ang mga gamit para sa pag-uwi niya bukas.
Letseng pag-ibig 'to. Ang sakit-sakit!
NAKANGITING HINATID ni Lash sa pinto ang kanyang ama. "Bye, Dad. Ingat sa biyahe." Nagsisitaasan ang mga balahibo niya sa mga lumalabas na salita sa bibig niya.
He wanted to puke in disgust. Fuck! Just leave already!
"Okay, son." Bahagya siyang niyakap ng ama.
Gusto niyang itulak ito pero baka mabuko ang pagpapanggap niya. He had no other choice than to hug his father back.
When it was Tita Elspeth's turn to bid good-bye, nanigas sa kinatatayuan si Lash. Hindi niya alam kung paano tatratuhin ang babae. She was Nez' mother. Sapat na ang titulo nito bilang ina ng babaeng nagpapatibok sa puso niya para respetuhin niya ito.
The woman embraced him softly. "Alam kong hindi ikaw si Lath... Lash."
His blood ran cold, and his body went rigid. Hell! So hindi pala ganoon kagaling ang acting niya?
Tinapik-tapik nito ang pisngi niya. Tenderness was on her eyes. Nang magsalita uli ito ay pabulong na. "Your secret is safe with me, Lash. Just please, send my baby home. Ayokong masira siya nang dahil sa 'yo." Humakbang ito paatras at bumalik na sa tabi ng ama niya. "Bye, Lath. See you soon."
Tango lang ang naging tugon niya. He was incapable of speaking. The woman caught him off guard. Bullshit!
Nang makasakay ang mga ito sa kotseng dala at nakalabas na sa gate ng bahay, agad na nawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya.
"Fuck!" Napamura siya, saka bumalik sa loob ng bahay. His performance was not splendid after all. Habang nakikipag-usap sa ama niya, naririnig niya ang palakpakan sa napakagaling siyang pag-arte, pero hindi pala niya napaniwala si Tita Elspeth.
Napailing-iling si Lysander nang makapasok siya sa kabahayan, nakaupo ito sa pang-isahang sofa. Si Jergen naman na nagpanggap na Haze ay parang drain na drain na nakahiga sa mahabang sofa.
"What?" he asked Lysander.
Lysander tsked. "Gago ka rin, 'no? Kung gusto mong umalis si Nez, tell it to her face, hindi na sa ganoong paraan mo ipapaalam sa kanya."
Umingos siya. "What's the difference?"
"What's the difference?" Pinandilatan siya nito. "Hindi ka kasi nakatingin kanina kaya hindi mo nakita ang sakit na bumalatay sa mukha ni Nez." Inilahad nito ang kamay kay Jergen. "Halika na, umuwi na tayo. Marami ka pang trabaho na naiwan sa opisina."
Umingos si Jergen at tinabig ang nakalahad na kamay ni Lysander, saka tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa. "Nagsalita ang masipag magtrabaho."
The duo left the house. Lash could smell something fishing between Lysander and Jergen. It smelled like... Cupid. Napailing-iling na lang siya at tinahak ang daan patungo sa kuwarto ni Nez.
Kumatok si Lash sa pinto dahil naka-lock 'yon.
Segundo lang ang lumipas, agad na bumukas ang pinto. His chest tightened when he saw Nez' red eyes.
She'd been crying? God. Why do I feel like a bastard?
"Nez—"
"Huwag kang mag-alala, aalis na ako bukas kasama sina Mommy. Hindi mo na makikita ang pagmumukha ko."
Isasara sana nito ang pinto nang iharang niya ang braso.
Lash gritted his teeth when pain assaulted his arm as the door closed with so much force. It leave his arm bruised.
Malakas na napasinghap si Nez at agad na hinaplos ang braso niya. "I'm sorry." Hinipan nito ang braso niya. "Sorry. Sorry. I didn't mean to."
Napatitig siya sa babae. Oo nga at sinabi nitong walang "sila" at mali ang nangyari sa kanila, pero kabaliktaran naman ang ipinapakita nito. I could feel it, there was an "us." Natatakot lang ito.
And maybe, it was for the best if he would send her home. It wouldn't be the best for him, but since when did he have the best?
"Ayos lang ako," sabi niya.
"Pero namamaga."
Lash sighed. "Look at me, Nez."
Agad namang sumunod ang babae. Bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito na bahagyang nakaawang. Napalunok siya. He was tempted to taste those lips again, but would he dare?
"Lash—"
He captured her lips then pulled away. "Kailangan mo nang umuwi, Nez. Kapag nanatili ka pa rito, magkakasakitan lang tayo. Pagkalipas ng natitirang isang linggo, uuwi ako sa Manila. That would be the last time you'll ever see me. After that, you will never see me again. I promise." Iyon lang ang paraan para maprotektahan ang sekreto nilang dalawa... para maprotektahan ang puso niya.
If he stayed, siguradong hindi niya mapipigilan ang sarili at hahalikan niya ang babae. At darating ang panahon na may makakahuli sa kanila. And Nez would be in a dire situation. Iiyak ito at masasaktan. He wouldn't let her feel that because of him.
Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "Paano kung gusto kong manatili sa tabi mo?"
"If that is so, would you tell them the truth about us?" balik-tanong niya.
Nang mag-iwas ito ng tingin, alam na niya ang sagot sa tanong niya.
"Kung hindi mo kayang sabihin sa kanila ang totoo, hindi kita hahayaan na manatili sa tabi ko. It would be a torture to be with you without everyone knowing it. And I don't want to be your dirty little secret, Nez. If you want to be with me, tell them, if you don't, stay the heck away from me."
"Okay. I will stay away from you." Her eyes were emotionless as she spoke. "Uuwi ako bukas. Kakalimutan ko ang nangyari rito sa Baguio at maghahanap ako ng lalaking kaya kong iharap sa mommy ko at kay Tito Leandro."
Nagtagis ang mga bagang niya. "You do that." Mapapatay ko kung sino man ang ihaharap mo sa kanila. "Be happy." Fuck! You're my happiness, Nez.
Umatras siya at naglakad palayo sa babae. Nang makarating sa may swimming pool, tinawagan niya si Lath.
"Hey, brother-mine," Lath chirped happily on the other line. "Kumusta?"
"I'm brokenhearted," sabi niya at mapaklang natawa. "Hindi ko akalain na darating ang araw na sasabihin ko 'yon. Fuck, Lath, it hurts like fucking hell."
Lath sighed. "Love really hurt, Lash. Kung hindi 'yan masakit, hindi iyan pag-ibig." He sighed again, wala na ang saya sa boses nito. "Pasensiya na, nang dahil sa akin nararanasan mo 'yan ngayon. If it wasn't for my wicked plans, you wouldn't—"
"I wouldn't experience the best three weeks of my life," pagtatapos niya sa iba nitong sasabihin.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Lath. "Brother-mine, just remember, if you and Nez are meant to be, God will find a way to keep you two together. Kung hindi naman kayo para sa isa't isa, hmm, lumaklak ka na lang ng alak at magpakalasing ka. At kapag hindi pa rin nawala ang sakit sa unang araw na paglalasing mo, huwag kang mag-alala, sabay nating uubusin ang alak sa cruise ship at magpapakalasing tayong dalawa."
Mahina siyang natawa. Baliw na talaga ang kakambal niya. "Thanks, man."
"Hey, kakambal mo ako. That's the least I could do." Lath chuckled. "And you know I'll always be here for you."
That made him smile. "Ang sweet naman ng kakambal ko." Nanunudyo ang boses niya.
"Oh, fuck off, Lash!"
Malakas na natawa si Lash nang patayin ni Lath ang tawag. But his laughter faded away when he saw Nez walking towards him with a guitar in her hand.
Nang makalapit, iniabot nito sa kanya ang gitara. "Aalis na ako bukas. And I have one request."
Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa at tinanggap ang gitara. "Ano 'yon?"
"Can you sing a song for me?" Ngumiti ito nang pilit. "And could you please call me apple one last time?"
Napatitig siya sa babae. What change? Kanina lang sinabi nito sa kanya na hindi na ito lalapit sa kanya at naghahanap ng iba, 'tapos ngayon, naroon ito sa harap niya, humihiling na kantahan niya ito at tawaging apple uli. Ngayon lang niya napagtanto, na-miss niyang tawaging itong apple.
And who was he to decline her request? He would love to sing for her and call her apple one last time. Hindi niya kukuwestiyunin ang pagbabago ng isip nito. He would like to be with Nez before she would leave tomorrow.
"Okay." Umupo siya sa gilid ng swimming pool, ganoon din ang ginawa nito.
Then Lash started strumming the guitar. Tinitigan niya nang matiim ang babae. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nalulungkot. He was giving her what she wanted. She should be happy. Dahil kung kagustuhan lang niya ang masusunod, matagal na niyang ipinagsabi ang nangyari sa kanila.
He was proud of her. And how he wished that she felt the same. Pero alam niyang hindi 'yon mangyayari.
"This is for you, apple," sabi niya at ngumiti. Bumaba ang tingin niya sa gitara at nag-umpisang kumanta.
It was a song titled 'Wish I May'. A song that could express how much he loves her. A song filled with wishes and hope.
Masuyo siyang ngumiti kay Nez. Idinadaan na lang niya sa kanta ang tunay niyang nararamdaman. He couldn't confess his feeling, wala naman iyong patutunguhan.
Lash leaned in closer to Nez. Ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi nila. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga.
Pansamantala siyang tumigil sa pagkanta at masuyong inilapat ang mga labi sa mga labi nito. Her lips were so soft, so delicious. He pulled away and smiled at her. She smiled back and his heart skipped a beat.
"Apple?"
"Hmm?"
"I'm in love with you," he whispered against her soft lips.
Her eyes widened, her mouth dropped open in shock. Dahil hindi niya alam ang sasabihin pagkatapos ng pagtatapat niya, idinaan na lang niya sa kanta ang gustong sabihin dito.
Tumigil lang siya sa pagkanta nang bigla na lang tumayo si Nez at tumakbo papasok sa loob ng kabahayan.
Lash's head hung low and he laughed bitterly. Holy fuck! Why did it have to be like this? Why did Nez have to break his heart over and over again?
Naiinis na sinapo niya ang mukha at mapaklang tumawa. Love had really hurt like hell. Love would fuck you up in every way imaginable. But even love scarced you deeply and wounded you fatally, you would still come back, seeking love again.
Bullshit!
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top