CHAPTER 15
CHAPTER 15
MALAKAS NA TUMAWA si Nez dahil sa kakengkoyan ni Lash. Nasa sala silang ng bahay, nakukuwentuhan at naghaharutan. She kept on laughing at Lash's silly jokes. Hindi niya akalain na may funny bone pala ito sa katawan.
"Stop it." Sapo-sapo niya ang tiyan na masakit na dahil sa sobrang katatawa. "Tama na. Hindi ko na kaya, Lash."
"Come on, apple, hindi pa tapos ang joke ko."
Inirapan niya ito, saka nahiga sa mahabang sofa na kinauupuan nilang dalawa at ginawang unan ang mga hita ni Lash.
Isang linggo na ang lumipas mula nang dumating sila ni Lash sa Baguio. Una ay nag-date sila sa mall, nanood ng sine at namasyal sa mga tourist spot.
Palagi silang magkasama ni Lash, palaging magkahawak-kamay. At sa mga hindi nakakilala sa kanila, para silang bagong kasal na sweet na sweet.
Hindi niya ikinakaila na sa mga nakalipas na araw, nahulog na ang loob niya sa lalaki. She really fell for Lash Coleman. Pinipigilan niya dahil hindi tama pero kapag kasama niya ito, nagiging tama ang mali sa paningin niya.
Hinaplos ni Lash ang mahaba niyang buhok. "Apple?"
"Hmm?"
"Ano'ng gusto mong hapunan? Ipagluluto kita."
Napangiti si Nez. This was their routine every day. Gigising sa umaga, at dahil magkatabi sila palaging matulog, halos bawat umaga ay inaangkin siya ng lalaki. After that, they would have breakfast in the terrace, they would swim in the pool, talking and joking around in the sofa, or cooking together. At walang lumipas na gabi na hindi nila pinagsaluhan ni Lash ang init ng kanilang mga katawan.
It was the happiest day of Nez' life. Pero alam niyang matutuldukan din ang kasiyahan niya. But as of now, kakalimutan muna niya ang panira sa kasiyahan niya at magpo-focus siya sa lalaking nagpapatibok nang mabilis sa puso niya. They were alone in Baguio after all.
"Ahm..." Naglalambing na yumakap siya sa leeg ng lalaki. "Gusto ko ikaw ang hapunan ko."
Mahinang natawa si Lash. Amusement and desire flashed his violet eyes. "Hmm. Did I make you a wanton woman, my baby apple? It seems that you can't get enough of me."
That endearment always melted her heart.
Mahina siyang tumawa. Totoo kasi ang sinabi nito. He rubbed his horniness on her. Medyo nahihiya pa rin siya sa mga bagay na ipinapagawa nito kapag nagtatalik sila. Lash was a really good teacher in sex department and she learned fast.
Umalis siya sa pagkakahiga sa sofa at mabilis na lumuhod sa sahig, sa harap ni Lash.
Lash grinned, naughtiness hinted his violet eyes. "Damn, baby. Do it."
Binuksan niya ang butones ng pantalon ni Lash at ibinaba ang zipper. Binasa niya ang nanunuyong labi, saka inilabas mula sa loob ng pantalon nito ang nag-uumigting nitong pagkalalaki.
Nez stroked his manhood softly and then kissed the tip. Nginitian muna niya si Lash bago isinubo ang mahaba at matigas nitong pagkalalaki sa bibig niya.
"Oh, holy shit..." Bahagyang umangat ang hita nito, saka humilig ang ulo sa likod ng sofa. "Oh, yeah."
Dahan-dahan lang ang ginawang paggalaw ni Nez sa bibig niya. She licked and sucked Lash's cock and damn boy, it tasted good.
Habang patagal nang patagal ang paglabas-masok niya sa nag-uumigting nitong pagkalalaki sa bibig niya, pabilis nang pabilis ang pagtaas-baba ng bibig niya. Napapapikit siya kapag umaabot sa bukana ng lalamunan niya ang dulo ng pagkalalaki nito.
Sarap na sarap siya sa ginagawa at ganoon din naman si Lash na panay ang ungol. At nang hindi na mapigilan ay nilabasan ito mismo sa loob ng kanyang bibig.
Nakatingala siya kay Lash habang nakaawang ang mga labi. Puno ng katas nito ang bibig niya.
Mabilis namang hinubad ni Lash ang pang-itaas nito at itinakip iyon sa bibig niya. "Fuck, apple." He cupped her face. "Spit out my cum."
Sinunod niya ang utos nito pero hindi naman niya maiwasang makalunok nang kaunti. It was okay. He tasted a little bit salty, yet, she still found it yummy.
Izinipper niya ang pantalon nito at ibinalik ang pagkakabutones. And then she straddled his lap and kissed his neck.
Ihinilig niya ang ulo sa balikat ni Lash habang gumuguhit ang isang daliri niya ng bilog sa matitipunong dibdib nito. "I want to stay here forever," hindi niya napigilang sabi.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang hinihintay ang sagot nito.
Hinaplos ni Lash ang kamay sa likod niya. "Me too, apple. Pero isang buwan lang ang mayroon tayo."
Tumango si Nez at bumuntong-hininga. "Hindi ko akalain na mag-e-enjoy ako na kasama ka." Hinalikan niya ang leeg nito at gumapang pababa ang mga labi niya sa matitipuno nitong dibdib.
Habang hinahalikan niya ang dibdib ni Lash, gumagapang naman ang kamay nito patungo sa hita niya, papasok sa basa na niyang pagkababae.
Nang ipasok ni Lash ang isang daliri sa loob niya, napasinghap siya sa sarap. Shit! Naadik na siya sa sensasyong hatid ng daliri ni Lash. Pinaikot-ikot nito ang hinlalaki sa hiyas niya habang dahan-dahang naglalabas-masok ang isang daliri sa pagkababae niya.
"Masaya ka ba na kasama mo ako, Nez?" tanong ni Lash na para bang hindi siya nito pinapaligaya gamit ang daliri.
Napadaing siya bago sumagot. "M-masaya." Napapikit siya at napaliyad. "Ang sarap."
"Your pussy is wet, apple."
Tumango-tango siya habang mahinang napapadaing sa sarap. "Oh... basa 'yan dahil sa 'yo."
"I'm flattered," sabi nito at dalawa na ang daliri na ipinasok sa kanya dahilan para tumirik ang mga mata niya sa sarap. "Apple, I just want to tell you na hindi naman talaga ako galit sa 'yo noon. Hindi ko lang gusto ang epekto mo sa akin kapag magkalapit tayo."
Habol niya ang hininga at bumaon ang kuko niya sa mga braso ni Lash. Gumagalaw rin ang balakang niya para salubungin ang mga daliri nito sa pagpasok. God! His fingers felt so hot.
"B-bakit? Ano ba ang..." Umungol siya. "Epekto ko sa 'yo?"
Lash grinned. "Bumibilis ang tibok ng puso ko—"
Napasigaw si Nez sa sobrang sarap ng daliri ni Lash. Nanunukso ang bawat pagpasok niyon sa loob niya.
"At tinitigasan agad ako,," pagpapatuloy nito.
Nez' body arched and she moaned. "I had, oh, God...." She rocked her hips against his fingers. "A crush on you, oh, before."
"Talaga?" May kasiyahan sa boses nito.
Tumango siya. Wala na siya sa tamang pag-iisip. Her mind was haze with lust. At parang may sariling isip ang bibig niya na nagsasalita ng kung ano-ano habang inaabot niya ang rurok ng kanyang kaligayahan.
"Oo." Umungol siya. "P-pero nawala agad kasi—oh, baby—" Patuloy ang pagsalubong ng mga hita niya sa galaw ng daliri nito. "Kasi ang pangit ng ugali mo. Oh! 'Tapos umalis ako patungong London—oh, my God! Faster! At kahit paano ay nakalimutan kita. Pero nang makita kita uli after ten years—oh, heaven! Faster, baby. Harder! Oh—ikaw na yata ang pinakaguwapong lalaki na nakita ko at nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko—oh!" Umarko ang katawan niya.
And then her earth-shattering orgasm ripped through her.
Her body spasmed in pleasure. Ihinilig niya ang katawan sa katawan ni Lash. Ang daliri nito ay hinugot na sa pagkababae niya pero ang isa naman nitong kamay ay nakapasok sa loob ng kanyang blouse at nilalaro ang nipple niya.
Nang humupa na ang nakakabulag na sensasyong naranasan ni Nez, bumulong sa tainga niya si Lash.
"So may crush ka sa akin noon pa man?"
Agad na namula ang pisngi niya sa hiya. Oh, God! Bakit ba sinabi niya iyon? She confessed it in the middle of her orgasm. Hell!
"Lash! Nakakahiya!"
Mahinang tumawa si Lash at hinuli ng mga labi nito ang mga labi niya. He gave her a slow sweet kiss. "Para hindi ka na mahiya, aaminin ko, noong una kitang makita, nagandahan agad ako sa 'yo. And I know from then on, that you are the only woman who can satiate me in every way."
Sumikdo ang puso niya, nag-tumbling sa sobrang saya. "T-talaga?"
"Yes." Lash smiled against her lips. "Hindi mo alam kung gaano ka kaganda sa paningin ko."
Mas bumilis pa lalo ang tibok ng puso niya. "You're the most handsome man in my eyes too."
Malapad na ngumiti ang lalaki. "I really like you, Nez."
Sa pagkakataong 'yon, hindi siya nakinig sa isip niya. Hinayaan niyang magsalita ang puso niya.
"I like you too, Lash."
NANG AMININ ni Nez kanina na gusto rin siya nito, halos hindi na makahinga nang normal si Lash. His heart actually stopped for a fraction of second before it hammered erratically and insanely inside his ribcage again.
Pagkatapos nilang magluto ng hapunan, sabay silang kumain at katulad ng mga nagdaang gabi, magkatabi silang natulog ng babae.
Pero siyempre hindi agad sila nakatulog.
Hinihingal na bumagsak ang katawan ni Nez sa kanya at niyakap naman niya ito. He was panting too and catching his breath.
Nang maayos na ang paghinga nila, naramdaman ni Lash na lumalim na ang paghinga ni Nez. Mukhang tulog na ang babae kaya naman dahan-dahan siyang tumagilid ng higa at inayos ang posisyon nito sa kama.
Then Lash slid off the bed and left the room. Tanging boxer shorts lang ang suot niya habang hawak ang cell phone at tinatawagan ang kakambal.
"Hey, brother-mine," bati agad sa kanya ni Lath sa kabilang linya. "What's up? Nagtatampo ako sa 'yo, ngayon mo lang ako tinawagan."
Itinirik niya ang mga mata. "Fuck off, Lath."
Tumawa lang ang kakambal niya. "Yeah, yeah. Bakit ka tumawag?"
"I think I'm falling for Nez."
Lath snorted. "You think? Lash, ako ba talaga pinaglololoko mo? Gusto mo lumipad ako diyan para lang batukan ka? Buwisit ka. May pa-I-think-I think ka pang nalalaman. Hoy, gising, matagal ka nang in love kay Nez. Hindi mo lang maamin kasi hari ka ng in denial."
Napipilan siya sa sinabi nito. Magkambal nga silang dalawa. Lath knew him too well.
"Fine. You got me." Lash sighed. "Nasaan ka naman ngayon kung kami ni Nez ang narito sa Baguio?"
Mahinang tumawa ang kakambal. 'Yong uri ng tawa ng isang isang taong may binabalak na maitim. "Oh. I'm in Black Pearl Yacht."
Tumaas ang kilay niya. "You're sailing? Bakit may signal ka pa?"
"Hindi naman ako malayo sa port ni Cali. Oh, and aren't you going to congratulate me?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Lash. "Bakit naman?"
"I'm married, brother-mine." Masayang tumawa ang kakambal niya. "And I'm on my honeymoon."
Halos lumuwa ang mga mata ni Lash sa narinig. "You're joking!" Nakaukit sa mukha niya ang gulat.
Lath chuckled. "Nope." Paused. "Hey, Hazey-wifey, say hi to Lash, your brother-in-law."
"Punyeta ka! Idaong mo ang yate na 'to, Lath! At hindi mo ako wifey! Hindi ko alam kung paano nangyaring ikinasal tayo samantalang hindi naman kita gusto! Manyak! Kidnapper! Bastos! Letse ka!"
Tumawa lang ang kakambal niya at nagsalita. "See, brother-mine. Mahal na mahal ako ng asawa ko." Puno ng sarkasmo ang boses nito.
Napailing-iling siya. "Lath, ano na naman ang ginawa mo? Don't lie to me, brother. I know you're a cunning man."
Lath snickered. "Sa akin na lang kung ano'ng ginawa ko. Basta sa ngayon, may asawa akong gusto akong patayin at hindi maaming nagpakasal siya sa akin." He tsked. "Ouch, brother-mine. My heart just broke."
Nagdilim ang mukha niya. "Lath, please, what did you do?"
Nagpakawala ng buntong-hininga si Lath at sa wakas ay umamin din. "Naalala mo ba ang babaeng sumampal sa 'yo sa Baguio, eight years ago? 'Yong pinagkamalan kang ako?"
"Oo. Hindi ba nagkamabutihan kayo pero nahuli ka niyang may kahalikang iba?"
"Yeah, yeah. I was a jerk back then. Anyway, ikinasal na kaming dalawa."
Hinilot niya ang sentido. "How?"
"I have my wicked ways, brother-mine." Nai-imagine niyang nakangisi si Lath ngayon.
"Do you love her?"
Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya.
Lash sighed. "I have to hang up. Bye."
"Yeah." Lath breathed out. "Bye. And for your question, no, I don't love her."
Nawala na ang kakambal sa kabilang linya at napailing-iling na lang siya. Hindi raw nito mahal ang babae pero bakit nito pinakasalan? Loko-loko rin ang kakambal niyang 'yon. May sayad. Pero nasisiguro niyang may binabalak ito.
Bumalik siya sa kuwarto nila ni Nez at nahiga uli sa tabi ng babae. Ipipikit na sana ni Lash ang mga mata nang makatanggap siya ng text message. Napipilitang inabot niya ang cell phone na nasa bedside table, saka binasa ang mensahe na galing sa kakambal niya.
From: Lath, the lunatic
Hey, Lash, how do you woo a woman who is thinking of ways on how to end your awesome life?
Itinirik niya ang mga mata at mabilis na nireplayan ang kakambal. Alam niyang ang asawa nito ang tinutukoy sa mensahe.
To: Lath, the lunatic
How about you divorce her and stay away from her?
From: Lath, the lunatic
Walang divorce rito sa Pilipinas, annulment lang. At ayokong magpa-annul, ang mahal. Kinotongan pa lang ako ni Shun. Anyway, good night. Honeymoon night ko ngayon pero ang palad ko lang ang nagmamahal sa alaga ko.
Mariing ipinikit ni Lash ang mga mata sa nabasa, saka ibinalik ang cell phone sa bedside table.
His twin brother was really a lunatic.
MALAPAD ANG NGITI ni Nez habang naliligo sila ni Lash sa swimming pool. Panay ang tawa niya dahil kinikiliti siya nito sa ilalim ng tubig. 'Buti na lang ay nakatakas siya at ngayon ay nakaupo na sa hagdan ng pool. Halos kalahati ng katawan niya at nakalubog pa rin sa tubig.
Lumangoy palapit sa kanya si Lash at nang makalapit, tumalikod ito at inilapat ang likod sa harapan niya.
Nez smiled and hugged him from behind.
"This is perfect, " sabi ni Lash na nakahilig ang ulo sa mayayaman niyang dibdib.
"I know," sang-ayon niya habang hinahaplos ang basang buhok ng lalaki.
Nanghihinayang siya na ilang linggo na lang ay babalik na sila ni Lash sa Manila. At kapag nakabalik na sila, rerendahan na niya ang puso niya.
Hindi niya puwedeng mahalin si Lash Coleman. Pakiramdam niya ay siya si Eva at si Lash naman ang mansanas na hindi dapat niyang pitasin ang kainin. Pero ginawa pa rin niya sa isiping gusto niyang maramdaman kung paano mahalin at pasayahin ang isang Lash Coleman.
All she wanted was a sample of Lash, now she couldn't get enough. But eventually, kailangan niyang tuldukan kung ano man ang nararamdaman niya.
She and Lash would never happen. They were not meant to be together. Matagal na niyang natanggap iyon, simula nang tumibok ang puso niya para sa lalaki.
Hinalikan niya ang balikat ni Lash, saka niyakap ito nang mahigpit.
Sooner or later, she had to stop this craziness. Ang kabaliwang hinayaan niya. Dahil akala niya kapag nakasama niya si Lash ng ilang araw ay magiging sapat na para magkaroon siya ng lakas para iwasan ito.
Pero doon siya nagkamali.
"Apple?"
"Hmm?"
"Ano' ng mangyayari sa atin after one month?"
Natigilan si Nez, kapagkuwan ay mas humigpit pa ang yakap kay Lash. "We will go our separate ways."
Natahimik ito ng ilang segundo, saka nagsalitang muli. "Looks like I have to work hard in order for you to stay by my side forever."
How she wished that she could stay in Lash's side forever. Unfortunately, sooner or later, kailangan nilang harapin at tanggaping dalawa na walang patutunguhan kung ano man ang sinimulan nila sa Baguio.
They were bound to get hurt from the very beginning. Kaya nga ayaw niyang mahalin si Lash. Pero huli na ang lahat. Because in the battle between herself and her heart, she lost and her heart won.
I'm in a very big trouble.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top