CHAPTER 11

CHAPTER 11

NAGISING SI NEZ dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana. Nang imulat niya ang mga mata, napangiti siya nang makita si Lash na mahimbing na natutulog sa tabi niya. He was really a handsome man.

Very handsome.

Pinakatitigan ni Nez ang lalaki, saka napangiti na naman.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga, saka umalis sa kama. Malakas siyang napasinghap nang makita ang hubad na katawan.

She blushed. Bakit ba niya nakalimutan na hindi sila natulog kagabi ni Lash, kundi pinagsaluhan nila ang init ng kanilang katawan? They made love until they were exhausted.

A soft chuckle dragged her out from her reverie. Mabilis na bumaling siya sa kama at umawang ang mga labi niya nang makitang puno ng pagnanasa na nakatingin sa kanya si Lash.

"You're so sexy, apple," he purred.

Lalong namula ang pisngi niya at mabilis na inabot ang kumot para sana ipulupot iyon sa hubad niyang katawan pero naunahan siya ni Lash. Hinablot nito ang kumot at itinago sa likod nito.

Lash grinned. "Na-ah, apple." Umalis ito sa kama, saka lumapit sa kanya.

Itinakip niya ang isang braso sa mayayaman niyang dibdib samantalang ang isang kamay naman niya ay nakatakip sa pagkababae niya. She was naked and she felt so bare and embarrassed.

"Lash—oh." Naputol ang iba niyang sasabihin nang hawakan nito ang mayayaman niyang dibdib at masahehin.

"So beautiful," paanas na sabi ni Lash.

He dipped his head to claim her nipple. Pinaikot-ikot nito ang dila sa utong niya kaya napasabunot siya sa buhok nito. She could feel the center of her thigh getting wet.

Oh, God... this is wrong... but... so good.

He licked and sucked her nipples. "God, apple, I love your nipples."

Napaliyad siya nang gumapang ang isa nitong kamay patungo sa gitna ng mga hita niya. Gumapang naman ang mga labi nito pataas sa leeg niya hanggang sa dumako ang mga labi nito sa mga labi niya. They kissed hungrily. Good heavens!

"Good morning," Lash said between their kisses.

Nang pakawalan nito ang mga labi niya, agad na bumalik sa tama ang pag-iisip niya. Marahas niyang ipinilig ang ulo, saka mabilis na tumakbo patungo sa banyo.

Nang i-lock niya ang pinto ng banyo, narinig niya ang mahinang tawa ni Lash. Umirap siya sa hangin at pumailalim sa bukas na shower.

Habang naliligo, hindi mawala sa isip ni Nez ang ginawa nila ni Lash kagabi. It was wrong to enjoy the touch and kisses of her stepbrother. Pero hindi niya napigilan ang sarili. Kapag nalaman iyon ng mommy at Tito Leandro niya, nasisiguro niyang hindi maganda ang kalalabasan niyon.

That was why as much as possible, nilalabanan niya ang nararamdaman para kay Lash.

But her opponent was her heart... would she win the battle?

Pagkatapos maligo, itinapi niya sa katawan ang tuwalya, saka lumabas ng banyo.

Kumunot ang noo ni Nez nang makitang nakahiga pa rin sa kama si Lash at nakapikit ang mga mata.

"Lash! Bumangon ka na nga diyan. Doon ka na sa kuwarto mo," naiinis na sabi niya pero hindi naman talaga iyon ang nararamdaman niya. Ang totoo ay kinakabahan siya dahil kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na mali ang nararamdaman niya, yapusin lang siya ni Lash at yakapin, nagiging tama ang lahat.

Lash opened his violet eyes and raked a hot stare over her body. "Sexy." Itinaas nito ang kamay at ngumisi. "Pamilyar sa 'yo 'to?"

Nagkulay-kamatis ang pisngi niya. "Lash! Bitawan mo ang bra at panty ko!"

He grinned mischievously at her. "Ayoko nga. Nang pumasok ka sa banyo para maligo, pinakialaman ko ang maleta mo. And then I saw this pair of lacy red underwear. Damn, woman, I'm horny all of the sudden. Nai-imagine ko pa lang na suot mo 'to, tinitigasan na ako."

"Lash!" Sobrang nag-iinit na ang pisngi niya. "Iyang bibig mo, masyadong bastos."

Tumawa lang si Lash, saka bumangon at umupo sa gilid ng kama. "Come here. I want to put these on you."

Inirapan niya ito. "Akala ko ang alam mo lang gawin ay kung paano maghubad ng bra at panty."

Ngumisi ito. "There's a first time in everything, my apple."

Pinandilatan niya ito. "Bitawan mo 'yan. That's my personal stuff!"

"Ayoko," matigas nitong sabi, saka ngumiti. "Come here."

"Ayoko. Hindi ako lalapit sa 'yo."

Nagdilim ang mukha ni Lash. "Ikaw ang lalapit sa akin o ako ang lalapit sa 'yo?"

Napasimangot si Nez. "Fine."

Nagmamartsang lumapit siya kay Lash na nakangiti nang malapad. Ayaw niyang kalabanin ang lalaki. She knew how aggressive Lash could be when provoked.

"Hayan, lumapit na ako," nakasimagot na sabi niya. "What now?"

Tumingala sa kanya si Lash. "Take off your towel."

Napalunok siya, saka sinunod ang utos nito. Dahan-dahan, tinanggal niya ang pagkakapulupot ng towel sa katawan niya at bumagsak iyon sa sahig.

Now, she stood in front of Lash, naked.

Nakita niyang ilang beses na napalunok si Lash habang titig na titig sa mayayaman niyang dibdib. Mukhang hindi pa ito nakontento sa pagtitig, umangat ang isa nitong kamay at minasahe 'yon.

"Damn, apple, you're sexy as hell." Lust laced his husky voice.

Gumapang ang kamay nito pababa hanggang sa makarating sa pagkababae niya. He cupped her centerfold.

He groaned. "You shaved."

Para siyang robot na tumango. Sobrang sensasyon ang nararamdaman ng katawan niya. "Y-yes."

"I like it."

"Lash..." Napakagat-labi siya nang lumapat ang mga labi ng lalaki sa puson niya.

Ang isang braso nito ay pumalibot sa baywang niya at hinapit siya palapit.

Nez gulped. Nararamdaman niyang basa na ang pagkababae niya. Hindi rin nakakatulong ang mga labi ni Lash na ngayon ay hinahalikan ang gilid ng baywang niya, pababa sa mga hita niya.

"Lash... oh!" Damn! Ang sarap.

Nag-angat ng tingin sa kanya si Lash, may munting ngiti ito sa mga labi. "Ang ganda mo."

Ngumiti siya. "S-salamat."

Hinalikan uli nito ang puson niya, "What first? Panty or bra?"

She gulped. "P-panty."

God, this is so hot. My clit is throbbing, asking for attention.

Umawang ang mga labi niya nang bigla itong lumuhod.

"Lash!" She was horrified. "Tumayo ka nga diyan!"

Lash didn't listen. Instead, he positioned her panty in front of her feet. "Isuot mo na," wika nito na nakatingala sa kanya. His eyes darkened with desire. "One foot at a time, apple."

Sinunod niya ang sinabi nito, kapagkuwan ay dahan-dahang itinaas ang panty niya. The way Lash pulled her panty up was seductive. Parang nang-aakit ang mga galaw nito.

Dahan-dahang tumayo si Lash, magkatitigan pa rin sila. Napakalapit ng mga labi nito sa mga labi niya. God! She wanted to kiss him so bad.

"Bra?"

Tumango si Nez.

Isinuot ni Lash ang bra sa kanya. At the same time he hooked her bra, he pressed his lips against hers.

Napadaing siya at buong pusong tinugon ang mainit na halik ng lalaki. Yumakap siya sa leeg nito at mas lumalim pa ang paghahalikan nila. They we were devouring each other lips until Lash pulled away.

"Magbihis ka na." Parang kinakapos ito ng hininga. "Baka lamigin ka."

Ngayon binanggit ni Lash na baka lamigin siya, saka lang niya naramdaman ang malamig ng klima ng Baguio. She didn't feel it earlier... she felt hot and bothered. Even now.

Tumango siya. "Okay."

"Maliligo muna ako."

Tumango siya. "Okay."

"Okay. Later, apple." Lash softly pressed hips lips on hers then he left her room.

Nez sighed in bliss. God, help me fight this temptation.

Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng kuwarto. Nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng kape nila ni Lash, saka dinala iyon sa maliit na balkonahe na hindi kalayuan sa kusina.

Sumisimsim siya ng kape nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran. His Calvin Klein perfume teased her nostrils.

Damn!

"Hey, apple," bulong nito sa tainga niya.

"Hey." Inilapag niya ang kape sa maliit na mesa na naroon dahil nanginginig ang kamay niya.

Iba talaga ang epekto ng lalaking 'to sa kanya. This must stop!

Parang nakikipagkarera ang puso niya sa sobrang bilis nang maramdamang hinalikan ni Lash ang balikat niya. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na nakatabing sa leeg niya, saka lumapat doon ang mga labi nito.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata para makapag-isip nang tama. When Lash was kissing her, all the rationale thoughts in her head disappeared.

Marahas niyang ipinilig ang ulo, saka binaklas ang braso ni Lash na nakayakap sa baywang niya. She also took two steps away from Lash who was frowning at her.

"Why did you step away from me?" Confusion was visible on his baritone voice.

Tumikhim si Nez at tumingin sa malayo. Ayaw niyang makipagtitigan sa kulay-lila nitong mga mata. She had always got lost in those beautiful violet eyes.

"Lash..." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Baka may makakita sa atin. We're in the terrace. We're in the open."

Silence surrounded them.

Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago pagak na tumawa si Lash. "Wow. Just wow."

Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. His eyes were hard, cold and emotionless. Wala na ang masaya nitong ngiti at maliwanag na ekspresyon ng mukha.

Isang tingin lang niya kay Lash at alam agad niyang galit ito. Nagtatagis ang mga bagang nito sa galit.

"Lash, nag-iingat lang naman ako—"

"Shut up, Nez."

Parang ilang beses na sinaksak ang puso ni Nez sa sobrang lamig ng boses ni Lash. And he called her by her name. Hindi na "apple."

"Lash..." Huminga siya nang malalim. "Oo nga at tayong dalawa lang sa bahay na 'to, pero paano kung malaman 'to ni Mommy at ni Tito Leandro? I know that you don't care if they hate you when they found out about us, but I care, Lash. Mom will disown me for sure and I don't want that. Ayoko ring i-disappoint si Tito Leandro, malaki ang utang-na-loob ko sa kanya. Whatever happened between us last night, sana manatali iyong lihim." There. She said it.

Mapait na ngumiti si Lash. "So you want me to be your dirty little secret?"

Yes. "Lash, ayoko lang naman na malaman 'to ng iba."

"At sa tingin mo may nakakakita sa 'tin ngayon—"

"Mabuti na ang maingat," sansala niya sa iba nitong sasabihin. "At saka, kahit ano'ng gawin natin, baliktarin man natin ang mundo, stepsister mo pa rin ako. Walang magbabago, Lash. After here, when we got home, it will remain that way."

Lash stared at her for a long time and sighed. "So, aalis ka na? Iiwan mo akong mag-isa rito sa Baguio?"

That made her frown. "Ha? Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Kumunot din ang noo ni Lash. "Nez, kasasabi mo pa lang na ayaw mong malaman ng mommy mo at ng daddy ko ang nangyari sa atin. So I assumed na uuwi ka na sa Manila. Kasi kapag nanatili ka rito, sinisiguro ko sa'yo, Nez, paulit-ulit kitang aangkinin, araw at gabi. And you're gonna love it. Every fucking second of it."

Nagbaba siya ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi. Yes. It was true. However wrong this was, she would still enjoy making love with Lash.

Gusto niyang manatiling lihim ang nangyari sa kanila ni Lash pero hindi naman niya kayang umalis ng bahay na 'yon at bumalik sa Manila. As much as she hated to admit, she wanted to be with Lash.

For a month.

"H-hindi ako uuwi," nauutal na sabi niya. "Gusto ko lang na ilihim natin 'tong dalawa."

Mahinang natawa si Lash. "Nez, narinig mo na ba ang kasabihang 'may tainga ang lupa, may pakpak ang balita'?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumango. "Oo."

"'Yon naman pala, eh." Sinapo nito ang baba niya at pilit na pinagtama ang mga mata nila. "Nez, walang sekreto na hindi nabubunyag. Kahit ano'ng gawin mong paglilihim, kahit hindi ako magsalita, they will find out eventually. Ilang beses na tayong nagtalik, hindi ako gumamit ng proteksiyon. Wala mang magkuwento sa kanila, malalaman nila kapag lumaki 'yang tiyan mo at malalaman nilang hindi si Lath ang kasama mo rito sa Baguio kundi ako. So if you want me to be your dirty little secret, leave now and I promise, you'll never see my face again. I'm sick of you saying that this is wrong. Leave. Now."

Umiling siya. "I want to stay."

Nagtagis ang mga bagang nito. "Are you torturing me? Is that it? Do you think lying is a fucking game? No, it's not. And if it is, I will play dirty."

"What do you mean?" Bumadha ang takot sa mga mata niya at alam niyang nakita iyon ni Lash. "Sasabihin mo kay Mommy ang nangyari sa atin?"

Walang emosyon itong tumawa. "Hindi kita kayang saktan nang ganoon, Nez."

"Bakit?"

"Because you're special to me." His eyes softened. "Very special."

Sumikdo nang mabilis ang puso niya at nilukob iyon ng kakaibang kasiyahan. I'm special to him. Should I let my heart hope?

Pumasok sa isip niya ang babaeng mahal nito sa loob ng sampung taon. Agad siyang nalungkot. No. She wouldn't let her heart hope.

"Lash—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tinalikuran na siya nito at naglakad palayo sa kanya.

Humugot siya ng isang malalim na hininga, saka sinundan si Lash. Naabutan niya ito sa gilid ng swimming pool.

"Lash."

He looked at her, irritated. "What?"

"G-gusto kong mamasyal at mag-shopping. Puwede mo ba akong samahan?" nahihiya at nag-aalangang tanong niya.

Nagsalubong ang mga kilay nito at parang lalo pang nadagdagan ang iritasyon na nararamdaman. "Alam mo ba kung ano'ng sinasabi mo, Nez? We should stay indoors kung ayaw mong may makaalam sa sekreto mo." Tinawid nito ang pagitan ng mga katawan nila at sinapo ang mukha niya. "Kapag sinamahan kita sa labas, tiyak na hindi mo na maililihim ang nangyari sa atin. I'm a number one fan of PDA, Nez. I assure you, I will kiss you even if tons of people swarm around us."

"I-I know." Kumurap-kurap siya at binasa ang nanunuyong labi. "Pero, g-gusto kong lumabas na kasama ka." Nilakasan niya ang loob.

Nawala na ang pagkakakunot ng noo nito. "Why?"

Because I don't want you to be pissed at me. At iyon lang ang alam niyang paraan para mawala ang galit nito sa kanya. Alam niyang ang puno't dulo ng galit nito ay ang kagustuhan niyang ilihim ang nangyari sa kanya. And this was her way of rectifying the situation.

Hindi niya gusto ang kaalamang galit ang lalaki sa kanya. She couldn't stand it. Hindi niya alam kung bakit.

"I don't know. Just... just go out with me."

Bumalik na ang emosyon sa mukha ni Lash. Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito at tumaas din ang sulok ng mga labi.

"Go out with you..." He grinned. "Like a date?"

Her face flamed. Parang umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang pisngi sa sobrang init niyon.

Lash chuckled and caressed her cheek. "Namumula ka." Mahina itong tumawa at tumingin sa mga mata niya. "So, it's like a date, apple?"

Bumilis ang tibok ng puso niya. He called me apple again! Gusto niyang magtatalon sa tuwa.

"Well, apple?" Lash prompted.

Tumango siya. "Yeah. Just like a date."

Lash grinned widely and then he captured her lips. Agad niyang tinugon ang halik nito at mas pinalalim pa 'yon.

Kapag lumabas sila ni Lash, malaki ang posibilidad na malaman ng mommy niya at daddy nito ang namamagitan sa kanila. But at the moment, she didn't care. She just put a wide grin on Lash's face and she wanted that grin to stay in his lips.

Pero kapag nalaman ng mommy niya at ni Tito Leandro ang namamagitan sa kanila ni Lash, ano ang gagawin niya? Hahayaan ba niya ang puso na mahalin si Lash kahit alam naman niyang bawal ang nararamdaman niya?


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top