CHAPTER 9
CHAPTER 9
"YOU did what?!" Honey shouted at Themarie when they met in a secluded place outside Bachelor's Village. "Please, tell me, na nasa tama kang pag-iisip nang magdesisyon kang tanggapin ang alok niyang sa bahay ka na niya tumira. For all we know, he might be doing the same thing as you. Maybe he's spying on you too! God, Themarie, are you using your effing brain?"
Huminga siya ng malalim. Hindi ganoon katalino ang naging desisyon niya. Alam niya iyon. "I know my decision is not that smart, but that's okay. I mean, ngayong sa bahay na niya ako nakatira, mai-spiyahan ko rin siya. I can search through his house when he's not there."
Umiling-iling si Honey, halatang hindi ito sangayon sa sinabi niya. "You will get yourself killed, Them."
"Hindi ako mamamatay." Ngumiti siya. "I can do this, Honey."
"Whatever." Umatras si Honey ng dalawang hakbang. "Just call me when you need help."
Nakangiting tumango siya. "I will."
Nang makalayo sa kaniya si Honey, naglakad siya papasok sa Bachelor's Village. Hinarang siya ng Security Guard.
"I.D. ma'am." Anang Guard.
Inilabas niya mula sa bulsa sa likod ng fades jeans ang binigay sa kaniyang VIP I.D. ni Hell Boy. He said this will serve as her get pass.
"Heto ho."
Nang makita ng Guard ang ID, mabilis itong umalis sa pagkakaharang sa daraanan niya at iminuwestra ang kamay sa malaking gate ng Village.
"Pasok ho kayo, ma'am." Anito.
Magiliw siyang ngumiti saka pumasok. Hindi kalayuan ang bahay ni Shun mula sa gate kaya naman madali siyang nakarating sa distinasyon.
Hell Boy wasn't there when she arrived in the house. Nag-iwan lang ito ng note sa pintuan ng kuwarto nito.
The note says 'Hey, honey. May Board Meeting ako. I'll hurry back to you, don't you worry :)'
Kinilig siya sa nabasa. Sheyte naman oh! Nakakainis. Kahit anong sabi niya sa sarili na ginagawa niya ito para sa trabaho, kinokondena naman siya ng katawan niya. Her mind shouts work while her body shouts pleasure.
Why am i so messed up? Urgh!
Ibinulsa niya ang note saka bumalik sa sala.
Time to work.
Binusisi niya lahat ng sulok na puwedeng pagtaguan ng mga bagay-bagay na dapat ay tinatago pero wala siyang mahanap. Maliban sa Revolver na nasa closet nito, wala na siyang makitang kahina-hinalang bagay sa loob ng bahay.
Fuck! Imposibling wala siyang makita. Shun Kim is an agent. But an agent of what? Baka kalaban nila ang organisasyon na pinagmulan nito, iyon ang kinakakaba niya. Kaya kailangan niyang malaman kung sino ba talaga si Shun Kim/Hellion.
Umupo siya sa gilid ng kama at huminga ng malalim.
Why the fuck am i doing this? Tanong niya sa sarili.
Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. She's living in with Hell boy now. What to do?
Napabalikwas siya ng bangon ng marinig na bumukas ang pinto ng bahay ni Hell Boy. She was trained to hear from a far.
Mabilis siyang lumabas ng silid at sinilip sa hagdanan kung sino ang pumasok. Nakahinga siya ng maluwang nang makitang si Hell boy ang pumasok.
Tumakbo siya palapit sa binata at biglang yumakap dito.
"Hey, Hell Boy." Masayang bati niya sa binata. "I miss you."
Shun chuckled and hugged her back. "I miss you too, honey." Bahagyang itong kumawala sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan. "Wanna eat outside?"
Themarie grinned. "Sure. I would love too!" She's excited.
Kakalimutan muna niya ang mga katanungan niya tungkol kay Shun Kim. Bahala na muna ang mga iyon. Kalilimutan niyang trabaho ang dahilan kung bakit narito siya. Bahala na si Zorro sa mga suliranin niya.
EATING outside with Hell boy was like having a date with a billionaire. Hindi lang sila sa isang mamahaling Restaurant nagpunta kundi sa isang Cruise Ship na umiikot sa buong Asya, pero sa kasalukuyan ang Black Pearl Cruise Ship ay nakatigil hindi kalayuan sa Coleman's Port at patuloy ang kasiyahan sa loob ng malaking barko.
"Salamat sa pagdala sakin dito." Aniya na nakangiti. "Para na ako nitong mayaman."
Themarie can afford to dine here but that would cost her an arm and a leg. Good thing Shun is a Billionaire. If she's easily charm with money and he's working to charm her with it, it would work efficiently. No doubt.
"No problem." Nakangiting tugon ni Shun sa kaniya.
Magsasalita pa sana si Themarie ng may lumapit sa kanilang guwapong lalaki na may kulay lila na mga mata. Wow. What a handsome man.
"Shun, my man." Tinapik ng lalaki ang balikat ni Shun. "Kumusta?" Tumuon sa kaniya ang mga mata nito. "Hey, a lady." Halata ang pagkamangha sa boses nito. Like this man is not used to seeing Shun with a woman. "Hi," inilahad nito ang kamay sa kaniya, "Lath Coleman. The owner of this Cruise Ship."
May pagmamalaki ang boses nito. Who wouldn't be proud of this effing ship? Napakalaki at napakaganda.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Themarie Alfonso."
Lath smiled and it was heart melting. Good luck sa mga babaeng nahuhumaling dito. "Ito ang unang beses na nakita kong may kasamang lalaki si Shun." Nakangising binalingan nito si Shun na hindi maipinta ang mukha. "Nagbibinata ka na, Shun, my friend."
Pinukol ito ng masamang tingin ni Shun. "Fuck off, Lath."
Sa halip na umalis, tumaas ang kamay ni Lath para tawagin ang pansin ng isang lalaki na kamukhang-kamukha nito. Kaagad na lumapit sa kanila ang lalaki at nahuli ng mga mata niya na inginuso ni Lath ang bibig sa kaniya.
Tinutigan siya ng bagong dating. "Woah." May pagkamangha ang boses nito. "What the hell man? Nagbibinata na ang singkit nating kaibigan."
"Fuck off!" Shun hissed, he sounds pissed off.
Tumawa lang ang bagong dating ang inilahad ang kamay sa kaniya. "Hi, beautiful. I'm Lash Coleman. Wanna dance?"
"Gusto mong baliin ko ang buto mo at igiling ko ang ibang parte ng katawan mo?" Shun threatened Lath and Lash as his expression darkened even more.
Mas lumapad ang ngiti ni Lash at tumabi sa kaniya at walang sabi-sabing inakbayan siya.
"Sayaw tayo, ganda. Gusto mo?" Bulong ni Lash sa kaniya.
Themarie is sure that Lash is trying to pissed Shun off and it's working.
Umiling siya. "Nope." Hinuli niya ang galit na mga mata ni Shun. "I rather dance with Shun."
Napakurap-kurap si Shun na parang nagulat sa sinabi niya saka lumapit sa kaniya at tinanggal ang braso ni Lash na naka-akbay sa kaniya.
"Fuck off, Lash." Ani Shun na may malamig at nakakatakot na ngiti. "Or else, Nez Fernandez, you're beautiful step-sister will know everything."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Lash at napalitan iyon ng pananagis ng bagang nito.
"Try it, fuckers and you'll die." Lash looks threatening but Shun wasn't moved.
"Huwag mo akong takutin, Lash. Huwag mong sagarin ang kabaitan ko. When it comes to my woman," hinatak siya nito patayo at niyakap ang isang braso sa beywang niya, "nobody touch her but me and only me. I'm a very possessive man and I'll threaten you if i have to."
Lash dropped his threatening gaze and smile. "Pasalamat ka at kaibigan kita."
Nagkamayan ang dalawa habang may ngiti sa mga labi.
Lihim na napailing-iling si Themarie. She can't understand men at all. Not in her life.
Nang mawala ang dalawa, hinila siya ni Shun patungo sa may railing ng first deck. Lumubog na ang araw at tanging ang buwan nalang ang nakatanglaw sa karagatan na nagniningning.
"I'm sorry about that." Ani Shun saka hinawakan ang kamay niya. "I'm not really a jealous type person, I'm just territorial. You're mine now and i don't share what's mine. I'll kill them if they even try."
Nanlamig si Themarie sa sinabi ni Shun. Of course, he can kill. Ito ang pumatay kay Chi Wong. Alam niyang kaya nitong pumatay kaya hindi na siya nagkomento pa.
Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nito kung sino talaga siya?
Bigla siyang nawalan ng gana. "Puwede na ba tayong umuwi? Pagod na ako."
Mataman siyang tinitigan ni Shun, may kakaibang kislap ang mga mata nito, kapagkuwan ay ngumiti ito saka tumango.
"Sure. Let's go."
Walang imik siya habang papauwi sila. This is not right. Tama si Honey. She will get herself killed.
Nang makauwi sila, naglakas ng loob siyang sabihin kay Shun ang kanina pa niya iniisip.
"I don't want to live in with you." Aniya saka nag-iwas ng tingin. "Babalik nalang ako sa dati kong apartment."
Shun was silent for a couple of minute, the he spoke.
"May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"
I have many secrets that need to be kept. "Nothing. It's not you, it's me—"
"Don't bullshit me, Them. And don't use that fucking line on me." Nagtatagis ang bagang ni Shun. Halata ang galit sa boses nito.
Huminga siya ng malalim. "Hindi ikaw ang lalaking nararapat sakin." Aniya na nagsisinungaling. Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka nagsalitang muli. "Gusto ko mas mayaman pa sayo. Preferable matandang mayaman na madaling mamatay. I need money, Shun."
Hindi makapaniwalang tumawa si Shun. "Magkano ba ang kailangan mo? Magkano ba, ha? How much are you?"
Pakiramdam niya parang may sumakal sa puso niya. "You can't afford me."
With that, she left his car and calls a cab.
Living in with Shun would be risky. May misyon pa siyang dapat na intendihin. Makapaghihintay si Shun Kim.
A/N: One chapter lang 'to, CCBells. Haha. Nawawala ako sa story na 'to e. Honestly, nganga ako kay Shun. Pressure pa rin kasi isa si Shun sa mga inaabangan niyong character sa Possessive kaya siguro nganga ako. I'll update next saturday :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top