CHAPTER 23

A/N: I dedicate this story to Jergen Carbonell Camince. For supporting SHUN KIM and for the awesome cover! Thank you so much.

CHAPTER 23

HALOS mapuno nila ang buong Ob-Gyne Clinic. All in all, nasa labing-apat ang bilang nila at wala ni isang gustong nagpa-iwan sa labas. Shun was tempted to choke the life out of his friends but stop himself. They did help him.

"Ano ba ang ginagawa niyo rito?" Tanong niya sa mga kaibigan ng nakaupo na sila.

Si Lash ang sumagot. "Baka kasi bigla ka nang himatayin kapag narinig mo ang sasabihin ng Doctor."

Shun snorted. "Hindi ako si Iuhence na nahimatay ng malamang buntis ang asawa niya."

Iuhence just grinned. "It's part of my charms."

Inungosan niya ito at hindi na nagsalita. The Doctor ushered Themarie inside a room. Naiwan silang lahat sa labas. Nakaupo si Terron sa pang-isahang sofa. Nakatayo naman ang ama ni Themarie, Valerian, Knight, Lash, Cali at siya. Ang nakaupo sa dalawang mahabang sofa ay sina Tyron, Iuhence, Train, Lander, Calyx, Dark, Ymar at Evren.

It took more or less ten minutes before Themarie and the Doctor went out of the room. Kaagad niyang hinuli ang mata ng dalaga. Nang magtama ang tingin nilang dalawa, nagtatanong na tinaas niya ang kilay. Hindi sumagot si Themarie, sa halip ay bumaling ito sa Doctor at tumango.

The Doctor then cleared her throat to get everyone's attention. Lahat sila na nasa loob ng clinic ay tumingin sa Doctor at hinintay ang sasabihin nito.

"Lady Themarie is already four weeks pregnant—"

"Yes!" Hiyaw niya sa saya saka mabilis na lunapit sa dalaga at mahigpit itong niyakap. "Told yah! I love you so much! I love you so much. I love you so much!" He, then, crashed his lips against her and then pulled away. "Thank you. Thank you so much."

Walang mapagsidlan ang kaligayahan niya sa mga oras na iyon, ganoon din naman si Themarie. Pero kaagad na naputol iyon ng makitang nahimatay ang ama ni Themarie.

The Duke fainted at the news!

"Your grace!" Terron shouted in worry.

"Dad!" Themarie shouted in panic.

"Sir!" He and his friends shouted in unison.

Walang namutawing salita sa mga labi nila. Nagtulong-tulong silang buhatin ang Duke at isinakay sa limousine.

Then they drove to the nearest Hospital.

NAG-AALA si Themarie habang naka-upo sa gilid ng Hospital bed na kinahihigaan ng ama niya. Terron had managed to calm down the media and answer all the reporter's questions.

Si Shun naman at ang mga kaibigan nito ay nasa labas ng silid at naghihintay na magising ang Daddy niya.

"Themarie..." a raspy voice filled her ears.

Mabilis na tumingin si Themarie sa ama na ngayon ay mulat na ang mga mata. "Dad! Thank God you're awake. Bigla ka nalang nahimatay kanina, nag-alala ako sayo."

Ngumiti ito, hindi niya inaasahan iyon.

"Sorry, Themarie. I was just shock that i am now officially a grandfather." The Duke chuckled. "I'm happy for you, my daughter. I'm happy to see you happy. And I'm glad you have Shun Kim. That man love you, he would even jump off a cliff for you."

Napamulagat siya. "Ano?"

"When we were talking, i threaten and scared him a bit. But he didn't back down. He said he loves you and hold his ground. That man deserves you, my daughter."

Ngumiti siya. "Thanks Dad." Kapagkuwan ay nakaramdam siya ng kalungkutan. "And I'm sorry. I'm your only heir and the Dashwood will be angry—"

"It's okay. Days ago, i already talk to Duke Ferreo Dashwood. We already agreed not to continue the wedding for they don't want their son to marry a woman who's carrying a child with another man. Looks like Terron told his father before me. The Duke of Florence told me not to worry; the relation between Tuscany and Florence will remain as it is." Hinawakan nito ang kamay niya saka pinisil. "Themarie, your happiness is more important to me than anything in this world. I forced you to marry Terron because i know that your heart does not belong to someone else. But when i saw love in your eyes at the mention of that man's name, i know i have to let you go. It's okay if you leave Tuscany. Be with the man you love, because God knows i will do the same if I'm in your shoes. Just promise me you'll visit. This old man will miss you. I may act cold and hard towards you at times, but remember this, you are my daughter and i love you very much."

Her tears fall. Ilang beses ba niyang hiniling noon na marinig mula sa kaniyang ama na mahal siya nito. After her mother's death, he was different. Naging malamig na ang pakikitungo nito sa kaniya. She was wrong to accuse him of not loving her. Her father does love her in his own ways.

"I love you too, Dad." Niyakap niya ang ama ng mahigpit. "I promise to visit."

Ilang minuto silang magkayakap ng Daddy niya. Nang kumawala sila sa yakap ng isa't-isa, masuyo siyang nginitian ng kaniyang ama.

"Be happy, Themarie."

"I will."

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Shun. Nang makitang gising na Daddy niya, nawala ang pag-aalala sa mukha nito.

"Sir."

"Mr. Kim," intimidating na naman ang boses ng ama niya at lihim siyang napangiti ng makitang ngumiwi si Shun. "Or Shun. Which do you prefer, son-in-law?"

Shun instantly grinned. "Shun. Shun is good."

"Okay. Now get out before i punch you for deflowering my daughter before the wedding."

"Dad!" Namumula ang pisngi niya.

"What?" Pinandilatan nito si Shun. "You better plan a perfect wedding for my daughter or else, i will—"

"—you will kill me." Ani Shun na nakangiti. "I know."

"Good. Now leave me alone to rest."

Nangingiting umalis siya sa tabi ng kaniyang ama at lumapit kay Shun. Their lips met for a second and then he pulled her out of the room.

"Hey, guys. Okay na si Duke Vitale." Ani Shun sa mga kaibigan nito na nakaupo sa waiting area. Kaagad na tumingin sa kanila ang mga kaibigan nito. "And, I want you to meet Themarie Alfonso Vitale, my girlfriend—"

"Hindi mo pa nga ako tinatanong, e." Sansala niya.

Shum give her a lopsided smile. "Can you be my girlfriend?"

Mabilis siyang tumango. "Yes!"

Hinalikan siya nito sa mga labi at humarap sa mga kaibigan nito. "And she'll soon be my fiancée. Kailangan ko lang makabili ng singsing para makapag-propose ako ng maayos."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Magkakatotoo na ang lahat ng pinangarap niya mula ng makilala si Shun. Ikakasal silang dalawa at buntis siya. Her life couldn't get any better than this.

"Please tell me na hindi ka kasali sa kulto ni Tyron." Anang lalaki na naka-krus ang mga braso sa harap ng dibdib.

Napangiti si Shun. "Sorry, Cali," inakbayan siya nito. "Sa mga pinagdaanan at naramdaman ko at sa plano kong i-assassinate si Terron sa sobrang selos, i am certainly a member of Possessive Men Club."

Nagtawanan ang mga kaibigan nito at isa-isang nagpakilala sa kaniya.

"Hey, Tyron Zapanta." Anang lalaki na may kulay butterscotch na mga mata. "I'm the President of Possessive Men Club. I have a very lovely wife and two adorable kids."

"Hi, I'm Iuhence Vergara. Ako ang pinaka guwapo sa aming lahat."

Umangal kaagad ang mga kaibigan nito na ikinabit-balikat lang ni Iuhence.

"Hello. I'm Train Wolkzbin. Half-Russian.. Mayroon akong nakapagandang asawa at mga anak na kasing guwapo ko."

Kilala niya ang lalaking 'to. Ang tagapag-mana ng Wolkzbin Enterprise. Wow.

"My name's Lander Storm. Ang pinaka-macho sa aming lahat."

Umingos ang lalaking katabi nito at nagpakilala. "The name's Calyx Vargaz. Ako ang pinakamagaling mag-shoot sa aming lahat."

Pabirong sinuntok ni Lander and balikat ni Calyx. "Hindi porke't naka-triplets ka ay magaling ka na mag shoot." Tinuro siya nito. "May buntis oh. Contender si Shun ngayon. Malay mo quadruplets ang laman ng tiyan ni Lady Themarie."

Malaki ang matang napahawak siya sa kaniyang tiyan. "What?!" She was horrified.

Kaagad siyang niyakap ni Shun mula sa likuran. "Huwag kang makikinig sa kanila. Wala kaming lahing kambal." Paused. "I think so."

Natatawang inirapan niya ang kasintahan.

"I'm Dark Nikolas Megalos Stavros Montero, Dark for short." Kinuha nito ang kamay niya at nakipag-shake hands sa kaniya. "I'm half-Greek. Ako ang pinakaguwapo at pinakamayaman."

Kaagad na umingos ang lalaking nasa likuran nito. "Huwag kang magpapaniwala sa kaniya Lady Themarie. Ako ang pinakamayaman. I am a Spaniard Count, Knight Velazquez. Dark here is just a Prince."

Nanlaki ang mga mata niya. Spaniard Count? Prince? What the hell? Shun's friends are really something.

"I'm Valerian Volkzki." Pagpapakilala ng lalaking mag-isang nakatayo sa gilid. "And i kick Japanese and Spaniard's asses."

Bago pa siya makapagtanong kung anong ibig nitong sabihin, bumulong sa taenga niya si Shun. "Galit yan sa mga Hapon at Espanyol. In short galit sakin at kay Knight. Hindi siya maka move on sa History e."

Tumango-tango siya habang ina-absorb sa isip niya ang nalaman. May mga tao palang hindi maka move on sa history? Weird.

"I'm Cali Sudalga and I'm handsome." Kinindatan siya nito, samantalang si Shun naman ay tinaasan ito ng kamao.

Shun and his possessiveness.

"Kilala mo na ako 'di'ba?" Ani Lash. His amethyst eyes were twinkling.

Tumango si Themarie. "Oo. Nasaan yong kakambal mo?"

"Nandoon, hinahabol ang love of his life niya." Anito.

"I'm Ymar Stroam." Pagpapakilala ng isang lalaki. Parang ito lang yata ang pormal sa magkakaibigan. Ito lang ang hindi weird.

"Evren Yilmaz here." Anang lalaki na abala sa paglalaro ng COC.

"And I'm Ream Oliveros." Naglakad ito palapit kay Shun at may ibinigay na kulay itim na velvet box. "It's the most expensive engagement ring in my store. Dinala ko in case interesado ka."

Shun grinned and snatch the velvet box from Ream's hand. "I'll pay you when we get back."

Halos lumuwa ang mata ng mga kaibigan ni Shun.

"Totoo ba ang nakikita ko? Si Shun na mandurugas at kuripot, bumili ng isang mahal na enggagement ring?"

"Nagugunaw na ba ang mundo?"

Hindi pinansin ni Shun ang mga kaibigan at lumuhod sa harapan niya. Binuksan nito ang black velvet box at bumulaga sa kaniya ang kulay itim na diamond ring. Goodness! Black diamond is a rare stone and very expensive too.

"Shun—"

"I love you, Themarie. I can't promise you anything other than i will love you for the rest of my life. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ikaw ang babaeng hindi ako magsasawang mahalin. Ikaw lang ang babaeng sasambahin ko at pangako, hindi ako magpapalit ng relihiyon." He grinned. "So, will you marry me? Would you marry this man kneeling in front of you? Would you give me the privilege of loving you every day?"

It wasn't the most romantic proposal. Pero hindi naman 'yon ang kailangan ni Themarie. Wala siyang pakialam kung hindi romantic ang proposal ni Shun. Ang importante, siya ang babaeng napili nitong makasama habang-buhay.

"Yes. I'll marry you."

Isang napakalapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Shun. "God, i love you so much." Tumayo ito at sinakop ang mga labi niya, kapagkuwan ay inilagay sa daliri niya ang singsing. "My fiancé." Hinalikan ulit siya nito at bumulong sa mga labi niya. "You're mine, Themarie."

Hinaplos niya ang pisngi nito at ipinalibot ang mga braso sa leeg nito. "Hell boy, simula ng makita kita sa Club Red, i know that I'm the one for you."

Their lips met again. Wala silang pakialam sa palakpakan ng nasa paligid nila. Ang mahalaga kay Themarie ay lalaking kahalikan niya, ang lalaking mahal niya at ang lalaking nakatakda niyang maging asawa.

TWO MONTHS LATER... Both Filipino and Tuscan are present when the grandest wedding was held in the Philippine soil.

Themarie Alfonso Vitale and Shun Kim's Nuptial.

Naroon ang ama ni Themarie na galing pa sa Tuscany, dumalo rin ang mga kaibigan ni Shun na siyang maiingay sa simbahan. Imbitado rin ang mga naging katrabaho ni Themarie sa Club Red na ngayon ay nakasara na dahil sa pagkamatay ng may-ari na si X.

Katulad nga ng sinabi ng ama ni Themarie, na sinunod naman si Shun, isang gradiyusong kasalan ang idinaos sa napiling simbahan ng magkasintahan.

In that church, they made their vow to love and cherish each other. And there, they share their first kiss as husband and wife, with their friends and families as witness.

Pagkatapos ng kasal, nakatanggap ng mensahe ang mag-asawa. Galing iyon sa boss nilang si Lord Vandreck.

Thems & Hellion,

Happy greetings to both of you. I'm happy to receive the invitation to your wedding but sadly, i can't attend. Hellion, I'm happy that you finally found the woman you'll love for eternity. You deserve to be happy. I think i did the right thing when i sent you to Monte Carlo to attend that ball. I'm not even slightly guilty for what i did i lied to you about protecting Lady Vitale. And it also wasn't a coincidence that you two were partners. Yes, i know about you and Themarie and yes, i played a role of a matchmaker. I think it works, yeah? You two had done so much for the Organization. It's time for the Organization to pay it back. It's time for me to pay it back.

My gift to both of you is freedom from the Agency. I now officially fired you both. You are no longer an agent in my Organization. Good luck and may God bless you.

Farewell,

Lord Vandreck

"What now?" Tanong ni Themarie kay Shun habang nasa sasakyan sila patungo sa reception.

Tinupi ni Shun ang sulat galing sa boss nila. "Now, we start our own family." Hinawakan nito ang tiyan niya. "At magiging masaya tayo."

Ngumiti si Themarie at hinalikan sa labi ang asawa. "I love you, hell boy."

"I love you too, babe."

"I love you more."

"I highly doubt that, babe."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top