CHAPTER 2

CHAPTER 2

PAGOD na lumabas ng Club si Themarie. Masakit ang likod niya saka ang mga paa niya. She's a flat shoes and sneakers kind of woman. She loathes high heeled shoes and Stilettos.

Pero kahit pa niya ka gaano kinaiinisan ang matataas na sapatos na 'yon, wala siyang choice. Kasi 'yon daw dapat ang uniform ng isang waitress. Kalokohan.

"You look tired." Anang boses mula sa tabi niya.

Themarie frowned. Ni hindi niya narinig na may tumabi sa kaniya. At sa mundong ginagalawan niya, kapag hindi mo narinig ang yabag ng isang tao, dalawang rason lang iyon. It's either he's a thief or he's a killer.

Binalingan niya ang lalaking nasa tabi niya. Mataman niya itong tinitigan. Hellion.

"Kapag ngumiti ba ako, yayaman ako?" Mataray na tanong niya sa lalaki.

This guy is hiding something. Parang may bumubulong niyon sa isip niya. At aalamin niya kung ano 'yon at kung bakit. Her instinct is telling her something... and her instinct was always right.

Hellion sighed. "How much for your smile?"

Marahan siyang natawa. "Babayaran mo ako para lang ngumiti o tumawa? Now, that's something cool." She chuckled again. "Oh, tumawa na ako. One thousand, please?"

Naiiling na kumuha ng pera sa Shun sa pitaka nito na nasa bulsa saka inilagay sa nakabukas niyang mga palad.

"Here." Anito.

Napatitig siya sa pera na bigay nito. For a bartender, napakadali para rito na magbigay ng pera. Mukhang hindi ito naghihirap. O baka naman hindi talaga ito mahirap at nagpapanggap lang? She couldn't tell.

Napailing-iling siya. Gumagana na naman ang utak niya bilang isang Intel.

Ibinulsa niya ang pera saka ginawaran ito ng halik sa mga labi na ikinatigas ng buong katawan nito. She chuckled lightly. This man has always an uncanny reaction towards her kisses.

And she has this strong urge to kiss this handsome Chinito guy ever since she saw him. It's funny. Ngayon lang siya nagkagustong halikan ang isang lalaki. In the nature of her job, she stays away from having a boyfriend, men in general.

Inilayo niya ang mga labi sa mga labi nito saka ang tungki naman ng ilong nito ang hinalikan niya.

"Wala nang bayad 'yan." Aniya na ang tinutukoy ay ang paghalik niya sa tungki ng ilong nito.

Malalim ang bawat paghinga ni Hellion. Naguguluhang napatitig siya sa mukha nito.

"Ayos ka lang?" May pag-aalalang tanong niya saka inilapat ang palad sa dibdib nito kung nasaan ang puso nito.

His heart was pounding fast against her palm. "Ayos ka lang?" Tanong niya ulit. "Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo—"

"Stop kissing me and my heart would stay still!"

Napaigtad siya sa pagsigaw nito. "Huwag mo nga akong sigawan!" Nagtaas din siya ng boses. "Wala kang karapatan."

Mabilis na itinikom nito ang bibig at tumingin sa dumaraang sasakyan sa harapan nila.

"I didn't mean to shout." Anito sa mahinang boses. "You just caught me off guard."

Bumuntong-hininga siya saka bumuga ng hangin. Bigla na namang pumasok sa isip niya ang walang ingay na yabag ng mga paa nito.

"Puwede ka bang maglakad ng kahit ilang hakbang lang?" Aniya.

She needs to make sure before she investigate.

Hellion shrugged and took five steps. She narrowed her eyes on Hellion's foot. Wala talaga siyang yabag na naririnig kapag naglalakad ito. This kind of person is scary and deadly.

Pumara siya ng taxi saka hinalikan sa mag labi si Hellion ulit. And again, he stilled.

"Bye, hell boy. See yah again tonight." Aniya saka mabilis na pumasok sa pinarang taxi at nagpahatid sa apartment niya.

NAPATITIG si Shun sa papalayong taxi na sinasakyan ni Them. Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang mga labi. He told her not to kiss her but... he was just kidding himself. He likes her kisses even though she always caught him off guard.

Napapailing na pumara siya ng taxi. Hindi niya dinala ang kaniyang sasakyan, baka masira ang pagpapanggap niya.

Habang nakasakay siya sa taxi na maghahatid sa kaniya sa Bachelor's Village, napakunot ang nuo niya ng buksan niya ang wallet at nawawalan siya ng isang libo. Magwawala na sana siya ng maalalang ibinigay pala niya iyon kay Them.

Shun tsked. "Mamumulubi ako sa babaeng 'yon." Well, if it means a kiss from Them, then he have to work really hard.

Nang maihatid siya ng taxi sa labas ng Bachelor's Village, tinawagan niya ang kaniyang secretary.

"Tom." He breathes out.

"Yes, Mr. Kim." Anito ng sagutin ang tawag niya.

"How's our fifteen for lease house and lot?" Tanong niya.

"Nabili na po lahat."

"Good. Fax me the statement of account of each house and lot." Wika niya saka pinatay ang tawag.

Nang makapasok siya sa kaniyang bahay, tinawagan naman niya ang isa pa niyang sekretarya. His secretaries are men. Mas madali kasi kapag lalaki. Walang arte at hindi pa-bebe.

"Sanny, kumusta na ang mga bata?"

"Ayos naman po, Mr. Kim. Naipasok na silang lahat sa bahay na pinagawa niyo para sa kanila. We're already contacting the DSWD to put a social worker in the house if possible. Na enroll na rin po ang mga bata na nasa tamang edad na para mag-aral. And the DSWD wants to talk to you in person."

"Okay. Set an appointment with the DSWD." Aniya sa may awtoridad na boses. "I'm free tomorrow after lunch."

"Okay. And another thing Mr. Kim."

"What?"

"We need more fund for the children's school necessity and foods."

"Sige. Bukas ko ibibigay ang pera."

"Sige po, Boss."

Nang tapusin niya ang tawag, marahas siyang napabuga ng hangin.

Funds. He needs more funds.

"Son of a fucking bitch." Pagmumura niya. "Sino kaya ang puwede kong makutungan ngayon? Wala naman kasing tumatawag, e."

As if on cue, his phone rang. It was Knight Velazquez calling.

Thanks God. Mukhang makakakutong siya ng malaki-laki. Knight Velasquez is a freaking count after all.

"Yes?" Aniya ng sagutin ang tawag. "Need anything?"

"May ipapahanap ako sayo." Anito na ikinangisi niya.

"That will cost an arm and a leg, no scratch that, add some limbs too."

"How much?"

Napangisi siya. "Well, i have this new unused car in my disposal—"

"Deal. Ipa-deliver mo kaagad yan dito sa bahay ko at babayaran kaagad kita. Just find my sister."

Matagal na nitong hinahanap ang kapatid. Ngayon lang ito tumawag sa kaniya para ipahanap. Looks like he's desperate to find her.

"Okay. Give me one week." He said.

"Okay."

Masaya siya nang ibaba niya ang cell phone. May pera na siyang magagamit para sa mga bata. Plus 'yong nakurakot pa niya kay Ymar, malaki-laki na 'yon. Idagdag pa niya ang tips at sahod na matatanggap niya, ayos na 'yon. Kahit papaano ay makakatulong na 'yon.

Kailangan sariling sikap siya para matulungan ang mga batang 'yon. Nakakaawa naman. Gustong mag-aral pero hindi makapag-aral dahil sa kawalan ng pera. At alam niya ang pakiramdam na 'yon. He was an adopted child. Pero bago siya ma-adopt, naging palaboy muna siya sa lansangan. Hindi niya nakilala ang kaniyang ama. He didn't know his birthday, his birth place; even his real surname is stranger to him. Wala siyang alam sa kung sino ang totoong siya maliban sa isang hapon ang ama niya at hindi niya alam ang apelyido. Ang ina naman niya ay iniwan siya sa bangketa ng kaya na niyang mabuhay mag-isa.

His adopted parents were half-korean ang half-filipino couple. Walang anak. Kaya naman naging Shun Kim ang pangalan niya.

Shun is thankful to his adopted parents because they sheltered him and feed him. Nang mamatay ang mga ito sa isang car accident, napunta sa kaniya ang lahat ng ari-arian ng mga ito at ipinangako niya sa sarili na palalaguin niya iyon at tutulong siya sa mga batang nangangailangan. Dahil tulad niya noon, hindi siya magiging Shun Kim ngayon kung walang may mabuting loob na mag-asawa na kumupkop sa kaniya.

Nagtungo siya sa kaniyang silid at ihiniga ang pagod ba katawan. He really salutes bartenders. Their job is very tiring. Hindi lang iyon, kaylangang fucos ka sa paggawa ng mga inumin kundi masasayang lang ang mga alak na hinahalo mo.

Shun sighed.

Wala sa sariling bigla nalang pumasok sa isip niya ang magandang mukha ni Them.

Napangiti siya ng maalala ang paghalik nito sa kaniya. Honestly, he had never been kiss. But yes, he had sex already. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya nakikipaghalikan sa mga babaeng nakakatalik niya. He likes it quick and clean. No kissing, just fucking.

He dislikes getting close to someone. Look at him now, he have friends who are close to his heart. And he can't let go of them. Kaya ayaw niyang napapalapit sa mga tao e kasi sa oras na nakapasok ang mga ito sa loob ng ginawang niyang bakod, wala na. 'Yon na 'yon na talaga.

And then there's Them. He has to harden his defenses. He has to guard that soft spot of his heart. He likes her. Alam niya iyon mula ng lumapat ang labi nito sa labi niya. He knew in that instant, that Them will play a big role in his life. Hindi naman siya tanga para hindi malaman 'yon. At iyon ang kailangan niyang paghandaan.

Mabilis siyang bumangon ng may pumasok na ideya sa isip niya saka kinuha ang kaniyang laptop at dumapa siya sa kama.

Napakadali lang para sa kaniya ang i-hack ang data base ng NAIA, SSS at kahit ano pang Government agency na makakatulong sa kaniya na makakuha ng impormasyon sa taong hinahanap.

Napatigil si Shun sa pagta-type ng maalalang hindi pala niya alam ang buong pangalan ni Them. Kaya naman tinawagan niya si X.

"Hey, fucker."

He grimaced at that cursed word. "May empleyado kang Them ang pangalan. Anong full name niya?"

Mahinang natawa si X. "Want to fuck her?"

Shun rolled his eyes. "I need her full name, X."

"Wait." Bigla itong nawala sa kabilang linya. At nang may magsalita, boses ba iyon ni Blaze. "Her name is Themarie Alfonso. Why?"

Themarie. Beautiful name.

"Don't ask." Aniya at pinatay ang tawag.

Shun hurriedly enter Themarie's full name on the search box.

Napangiti si Shun ng lumabas ang lahat ng impormasyon tungkol kay Themarie. The beauty of Government Data Base. So cool.

Shun run his index finger over Themarie's address on the screen of his laptop. Hindi niya mapigilan ang mapailing-iling sa pinaggagagawa niya. Talagang may alien nga sa loob ng katawan niya. Hindi naman siya ganito dati. Hindi siya naghahanap ng tao na wala naman siyang makukuhang malaking pera. He would not waste his very important time on searching for a person, lalo na kung wala namang bayad.

Isinara niya ang laptop at patihayang nahiga sa kama.

He needs to sleep. Para mamayang gabi ay gising siya. And as much as he hates to admit, he's excited to see Themarie again.

NANG makarating si Themarie sa apartment niya, inilabas niya ang kaniyang handy finger print scanner at inilagay niya ang isang libong pera na pag-aari ni Hellion.

It only took ten seconds to find the owner of the finger print.

Shun Kim. Thirty-one years old. Complexion: Tanned. CEO of Royale Real Estate Company. Light brown eyes and light brown hair. Half-Japanese, Half-Korean and Half-Filipino. Adopted son of Mr. And Mrs. Lee Kim. A car, Hammer, is registered under his name.

Weird.

Bakit ang isang Shun Kim, na mayaman, ay magpapakilalang Hellion? Sino si Hellion? At bakit siya nagta-trabaho bilang isang bartender. Ano 'yon? Trip lang nitong pahirapan ang sarili?

Inilapag niya ang finger print scanner sa bed side table saka nahiga sa kama.

Mamayang gabi na siya mag-iisip. Antok na antok na siya at feeling niya at hindi gumagana ng maayos ang isip niya. Palagi kasing pumapasok sa utak niya ang paghalik niya sa katakam-takam na labi ni Hellion. Baka pagod lang ako kaya ganoon.

MAAGANG pumasok si Shun sa Club Red. He's excited to see Themarie—no, he's not, damn it! I'm not excited to see that woman.

"Hey, hell boy."

Natigilan siya sa pag-aayos ng alak sa bar at nag-angat ng tingin. And there she is, the woman who owns the most beautiful face his eyes ever laid on.

"Them." He breathes in.

Themarie smiled at him, amusement dancing in her eyes. "Mukhang naakit ka sa kagandahan ko ngayong gabi, hell boy." Biro nito. Dumukwang ito at pinanggigilan ang pisngi niya. "You're so hot and cute."

Hindi niya napigilan ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. "Thanks."

Nakangiting itinirik nito ang mga mata. "Yeah. Yeah. Hell boy is hot and delectable."

His manhood started to hardened. "Fuck me." He hissed a vile curse under his breath.

"Masyado pang maaga para patulan kita." Wika ni Themarie na narinig pala ang sinabi niya.

Namilog ang mga mata niya saka tinitigan ang mukha ng dalaga. "What?" He asked innocently.

"You said fuck me. And i said, too early."

Mabilis niyang tinalikuran si Themarie. Fuck. Me and my fucking mouth!

A/N: So, i added one chapter sa story ni Ymar. Chapter 23 :) 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top