CHAPTER 13

CHAPTER 13

THEMARIE heaved a deep sighed when the plane landed in the Airport in Tuscany. This is it. Nakarating na siya sa bansa kung saan siya nakatira at lumaki. Malay okay Shun Kim.

Nang i-announce ng piloto na puwede na siyang lumabas, nagmamadali siyang lumabas at malalaki ang hakbang na nagtungo sa waiting area.

Ngumiti si Themarie ng makita si Terron sa waiting area ng airport. He's wearing a cap and large aviator to cover his handsome face. Siguradong kung walang takip ang mukha nito, nasisiguro niyang napapalibutan na ito ngayon ng media.

May hawak si Terron na puting placard na may nakasulat na 'Hey, Fiancé'.

Thems felt happy to see Terron. Tumakbo siya palapit sa binata saka mahigpit itong niyakap.

"I miss you, Terron." She said.

He hugged her back. "I miss you too, baby." Bulong nito malapit sa taenga niya.

Themarie felt her heart clenched. Shun calls her baby or babe. "Please, don't call me baby."

Mahinang tumawa si Terron saka pinakawalan siya. He smiled at her. "Bakit ba ayaw mo sa endearment na 'baby' o 'babe'? May dapat ba akong malaman?" Tumaas ang isang kilay nito, nagtatanong.

She rolled her eyes and confessed. "Ayaw ko lang siyang maalala."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Terron. "Who's the lucky guy? Puwede kong malaman ang pangalan niya?"

"Shun," them bit her lips, "Shun Kim."

Tinapik-tapik ni Terron ang balikat niya saka hinalikan siya sa pisngi. "Things will work out, honey. It will, i promise."

Pilit siyang ngumiti. "Sana nga, Terron. I just left Shun and I'm pretty sure he hates me right now."

Inakbayan siya ni Terron saka iginiya patungo sa parking lot ng Airport. "Everything will be fine."

"Hope so."

Terron guide her towards the waiting limousine. Nang makita ni Themarie ang driver, nginitian niya ito.

"Hello, Mr. Cougan." Aniya. "How are you?"

Mr. Cougan is Terron's personal butler. Hindi lang ito magaling sa trabaho, isa ring itong matalik na kaibigan ni Terron. And he's a good friend of her.

"I'm fine, Lady Themarie." Pormal na sagot ni Mr. Cougan at pinagbuksan sila ng pinto ng sasakyan.

Sumakay siya sa sasakyan, at sumunod sa kaniya si Terron. Nang komportable na silang nakaupo, narinig niya ang boses ni Mr. Cougan.

"Where to, Lord Terron?"

Terron leaned on the leather seat. "To Vitale Castle."

"Yes, my lord." Ani ni Mr. Cougan at nagumpisa nang gumalaw ang sasakyan.

Ihinilig ni Themarie ang ulo sa balikat ni Terron. "Sa tingin mo kapag nakipag-usap ako kay Daddy, makikinig siya?"

"I don't know, sweetheart." Hinagod ng binata ang likod niya. "Pero kailangan mong subukan."

She smiled. Terron's tagalog is really good. Siguro dahil Pilipina ang ina nito at ginusto rin nitong matuto ng lengguwahe. Halos pareho lang sila ni Terron, ang ina niya ang Pilipino. His father fell in love with her mom and viola. Madaming sagabal ang pinagdaanan ng pagmamahalan ng mga ito. Her mother was a commoner and his dad is something from the fairytale, you would see how difficult it was for them to be together. But they stay strong. Kaya nang mamatay ang ina niya, biglang nag-iba ang ama niya. He becomes cold and hard to her. At sa paglipas ng panahon, nasanay na siya.

As for Terron, they are good friends years ago, until their parents drop the bomb and announce their engagement. Wala siyang masabi kay Terron, mabait ito at maasahan kaya alam niyang magiging maayos ang pagsasama nila. Of course, until my heart fell for that handsome chinky, Shun Kim. Lahat ng plano niya na kasama si Terron ay nawala, ang gusto lang niya ay makasama ito. She even gives her virginity to him and she doesn't regret a thing.

Hindi alam ni Themarie na nakatulog siya hanggang sa gisingin siya ni Terron. Nakaparada ang limousine sa harap ng palasyo ng kaniyang ama.

"We're here." Anunsiyo ni Terron.

Huminga siya ng malalim saka ngumiti. "Yeah."

Sabay sila lumabas ng sasakyan ni Terron. Nang makita siya ng mga security guards sa labas ng malapad at malaking pinto ng palasyo, umayos ang tayo ng mga ito at pinagbuksan sila ni Terron.

Themarie took a deep breath before stepping inside the Palace.

"Chill. Hindi ka naman niya kakainin." Biro ni Terron at inakbayan siya.

Ngumiti lang si Themarie saka naglakad patungo sa library ng kaniyang ama. Alam niyang naroon ito ngayon at hinihintay ang pagdating niya.

Tumigil si Themarie sa labas ng isang malaking pinto at kumatok.

"Come in." A faint voice said behind the door.

Binuksan ni Terron ang pinto at siya muna ang pinapasok bago ito sumunod.

"Dad." Huminga siya ng malalim at hinintay na magtaas ng tingin ang ama niya.

"Themarie." Anito ng mag-angat ng tingin at nakita siya. "You're here. How's your flight?"

"Fine." Simpling sagot niya. She doesn't want to elaborate.

Dumako ang tingin nito kay Terron. "When is the wedding? The whole town of Tuscany is waiting."

Nanlamig ang kamay ni Themarie. Nagkatinginan sila ni Terron bago ito sumagot.

"The wedding will be two months from today." Hinawakan ni Terron ang kamay niya. "That's why I'm giving Themarie, my fiancé her freedom to do everything she wants for those two months."

Bahagyan siyang napamulagat kay Terron. Her freedom for two months? Totoo ba 'to?

Her freedom... napangiti siya ng mapait. Nang gustuhin niyang maging agent, syempre, inilihim niya sa ama. But his father has eyes here and there, he found out and he was furious. At dahil hindi siya nagpapigil, nagkaroon sila ng kasunduang mag-ama. Hahayaan siya nitong gawin ang gusto niya, ang kapalit ay sa oras na sumapit ang ika-twenty eight niyang kaarawan, magpapakasal siya sa lalaking napili ng kaniyang ama. And that's Lord Terron Dashwood, her childhood friend. His family is one of the most powerful families in Florence.

And her freedom ends two months from now, in her wedding day.

No mission. No Shun Kim. For good.

Bumalik ang tingin niya sa ama ng maramdaman niya ang matiim nitong titig.

"Dad?"

Father sighed. "Okay. Freedom for two months then. You can go to missions and do stuff that you want. And then, you two will get wed and you, my daughter, will be the future Duchess of Tuscany."

Kinagat ni Thems ang pang-ibabang labi niya saka pinilit ang sarili na tumango.

Does she have a freaking choice? It's her duty ... her responsibility.

"You may leave." Anang ama niya na kaagad naman nilang ginawa.

Lumabas sila at pareho silang huminga ng malalim at mahinang tumawa. His father is a very intimidating man, and Terron is intimidated by him. Siya naman at medyo takot sa ama niya. Iba kasi ito kapag galit.

Inakbayan siya ni Terron. "Uuwi muna ako sa Florence, Thems. Baka hinahanap na ako ni mommy."

Tumango siya at pinasalamatan ito. "Salamat sa pagsundo sakin."

"Anytime." Niyakap siya nito saka hinalikan sa nuo. "Two months freedom, Thems. Do whatever you want." Anito na para bang may gusto itong ipagawa sa kaniya na hindi lang nito masabi.

"Salamat ulit." Kahit dalawang buwan lang siyang malaya, ayos lang sa kaniya. It's still freedom and she will take it and enjoy it up to the last freaking day.

Nagpaalam na si Terron at umalis sa Palasyo, siya naman ay nagtungo sa silid niya at napangiti nalang ng makitang maayos na nakalagay sa study table niya ang mga gadget niya at mga pag-aaring baril.

Dumako ang tingin ni Themarie sa isang pinto ng nakakonekta sa silid niya ng lumabas mula roon ang nanny niya mula nuong bata pa siya.

"Nanny Lydea." Lumapit sita rito at niyakap ito ng mahigpit. "I miss you."

"Me too. Now," tinapik-tapik nito ang likod niya. "I already prepare you a bath."

"Thank you."

"You're welcome, honey. I'll prepare your food right away."

"Okay." Nagmamadali siyang pumasok sa nilabasang pinto ni Nanny Lydea at nakangiting ihiniga ang katawan sa bathtub, and ulo lang niya ang nakalabas sa tubig na puno ng bula.

Relaxing feeling seeped through Themarie and then she closed her eyes. Biglang pumasok sa isip niya si Shun.

Ano kayang ginagawa nito ngayon? Is he thinking about her? Is he looking for me?

SHUN is tracking the call registry of Themarie's last phone call to him. Pero pagkalipas ng ilang minuto, biglang nawala ang frequency na tina-track niya.

It just disappeared like magic. Like someone cut the line dead.

"Fuck!"

Akmang susuntukin niya ang screen ng laptop niya ng maalalang iyon na ang huli niyang laptop. He already destroyed them all except this one in front of him.

It had been a one awful week since Them left him. Since she ran away. At sa loob ng isang linggo na iyon, hindi siya tumigil sa paghahanap dito. He look everywhere for her. Every data base present except for the forbidden once.

Bumuga siya ng marahas na hangin at tinitigan ang cell phone niya. Themarie's words still echo in his head.

"I love you, Hell boy."

She loves me. Gusto niyang magtatalon sa tuwa pero pinipigilan siya ng narinig niya na sinabi ni Terron. Fiancé nito si Themarie. What the fuck is happening? Mahal siya nito samantalang engage ito sa ibang lalaki. What am i? A plaything for her?

Sasabog na ang ulo niya sa pag-iisip pero wala naman siyang makuhang kasagutan.

Pero hindi siya susuko. Hindi niya hahayaang mawala sa kaniya si Themarie. That woman owes him a huge fucking explanation. And he will get it, one way or another!

He narrowed his eyes on the laptop's screen. Napaka-imposibling biglang maglaho ang isang tao. Napaka-imposible na walang pagkakakilanlan si Themarie. He believe that someone delete Themarie's data. At kapag walang data na mahahanap tungkol sa isang tao, its either she's a very important person, an agent or someone in hiding.

Minasahe ni Shun ang balikat at batok niya saka nag-umpisang i-hack ang dalawang government data base. The USA secret data base and England's Privy Data. It's very dangerous, he could go to prison if they caught him but he doesn't give a fuck.

Mahahanap niya si Themarie. By hook or by crook.

As he hack the two secret data base in the world, napamura siya ng makitang patong-patong na firewall ang balakid sa impormasyong hinahanap niya. He has to get rid of them. Fast. Fuck!

Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya habang tumutipa sa keyboard ng laptop niya. It was a battle between him and data bases' security protection wall.

It wasn't easy but finally, he's in. Isang minuto lang ang mayroon siya para mahanap si Themarie at para hindi siya mahuli. After one minute, they will know his location if he didn't withdraw from their data base.

Mabilis niyang i-ti-nayp ang pangalang Themarie Alfonso sa search engine.

Searching 50%...

Tumunog ang cell phone niya. Sa isiping baka si Themarie ang nagtext, mabilis niyang binuksan ang mensage.

Hellion,

New Mission.

A syndicate name Romano X is running rampart around Florence, Pisa and Tuscany. Find out the name of their leader, their members, activities and their hideout. You will be working with another agency who knows every corner of Italy. Book a ticket to Tuscany, fly and Agent Winslow will fetch you in the airport. I will expect a full report of this mission a week from now.

-LORD VANDRECK

Bumuga ng marahas na hangin si Shun at mabilis na isinara ang laptop niya na hindi manlang tinitingnan kung lumabas ang pangalan na hinahanap niya.

And it did.

Themarie Alfonso Vitale. Daughter of Duke Rosso Vitale of Tuscany and Lady Tanya Alfonso Vitale (Decease). Engaged to be married to Terron Dashwood, son of Lord Ferreo Dashwood of Florence.

THEMARIE force her eyes to open when her phone beeped. Inabot niya iyon na nasa bed side table. Napamura siya ng makitang madaling-araw na. Pero dahil galing iyon sa boss niya, pinilit niya ang mata na basahin ang mensahe.

Thems,

A mission for you.

Meet your partner in Greco Condominium in Tuscany, 40th floor, room 409, at exactly 12:00 noon in the 2nd of November.

-Boss

Bumuga siya ng marahas na hangin saka bumangon. It's already four in the morning. She might as well get some exercise or jog around the Palace.

Themarie had been here for a week now, she have one month and three weeks freedom, susulitin niya iyon.

A/N: Two months freedom? What to do? What to do?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top