CHAPTER 1

CHAPTER 1

IT WAS a chilly night outside Club Red. Nanginginig ang katawan ni Themarie habang nag-aabang ng taxi na maasakyan pauwi sa inuupahan niyang maliit na apartment.

Themarie could afford a freaking penthouse, but she need to be inconspicuous. Kailangang makita ng mga tao na mahirap at mukhang siyang pera. Kaya nga isa siyang waitress ng Club Red.

"Hey beautiful." A guy purred over her ear. "How much for the night?"

Hindi natinag si Themarie sa tanong ng lalaki. Palagi na niyang naririnig iyon. Sa klase ng trabaho mayroon siya, sanay na siyang napagkakamalang hooker.

Kalmadong humarap siya sa lalaki na hindi naman kaguwapuhan saka nang-aakit na tumingin dito.

"How much?" Ulit niya sa tanong nito saka ngumisi. "Trust me when i say, hindi mo kaya ang halaga ko." Malakas niyang tinuhod ang pagkalalaki nito sabay sakay sa Taxi na kapaparada lang sa harapan niya.

Natatawa si Themarie habang nakatingin sa lalaking namimilipit sa sakit sa labas ng Club Red. Buti nga rito. Akala siguro nito ay isa siyang patakbuhing babae. He's mistaken. Kung nasa loob siya ng Club, sasakyan niya ang kalibogan nito. Too bad nasa labas na sila. The fearless and smart Themarie is back.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga ng makarating ang taxi na sinasakyan sa labas ng maliit niyang apartment. Shit hole!

Themarie gravely enter her new home and force herself to sleep. Tomorrow is another hellish day at work.

NANG magising si Themarie, wala na si Haring araw. Bumangon siya at mabilis na nagbihis saka nagtungo sa Club Red. That's her routine every freaking day. Club Red and Home. Wala siyang mga kaibigan na makakausap dahil alam niyang mga abala rin ang mga ito sa kaniya-kaniyang misyon.

Pagkapasok niya sa Club Red, buhay na buhay na ang buong paligid. Ang daming matatandang lalaki na naroon at naghahanap ng batang babaeng mauuto. Marami ring mga prosti roon na naghahanap ng masisilong 4M.

Matandang mayaman at madaling mamatay.

Idiniposito niya ang bag na dala sa locker room at doon na rin nagbihis. Hinubad niya ang puting blouse na suot saka pinalitan iyon ng halter top na uniform ng Club. Akmang ibababa na niya ang kaniyang denim jeans ng may magsalitang baritonong boses mula sa kanan niya.

"I wouldn't do that if i were you."

Mabilis niyang binalingan ang nagsalita at pinukol ito ng nakamamatay na tingin ng makitang nakatingin ito sa dibdib niya na parang siyang-siya ito sa nakikita. Buti nalang at hindi niya hinubad ang bra niya kanina. Suwerte sana ng lalaking 'to. Hmp! Manyak din e. Hindi man lang tumitingin ng palihim.

Pinagmasdan niya nang mabuti ang bastos na lalaki. Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Nasisiguro niyang may abs ang singkit na 'to. Parang gusto niyang itaas ang suot nitong itim na shirt at siguraduhing may abs nga ito. He is handsome, alright. Square jaw, pointed nose, tanned skin, Chinky eyes that held amusement as he looked at her, oh, and those natural sexy red lips that is now stimulating and arousing her desires for this stranger.

Most men in the club wants to pay her for a kiss, pero ang lalaking 'to kahit libre, ayos lang.

"Sino ka?" Tanong niya ng makabawi sa pagkahumaling sa guwapo nitong mukha. "This is a ladies locker room."

"I'm the new Bartender. Naki-gamit ako ng banyo, sira doon sa panlalaki e." Suave ito magtagalog, ibig sabihin, ang mukha lang ang dayuhan dito, pero hindi sa salita.

"Ah. Okay. Umalis ka na." Mataray na aniya.

Naglakad palapit sa kaniya ang singkit na lalaki. Sa hindi niya malamang kadahilanan, napa-atras siya dahil hindi niya kaya ang presensiya nito. Parang may tumatambol sa puso niya ng tumigil ito sa harapan niya at ngumiti, showing his perfect set of teeth.

Nahiya naman ako sa ngipin ko. Itinikom niya ang bibig at nag-iwas ng tingin. "Umalis ka na. Magbibihis pa ako."

Inilahad nito ang kamay. "I'm Hellion."

Nakataas ang kilay na tumingin siya rito. "Hellion? Mukhang isa kang demonyitong bata para pangalanan ka ng ganoon ng mga magulang mo."

His eyebrows quirks up. "What?"

"Hellion means a person or a child who behaves badly. Hindi mo ba alam mo 'yon?"

A half-smile and half-smirk appeared on his sexy lips. "I see. A walking dictionary. Nice. What's your name?"

"Ang pangalan ko ay para lang sa mga taong gusto ko." Rule 101 in the Club, always play hard to get.

Binangga niya ang balikat nito ng lampasan niya saka siya naglakad patungo sa banyo. Doon nalang siya magbibihis dahil mukhang walang balak si singkit na lumabas.

NAPAILING-ILING si Shun sa inasal ng babaeng waitress. Kung maka-akto naman ito parang ang linis-linis. Alam niyang lahat ng waitress dito sa Club ni X ay may mga side line. Mga extra income. Waitress slash prosti.

Ayos lang yan kay X. Hindi naman daw niya ang mga ito binubugaw. He tsked. And Shun is sure that that stunning gorgeous woman is not an exemption to that. Everybody needs money, even him.

But as a part time prosti, that woman was smart. Alam nito ang ibig sabihin ng code name niya bilang isang agent. Shun really was a naughty boy when he was a kid.

Umalis siya sa locker room ng mga babae at nagtungo siya sa likod ng Bar at inihanda ang sarili na maging isang Bartender ngayong gabi.

Lumipas ang ilang sandali, abala na siya sa pagmi-mix ng mga inumin na order sa kaniya. Good thing he studied bartending for a year. He needs to have a low profile so he could kill that son of a bitch without a trace and no evidence.

Hell, yeah.

Shun was making a bloody Mary when someone caught his attention. It's the beautiful woman, nagsi-serve ito ng mga alak sa costumer at kahit may ngiti ito sa mga labi, nakikita niyang asiwang-asiwa ito sa malalagkit na tingin ng mga kalalakihan sa paligid nito.

The woman really is a beauty. 'Yong gandang masarap pagmasdan at habang tumatagal ay paganda ito ng paganda at nakakabighani na. Hindi niya akalaing may ganitong babae pa siyang makikilala. Bumaba ang mata niya sa mayayaman nitong dibdib. Hmm... they look real to me. Lalo naman ang umbok na pang-upo nito na nakakaakit pagmasdan na umuuga kapag naglalakad ito. What an asset! Puwede na niya itong kantahan ng nasa iyo na ang lahat.

Itinukod niya ang siko sa bar at pinakatitigang maiigi ang babae. Pilit na inaarok ng isip niya kung bakit ito ganoon umakto. Kung ayaw nito sa trabahong waitress, e di maghanap ng iba. Mahirap ba 'yon?

"Mister, nasaan na ang bloody mary na order ko?"

Bumalik siya sa kasalukuyan dahil sa tanong na 'yon.

"Fuck." Shun hissed and then quickly return to making bloody mary. "Sorry, madam. I got busy."

"Na busy kamo sa kabubuso sa waitress na 'yon." Sikmat ng babae na nag order ng Bloody Mary.

Nagtagis ang bagang niya. And who the fuck are you to say that to me? Gusto niyang buhusan ng bloody Mary ang babae pero pinigilan niya ang sarili. Pera rin 'to. Sayang naman. Sisisantehin siya ni X, sigurado 'yon.

Tiis lang, Shun. Pagkausap niya sa sarili. Huwag mong kalabitin ang gatilyo ng pagtitimpi mo baka makapatay ka talaga rito. Isipin mo nalang ang tips na natatanggap mo sa bawat inumin.

Napapangiti siya tuwing may tip na natatanggap. Kahit isang daan lang 'yon, ayos na. Naniniwala siyang hindi mabubuo ang isang libo kung walang isang daan.

Keep coming, tips. Papa Shun needs you.

After a couple of hours, dumalang din sa wakas ang nag o-order ng alak sa Bar. Maybe because they are now all drunk and vomiting in the restroom.

Isang malakas na paglapag ng tray sa bar ang gumising sa nagliliwaliw niyang isip.

"Nakakapagod naman 'to." Komento ng babaeng boses.

He looked up and saw the stunning waitress.

"Here." Inilapag niya ang Tequila sa harap nito. "Drink it."

Inirapan siya nito. "Cash ang kailangan ko, hindi inomin."

Napakadali kay Shun na kunin ang pitaka sa bulsa ng pantalon sa suot at kumuha roon ng limang libo. "Here. Cash."

Saka lang niya na realize ang ginawa ng makitang hawak na ng magandang waitress ang pera niya. Fuck! My money! Para 'yon sa charity! Hell! Shit! Son of a fucking bi—

"Ano naman ang kabayaran nito? Kiss? Hug? Blowjob? Sex?"

His mind went blank. Napakurap-kurap siya at may sariling isip ang bibig na nagsalita. "Kiss?"

"Kiss?" Mahinang natawa ang babae. "Five thousand for a kiss? Cool."

Pumasok ang babae sa loob ng Bar at walang sabi-sabing siniil siya ng mainit na halik sa mga labi. That was the first time that a woman caught him off guard. That was the first time that a woman kissed him and he just stand there like a lunatic that he is.

NAGBIBIRO lang si Themarie ng sabihin niyang cash ang kailangan niya. Naiinis lang siya sa costumer na panay tanong kung magkano ang gabi niya. Letsugas naman oh! Ito ang napapala niya sa pagsunod sa utos ng nakakataas.

Mainit pa sa kamay niya ang limang libo ni Hellion at mainit din ang mga labi niya na nakalapit sa mga labi ni Hellion.

She was right, his lips really is edible.

Themarie didn't mean to kiss Mr. Downright Hot and Gorgeous Chinito. Pero mabuti na ring halikan niya ito para tumigil na ang malilibog na costumer sa kakatanong kung magkaano ang gabi niya. Napipika na siya. Baka basagin niya ang baso sa bungo nito at ang basag na baso ay itarak niya sa malibog nitong bunganga.

Themarie withdraw from the kiss and chuckled. Nakakatawa. Namimilog din pala sa gulat ang mga singkit? Cool.

"Sapat na ba 'yon sa five thousand mo?" Tanong niya.

Napakurap-kurap ito at mukhang nakabawi na sa pagkabigla dahil may kislap na nang pagnanasa ang mga mata nito na parang naaakit siyang titigan.

"Was that enough?" Ulit nito sa tanong niya saka ngumisi. "My answer is no."

"Kung ganoon," ibinalik niya ang three thousand dito. "Hayan, two thousand nalang ang sakin. Para hindi ka naman dehado sa pera mo."

Napailing-iling si Shun. "Pasalamat ka nagagandahan ako sayo."

"At utang na loob ko pa pala na nahalina ka sa kagandahan ko?" Napapantastikuhang napailing-iling siya. "Letsugas naman oh." Isinampal niya rito ang dalawang libo sa pisngi nito. "Hayan ang pera mo, isaksak mo iyan diyan sa singkit mong mga mata..." on second thought ... kinuha niya ang isang libo. "Pang-agahan ko bukas ag pamasahe. Salamat, Hell boy."

Nagsalubong ang kilay nito at hindi maipinta ang mukha. "H-Hell boy?"

"Yes." She grinned slyly. "Hell short for Hellion. At boy dahil nasisiguro kong demonyitong bata ka nung maliit ka pa."

Ilang beses itong napakurap na parang dina-digest pa ang sinabi niya. Natatawang napailing-iling siya.

"Ang slow mo naman, Hell Boy." Sabi niya saka lumabas ng bar at nagpatuloy ulit sa pagsi-serve ng alak sa ngayon ay mga lasing na nilang costumer.

Eww.

SHUN just stand there, unmoving, as that woman words sunk in to his brain. Hindi niya matanggap ang sinabi nito. Siya? Slow? Gusto ba nitong isampal niya sa maganda nitong mukha ang sampong medal niya nang magtapos siya sa koleheyo?

Shun glared at the woman's retreating back. "And I'm not Hell Boy, damn it."

Napabuntong-hininga siya at bumalik sa paghahalo ng inumin. Paminsan-minsan ay hinahanap ng mga mata niya ang magandang babae.

Fuck! Ano ba ang nangyayari sakin? She's just a woman. Keep yourself together, dimwit! That woman is messing with your head. Huwag mo siyang hayaang masira ang mga plano mo habang narito ka sa Club Red.

Humugot siya ng isang malalim na hininga saka kinalma ang sarili.

"One scotch on the rocks, Hell Boy."

Napaigtad siya at nabitawan ang hawak niyang Tequila bottle sa gulat. Napakunot ang nuo niya at tumingin sa nabasag na bote ng tequilla.

Son of a fucking bitch! What the fuck is happening to me?!

Humarap siya sa babae at kinunotan ito ng nuo. "What!?" Padaskol niyang tanong dito.

Kinunotan din siya nito ng nuo kapagkuwan ay napailing-iling. "Doon na nga lang ako sa bar ni Bakleta. Mukhang bad mode ka."

Tinalikuran siya nito at nakakadalawang hakbang palang ng humarap itong muli sa kaniya.

"By the way, Hell boy, my name is Them."

In that moment, his irritation disappeared. Hell! Anong nangyayari sakin? Hindi ako 'to. Sinasapian ba ako ng isang alien?

Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Ymar.

"Siguraduhin mo lang importante 'to, Shun, kundi itatapon ko ulit ang cell phone mo pag nagkita tayo."

Kinalimutan niya ang inis niya kay Ymar dahil sa pagtapon nito ng cell phone niya nuong nakaraang araw.

"Ymar, magpapa-check-up ako. Mukhang may virus na nakapasok sa katawan ko. Hindi na ako 'to. I'm an alien in my own body and emotion! Fuck this. I need an appointment. Pronto."

Ymar grunted. "Oo na. Bukas kita ipapa-check-up kau Czarina. Magiging Doctor naman siya ng mga baliw e. She'll do."

"Thanks—wait, what? Hindi ako baliw."

"Says who?"

Pinaikot niya ang mga mata at pinatay ang tawag. Hmp! Walang kuwentang kaibigan.


A/N: Next week ulit. Kinakabahan ako sa comments niyo. Huhu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top