PROLOGUE

PROLOGUE

ITINULAK PABUKAS NI CZARINA ang pinto ng kotse habang may binabalatang saging. She had an uncanny liking towards bananas. She stepped out of her car and looked at her new house. Kumagat siya ng saging at napangiti. Ang sarap talaga ng saging at ang sarap sa feeling na may sarili na siyang bahay ngayon.

She was about to walk to her new house with banana in her hand, of course, when the gate next to her house opened and a car drove out. Then the car stopped, the driver's seat opened, and a very handsome man stepped out from the car.

Shit! Ang guwapo naman ng lalaking 'to!

Nakadagdag pa sa kaguwapuhan nito ang lab coat na suot. Napakalinis nitong tingnan. Matangos ang ilong at matangkad. Bagay silang dalawa kasi matangkad din siya. At nasisiguro niyang maiinggit sa kanya ang maraming kababaihan kapag ito ang naging jowa niya.

Itinaas ni Czarina ang kamay at iwinagayway. "Hi!" malakas ang boses na bati niya sa lalaki.

The man halted and looked at her. Kinunutan siya nito ng noo, kapagkuwan ay nagpatuloy sa ginagawa na parang walang nag-hi rito.

Hmp! Snob pala ang guwapo na 'to. Sayang naman.

Kumagat uli siya sa saging na hawak at naglakad palapit sa bahay niya. Binubuksan na niya ang gate nang mapatingin na naman siya sa guwapong lalaki na nagsasara ng sariling gate.

Nahuli niyang nakatingin ito sa gawi niya kaya naman kinindatan niya. Muli, kumunot na naman ang noo ito at ibinalik ang atensiyon sa pagsara ng gate ng bahay nito.

Napabungisngis si Czarina dahilan para mapatingin na naman ito sa kanya. Isinubo niya ang saging sa bibig at kumaway sa lalaki. Kinunutan na naman siya nito ng noo na para bang na nawe-weirdo-han na sa kanya. Then the handsome man's eyes dropped at the banana in her mouth. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito at lihim siyang napangiti.

Men!

Umiling-iling siya at tuluyan nang binuksan ang gate, saka pumasok sa bahay niya.

Sayang ang lalaking 'yon. Snob at mukhang mahal ang ngiti. Sayang talaga. Bagay pa naman silang dalawa. Doktor siya at doktor din ito. Swak na swak silang dalawa. Yummy siya at yummy rin ito.

Pak na pak talaga!

Nang makapasok, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng bahay niya. She felt proud. Dugo at pawis niya ang puhunan para mabili niya ang bahay na iyon. It was her dream house.

Siguro naman ngayon na may sarili na siyang bahay, hindi na siya papupuntahin ng mga magulang niya sa Canada kung saan doon na ang mga ito naninirahan. Her parents were both doctors too. And they both decided to work abroad. Pero siya, wala siyang balak na mag-abroad. Ayaw niya. Mas nag-e-enjoy siya rito sa Pilipinas.

Umupo si Czarina sa pang-isahang sofa at inilabas mula sa backpack niya ang malapad at makapal na Psychiatric book. Gusto niyang maging doktor ng mga baliw kaya naman nag-aaral siya uli. Sabado at Linggo lang naman ang pasok niya kaya napagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral. Kaya naman palagi niyang dala ang makapal na aklat na iyon para sa karagdagang kaalaman.

She started reading. Nawala sa isip niya ang kumain at magpahinga. Hanggang sa matapos niyang basahin ang isang chapter, hindi pa rin sapat. She started reading the second chapters. Hanggang sa mag-angat siya ng tingin, madilim na sa labas.

Sheyt! Gabi na?

Binuksan pa niya ang pinto ng bahay para tumingin sa labas at para siguruhin na gabi na nga talaga.

And, yeah. Gabi na nga.

Napatingin si Czarina sa kapitbahay niya at nakitang nakaparada na ang sasakyan nitong Lexus.

Hmmm. Mukhang nasa bahay na ang snob na lalaking 'yon. Hmmm... makipagkaibigan nga.

Baka naman magkaroon ng himala at bumait ito bigla sa kanya.

Tumakbo siya patungo sa bag niya na nasa sofa at kinuha ang kanyang cell phone. Tinawagan niya ang paborito niyang pizza house at nagpahatid ng Italian cheesy pizza.

Nang makarating ang pizza, mabilis siyang nagtungo sa kapitbahay niya, saka kumatok sa pinto kasi bukas naman ang gate kaya napakapasok siya.

Minutes later, the door opened showing a frowning handsome man.

"Hi," sabi ni Czarina habang may malapad na ngiti sa mga labi at kumakaway pa. "My name is Czarina Salem. I'm twenty-seven years old and I'm an ob-gyn. My dream is to become a psychiatrist but my mother wants me to deal with pregnant women." Huminga siya nang malalim. "Anyway, pizza? I'm a very friendly neighbor and I didn't poison this pizza. Swear."

Mas lumalim ang gatla ng noo ng lalaki at halatang naiirita. Hmm. Snob nga talaga. And the way he looked at her, he was so intimidating.

"Hi. Hello," sabi niya na nakangiti pa rin. "Magsasalita ka? I'm trying to be a very nice neighbor here." Inilahad niya ang kamay. "Can we be friends?"

"I don't want to be friends with you. Bye." The man sighed again and closed the door.

Napatanga si Czarina sa nakasarang pinto. Hmp! "Bastos! Walang modo! Isa kang sperm! Sperm! Sperm!" sigaw niya sa nakasarang pinto at nagmamartsang bumalik sa bahay niya.

Letse! Sa bait niyang iyon at sa sobrang lapad ng ngiti niya, pinagsarhan siya nito ng pinto?

Buwisit ng lalaking 'to! Ang sama ng ugali!

Sa sobrang inis, kinain niya lahat ang pizza. Wala siyang itinira, saka natulog. Buwisit na-buwisit talaga siya sa kapitbahay niyang isnabero na walang modo.



THE NEXT MORNING when Czarina woke up, pagkabukas niya ng pinto ay may nakita siyang isang tangkay ng tulip sa labas.

Napakunot ang noo niya. What the hell? May secret admirer agad siya? Taray! Mala-Rapunzel agad ang buhok niya.

Pinulot niya ang isang tangkay ng tulip at inamoy ang bulaklak. It smelled like manly cologne. Nakakunot ang noong isinara niya ang pinto at naguguluhang naglakad patungo sa kusina.

Hawak-hawak niya ang bulaklak habang binubuksan ang malapad na sliding door ng kusina. Patungo iyon sa maliit na teresa na nakaharap sa walang modo niyang kapitbahay.

Hmp! Bad vibes agad sa umaga! Buwisit! Letse!

Kumuha muna siya ng dalawang saging bago umupo sa naroong maliit na mesa. Tinitigan na naman niya ang bulaklak habang panay subo ng saging sa kanyang bibig.

Czarina narrowed her eyes on the small note rolled on the tulip's stem. A letter? Mabilis niyang kinuha ang maliit na papel at binasa ang nakasulat.

One look and she knew that it was a male penmanship. An admirer! Kinilig naman siya.

Welcome to the neighborhood, Miss Banana.

'Yon lang ang nakasulat sa maliit na papel pero sapat na iyon para mapangiti siya.

Ang sweet naman!

Inamoy niya ang bulaklak at wala sa sariling napatingin sa bahay ng walang modo niyang kapitbahay. Her very simple yet gorgeous almond eyes met her neighbor blue-gray ones. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Bakit ba may teresa rin itong nakaharap sa teresa niya?

Irritation filled her. Galit na inubos niya ang dalawang saging at bumalik na sa loob. Kailangan niyang maghanda para pumasok sa clinic niya. Marami pa siyang aasikasuhing pasyente.

Pero bago siya umalis ng bahay, inilagay muna niya sa vase ang tulip. At nang masilip ang kapitbahay niyang walang modo at snob, inirapan niya ito at nagmamadaling lumabas. 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive