CHAPTER 9
CHAPTER 9
NAPANGITI SI YMAR nang mapatitig siya sa dugo na nasa bedsheet. That was the proof of Czarina's broken innocence. And he was proud to say that he was the one who broke it. That was the best moment of his life.
Inalis niya ang bedsheet sa kama at pinalitan ng bago. He was still grinning from ear to ear when he heard a loud shriek.
"What the..." Mabilis siyang nagtungo sa pinanggalingan ng tili.
Itinulak niya pabukas ang pinto ng banyo at nakita si Czarina na nakaupo sa bowl at namimilipit sa sakit.
"What happened?" Lumuhod siya sa harap nito para magpantay ang mukha nila. "Ano'ng masakit sa 'yo?"
Matatalim ang mga mata na tumingin ito sa kanya. "I hate you!" she shouted. "Sana sinabi mo na masakit pala kapag umiihi! Hindi naman masakit kanina pero ngayon, masakit na. I hate you, Ymar! Ang sakit ng pempem ko!"
Napakurap-kurap siya. "P-pempem?"
"Vagina! Gago ka!" Humawak ito sa balikat niya, then she squeezed it so tight. "Aray ko! Ymar, ang sakit-sakit."
Gusto niyang suntukin ang sarili. Kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha ni Czarina habang umiihi ito. He could see a lone tear falling from her eyes.
Crap!
Mabilis niyang pinahid iyon. "I'm sorry. I didn't know na pati pala sa pag-ihi ay masakit 'yan."
"Hey! Buwisit ka! Hindi ka ba makakaulit!" singhal nito sa kanya.
Natigilan siya at nagsalubong ang mga kilay niya. "Anong hindi na? Paano ang baby natin?"
"Heh! Tigilan mo ako, Ymar! Ang sakit—hayup ka!"
Niyakap niya ang babae at hinagod ang likod. "Gusto mo dalhan kita ng pain reliever?"
Mas humigpit ang yakap nito sa kanya habang humihikbi. "Ang sakit, Ymar. Marang may sugat sa loob. Imagine kapag mabuntis ako at nanganak, baka ipakulam kita sa sobrang sakit. Alam ko kung gaano kasakit ang panganganak. I'm an ob-gyn."
Natawa siya nang mahina. "Nandoon naman ako kung manganganak ka."
"Hmp. Sperm ka! Oo nandoon ka nga, pero 'yong sakit, sa akin pa rin. Wala kang silbi ro'n."
He chuckled. "I'll be there for moral support."
Tinampal nito ang likod niya. "Magtigil ka, Ymar, ilalagay ko iyang ulo mo sa inidoro."
Napailing-iling siya. "Oo na. Titigil na." Pinakawalan niya ang babae at sinalubong ang tingin nito. "Okay ka na?"
Umiling si Czarina. "Masakit, eh, pero kaya ko 'to. Sige umalis ka na," pagtataboy nito sa kanya. "Ipagluto mo ako ng breakfast. Gusto ko 'yong masarap, ha?"
Nagsalubong ang mga kilay niya sa uri ng boses na ginamit nito. So bossy. "Hindi mo ako katulong para utos-utusan."
Pinandilatan siya nito. "Hindi nga pero asawa kita at tingnan mo ang ginawa mo sa akin! Masakit ang pempemko."
Bumuga siya ng marahas na hangin. Nangonsiyensiya pa talaga! "Oo na. Ipagluluto na kita. Masaya ka na?"
Tinaasan siya nito ng kilay. "Bakit may sarkasmo ang boses mo? Napipilitan ka lang yata, eh."
"Salamat naman at napansin mo."
Czarina pouted and did a puppy eyes. "Please, Ymar, cook me breakfast, please? Pretty please with cherry on top of me?"
Huminga siya nang malalim. "Oo na. Ano ba'ng gusto mo?" He wished he could say no, but he knew pretty well that he couldn't.
Czarina grinned. "Yehey! Sige, lumabas ka na. Ipagluto mo na ako ng banana chips."
Tumayo siya at lumabas ng banyo. Nang makarating sa kusina, agad siyang nagluto ng gusto nito. Napailing-iling na lang siya habang nagpiprito ng saging. The things he had to do to make that woman happy.
Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang tumabi sa kanya si Czarina. She looked okay now with her messy bun hair and T-shirt that she borrowed from him. Ayaw kasi nitong umuwi sa sariling bahay para kumuha ng damit kasi tinatamad daw ito.
"Don't look at my thighs," sabi ni Czarina nang mahuli siya nitong nakatingin sa mapuputi nitong hita.
Ibinalik niya ang tingin sa piniprito. "I'm just appreciating the view."
Inungusan siya nito at kumuha ng banana chip sa pinggan na pinaglagyan niya ng luto na. She ate the chip and giggled. "Hmm. Masarap ang pagkakaprito mo. Magaling." Hinalikan siya nito sa pisngi. "Bilisan mo na," napaka-bossy nitong utos.
Siya naman ay hindi na umimik at sinunod na lang ang utos nito.
"Ymar?"
His attention was focus on the pan. "Yeah?"
"Black coffee or coffee with cream?" tanong sa kanya ni Czarina.
He looked at his wife. "Black. Why?"
"Ipagtitimpla kita," nakangiting tugon nito.
His eyebrow rose. "Seryoso?"
"Oo."
"Okay."
So that was their morning. He fried the banana and she made the coffee.
MASAYA SILANG NAG-AGAHAN ni Ymar... no, si Czarina lang pala ang masayang nag-agahan kasi nakasimangot si Ymar. Hindi pa siya pinansin no'ng utusan niya itong ikuha siya ng asukal.
Hmp! Malakas ang loob nitong hindi siya pansinin dahil wala ang ina nito. Nang magising sila, wala na ang ginang. Umalis yata nang maaga at may pinuntahan.
"Ymar, pansinin mo nga ako." Napipika na siya dahil hindi siya nito pinapansin. "Please? 'Yong asukal."
"Ayoko," mariing sabi nito.
Napasimangot siya! Hmp!
"Good morning, everyone," bati ng matinis na boses ng ina ni Ymar.
Sa tatlong araw na kasama nila ang ginang, sinasanay pa rin niya ang sarili na tawagin itong mommy.
"May kasama ako ngayon kaya maaga akong umalis kanina," sabi ng ginang, sabay halik sa pisngi niya at ni Ymar.
"Sino?" nakakunot ang noo na tanong ni Ymar.
His mother grinned and looked at her before speaking in a loud voice. "Tatiana, come here."
Agad na nakaamoy ng malansa si Czarina nang makita ang babae na nagngangalang Tatiana. Paano hindi lalansa, eh, kung makatingin kay Ymar ay parang may balak yata itong lamunin nang buo ang lalaki.
Nakakairita!
"Hello." Lumapit ang babae kay Ymar at niyakap ang lalaki sa leeg. "I miss you, Ymar. I wanted to see you so here I am. God... I miss you—"
"Tatiana, meet Czarina." Iminuwestra ni Ymar ang kamay sa kanya. "My lovely wife."
Tatiana stilled and looked at her. Hindi niya itinago ang iritasyong nararamdaman. Tinaasan niya ng kilay ang babae habang matalim na nakatingin dito.
"Nice to meet you." Napakaplastik ng ngiti nito.
Ngiting aso ang tugon niya sa ngiti nito. "I don't feel the same way."
Ymar looked at her, stunned at what she said.
Czarina picked up the plate full of banana chips. "I'll be in my house," she said, then left the breakfast table.
Kahit nasa bahay na, kapag pumapasok sa isip niya ang mukha ng malansang babae na 'yon, naiinis siya. The way that woman looked at Ymar... Urgh! It's irritating! Ang sarap prituhin.
Inilapag niya ang pinggan na may lamang banana chips sa breakfast table at mag-isang inubos iyon. Habang kumakain, naiinis siya nang sobra-sobra. Siguradong nilalandi na ng babaeng 'yon si Ymar at si Ymar naman, siguradong nagpapalandi na!
Crap! Buwisit!
Pagkatapos nitong basagin ang kainosentehan niya! Ang walanghiya—
Someone cleared their throat behind her back. Mabilis siyang lumingon at nagulat nang makita si Ymar na madilim ang mukha habang masamang nakatingin sa kanya.
"Nakakairita ka, alam mo ba 'yon?" sabi nito at umupo sa upuan na nasa tabi niya. "Bakit mo ako iniwan doon sa bahay? Nakita mo naman siguro kung paano makayakap si Tatiana sa akin, 'tapos iniwan mo pa ako? Ano na lang ang sasabihin ni Mommy? Na walang pakialam sa akin ang asawa ko?"
Inirapan niya ito. "If I know, gustong-gusto mo naman na nakalapat 'yong malaki niyang boobs sa balikat mo habang nakayakap siya sa 'yo kanina."
Ymar shook his head in disbelief. "I can't believe you. I don't like the feeling of her breasts pressed against my back. At saka mas gusto ko 'yong boobs mo."
"Asus." Inungusan niya ito. "Sige, magsinungaling ka pa. Sapakin kita riyan, eh."
"I'm not lying." Kumuha ito ng banana chip at iniumang sa bibig niya. "Huwag ka nang sumimangot diyan. Pumapangit ka na. O, heto, kumain ka na lang."
Ibinuka niya ang bibig at tinanggap ang banana chip na isinusubo nito sa kanya. "Kung ayaw mo naman pala sa yakap niya, bakit hindi mo binaklas?" mataray niyang tanong.
"Hayaan mo na. Mararamdaman din naman niya sooner or later na ayoko sa kanya."
She sharply rolled her eyes. "Ang mga hito, higad at haliparot, walang pakiramdam ang mga 'yon."
Nagkibit-balikat lang si Ymar at nagpatuloy sa pagsubo sa kanya ng banana chips. Hindi na lang siya nagsalita uli dahil mas naiinis lang siya.
Nang matapos silang mag-agahan, ayaw ni Ymar na bumalik sa bahay nito.
"Baliw. Umuwi ka na roon," pamimilit niya. "Kukuha lang ako ng damit, 'tapos puntahan kita sa kuwarto mo at doon ako maliligo. Baka ano na naman ang sabibin ng mommy mo."
Ymar sighed. "Fine. Sumunod ka agad, ha?"
She nodded. "Oo."
Ymar went back to his house. Siya naman ay nagtungo sa kuwarto niya at naglagay ng damit sa travelling bag na ginagamit niya kapag nagbabakasyon siya. And then she went back to Ymar's house.
Malayo pa siya sa kuwarto nila ni Ymar, naririnig na niya ang matinis at nakakairitang boses ng babaeng malansang higad. Nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto at tumalim ang mga mata sa nakita. Nakahiga si Tatiana sa kama at nakaupo naman sa gilid ng kama si Ymar. Masayang nag-uusap ang dalawa.
Jealousy sipped through her heart. Bakit kapag sila ang nag-uusap ni Ymar, hindi sila ganoon kasaya? Kapag hindi sila nagkakasagutan, nagbubulyawan naman sila.
Alam ni Czarina kung bakit naiinis siya. Nagseselos siya kasi at hindi naman siya bobo para hindi malaman ang dahilan kung bakit nararamdaman niya iyon. Ilang araw pa lang niyang kasama si Ymar pero nahuhulog na siya sa lalaki.
Malakas ang puwersa na inilapag niya ang travelling bag sa sahig dahilan para mapatingin sa kanya ang dalawa.
"Czarina," sabi ni Ymar nang makita siya. "Hindi ako nakaligo agad. Nakikipagkuwetuhan kasi si Tatiana, eh."
Tatiana smiled at her. Napaka-fake ng ngiti nito. Nakakairita. And she didn't want to fake her irritation towards this woman.
"Puwede bang umalis ka sa kama namin at sa kuwarto namin? This is a personal space. Use your brain, please." Nagmamartsang pumasok siya sa banyo at pabalibag na isinara ang pinto niyon.
She was pissed off!
Hanggang matapos siyang maligo, naroon pa rin ang babaeng higad at nag-uusap pa rin ang dalawa. Still, Ymar had this happy smile on his face and that made her feel jealous.
Sa loob siya ng banyo nagbihis at pagkatapos ayusin ang sarili, mabilis siyang umalis ng bahay nang hindi nagpapaaalam sa kahit kanino man.
Buwisit na sperm at haliparot na egg cell!
"DOC CZARINA, baka manganak na ako ngayon," sabi ng babae habang nakahiga ito sa hospital bed.
She sighed. "Huwag kang makulit, sinabi nang bukas ka pa manganganak, eh."
Natigilan ang babae at kinunutan siya ng noo. "Okay ka lang ba, Doktora? Parang bad mood ka."
She shook her head. "Nah. I'm fine. Sige na, maglakad-lakad ka ngayong araw. Kapag manganganak ka na, tawagan mo ako. I'll be right there. Okay?"
"Sige po, Doktora."
Umalis ang babae at sumunod na pumasok sa clinic ay si Anniza.
Tumaas ang kilay niya. "Buntis ka?"
Anniza grinned. "You tell me."
Czarina rolled her eyes. "Hala, sige, higa ka na."
Mabilis na nahiga si Anniza at nakangiting tumingin sa kanya. "Kapag buntis ako, ninang ka at si Haze."
"Oo naman," nakangiting tugon niya at sinalat-salat ang puson nito. She grinned when she felt it. "Yeah. Buntis ka nga."
"Yes!" masayang hiyaw ni Anniza at mabilis na bumangon. "Yehey! I'm so happy! Siguradong magugulat si Dark nito."
"Magugulat?" Czarina snorted. "Hindi na nakakagulat ang balitang buntis ka. Alam naman yata niya na sharpshooter siya."
Anniza giggled. "I'm so excited to tell him."
Czarina smiled at her friend. "I'm happy for you and Dark. Sabi na sa 'yo, eh. Makakahanap ka ng lalaking magmamahal sa 'yo nang buong-buo."
Lalong lumapad ang ngiti ni Anniza. "Thanks." Nagniningning ang mga mata nito sa sobrang kasiyahan. "He loves me so much. And that makes my heart fly in happiness."
"Oo na." Inungusan niya ito. "Ikaw na ang masaya. Umalis ka na nga," mapait niyang tugon.
Natatawang niyakap siya ni Anniza, saka nagpaalam na.
Czarina sighed and went out from her private office that served as her private clinic too.
"Tinna, close mo muna ang clinic," sabi niya sa secretary na nakaupo sa mesa nito. "Magpapahinga lang ako. Pero kapag emergency, gisingin mo ako. Okay?"
"Copy po, Doktora," tugon ni Tinna.
"Salamat."
Pumasok siya muli sa private office niya at nahiga sa kama na naroon. Medyo masakit ang gitnang bahagi ng mga hita niya. It felt sore. Hindi siya nasaktan masyado noong unang basagin ni Ymar ang kainosentehan niya kaninang umaga pero ngayon, nararamdaman niya ang hapdi sa kaibuturan niya.
Pakiramdam niya, nasa loob pa ang pagkalalaki ni Ymar. It feels weird!
Ipinikit ni Czarina ang mga mata at handa nang matulog nang bumukas ang pinto ng opisina niya.
"Tinna, no patients please. I'm tired," mahinang sabi niya.
Lumapit sa kama na kinahihigaan niya ang yabag na narinig niya kanina. Sa isiping si Tinna iyon at may kukunin lang sa loob ng opisina niya, hindi na siya nagsalita pa. Tinna sometimes entered her office to get papers and such.
May dumantay na kamay sa baywang niya at narinig niya ang pamilyar na boses ng asawa niya.
"Scoot over."
Malalaki ang matang tumihaya si Czarina para siguruhing hindi siya pinaglalaruan ng kanyang tainga.
"Ymar?" gulat na sambit niya. "A-ano'ng ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ang clinic ko?"
"Scoot over," ulit nito.
Ginawa niya ang sinabi ni Ymar at tiningnan ang lalaki. "Ano nga ang ginagawa mo rito?"
Ymar sighed and laid beside her. Binuhat nito ang ulo niya at ipinatong iyon sa braso nito, saka yumakap sa baywang niya.
"Ymar..." Humarap siya sa lalaki. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
He buried his head on her shoulder. "I miss you, that's why I'm here."
Umawang ang mga labi niya sa sagot nito. She couldn't speak. She was stunned at those blunt words.
"Akala ko kasama mo si Tatiana." 'Yon ang lumabas sa bibig niya.
Mas humigpit ang yakap ni Ymar sa kanya. "Shut up and let me hug you."
"Yakap mo na ako."
"Hugged me back."
Ipinalibot niya ang braso sa baywang ni Ymar at ipinikit ang mga mata. This was way better than sleeping alone.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top