CHAPTER 7
CHAPTER 7
NAPILITAN SI CZARINA na doon matulog sa kuwarto ni Ymar. Mag-asawa na sila ng lalaki ayon sa ina nito kaya kailangang magkasama sila sa iisang kuwarto.
What the fudge!
Kawawa naman ang bahay niya. Napilitan kasi siyang mag-evacuate sa bahay ni Ymar dahil sa ina nitong makulit pa sa makulit. Ikinasal na nga sila nang wala sa oras, pina-evacuate pa siya!
Walang imik sila pareho ni Ymar habang magkatabi sa kama. Pareho silang nakatihaya at nakatingin sa kisame.
"This is beyond awkward," sabi niya.
Ymar chuckled lightly. "Yeah. Sorry about the impromptu wedding."
Nagkibit-balikat si Czarina. "Ayos lang 'yon. Pumirma ako, 'di ba? Ibig sabihin pumapayag ako."
Huminga ito nang malalim at tumagilid, paharap sa kanya. "So, are we gonna act like a married couple from now on?"
Tumagilid din siya ng higa, paharap dito. "May choice?"
Matiim siya nitong tiningnan. "Wala kang choice. You're married to me now."
She rolled her eyes. "Puwede ko rin namang sabihin sa mommy mo na nagpapanggap lang tayo."
"Hindi mo gagawin 'yon," puno ng kompiyansang sabi nito. "You want a child, remember?"
Itinikom ni Czarina ang bibig dahil wala naman siyang masabi. She wanted a child. At saka pumayag naman siya dahil deep inside ay gusto niyang makasama si Ymar. In denial queen lang talaga siya. Gusto niyang mapalapit sa isnaberong lalaki na kumuha sa atensiyon niya mula noong unang araw palang na lumipat siya sa Bachelor's Village.
She had a crush on Ymar Stroam and now, she was married to him. Hindi niya alam kung gugulong siya sa saya o magpapa-mental na siya.
"Gusto kong kumain ng saging," wala sa sariling sabi niya.
Banana was her comfort food. Kung iba ay ice cream o cake, siya, gusto niya saging.
Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina nang bigla na lang umalis si Ymar sa kama at tumayo sa paanan niyon, saka binuksan ang butones ng pantalon.
"A-ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya.
"Gusto mong kumain ng saging, 'di ba?"
Her jaw went slack. "W-what?" Bumaba ang tingin niya nakabukas na butones ng pantalon nito. Namumula ang pisngi na nag-angat siya ng tingin. "H-hindi ko naman sinabing hilaw na saging. Gusto ko 'yong hinog!"
And for the first time since she met him, Ymar laughed out loud. Napatitig siya sa masayang mukha nito habang tumatawa. His eyes were sparkling in delight. Hinayaan niya lang ang lalaki na tumawa. It would take another month to make this man laugh again.
Finally, after a couple of minutes, he sobered up and looked at her in the eyes.
"You're so cute." Bumalik ito sa pagkakahiga sa kama, pero ang tiyan na niya ang ginawang unan. "Hindi ko akalain na masaya pala ang may asawa."
That made her smirk. "Nasasabi mo lang 'yan kasi nag-uumpisa palang tayo. After a month, siguradong ipagtitirik mo na ako ng kandila sa sobrang inis."
Tumawa na naman ito. "Hmm. I don't think I would do that. Baka ikaw, kasi marami talaga akong katangian na nakakainis."
Umingos siya. "Hindi kita ipagtitirik ng kandila, ipapamisa ko na lang ang kaluluwa mo. Dahil sa oras na ininis mo ako nang sobra, nakita mo naman siguro 'yong mga kutsilyo ko sa bahay. Itatarak ko iyan sa esophagus mo, sa atay mo, sa ribcage mo at sa balon-balunan mo para malagutan ka na ng hininga, 'tapos magpapa-party agad ako."
Ymar chuckled. "Kapag ininis mo ako, wala kang saging."
"Saging?" Kumunot ang noo niya. "Hinog o hilaw?"
Tumingin ang lalaki sa kanya. "Hilaw."
Mabilis na kamay niya na tinampal ang noo nito. "Gago! May usapan tayo."
"O, 'tapos?"
"'Yon nga! May usapan nga tayo!" nakasimangot na sabi niya at itinulak ang ulo nito palayo sa tiyan niya. "Buwisit ka!"
Tinawanan lang siya ng lalaki at umayos na ito ng higa. Balik na uli sila sa posisyon nila kanina.
"I think it'll be fun being married to you for three months."
Umirap si Czarina sa hangin. "Hindi ako clown para maging fun."
Naghari sa kanilang dalawang ang katahimikan. Walang nagsalita dahil abala sila sa kanya-kanyang laman ng isipan.
And then Ymar broke the silence.
"Czarina?"
"Yeah?"
"Kailan mo gustong buntisin kita?"
Her cheeks reddened. "Malay ko sa 'yo."
"Gusto mo ngayon na?" he offered.
Umawang ang mga labi siya. "As in? Ngayon agad?"
"Oo naman. Ngayon na."
"Bakit parang excited ka?"
May sinusupil na ngiti sa mga labi si Ymar habang nagsasalita. "I just like peanut, I guess."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Peanut? Ano naman ang kinalaman n'on sa gagawin natin?"
Ymar chuckled deeply. "You're not as green as I thought you are."
Peanut? Mani? Ano ang kinalaman n'on sa pagiging berde—oh, my God. Ang magkasalubong niyang kilay ay dahan-dahang naghiwalay nang unti-unting maintindihan ang berdeng kahulugan ng mani.
"Bastos!" Sinipa niya ang lalaki dahilan para mahulog ito sa kama.
Dali-daling tumayo si Ymar habang hawak ang likod nitong nasaktan. He glared at her. "So ano? Ikaw lang ang may karapatang maging bastos? Where's justice in that?"
"Justice-sin mo iyang mukha mo. Sperm ka! Sperm!" singhal niya sa lalaki at tinalikuran ito.
Bumalik uli sa pagkakahiga sa kama si Ymar habang panay ang daing na masakit daw ang likod nito. Hindi niya pinansin ang lalaki at nagtulog-tulugan lang siya.
After a couple of minutes since she pretended that she was asleep, hot lips touched her nape making her startled.
What the fudge—
"Good night, banana," sabi ng malambing na boses ni Ymar, saka kinumutan siya.
Parang na-tsunami ang puso niya sa sweet gesture na iyon. Mahigpit ang hawak niya sa gilid ng unan habang pinapakalma ang puso niya na sobrang bilis ng tibok.
God... ang isnaberong lalaking 'to, may itinatago naman palang ka sweet-tan sa katawan.
And if Ymar kept on being sweet towards her, her heart that was already beating erratically for him would be in a very big trouble. And then she would fall...
Oh, Cupid. Help me resist this man beside me. I'm not really good in handling heartaches.
NAGISING KINABUKASAN SI CZARINA na wala na si Ymar sa tabi niya. Mabilis siyang bumangon at naligo. Kumuha naman siya ng tatlong pares ng damit sa bahay niya kahapon bago sila mananghalian. Mag-asawa na raw kasi sila kaya dapat ay iisa lang bahay nila.
'Kaloka.
Sinabihan na niya kahapon ang sekretarya niya na tawagan lang siya kapag may manganganak siyang pasyente kasi hindi siya papasok ngayong araw. Bukas na siya papasok kasi nangako sila ni Ymar sa ina nito na ipapasyal nila ito ngayong araw. Nadamay pa ang trabaho niya. Ang bait talaga niyang manugang.
Pagkalabas ng banyo, agad siyang nagbihis. She wore a tropical designed silhouette tank top and a Los Feliz ripped black denim shorts. Pinaresan niya iyon ng black sneakers and then she pulled her hair into a messy bun.
Inaayos niya ang damit habang nakaharap sa salamin nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Ymar.
Napatigil ito sa paglalakad nang makita siya. His lips were slightly parted like he was stunned over something.
"What?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
Napakurap-kurap ito. "Ang ganda—"
"Ko?" nakangiting pagtatapos niya sa sinabi nito.
Ymar looked passed her. "Ang ganda ng panahon ngayon."
Napasimangot si Czarina. "Nakakainis ka. Akala ko naman ako na ang maganda."
Tumaas ang sulok ng mga labi nito na para bang pinipigilan ang ngumiti. "Maganda ka rin naman."
"Mas maganda pa sa panahon?"
"Huwag ka nang umasa."
"Ymar!" Naiinis na ipinadyak ni Czarina ang paa. "Maganda kaya ako. Look at me!"
"I am," he said with utmost sincerity. "And yeah, my wife is pretty."
Natigilan siya at nagmula ang pisngi niya. My wife? Gosh! Puwede magpagulong-gulong sa kilig?
"Maganda naman talaga ako, eh," sabi niya para itago ang nagtatatalon niyang puso sa kilig. "Sobrang ganda ko."
"Oo na." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Halika na. Breakfast is ready."
Napatitig siya sa kamay nito bago tinanggap iyon. Her heart was pounding inside her chest as Ymar intertwined their hands. Parang hinubog para sa isa't isa ang mga kamay nilang dalawa.
It felt perfect as she held Ymar's hand.
Pero agad ding nasira ang maganda niyang mood nang maalalang nagpapanggap lang pala sila. They were just holding hands because they were going to have breakfast with his mother. Ang sakit naman. Ilusyunada talaga siya kahit kailan.
Sabay silang bumaba ni Ymar sa hapagkainan.
Agad na ngumiti ang ginang nang makita sila ni Ymar. Hindi nakalampas sa paningin ni Czarina na dumako ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay at mas lumapad pa ang ngiti sa mga labi.
Yeah. They were just really pretending. Pero masaya ring mag-ilusyon. 'Yon nga lang, dapat handa kang masaktan.
"Good morning po...." Tumikhim muna siya bago ipagpatuloy ang pagbati sa ginang. "Mommy." Awkward.
"Good morning din, hija," nakangiting balik-bati nito. "Upo ka na."
Siya lang ang naupo. Si Ymar ay ipinaghain siya ng pagkain. Nilagyan ang pinggan niya ng fried rice, itlog at hot dog. 'Tapos ipinagtimpla siya ng kape bago ito umupo sa tabi niya at nag-agahan.
"Ang ganda mo ngayon, hija," sabi ng ina ni Ymar habang nag-aagahan sila.
"Sabi nga po ni Ymar," tugon niya at kiniliti ang baywang ng lalaki.
Ymar gave her a tight smile but his eyes were secretly glaring at her. Lihim siyang napangiti. Mukhang ayaw nito ng nilalambing o tinutudyo.
"Asus. Nahiya ka pang aminin," sabi niya, sabay pisil sa tungki ng ilong nito.
"Tigilan mo ako, Czarina." Nagbabanta ang boses nito. "Nagtatampo ako."
She giggled at pinched Ymar's cheek. "Asus ang asawa ko. Matampuhin." Hmm. Ang sarap namang tawaging asawa si Ymar. Kinikilig siya.
Abnormal na talaga siya. Takot siyang mag-asawa dahil baka lokohin siya pero pagdating kay Ymar, nawawala ang takot niya at mas gusto pa niyang maging asawa talaga ito. Naroon pa rin ang takot niyang mag-asawa pero kung sasabihin lang ni Ymar na siya ang itinitibok ng puso nito, naku, mamimigay talaga siya ng saging sa mga kapus-palad.
Tumikihim ang ina nito para kunin ang atensiyon niya. "So, how's the honeymoon?"
Natigilan siya sa pagtudyo kay Ymar at nakaawang ang mga labing napatingin sa ginang. "Po?"
The woman grinned. "How's the honeymoon?" Tumingin ito kay Ymar. "How was your performance last night?"
It was Ymar's turn to gape. "What?"
"Oh, you two, don't be shy," nangingiting sabi ng ginang. "Pinagdaanan ko na 'yan at alam kong ngayong nasa honeymoon stage kayo ay gusto n'yo lang magtalik nang magtalik. I understand. Kaya naman sa inyo ngayon ang araw na ito. Mamamasyal ako nang mag-isa habang kayo naman ay gagawin ang apo ko. Okay?"
Wala sa sariling napatango na lang si Czarina.
"Great," Ymar's mother chirped and continued eating.
Sila naman ni Ymar ay nagkatinginan bago walang imik na ipinagpatuloy rin ang pagkain.
After breakfast, Ymar's mom really went out without them. Naiwan silang dalawa na nakatingin sa papalayong sasakyan ni Ymar na ginamit ng ina nito.
"So..." Binalingan siya ng lalaki. "Honeymoon?"
Bumaling din siya sa lalaki. "Ngayon na?"
"Well, gagawin din naman natin 'yon. Why not now?"
She pressed her lips together. Ymar had a point. Gagawin naman din nila 'yon, bakit hindi na lang ngayon?
"Wouldn't that be awkward?" tanong niya. "Hindi naman kita mahal para makipag-sex ako sa 'yo."
Inisang hakbang lang ni Ymar ang pagitan nilang dalawa at ipinalibot nito ang matitipunong braso sa baywang niya. "Don't you find me attractive?"
Her heart pounded. "I-I do."
"Do I make you feel hot?"
"H-hot like lava," pag-amin niya.
"That's good." Isinandal siya nito sa pinto. "You make my body burn too."
"Really?" gulat na tanong niya.
"Yeah." His voice was seductive and deep. "Those beautiful shapely legs." Hinalikan nito ang leeg niya. "Those firm looking breasts." Gumapang ang kamay nito pababa sa pang-upo niya at pinisil iyon. "That sexy ass." Gumapang ang mga labi nito patungo sa tainga niya at hinalikan iyon. "Your lips that I dreamt of kissing. Damn, woman. You always give me a hard on every time I see you."
Nadadala na siya sa uri ng boses nito. Ymar's voice sounded husky, seductive and deep and just so damn sexy.
Ymar bit her earlobe making her gasped. Napalunok si Czarina nang maramdamang nag-iinit na ang katawan niya. She could feel her mound pooling and wetting her panty. Nanunuyo na ang lalamunan niya dahil hinihingal siya dahil sa mga kamay nito na gumagapang at pumipisil sa katawan niya.
"Ymar..."
He licked and kissed her earlobe. "Hmm?"
Bago pa niya masabing gusto niyang mag-honeymoon sila, biglang tumunog ang cellphone nito.
"Crap," naiinis na sabi ni Ymar, saka kinuha ang cell phone sa bulsa habang yapos pa rin siya. "Ymar Stroam, speaking. Who's this?"
Unti-unting nawala ang pagnanasa na nararamdaman niya kani-kanina lang. I was slowly fading away as Ymar spoke to someone on his phone.
"Yeah. Sure. I'm coming," sabi ni Ymar at tumingin sa mga mata niya. "I have to go. May emergency sa opisina. I have to go there and fix it."
She forced a smile on her face. "Sure." Tinanggal niya ang braso nito sa baywang niya. "Papasok din ako sa clinic. Baka may pasyente ako ngayon."
Humakbang siya palabas ng bahay ni Ymar at naglakad sa bahay niya nang medyo nasasaktan. Fuck this! Bakit ba parang kinurot ang puso niya na mas inuna nito ang opisina kaysa sa kanya?
Made his body burn daw! Kagaguhan!
Nakaka-stress pala ang nabibitin! Buwisit. Isa siyang sperm! Sperm! At isa akong magandang egg cell.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top