CHAPTER 6
CHAPTER 6
BUMUGA NG HANGIN si Czarina habang matuwid na nakatayo sa tabi ni Ymar na may dalang placard na may nakasulat na "Cynthia Fontanilla."
At tulad ng napagkasunduan nila ng lalaki, she wore a proper dress. Isinuot niya ang damit na binili niya sa mall and it suited her. Sinabihan pa nga siyang maganda ni Ymar nang makita nito ang suot niya.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. Ngayon darating ang ina ni Ymar at pakiramdam niya ay bibitayin na siya mamaya. Bakit naman kasi siya pumayag na magpanggap na fiancée ng mokong na ito?
You need his sperm, remember?
Napalabi si Czarina. Oo nga pala. May sarili rin siyang plano kaya pumayag siya. She wanted Ymar to donate a sperm. O, 'di ba, ang bongga ang plano niya. She hoped that her plan would work out just fine.
Hindi naman siya mahihirapang makipag-sex kay Ymar. Gusto niya ang lalaki. And behind her bitter opinion about relationship, her heart was actually beating fast for Ymar Stroam. But that was all. She would not entertain her feelings for him. Alam niyang mapupunta rin naman sa wala kung magkakarelasyon sila... Ilusyonada! Wala naming kasing gusto sa kanya si Ymar.
Therefore, she concluded that it was not healthy for her heart to beat for Ymar. Sayang lang ang effort niya, nganga pa ang puso niya.
Buwisit talaga iyang love-love na iyan, eh. Hindi makatarungan. Puro paasa lang.
"Mommy. Here!" sabi ng malakas na boses ni Ymar na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan.
Napakurap-kurap siya at itinuon ang mga mata sa middle-aged woman na naglalakad palapit sa kanila. The woman walked with elegance and grace. Her eyes and smile held confidence. And damn it, her eyes were trained on her! Parang saging na binabalatan ang uri ng pagkakatingin nito sa kanya.
Puwedeng magtago?
Huminga siya nang malalim, saka ngumiti nang nakalapit na ito sa kanila.
"Good morning, Ma'am," magalang na bati niya sa ginang.
"Welcome back to the Philippines, Mom." Ymar hugged his mother and kissed her on the cheek.
Nakatingin pa rin sa kanya ang ginang na para bang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Grabe makatingin. Wagas. Talagang matutunaw siya sa kaba na nararamdaman.
Hindi niya tinanggal ang ngiting nakaplaster sa mga labi niya kahit pa nga nangangawit na siya. She had to get into this woman's good side. Para matuloy ang pagdo-donate sa kanya ni Ymar ng sperm.
Ymar let go of his mother and looked at her. "She's Czarina Salem. My fiancée."
Kuntodo ngiti siya habang ipinapakilala siya ni Ymar bilang fiancée nito. Letse! Nakakakilig naman 'to! Sana totoo na lang na fiancée siya ng lalaki! Dahil kung totoo, talagang magpapamisa siya at mamimigay ng isandaang saging sa mga kapus-palad. Pero alam naman niyang hindi mangyayari 'yon.
Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa. "A Salem." Tinaasan siya nito ng kilay. "How are you related to Kahiv Salem?"
Crap! Ang pinakaayaw niya sa lahat ay makakilala ng taong kilala ang mga magulang niya. They had always compared her to her parents Shit! Sana naman hindi nito alam ang pinagmulan ng kanyang ama.
"He's my father," simpleng tugon niya.
Dalawang kilay na nito ang nakataas habang nakatingin sa kanya na parang sinusuri siya. "So, if he is your father, that means, you are his only daughter. Right?"
Tumango siya. "Opo."
Biglang ngumiti ang ginang. "So you are Czarina Salem, the heir to Salem's billion-dollar wealth."
Pipi siyang napamura sa narinig. It had been a long time since she heard someone address her as an heir. Ayaw niyang tinatawag siyang ganoon.
Her parents were rich. His father's lineage came from a long line of royalty in United Arab Emirates. Nang makilala ng ama niya ang kanyang ina, iniwan nito ang karangyaan at pagiging dugong bughaw, saka pinakasalan ang kanyang ina na purong Pilipina. His father was an only son. Kaya nang mamatay ang lolo niya, lahat ng ari-arian ng mga Salem ay napunta sa ama niya. That was where the billion-dollar wealth came from.
"I'm no heir, Ma'am," sabi niya na may ngiti pa rin sa mga labi kahit ang gusto niya ay magtago dahil nahihiya siya. "I'm just me. Not wealthy at all."
Matiim siyang tinitigan ng ina ni Ymar. "I heard that Kahiv Salem's daughter is a doctor, just like him. Impressive. Maganda ka rin. Wala nang hahanapin pa sa 'yo." She looked proud. "I like you for my son." Nginitian siya nito. "By the way, ang ina mo ang nagpaanak sa akin noon nang manganak ako kay Ymar."
Napatingin siya sa lalaki na walang imik habang nakatingin sa kanya na para bang iba siyang nilalang.
"And isa rin ako sa napakarami mong ninang noong binyagan ka," Ymar's mother added with a smile. "Kaya kilala ko ang mga magulang mo."
Ibinalik niya ang tingin dito What a coincidence. Ninang pala niya ito? She had twenty godfathers and twenty godmothers. At sa forty na mga ninong at ninang niya, ni isa, wala siyang personal na kilala. Nasa ibang bansa na kasi lahat at hindi naman siya nagpilit na kilalanin ang mga ito.
Yes. Wala sa normal na pag-iisip ang mga magulang ko noong binyagan ako.
"Well? What are we doing here?" the woman asked haughtily. "Let's go to your house, Ymar. Gusto ko nang magpahinga."
Ymar sighed and guided his mother towards his Lexus. Habang nasa biyahe sila, panay ang tanong ng ina nito kung kailan nila balak magpakasal ni Ymar. At dahil hindi naman sila totoong mag-fiancée, ngiti lang palagi ang tugon niya sa ginang. Naku! Naha-hot seat siya nang wala sa oras.
When they arrived in Ymar's house, agad na may tinawagan ang ginang. And after the call, she faced her and Ymar who was sitting side by side in the long sofa.
"So." Tumingin ang ginang sa kanya. "Nagli-live in na ba kayo ng anak ko?"
Napamulagat si Czarina. "W-what?"
The woman smiled. "That's okay. Normal na iyon sa pandinig ko."
Itinikom niya ang nakangangang bibig. "Ahm..." She pointed her house besides Ymar's. "That's my house."
"Ah, I see." Nanunudyong ngumiti ito. "Neighbor lovers."
Napakagat-labi siya para pigilan ang kinikilig na ngiting gustong kumawala sa mga labi niya. Fuck shit naman, eh! Bakit ba pagdating kay Ymar nakakalimutan niya ang takot na maloko uli? Ano ba ang mayroon sa lalaki at hindi siya natatakot?
"Anyway," sabi ni ina ni Ymar. "Sa kuwarto lang ako at maliligo. Kapag dumating si Judge Doroquez, paghintayin mo na lang muna. I called him a minute ago to be here. Okay?"
"Okay po," sabi niya sa mabait na boses.
Umalis ang ginang at nagtungo sa second floor. Naiwan sila ni Ymar na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa.
Hay, puso. Kalma lang.
Tumikhim si Ymar na kanina pa walang imik. "An heir to a billion-dollar wealth, huh?"
Kinunutan niya ito ng noo at iningusan. "Hindi ako tagapagmana kaya magtigil ka riyan. It's my parents' money, not mine."
"Bakit hindi mo sa akin sinabi?"
"Because I don't think it's important at saka hindi tayo close kaya huwag kang epal. Ini-announce ko na nga ang pangarap ko sa harap mo, pati pa ba ang financial status ko?" sabi niya sa naiinis na boses. "At saka wala nga 'yon. Hindi ko 'yon pera."
Ymar glanced at her. "So, hindi tagapagmana ang fiancée ko? That's good. Mayaman naman ako, eh. Hindi mo na kailangan ang pera ng mga magulang mo."
Her lips parted in shock. "So, hindi tagapagmana ang fiancé ko."
Ay, peste! Gosh! Oh, God! Naman, eh! Kalma lang heart. Kalma!
Kinikilig siya. Gusto niyang magtatatalon sa sobrang kilig na nararamdaman, pero pinanatili niyang poker face ang mukha niya.
Tumikhim siya bago sumagot. "Hindi ako tagapagmana."
"Okay," sabi nito at tumingin sa kisame. "Pasensiya na pala dahil kinansela mo ang appointments mo ngayong araw. Alam ko kung gaano ka ka-busy."
She chuckled. "Alam mo? Paano? Ini-stalk mo ako, 'no?"
Mahinang natawa si Ymar. "Kung paano ko nalaman, akin na lang 'yon."
Hindi siya umimik at humilig sa balikat ng lalaki. She waited for him to shove her off but he didn't. He even rested his head against her head that was resting on his shoulder. Pinipigil niya ang kilig na nararamdaman.
Ano ba 'to? Ang tanda-tanda ko na, kung kiligin ako parang teenager lang. Nakakahiya.
Napairap sa hangin si Czarina nang may mag-doorbell. Ano ba iyan? Istorbo sa moment nila ni Fafa Ymar.
Inalis niya ang ulo sa pagkakahilig sa balikat ni Ymar at hinayaan ang lalaki na pagbuksan kung sino man ang nagdo-doorbell.
Ymar came back in the living room with a middle-aged man with him.
"Czarina, this is Judge Laodito Doroquez," pagpapakilala ni Ymar sa bagong dating at pinaupo ang lalaki sa pang-isahang sofa.
"Nice to meet you po," nakangiting sabi niya. "I'm Ymar's neigh—"
"She's my fiancée," Ymar quickly corrected her.
Holy sheyt! Muntik na iyon, ah.
"Tatawagin ko lang si Mommy," sabi ni Ymar.
Naptigil sa pag-akyat ng hagdan si Ymar nang makitang bumaba ang ginang sa hagdan at may ngiting nakipag-usap sa bisita. Ymar went back on the sofa, beside her.
"Hello, Judge Doroquez. I'm happy that you are able to come here in such short notice.
Ngumiti ang judge. "Sabi mo kasi ay importante."
"Yes. It's a very important matter," sabi ni ng ginang at humarap sa kanila ni Ymar na ngayon ay magkatabi na namang nakaupo sa mahabang sofa. "Judge, that's Ymar, my son and his fiancée, Czarina. At kaya kita pinapunta rito ay dahil gusto kong ikasal mo sila ngayon din."
"What?!" Czarina gasped in shock. Binalingan niya si Ymar. "Ymar—"
Pinisil ng lalaki ang kamay niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. She gave him a questioning look, but Ymar did not heed her any attention.
"Mommy, plano na naming magpakasal sa simabahan—"
"Shut it, Ymar," his mother cut him off. "Gusto kong ikasal ka ngayon. You two are already engaged so marapat lang na ikasal na kayo. 'Yong date para sa kasal n'yo sa simbahan, ipagpatuloy n'yo lang. Pero ngayon, kailangang maikasal kayo sa huwes para masiguro ko ang lahat bago ko ibigay sa 'yo ang CF Pharmaceutical."
Napanganga si Ymar at nagkatinginan sila.
Holy fucking shit! Ikakasal siya kay Ymar?! Oh, God! Ano ang gagawin niya?
May inilabas na papel ang judge sa attaché case nito at iniabot sa kanila ni Ymar na nakatulala pa rin.
"Here. Sign it," sabi ni ng judge. "It's your marriage contract. Hindi naman natin kailangang gawin ang seremonya ng kasal. Pirmahan n'yo lang ang marriage contract n'yo at ako na ang bahalang mag-file niyan sa city hall para marehistro agad."
Czarina gaped at the marriage contract. Ganoon din naman si Ymar na nakatingin doon.
"Sign it." Lumapit sa kanila ang ina ni Ymar at inagaw ang papel sa judge, saka iniabot sa kanya na may kasama nang ball pen. "Sign it Czarina. Kung talagang nagmamahalan kayo ng anak ko, pipirma ka."
Czarina dragged her gaze to Ymar who was now looking at her with unreadable expression on his handsome face.
She gave him a questioning look. Gusto niyang iparating dito na naguguluhan siya. Hindi niya alam ang gagawin. Actually, she could just walk away and forget this ever happen. Pero kaya ba niya iyong gawin kay Ymar na hinihingi ang tulong niya? Crap! Ayaw niyang mabulilyaso ang plano nito nang dahil sa kanya. She promised to help, and she would. And her heart wouldn't let her leave, damn it! That freaking organ wanted to stay with Ymar and that wasn't good.
Bumuga ng hangin si Ymar, saka mabilis na pinirmahan ang marriage contract. Niyakap siya, sabay bulong sa tainga niya. "Sign it. My annulment naman, eh."
She gulped when Ymar let go of her. Napatitig siya sa marriage contract, kapagkuwan ay pinirmahan iyon na bahagyang nanlalamig at nanginginig ang kamay.
Czarina felt light-headed as she looked at her signature on the marriage contract. Shit! What now? What's next?
Ymar's mother giggled and hugged them both. "Finally! May asawa na ang anak ko. Salamat, Czarina." Pinakawalan sila nito at hinaplos ang pisngi niya. "Please take care of my son."
"I-I will," nauutal na tugon niya.
The woman had a very wide smile as she gave back the marriage contract to the judge. "Here you go. Asikasuhin mo 'yan agad, okay? I want you to register their marriage contract before I went back to New York."
"Yes, Miss Fontanilla," sabi ng Judge at nagpaalam na sa kanila.
"Well..." Humarap sa kanya ang ginang. "Sa kuwarto ko muna ako. Magpapahinga lang. Have an amazing honeymoon, you two," she said. "Have a good night."
Naiwan sila sa sala ni Ymar na nakatulala sa hangin.
"What now?" kinakabahang tanong niya.
Gulong-gulo ang isip niya. Magpapanggap lang silang dalawa. Iyon ang usapan. Pero ngayon kasal na sila?!
Holy mother of God.
Nagkibit-balikat si Ymar at bumuga ng hangin. "After three months, file an annulment. Kahit anong grounds, okay lang, tatanggapin ko. The end. Siguro naman sa tatlong buwan ay nasa akin na ang CF Pharmaceutical. At nasisiguro kong sa loob ng tatlong buwan, mabubuntis kita."
Her lips parted. Oh, my God! He didn't just say that! Pakiramdam ni Czarina ay nag-init ang buong mukha niya. Oo nga at open-minded siya sa mga ganoong bagay pero hindi yata kinaya ng matres niya ang lumabas sa bibig ni Ymar.
Yes, she wanted a baby and Ymar was going to give it to her in three months. Ang tanong, handa na ba siyang bigyang tuldok ang pagiging babaeng Pilipina niya?
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top