CHAPTER 5
CHAPTER 5
YMAR WAS BUSY while doing some experiment in his laboratory. Nagsalubong ang mga kilay niya nang bigla na lang pumasok sa isip niya si Czarina. Marahas niyang ipinilig ang ulo para mawala ang babae sa isip niya.
Czarina had been occupying his mind these past few days. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin n'on. He was a chemist, and he knew very well that he and Czarina didn't have the perfect chemistry. Pero kahit ganoon, hindi niya mapigilan ang lumalagong nararamdaman.
And in Science, in every action, there was a corresponding reaction. At nasisiguro niyang may mangyayari sa action na ginawa niya. It had been a month. Mukhang kailangan niyang mas maging maingat sa mga kilos niya.
Tumigil siya sa ginagawa nang marinig na nag-ingay ang cell phone niya. Tinanggal niya ang gloves sa kamay at sinagot ang tawag.
It was his mother. Not again.
"Ymar, nagawa mo na ang ipinapagawa ko?" sabi ng kanyang ina sa mataray na boses. "Uuwi na ako riyan sa makalawa."
That was his mother. Mataray pero malambot naman ang puso... minsan.
Ymar sighed. "Mommy, hindi naman ganoon kadali ang ipinapagawa mo. Yes, I have a girlfriend—" he lied flawlessly. "But to get married? Mommy, naman. Hindi na ako bata para pangunahan mo. Iba na lang kasi ang hingin mo sa 'kin."
"Of course, it is!" his mother exclaimed. "Madali lang ang ipinapagawa ko. If you just let me choose. Tatiana is the best woman for you—"
"Mom, choosing a bride is not like choosing a coffee in Starbucks," sabi niya sa matigas na boses. "At saka hindi si Tatiana ang tipo kung babae."
Tatiana was his childhood friend way back in New York. She was pretty but totally not his type. Para kasi itong sasali sa circus kung makapag-make up.
"Ymar." His mother sighed. "We have a deal. Naalala mo? And that deal will end a week from now. You want my company? Then get married this instant."
Bumuga siya ng hangin. Napipika na siya sa kanyang ina, pero kailangan pa rin niya itong irespeto sa kadahilanang ito ang naghirap na ilabas siya sa mundo.
"Mommy, hindi pa ako handang magpakasal," naiinis na sabi niya. "Give me a little time."
"No. We have a deal," wika nito. "Kung gusto mong mapasakamay ang kompanya ko na alam kung gustong-gusto mo, mag-asawa ka na. I know you want my company to merge with YS Pharmaceutical and that will only happen when you get married in less than a month from now. And I want a grandchild."
He blew a loud breath. Tama ang sinabi ng kanyang ina. He wanted the CF Pharmaceutical, his mother's company. Iyon kasi ang kalaban ng YS Pharmaceutical. He needed his mother's company so he could reign in the medicine business. At mangyayari lang 'yon kapag nakahanap siya ng mapapangasawa sa loob ng isang buwan.
And that was just so impossible to happen. Ymar wanted to pay someone to be his fiancée or wife, pero bago siya magbayad, kailangang ma-train muna niya ang babaeng babayaran niya. Mahahalata ng kanyang ina na matang-lawin yata pagdating sa mga ganoon.
Bakit naman kasi 'yon pa ang hiningi ng kanyang ina na kapalit sa kompanya nito? Fuck! Nahihirapan tuloy siya.
And why the fuck did she wanted a grandchild anyway?! Hindi pa nga niya gustong magkaanak.
"So, ano? Kaya mo?" mataray na tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. "Kapag hindi mo nagawa ang usapan natin, hindi ko ibibigay sa 'yo ang CF Pharmaceutical at kahit mamatay ako, ilalagay ko sa last will ko na hati-hatiin ang stocks ng kompanya sa mga investors." When she spoke again, her voice was soft. "Ginagawa ko 'to kasi gusto ko lang naman na mag-asawa ka na kasi lampas treinta na ang edad mo. I want to see you with a wife and a child—"
"Her name is Czarina," he blurted out to cut his mother off—saka lang niya na-realize ang pangalang lumabas sa bibig niya.
Fuck! Why did I just say that? Shit! I'm in a freaking big trouble!
Why the hell did he blurt out Czarina's name in their conversation? Mas pinalala lang niya ang sitwasyon.
"Great! I want to meet her and tell her that I want a grandchild. Pronto. I'll be coming to Philippines next week. Be ready." She made a kissing sound. "Bye, Ymar, take care. I love you, son," sabi nito, saka pinatay ang tawag.
Napailing-iling na lang si Ymar sa ugali ng kanyang ina. She was strict and always in high pitch but he knew that his mom cared for him.
Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa. He blew a loud breath and squeezed his eyes shut. What to do? What to do? Hindi naman 'to problema, eh. Madali lang ang solusyon doon. Kailangan lang niyang kumain ng milyong sakong lakas ng loob para maisakatuparan niya ang plano sa CF Pharmaceutical.
MASAYANG NAGSHA-SHOPPING SI CZARINA nang mag-isa habang panay ang sipsip ng banana smoothie na binili niya sa isang café na nadaanan. Actually, wala naman siyang balak bumili. Gusto lang niyang magliwaliw dahil nato-toxic na siya sa trabaho niya.
Pumasok siya sa isang sikat na boutique. Unang tingin pa lang, alam niyang mamahalin ang mga damit na naka-display.
Czarina walked towards the dress in the mannequin. It was a plunging neckline kind of dress and it was just her type. Kahit wala siyang balak bumili, binila pa rin niya, saka siya umuwi sa bahay.
Nang makarating doon, nagsalubong ang mga kilay niya nang makita si Ymar sa labas ng pinto at mukhang hinihintay siya. May dala itong banana cake.
Her cheeks warmed when she remembered the kiss that they shared days ago. Mula noon, hindi na niya nakita ang lalaki, ngayon lang uli.
Shit! Palagi siyang nananaginip ng kung ano-anong kaberdehan dahil sa halik na pinagsaluhan nila! Nakakahiya talaga ang laman ng mga panaginip niya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Tumayo nang tuwid si Ymar at iniabot sa kanya ang banana cake na dala. "For you."
Mabilis niyang tinanggap ang banana cake na mukhang napakasarap kainin. Yum! "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya uli sa lalaki habang inilalagay ang susi sa keyhole ng pinto ng bahay.
"I need you," sabi nito sa seryosong boses.
Napatigil siya sa pagbukas ng pinto at binalingan ang lalaki na matiim na nakatingin sa kanya. "W-what?"
Ymar took a deep breath like he was having difficulty breathing. "Kailangan kita."
Tinaasan niya ito ng kilay. "K-kailangan mo ako?"
Tumango ito. "Kailangan kita para magpanggap na fiancée ko o soon-to-be wife," deretsang sabi nito.
Napanganga si Czarina sa gulat. "A-ano?"
"My mom is coming home, and we have a deal. Naisip kong magbayad na lang ng babae na magiging fiancée ko na papasa sa panlasa ni Mommy nang bigla kong mabanggit ang pangalan mo sa kanya," sabi nito na walang emosyon ang mukha. "You are my neighbor, you're a doctor and you're pretty. Papasa ka kay Mommy."
"Ano 'yon, exam?" mataray na tanong niya para itago ang gulat na nararamdaman. "At teka nga muna, bakit mo ba nabanggit ang pangalan ko? At ano naman ang makukuha ko kapag naging fiancée kuno mo ako?"
Kinunutan siya nito ng noo. "Hindi ba puwedeng tulungan mo lang ako kasi may utang ka pa sa akin sa halip na magtanong ka ng kung ano-ano? Interes pa lang ang binayaran mo, 'di ba?"
Oo nga pala. That kiss was an interest only.
"Kung 'yong libro ang pinagpuputok ng butsi mo, hintayin mo ako rito." Isinara niya uli ang pinto at humakbang pabalik sa sasakyan niya. "Pupunta ako sa National Bookstore para palitan ang libro na ibinigay mo sa akin."
"Czarina!" Ymar called out her name and stopped her on the arm. "Please I'm out of time. And I already used your name for some unfathomable reason. Kaya please naman, ilang araw ka lang naman na magpapanggap. Pag-alis ni Mommy, babalik tayo sa pagiging magkapitbahay natin. I'll pay you if I have too."
She sighed when her heart decided to help this handsome man. Damn it, heart! Chill! "Hindi pa naman ako naghihikahos para magpabayad sa 'yo."
"Eh, ano ba ang gusto mo para tulungan mo ako?" pamimilit nito habang hawak pa rin ang braso niya. "Name your price."
Ang totoo, wala siyang pakialam sa bayad-bayad na iyan. Crush naman niya si Ymar, kaya libre lang. Ayos lang sa kanya. Pero ngayong may name your price pa itong nalalaman, why not? Minsan lang mangyari iyon na humihingi ng tulong ang may sapi niyang kapitbahay.
"Hmm..." She tapped her chin while thinking. Napatitig siya kay Ymar. Ano kaya ang kayang gawin nito para lang pumayag ako? Masubukan nga. "I want a child." Tinaasan niya ito ng kilay. "Kaya mo ba iyong ibigay sa 'kin?" panghahamon niya sa lalaki.
"'Yon lang ang gusto mo?" he asked as his eyes glistened with an emotion she couldn't name. "Sure. Kailan mo gustong gawin natin?"
Napamulagat si Czarina. "W-what?"
Ymar smiled slyly. "You want a child? Sige, kaya kung ibigay 'yon. I'm a healthy male and I have good genes. Hindi ka lugi sa akin. In return, you'll pretend as my fiancée for days maybe."
Napamaang siya sa lalaki. Shit! Mapapasubo ako nito. "Ibibigay mo talaga ang gusto ko?"
"Oo. Madali lang naman ang gusto mo," sabi ni Ymar na parang wala lang, na para bang ang gusto lang niyang hingin ay banana cake na mabibili sa kahit saang cake shop.
She wanted a freaking child and he said yes? She should back out.
Babawiin na sana niya ang hinihiling nang pumasok sa isip niya ang kanyang mga magulang na gustong-gustong magkaanak na siya. Maibibigay na rin niya sa wakas ang gusto ng kanyang ina at hindi na siya pipilitin nito na pumunta sa Canada.
Huminga nang malalim si Czarina at binuksan ang pinto ng bahay niya. Kahit hindi niya inimbitahan si Ymar, pumasok na lang ito bigla.
She dropped herself on the single sofa and looked at Ymar who was looking at her with no expression on his handsome face.
"Sige," sabi niya. "Payag na ako na magpanggap na fiancée mo ng ilang araw. Pagkatapos, gagawin na natin ang kapalit ng pagpapanggap ko." She took a deep breath. "Pero kapag nabuntis ako, wala kang pakialam sa bata. Bubuhayin ko siya nang mag-isa at hindi ka niya makikilalang ama. Deal?"
"Sure. Okay. Deal," Ymar said in a strange voice.
She was open-minded and she believed in love. Pero hindi siya naniniwala na may lalaki pang nabubuhay na seryoso at hindi siya lolokohin. She was once fooled by the man she first loved in college. Akala niya may forever sila dahil ito ang una niyang kasintahan. She was a lovestruck fool back then. Pero letse, dalawa pala silang girlfriend nito. Nagmaang-maangan pa ang hinayupak nang tanungin niya tungkol sa panloloko nito sa kanya.
She cried a lot of tears over her first boyfriend. Muntik pa siyang bumagsak sa isa niyang major subject dahil sa pagiging heartbroken niya. Simula no'n, wala na siyang sineryosong lalaki. She dated and that was all. No relationship. She liked men and she liked Ymar. That was all. Ayaw niyang dumating ang punto na magmamahal siya ng lalaki. Ayaw niya. Natatakot siya. Kaya nga takot siyang mag-asawa. Natatakot siyang maloko na naman sa ikalawang pagkakataon. Siguro nga nagka-phobia siya sa ginawa sa kanya ng una niyang kasintahan.
Kaya mas makabubuting magpabuntis na lang siya. Okay lang sa kanya kahit walang asawa. Dagdag suliranin lang 'yon kapag nagloko na. Okay na sa kanya na anak lang. Sapat na iyon.
"Look, Czarina, kailangan maging perfect ang pagpapanggap natin. Ayokong malaman ni Mommy na nagpapanggap lang tayo baka mabulilyaso pa ang mga plano ko."
Iningusan niya ito. "Puwede ba, Ymar, tigilan mo ako sa perpekto-prrpekto na iyan. Alam ko ang gagawin ko at talagang pang-Oscar ang performance ko kasi may kapalit. Maghintay ka na lang."
Czarina stood up and went to the kitchen. Ymar followed her. Kumuha siya ng saging sa ref, binalatan iyon, saka isinubo at humarap sa lalaki.
"So, ano'ng gagawin nating dalawa para mapapaniwala ang mommy mo?" sabi niya habang nginunguya ang saging.
Nakakunot ang noong napatitig si Ymar sa saging na nasa bibig pa rin niya kahit ngumunguya siya. "Ano ba iyang ginagawa mo?" May bahid na pagkainis ang boses nito. "Don't talk while eating. It's gross. Ano na lang ang sasabihin ni Mommy kapag nakita kang ganyan?"
Lumunok muna siya bago nagsalita. "Ano ba ang problema mo? Kumakain lang naman ako ng saging na paborito kung prutas." Tinaasan niya ito ng kilay at mabilis na inubos ang saging. "Hayan. Ubos na. May problema ka pa? Kung mayroon pa, maghanap ka ng ibang babae na magpapanggap na fiancée mo. Gago."
Nagtagis ang mga bagang ni Ymar. "Hindi ako gago. And for your fucking information, may makukuha ka rin naman sa pagpapanggap na gagawin natin. I'll donate my sperm, remember?"
Inungusan niya ito. Hmp. "Huwag mo akong magamitan ng fucking-fucking na iyan baka bigla akong makalimot at isaksak ko lahat ng iyan sa 'yo," sabi niya, sabay turo sa mga kutsilyo na nakasabit sa harap ng lababo.
Napailing-iling ito. "Hindi ka puwedeng umaktong ganyan sa harap ng mommy ko. She'll flip. You're a doctor, act like one."
It felt like someone pinched her heart. Nasaktan siya at nainsulto sa sinabi nito.
"Pagpasensiyahan mo na, Ymar." Puno ng sarkasmo ang malambing niyang boses. "Ano ba dapat ang iakto ko sa harap ng mommy mo?" Inilahad niya ang kamay at nagsalita sa mahiyaing boses "Hello, I'm Czarina Salem and I'm a gynecologist who loves to eat banana. And, oh, I'm a prim and proper kind of woman," she snorted and rolled her eyes. "Kung iyan ang gusto mong maging akto ko sa harap ng mommy mo, spare me. Hindi ako ganoon klaseng babae. Maghanap ka ng iba, malay mo, magustuhan niyang maging robot sa harap ng mommy mo."
Bumuga ng marahas na hangin si Ymar. "You're incorrigible."
Inirapan niya ito. "FYI, Ymar, ikaw ang nanghihingi ng tulong. Dapat nga ipinagtitirik mo ako ng kandila bilang pasasalamat dahil pumayag akong maging sinungaling sa harap ng mommy mo, eh." Tinarayan niya ito. "And if you don't like the way I act, hindi ko na iyon problema."
Napailing-iling si Ymar sa sinabi niya. "Hindi ako puwedeng maghanap ng iba, nabanggit ko na ang pangalan mo kay Mommy."
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko na iyon problema."
Malalim na bumuntong-hininga si Ymar. "Fine. Keep your attitude. Basta magpanggap ka lang. Okay na sa akin 'yon."
She grinned. "Okay. Cool."
Ymar rolled his eyes and sighed heavily. "Good. Now, let's talk."
"Talk?" Kinunutan niya ito ng noo. "Ano'ng pag-uusapan natin?"
Ymar gave her an arched look. "We'll talk about our differences and all that. Hindi puwedeng mabuko tayo ni Mommy. Mabubulilyaso ang lahat. At ayokong mangyari 'yon. Masisira ang mga plano ko."
Czarina crossed her arms over her breasts and raised her eyebrow at Ymar. "Bago tayo mag-usap, please enlighten me. Bakit ba kailangan kong magpanggap na fiancée mo? At anong plano ba ang pinagsasasabi mo?"
Ymar lips thinned. Mukhang ayaw nitong magkuwento. Hmp! Para namang hahayaan niya itong hindi magsalita.
"Talk, Ymar," sabi niya sa seryosong boses. "O haharap ka sa ina mo na walang fiancée sa tabi mo."
Bumuga ito ng hangin. "I want my mother's company to be mine. At mapapasa akin lang iyon kapag may naipakilala akong fiancée sa kanya." Nag-iwas ito ng tingin. "Actually, gusto niya ng apo pero ayos lang kung wala. Ang importante my fiancée ako. We'll cross the bridge when we get there."
Itinirik niya ang mga mata, saka nagbalat na naman ng saging. "Sa oras na dumating iyang cross the bridge na iyan, mag-isa ka."
"Akala ko ba gusto mo ng anak."
"Oo." Mabilis siyang tumango. "Gusto."
"'Yon naman pala eh, di sabay tayong tatawid sa tulay."
Inungusan niya ito. "Ewan ko sa 'yo." Isinubo niya ang saging, saka mabilis iyong nginuya at nilunok. "Anyway, kailan ang dating ng mommy mo?"
"Sa makalawa."
Halos malaglag ang mga mata at panga niya sa gulat. "Fudge! We need to talk!"
"Sabi ko nga."
"Shut up, Ymar."
"You shut up too."
"Okay."
"Okay."
"Let's talk."
"Good idea."
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top