CHAPTER 4
CHAPTER 4
"OKAY, CLASS, BE READY for your finals next week. Dismiss," wika ng professor ni Czarina sa subject niyang Psychiatry. Finals na pala next week. Mukhang makikibaka na naman siya sa mga eyebags niya dahil sa puyatan.
Czarina yawned first before standing from her chair. Nalukot ang mukha niya nang lumapit sa kanya na Paolo, isa sa mga masusugid niyang manliligaw na sa sobrang sugid ay nakakairita na.
Promise!
"Hello, Czarina," nakangiting bati nito sa kanya.
She smiled politely. "Hello."
Pagkasabi niyon ay mabilis siyang naglakad patungo sa parking lot ng paaralan. Last subject na niya iyon at gusto na niyang umuwi at magpahinga. Nakakapagod kasi may hangover na nga siya, may mamemeste pa sa kanya!
"Czarina! Wanna dine with me?" tanong ni Paolo na hinabol pala siya hanggang sa parking lot.
Tinimpi niya ang inis na nararamdaman, saka hinarap ang lalaki. "Sorry, Paolo. I can't. I'm busy."
Mabilis siyang sumakay sa sa kotse niya at pinaharurot iyon patungo sa Starbucks na malapit lang sa Bachelor's Village. When she got there, she ordered a latte. Inilabas niya sa bag ang banana chips na baon niya na hindi naman niya nakain.
Nang dumating ang order niya, inilabas niya ang notepad at tiningnan ang schedule niya bukas. Mukhang marami siyang pasyente bukas. Siya na ang palaging busy. Kailangan na niyang bigyan ng korona ang sarili sa pagiging abala palagi.
Her thoughts about work instantly flew away when she heard Ymar's voice behind her back.
"'Yan na ba ang pananghalian mo?" Ymar's baritone voice filled her ears.
Mabilis na nilingon niya ang lalaki at nakitang may dala itong isang slice ng banana cake. Natakam siyang kainin iyon.
"That's your lunch?" Nakatingin ito sa pagkain niya sa ibabaw ng mesa.
Kinunutan niya ito ng noo. "Ahm, ano naman ang pakialam mo?"
Bumuga si Ymar ng hangin at umupo sa bakanteng upuan ng mesa na inookupa niya. Inilagay nito sa ibabaw ng mesa ang dalang cake, and then he took a forkful of it and put the fork over her mouth.
"As a doctor, dapat alam mo ang masustansiyang pagkain na kailangan ng katawan mo," sabi ni Ymar habang sinusubuan siya na wala sa sariling nagpapasubo naman. "At saka, nasaan na pala ang kumot ko na kinidnap mo? Hindi mo pa ibinabalik sa 'kin. Saka 'yong T-shirt ko, pakilabhan, 'tapos ibalik mo. Mahiya ka naman."
Nakatanga si Czarina kay Ymar at nag-iisip kung nasapian ba ang lalaki dahil mukhang hindi ito snob ngayon. What the heck happened?
"Oh?" Ymar frowned at her. "Nakikinig ka ba sa 'kin, Miss Banana?"
Napakurap-kurap siya. "M-Miss Banana?"
Those tulips! Hindi kaya si Ymar ang naglalagay sa labas ng pinto ng bahay niya? Miss Banana rin kasi ang tawag sa kanya ng kanyang secret admirer. O baka naman nangangarap lang siya nang gising? Ang haba naman ng buhok niya kung si Ymar nga. Mag-a-ala Rapunzel siya niyon.
Tumaas ang dalawang kilay ni Ymar. "O, hindi ba, mahilig ka naman sa saging kaya ikaw na si Miss Banana. Kung ayaw mo sa Miss banana, sige, B1 na lang. Nakakahiya naman sa 'yo."
Sinimangutan niya ito. "Puwede ba, Ymar, tigilan mo ako. Baka masapak kita nang wala sa oras. Stress ako ngayong araw kaya puwede ba, stop pestering me."
And in a slow motion, Ymar's lips formed into a sexy smile. Napakapit siya sa gilid ng mesa. Sheyt! Lumilindol ba o nilindol ang puso niya sa ngiting 'yon?!
Shucks! Yummy!
At tulad ng malakas na lindol, nagkaroon ng aftershock! Ymar's sexy smile turned into sexy chuckle. Buwisit na lalaking 'to. Balak pa yatang lindulin pati matres niya!
"Bakit ka ba tumatawa riyan?" mataray niyang tanong.
Parang nag-skydiving ang puso niya nang dumapo ang kamay nito sa gilid ng mga labi niya, and then he wiped off something from the corner of her lips.
"There. Sinusubuan ka na nga, makalat ka pa ring kumain," komento nito.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Teka nga muna, magkalinawan tayo. Bakit mukhang may sapi ka ngayon? Mabait ka, eh. Ano'ng nakain mo?"
Kinunutan siya nito ng noo, kapagkuwan ay ngumiti na naman. "Nakainom kasi ako ng gamot ko. My vitamin CS makes me feel at ease and nice towards you. Ayaw mo ba n'on?"
"Anong vitamin CS?"
"Vitamin. In Tagalog, bitamina." Puno ng sarkasmo ang boses nito. "Naiintindihan mo na?"
Inirapan niya ang lalaki. "Pinagloloko mo naman ako, eh. I'm a doctor at wala pa akong naririnig na ganyang vitamin."
"And I'm the best chemist in Asia and I make medicines. Makikipag-argumento ka pa?"
"Hmp!" Inirapan niya ito. "Manahimik ka na lang at subuan mo ako," she demanded.
Napapailing na sinunod ni Ymar ang sinabi niya. Sasamantalahin na niyang may bitamina pa ito sa katawan. Baka mamaya snob na naman ito.
Bitamina sa katawan? Why did it have a green connotation in her head? Parang iba ang naiisip niya sa ibig sabihin ng bitamina sa katawan. Shucks! Umandar na naman ang pagiging kulay-berde ng utak niya.
Tumitig siya kay Ymar. "Ano kaya ang nangyari kung hindi ikaw ang unang nakapasok na sperm sa ovary ng nanay mo?" she asked randomly.
Kinunutan siya nito ng noo na parang hindi makapaniwala na lumabas iyon sa bibig niya, pero kapagkuwan ay ngumiti rin. "Hmm... kung hindi ako, malamang iba ngayon ang lalaking nagsusubo sa 'yo ng banana cake." Biglang nagdilim ang mukha nito, saka kumuyom ang kamay. "Ako lang dapat ang magsubo sa 'yo."
Tinawanan lang ni Czarina ang madilim nitong mukha. "Ang cute mo. Ang cute mong pasagasaan sa ten-wheeler truck."
Napailing-iling ito at bumuga ng hangin. "By the way, ibalik mo na sa akin ang kumot at T-shirt ko."
"Ayoko." She stuck out her tongue at him. "Saka na kapag nanganak na iyon sa poder ko."
Nangingiting umiling-iling ang lalaki. "No wonder gusto mong maging psychiatrist. Baliw ka rin, eh."
Natigilan siya. "How did you know that I want to be a psychiatrist?"
"Don't you remember? You knocked on my door and you introduced yourself? 'Tapos hindi ka pa nakontento, pati pangarap mo, in-announce mo sa pagmumukha ko."
Czarina laughed a little. "Naalalako nga 'yon." Biglang nawala ang ngiti niya. "'Tapos pinagsarhan mo ako ng pinto."
"We're even. Tinawag mo akong sperm, eh."
Czarina glared at Ymar. "Sperm ka naman talaga, eh. Sperm ka ng tatay mo."
"Ang sagwa mong kausap."
"Asus! Masagwa ka lang kung wala kang sperm. I'm sure nilalabasan ka ng sperm kapag nakikipag-sex ka o kaya kapag nagma-masturbate ka."
Napatanga si Ymar sa kanya. "Damn... lahat ba ng babaeng ob-gyn katulad mo magsalita? Walang preno?"
Inirapan niya ito. "Totoo naman ang sinasabi ko, ah."
Napailing-iling na lang ito at tumayo. "Ayaw na kitang kausapin. Nag-iinit ang—"
"Ang alaga mo?" pagtatapos niya sa sasabihin ni Ymar habang nakatingin sa pagkalalaki nito.
"Czarina!" He glared at her. "That's not what I'm gonna say!"
Tinawanan niya lang ang lalaki, saka kinuha ang latte niya at ang natirang banana cake. "Nice talking to you, handsome Ymar," sabi niya na nakangiti sa lalaki para itago ang hiya na nararamdaman. "Bye."
Nagmamadaling lumabas siya ng Starbucks at sumakay sa kotse niya. Nakakahiya ang pinagsasasabi niya! Kailangan niyang rendahan ang bibig niya. Diyos ko naman! Ano na lang ang iisipin ni Ymar sa kanya? Na hindi siya isang babaeng Pilipina?
Oh, my God! Please, mouth, huwag mo naman akong ipahiya!
Naku! Bakit naman kasi ang berde ng utak niya minsan.
Nakakahiya. Buwisit!
UMUWI SI CZARINA sa bahay niya. Tamang-tama naman nang makapasok siya ay tumawag ang kanyang makulit na ina.
"Baby, kumusta ka na riyan? Ang matres mo, buo pa ba?" tanong agad ng kanyang ina nang sagutin niya ang tawag.
Czarina sighed. "Mommy, buo pa po ang matres ko at nakaselyo pa ang Bataan. Isa pa rin akong babaeng Pilipini—"
"At the age of twenty-eight?!" Her mother gasped. "Baby, naman, eh. You're in the right age to make babies! Please naman, anak, pagbigyan mo na kami. Kung ayaw mong sumama rito sa amin ng daddy mo sa Canada, ayos lang, but please, bigyan mo naman kami ng apo!"
May pinagmanahan nga siya. "Mommy, naman, eh! Wala pang willing na sperm donor."
"Asus! Maghanap ka!"
Biglang pumasok sa isip niya si Ymar. Willing kaya itong maging sperm donor? Yum-yum.
Umupo si Czarina sa mahabang sofa, saka nahiga habang kausap pa rin ang ina sa cell phone. "Mommy, kumusta na kayo ni Daddy diyan?" tanong niya.
"Ayos lang naman kami, baby. Ikaw ang inaalala ko. Mag-isa ka lang diyan sa Pilipinas," sabi ng kanyang ina na may pag-aalala sa boses. "Okay ka naman ba riyan?"
"Yeah." She missed her parents.
Her mother sighed. "Anak, kailangan mo nang mag-asawa para may makasama ka riyan sa Pilipinas. Lalampas ka na sa kalendaryo, eh."
She smiled. "Mommy, ano naman ang kinalaman ng kalendaryo sa pag-aasawa ko?"
"Baka nakakalimutan mo, may usapan tayo," sabi nito sa nananakot na boses. "Kapag hindi ka pa nagkaanak sa edad na twenty-nine, pupunta ka na rito sa Canada at dito ka na maninirahan kasama namin. Kaya kita hinayaan diyan na mag-isa sa Pilipinas dahil sa usapang iyan. Pero dalawang taon na ang nakakaraan, wala pa rin akong apo at manugang. Bilis-bilisan mo."
Czarina grimaced in annoyance. Oo nga pala. That freaking deal again. "Update kita, Mommy, kapag may laman na ang matres ko," sabi niya.
"Ewan ko sa 'yong bata ka. Sige, paalam na," sabi ng kanyang ina na parang napipilitan. "Tatawag ako para magtanong uli. You know how much I value our deal, Czarina. Nangako ka na sa edad na twenty-nine at kapag wala ka pang anak at asawa ay sasamahan mo kami rito sa Canada. And you know how much I value promises. "
"I know, Mommy. Love you."
"Love you too, baby."
Naputol ang tawag at napatitig si Czarina sa kisame. She missed her parents pero ayaw naman niyang pumunta sa Canada para doon na magtrabaho. Okay na siya rito sa Pilipinas. Maayos na ang lagay niya. Bakit naman kasi naisipan pa niyang makipag-deal noon sa mga magulang niya.
And she knew that she couldn't break her promise. Alam niya kung gaano pinapahalagahan ng mga magulang niya ang salitang pangako. At alam niyang masasaktan niya ang mga ito kapag hindi niya tinupad ang pangako.
Napaigtad siya at naputol ang pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto ng bahay niya.
Tinatamad na bumangon siya at binuksan ang pinto. Natigilan siya nang makita si Ymar na may dalang isang malapad na pinggan na puno ng saging.
Kinunutan niya ito ng noo. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I'm trying to be a nice neighbor," sabi nito sa seryosong mukha.
She grimaced. "Too late."
Inisang hakbang ni Ymar ang pagitan nila. Tanging ang hawak nitong malapad na pinggan ang naghihiwalay sa katawan nila. "Just accept my banana."
Bumaba ang tingin niya sa pagkalalaki nito.
"Not that banana, damn it!" nanggigigil sa inis nitong sabi. "Itong banana na hawak ko ang tinutukoy ko!"
Bumungisngis siya. "Chill, Ymar. Binibiro lang kita."
Bumuga ito ng hangin at tumama sa mukha niya ang hininga nito.
Hay, naku naman! Ang bango! Sarap siguro nitong halikan. Yum!
"Czarina, knock-knock," pukaw nito sa kanya. "Nandiyan ka pa?"
Napakurap-kurap siya. Nag-iilusyon na naman siya. Hayst!
Kinuha niya ang pinggan na may lamang saging at nginitian ang lalaki. "Papasok ka?"
"Papapasukin mo ako?"
Tumaas ang kilay niya. "Kung papapasukin kita, papasok ka?"
Ilang segundo itong nag-isip bago tumango. "Oo, may utang ka pa sa akin, 'di ba?"
Naningkit ang mga mata niya. "Utang na naman?"
"Oo."
She rolled her eyes. "Pasok kung ganoon."
Hindi niya malaman kung natutuwa ba ang lalaki o hindi dahil wala namang emosyon ang mukha nito habang papasok sa bahay niya.
Iginiya niya si Ymar patungo sa kusina at pinaupo ito sa mataas na stool na katabi ng island counter.
"Ano'ng gusto mo? Juice, tea or coffee?"
"Wala sa ino-offer mo ang gusto ko," wika nito habang nakatingin sa mga labi niya.
Naguguluhan na napatitig si Czarina sa lalaki. "Ha? Ano ba ang gusto mo? Beer? Soda? Ano? Name it."
"I don't want anything," sabi nito.
Nagkibit-balikat siya. "Okay." Umupo siya sa katabi nitong stool. "Bakit ka pa pumasok sa bahay ko kung wala ka naman palang gustong inumin?"
"Maniningil kasi ako ng utang mo."
"'Yang utang na naman?" Naiinis na nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano ko ba mababayaran iyang utang na 'yan nang matahimik na ako sa paniningil mo?"
Humarap sa kanya si Ymar. "Ilapit mo ang mukha mo sa akin."
At dahil masunurin siyang bata, mabilis naman niyang sinunod ang sinabi nito.
She brought her face closer to his. Nang isang dangkal na lang ang layo nilang dalawa, natigilan siya nang bigla na lang sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya.
Napasinghap siya sa pagkagulat pero hindi siya hinayaan ng lalaki na putulin ang halik. Sinapo nito ang pisngi niya at lalong pinalalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila.
Czarina could taste the minty breath of Ymar. His lips were soft, warm and tasty and damn it, she wanted more. So, she kissed him back. Buong puso niyang tinugon ang halik nito na dahilan ng pag-aalab ng katawan niya.
She groaned in disappointment when Ymar let go of her lips. Matiim siyang tinitigan ni Ymar, ang mga mata nito ay puno ng hindi niya kilalang emosyon.
"Bayad na ba ako sa utang ko?" Siya ang unang bumasag sa katahimikan.
"Interes pa lang ang nabayaran mo," sabi nito at nginitian siya nang makahulugan, saka iniwan sa kusina na nakatanga rito.
Sheyt! Interes pa lang 'yon? Gusto niyang tarayan si Ymar pero bakit naiisip na niya ang pagbabayad niya rito ng interes uli? At ang kunsintidor niyang katawan, hayun at nananabik sa muling pagbabayad niya ng utang.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top