CHAPTER 3

CHAPTER 3

NAPUYAT SI CZARINA nang nagdaang gabi. Thanks to Ymar's book and those bunch of articles about him. Lahat yata ng article na may kinalaman kay Ymar ay hindi niya pinalampas. At sa mga nabasa niya, may pagkakapareho ang mga iyon.

Ymar Stroam was described as a serious businessman with an intimidating and snob aura. Hindi lang aura, kasi talagang pangit ang ugali ng lalaki. Walang modo.

Hmp! Nakakainis pero nakaka-in love naman ang kaguwapuhan nito.

Tulak ng bibig, kabig ng bibig talaga ang drama niya sa buhay pagdating kay Fafa Ymar.

Yum. Yum. Yum.

At dahil nakatanggap na naman siya ng tulip sa araw na iyon, hindi na siya mapakali. Sinong tao ang magbibigay sa kanya ng bulaklak araw-araw, sa loob ng isang buwan, kung wala itong balak sa kanya?

Kaya naman nagtungo siya sa nagsisilbing Village Hall ng Bachelor's Village at kinausap ang may-ari ng village na si Lysander Callahan.

"Good morning," bati niya sa lalaki na relax na relax na nakahiga sa duyan na nasa foyer sa labas ng Village Hall. "Can I talk to you?"

The man sighed and then glanced at her, still lying comfortably on the hammock. "Yes, beautiful?"

Kinunutan niya ito ng noo. "Beautiful?"

"Yeah. Maganda ka naman, eh." Umupo ito sa duyan. "Anyway, ano'ng maipaglilingkod ko sa 'yo?"

"Ahm." Tumikhim muna si Czarina bago nagsalita. "Ahm, my CCTV ba ang buong village?"

Tumaas ang dalawang kilay nito. "Oo. Bakit mo naitanong?"

"Kasi..." Ipinakita niya ang tulip na itinago niya sa likuran. "Sa loob ng isang buwan simula nang tumira ako rito, palaging may naglalagay nito sa labas ng pinto ng bahay ko. Noong una, I find it sweet, but now, it's getting creepy and I want to know who it is."

Napatango-tango si Lysander. "Okay. Let's go to the CCTV house."

She smiled at Lysander. "Thanks."

Sabay silang nagtungo ni Lysander sa CCTV house kung saan may guwapong singkit na lalaki na nakaharap sa maraming computer.

"Shun, my man," malakas na sabi ni Lysander, saka nakipagkamay sa singkit na lalaki. "May gusto raw makita si Miss Maganda sa CCTV sa labas ng bahay niya."

Mataman siyang tinitigan ng singkit na lalaki at ngumiti. "Ikaw 'yong kapitbahay ni Ymar, 'di ba?"

Nakakunot ang noong tumango si Czarina. "Kilala mo ako?"

Isang makahulugang ngiti ang kumawala sa mga labi nito. "Marami talaga akong kilala na hindi ako kilala," sabi nito, saka humarap sa monitor ng computer. "Anong date ng video ang gusto mong makita?"

Kinakabahan si Czarina na parang nae-excite. Malalaman na niya sa wakas kung sino ang secret admirer niya!

"Kahit ang CCTV lang kagabi," sabi niya habang sumisilip sa monitor.

Mabilis na tumipa si Shun sa keyboard ng computer at ilang minuto lang ang lumipas, may video na nag-play.

Czarina narrowed her eyes on the monitor. May lalaking nakatalikod sa camera, nakaharap ito sa pinto ng bahay niya. His back looked familiar. Kitang-kita niya ang lalaki nang mag-iwan ito ng isang tangkay ng tulip sa labas ng pinto niya. At nang lilingon na ito paharap sa camera ng CCTV, narinig niyang napamura si Shun.

"Fuck!" Mabilis ang galaw ng mga kamay nito. He pressed something on the keyboard and the monitor became static and blurry.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What happened? Bakit biglang nagkaroon ng static? Sira ba ang computer n'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

Shun gave Lysander a knowing look before looking at her. "Virus. YS virus."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Ganoon? Hmp! Kainis naman. Paasa naman iyang computer n'yo, eh. Ipakilo n'yo na nga iyan at nang mapakinabangan!" Naiinis na nagmartsa siya palabas ng CCTV house.

Napatigil si Czarina sa paglalakad palabas ng CCTV house nang makasalubong si Ymar sa may pintuan. Magkasalubong ang mga kilay nito nang magtama ang mga mata nila.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" puno ng kuryosidad niyang tanong.

Lalong sumama ang mukha nito. "Bakit ka nagtatanong? Ano ba kita?" Pagkasabi niyon ay nilampasan siya nito at naiwan siyang nakatanga sa hangin.

Grabe talaga ang ugali ng lalaking 'yon. Nakakairita na nakakainis na ang sarap iumpog ng ulo sa pinakamalapit na pader.

Urgh!

Naiinis na tuluyan siyang lumabas ng CCTV house. Wala namang pakinabang ang pesteng CCTV na 'yon!

Mga sperm silang lahat! Sperm! Buwisit! Hmp! Makapunta na nga lang sa bahay ni Anniza. Bonding day namin ngayon.



NANG LAMPASAN NI YMAR si Czarina, agad siyang lumapit kay Lysander, ang may-ari ng Bachelor's Village.

"Bakit mo ako ipinatawag?" naiinis na tanong niya.

Lysander had this sly smile on his lips. "So, hindi ka nagtagumpay na makaimbento ng gamot para sa anti-love," sabi nito na mas ikinakunot ng noo niya.

"What?" naguguluhang tanong niya.

Lysander pointed his finger at the computer screen. "Play it again, Shun."

Ymar dragged his gaze to Shun who was now busy typing something in the keyboard. Kapagkuwan ay unti-unting nawala ang static sa monitor at naging HD ang linaw n'on.

Napakurap-kurap si Ymar nang makita ang video. It was him!

Fuck! Did Czarina saw it? Galing lang dito ang babaeng 'yon, 'di ba?

Shun gave him a reassuring look. "No worries. Hindi niya nakita. May ginawa ako para magkaroon ng static sa monitor at maging blurry. So..." Nanunundyong ngumiti ito. "Nakakailang bili ka na ng tulips sa loob ng isang buwan?"

Itinirik niya ang mga mata. He would never hear the end of this! Fuck! "I'm just being friendly." Pagkasabi n'on ay nagmamadali siyang lumabas ng CCTV house.

Gusto niyang kutusan ang sarili. Paano kung malaman iyon ni Czarina?

Shit! Fuck!

Mabilis siyang bumalik sa CCTV room para kausapin ang dalawa.

"Oh." Mukhang hindi naman nagulat si Shun nang makita siya. "Bumalik ka." He faked a shock expression. "Ano'ng kailangan mo?"

He rolled his eyes. "How much do I have to pay to shut the both of you up?"

Lysander chuckled. "I can keep my mouth shut without payment, Ymar. But..." Itinuro nito si Shun na abala sa cell phone. "Not this guy. Mukhang pera kasi ito, eh."

Nag-angat ng tingin sa kanya si Shun at ngumisi, saka ihinarap sa kanya ang screen ng cell phone nito. It was a calculator. And it had a six-digit amount typed on the screen.

"That's the price of my silence," wika ni Shun habang may matagumpay na ngiti sa mga labi.

Ymar blew a breath. "Kapag binigyan kita niyan, mananahimik ka na?"

Tumango si Shun. "Yes. I'll be silent like a mute."

He rolled his eyes. "Mapupunta ba ang pera na ibibigay ko sa charity mo?"

Shun nodded again.

"Fine. Babayaran na kita," sabi niya.

Hindi naman mapupunta sa wala ang ibabayad niya rito. Sa charity naman kaya ayos lang 'yon sa kanya. It was like hitting two birds in one stone. It would silence Shun and it would help the kids in need. It was a win-win.

"Yes!" Sumuntok pa si Shun sa hangin, sabay tapik sa balikat niya. "Barya mo lang naman 'yon eh."

He grimaced. "Whatever."

Lumabas si Ymar ng CCTV house at nagtungo sa bahay niya gamit ang Lexus habang nasa likuran niya si Shun na sakay naman ng Hammer nito.

Nang makarating sila sa bahay niya, agad siyang pumasok at kinuha ang checkbook, saka binigyan si Shun ng isa. "Here. Ikaw na ang bahala riyan." Then he narrowed his eyes on him. "Keep your mouth shut, Shun."

Nangingiting tumango si Shun. "Can't believe it. But, yeah, I'll keep my mouth shut."

"Good." Tinalikuran na niya ito. "Lumayas ka na sa pamamahay ko."

Tinawanan lang ni Shun ang pagalit niyang boses at lumabas ng bahay niya. Siya naman ay bumalik sa kuwarto niya at tumambay na naman siya sa teresa.

Actually, he hated that part of his house. Napakalapit niyon sa katabi niyang bahay. Gusto niya ng katahimikan kaya nga binili niya ang bahay na iyon kay Shun. Nakabayad na siya nang malaman niyang may teresa pala ang kuwarto. Loko rin naman kasi siya. Hindi muna niya inalam ang disenyo ng bahay bago niya binili.

But because of his new neighbor, his opinion about the terrace was changing.



MARIING IPINIKIT NI CZARINA ang mga mata nang iparada niya ang sasakyan sa labas ng gate ng bahay niya. She was a little bit drunk. Uminom kasi siya kasama ang dalawa niyang matalik na kaibigang sina Haze at Anniza.

Her tolerance in alcohol was very low. Kahit champagne lang ang iniinom niya, nalalasing siya agad. Mabuti nga at nakauwi pa siya nang matiwasay sa bahay niya. Salamat sa Diyos at hindi siya nadisgrasya.

Lumabas siya ng sasakyan na parang umiikot ang mundo. Pinilit niyang maglakad nang tuwid hanggang sa makarating siya sa pinto ng bahay.

The door was open. What? Pero ini-lock naman niya iyon kanina. She should investigate. But her disoriented and intoxicated mind wouldn't let her. Umiikot ang paningin niya habang naglalakad papasok sa bahay niya.

A very manly scent welcomed her nostrils.

"Ang bango naman ng bahay ko. Amoy ni Ymar," she said in a slurred voice.

She walked to the left side of her house where the staircase was located. Pero hindi hagdan ang sumalubong sa kanya kundi isang malaking TV. Napakunot ang noo niya at pilit na inaaninag kung nasaan ang hagdan ng bahay niya. She was sure that it was in the left side of her house—

"There you are," nangingiting sabi niya nang makita ang hagdan. "Hmmm... lasing yata talaga ako. Hindi ko na matandaan kung nasaan ang daan sa hagdan ng sarili kong bahay."

Umakyat si Czarina sa second floor at pumasok sa nag-iisang kuwarto na naroon. Papikit-pikit siya dahil sa kalasingan. Buwisit! Hindi na talaga siya iinom uli. Urgh! Sana doon na lang siya natulog kina Anniza. Damn it!

Nang makapasok sa kuwarto, agad niyang hinubad ang damit at tanging ang panty lang ang itinira, saka mabilis na humiga sa kama.

Czarina inhaled the scent of the pillow. Ang bango naman ng amoy ng unan nito. At ang lambot ng kama. Napakabango rin ng kumot nito.

Hmmm... bakit kaya mabango, hindi pa naman siya nagpapalit ng kumot?

I wonder.

Umayos siya ng higa, saka natulog na. It felt comfortable sleeping on this bed. Her bed never felt this good... just now.



ININAT NI CZARINA ang mga kamay at nakangiting nagmulat ng mga mata. It was morning! She was about to stretch her body when her feet bumped into another... feet?

Malalaki ang mga matang tinanggal niya ang kumot at halos malaglag ang panga niya nang makita kung sino ang may-ari ng paa na nasagi niya.

Oh, my God! Oh, God! Fudge?! Sheyt! Holy hell! What the fudge?!

Sinapo niya ang bibig para hindi siya bigla na lang sumigaw.

Shit! Ano'ng nangyari!?

Akmang aalis na siya ng kama nang biglang magsalita ang katabi niyang lalaki sa malambot na kamang iyon.

"Don't shout. Just leave."

Czarina gaped at Ymar whose eyes were still close. "A-ano?"

Nagmulat ang mga mata nito at tumingin sa kanya. He had these sleepy eyes and a messy hair. "I said, don't shout. Just leave."

Napanganga siya lalo. "Ano'ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" pabulong na tanong niya.

"It's my room, not yours." He shrugged. "You're drunk. I was still having dinner last night in the living room when you entered my house without permission." He heaved a deep sigh. "Pumasok ka sa hindi mo bahay at natulog ka sa hindi mo kama. Now, leave." Kapagkuwan ay bumaba ang mga mata nito sa dibdib niya. "Nice breasts by the way. Look yummy."

Bumaba ang tingin ni Czarina sa kanyang dibdib at malakas na napasinghap nang makitang wala siyang suot na bra!

Oh, my freaking God! I'm dead! Kill me, now!

Mabilis na hinablot niya ang kumot na nasa kama at ginawa iyong pantapi sa katawan. Nasisiguro niya na namumula ang pisngi niya dahil sa kahihiyan pero hindi siya magpapahalata na masyado siyang apektado sa nangyari.

Tumikhim siya at taas-noong tinaasan si Ymar ng kilay. "Bumangon ka na riyan at ipagluto mo ako ng agahan. Kabayaran mo 'yon sa breast show ko."

Umingos ito. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Kasi nagugutom ako at masakit ang ulo ko."

Hindi inaasahan ni Czarina na papayag si Ymar sa ipinapagawa niya kaya laking gulat niya nang makitang bumangon ang lalaki at pinukol siya ng masamang tingin.

"Follow me," sabi ni Ymar sa kanya.

Mabilis niyang sinundan ang lalaki habang nakatapi pa rin sa katawan niya ang kumot. Shit! Grabeng kahihiyan ang dinanas niya ngayong umaga. Bakit naman kasi namali siya ng pinasukang bahay?

Letse rin, eh! Letse!

Dinala siya ng lalaki sa kusina at bigla siyang napatigil nang bigla na lang itong humarap sa kanya at hinawakan ang magkabilang baywang niya. Magpupumiglas sana siya nang buhatin siya nito paupo sa island counter.

"There," sabi ni Ymar na nakakunot ang noo. "Huwag kang gagalaw kung ayaw mong palayasin kita."

Walang imik siyang tumango habang sapo-sapo ang sentido. "Ang sakit."

Ymar rolled his eyes and got something in the cabinet. Napatingin siya sa kinuha nito. It was two tablets of Advil. And then he fetched her one glass of water and gave it to her.

"Sige, maglasing ka pa," pagalit na sabi nito. "Nakakaistorbo ka sa iba. Dapat natutulog pa ako ngayon kasi Linggo."

Mabilis niyang tinanggap ang gamot at ininom, saka tumingin kay Ymar. "Kasiyahan lang naman 'yon, eh."

Ingos lang ang itinugon sa kanya ni Ymar. Tinalikuran siya nito, ipinagtimpla ng juice at ginawan ng sandwich, saka binigyan ng saging.

"Hayan. Mag-agahan ka na at lumayas ka na sa pamamahay ko," sabi ni Ymar, saka iniwan siya sa kusina.

Mag-isang nag-agahan si Czarina sa komedor. Akala niya tuluyan na siyang iniwan ni Ymar nang biglang sumulpot ang lalaki at may dala na itong malaking T-shirt na nasisiguro niyang lampas hita niya.

"Here." Isinuot sa kanya ng lalaki ang T-shirt nang hindi niya iyon tanggapin. "Sa backdoor ka dumaan. Ayoko ng tsismis."

Inirapan niya ito habang kumakain ng saging. "Hindi naman nakakahiya na matsismis sa akin, maganda naman ako, sexy na sexy, hot, amazing at super, duper beautiful."

Umangat ang gilid ng mga labi nito na para bang pinipigilan ang ngumiti. "Bilib din ako sa 'yo. Hindi lang upuan ang binuhat mo, pati mesa." Hinawakan siya nito sa baywang at ibinaba mula sa island counter. "Sige na. Umalis ka na."

Inungusan niya ito. "Maganda ako kaya bakit ako sa backdoor dadaan?"

Ymar sighed. "Matagal ko nang alam na maganda ka. Ang sa akin lang, ayokong matsismis tayong dalawa. Mga tsismosa pa naman ang mga kapitbahay natin. Kaya sa backdoor ka dumaan. Naiintindihan mo?"

Wala siyang naintindihan maliban sa alam nitong maganda siya.

Nanunudyong nginitian niya ito. "May crush ka sa akin, 'no?"

Nagdilim ang mukha ni Ymar. "Alis. Lumayas ka sa pamamahay ko."

Natatawang naglakad si Czarina patungo sa backdoor ng bahay nito. "May crush ka sa akin. Ayie."

"Sige, mangarap ka pa nang gising," wika ni Ymar na nasa likuran niya.

Nang makalabas siya ng backdoor, bigla siyang humarap kay Ymar at napangiti nang makitang malapit ang mukha nila sa isa't isa.

"Huwag kang mag-alala, Ymar," nakangiting sabi niya. "Crush din naman kita, eh."

Kinunutan lang siya ng noo ni Ymar. "Alis."

Bumungisngis si Czarina. "Aalis na po."

Nangingiting nagtungo siya sa kanyang bahay gamit din ang backdoor. 'Buti na lang at hindi gaanong mataas ang bakod na naghihiwalay sa bahay nila ni Ymar kaya nalampasan niya iyon. And when she entered her house, saka lang niya na-realize na nakatapi pa rin pala sa kanya ang kumot ni Ymar.

Akmang babalik siya sa bahay ng lalaki nang makita niya itong nakatayo sa may terrace na nakaharap sa kusina niya. Mayamaya ay bigla itong pasigaw na nagsalita.

"Ibalik mo ang kumot ko. Pinatulog na nga kita at pinahiram ng T-shirt. Abuso ka na!"

Sa halip sa sundin ang sinabi nito, inirapan niya lang si Ymar at patakbong tinungo ang kuwarto niya kung saan balak niyang matulog nang mahimbing na mahimbing habang inaamoy ang mabangong kumot nito.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive