CHAPTER 23
CHAPTER 23
IT WAS DECEMBER THIRTY-FIRST. Czarina and Ymar were on the hospital. Naghihintay silang manganak si Czarina. Ngayon na kasi ang due date niya.
Relax na relax si Czarina habang palakad-lakad sa hallway ng ospital. Hanggang kaya pa niya ang sakit, maglalakad-lakad siya para madaling makalabas ang bata kapag inire na niya.
"Banana! Stop walking!" Ymar hissed at her.
Inirapan niya lang ang asawa niyang may pagka-OA. "Puwede ba, Ymar, manahimik ka riyan. Baka matadyakan kita kapag nainis ako sa 'yo," banta niya.
Kanina pa siya nito pinapaupo samantalang ayaw naman niyang umupo. Isa pa, tatamaan na ito sa kanya.
"Czarina, please, upo ka na. Baka bigla na lang lumabas si baby kapag patuloy kang naglakad-lakad diyan."
Inirapan niya ito at hindi na nagsalita.
Gustong-gusto ni Ymar na magpa-ultrasound siya para malaman ang gender ng anak nila, pero ayaw niya. Pero ang totoo, sekreto siyang nagpa-ultrasound kay Dra. Singzon. She had twins at hindi iyon alam ng OA niyang asawa.
Gusto niyang matawa. Ano kaya magiging reaksiyon ni Ymar kapag lumabas na ang mga baby nila? She would love to see that.
"Czarina—"
"Heh! Tumahimik ka riyan. Nagko-concentrate ako," sabi niya.
"Anong nagko-concentrate?"
"Nagko-concentrate sa paglalakad. Huwag kang maingay riyan, masisipa na talaga kita."
Czarina kept on walking back and forth. Nararamdaman na niyang nananakit na ang tiyan niya. The pain was becoming unbearable every passing minute.
Sinapo niya ang tiyan, saka tumigil sa paglalakad. Tumingin siya sa orasan. It was eleven-fifty PM. Mukhang New Year siya manganganak. Ang galing naman. Nakakatuwa.
Czarina resumed walking again.
"Czarina, umupo ka nga rito," pangungulit pa rin ni Ymar.
Itinirik niya ang mga mata. "Ikaw na sperm ka, manahimik ka riyan. Nanakit na ang tiyan ko. Kasalanan mo 'to."
Nagsalubong ang mga kilay ni Ymar. "Kasalanan ko? Czarina, may I remind you, ginusto nating dalawa na mabuntis ka."
"Heh! Isa kang nakakainis na sperm!" singhal niya sa asawang may pag-alala sa mukha.
"Please, Czarina, umupo ka na."
At dahil masakit na ang balakang niya, napilitan siyang umupo sa waiting area.
The same time her butt touched the chair, something came out from her womanhood. Nang tingnan niya ang mga hita, napasinghap siya. Her water just broke! Manganganak na siya!
"Holy heavens!" Ymar shouted in panic. "Oh, my God. Hell! Ano'ng gagawin natin? Ano'ng gagawin ko?"
Sa halip na mag-panic katulad ng nangyayari sa asawa niya, tumayo siya at ininda ang sakit na nararamdaman. Alam niyang naroon na sa delivery room si Dra. Singzon kaya naman naglakad siya palapit doon nang dahan-dahan.
"Czarina—"
"Don't touch me!" pigil niya sa kanyang asawa na akmang bubuhatin siya. "Okay lang ako. Kunin mo na ang mga gamit ni baby at ihanda mo. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kaya ko 'to."
"No!" balik sigaw ni Ymar, sabay buhat sa kanya.
Walang pasabing pumasok ang asawa niya sa delivery room habang karga-karga siya.
"Doktora! Doktora! Manganganak na ang asawa ko!" sigaw ni Ymar
Dra. Singzon came out from the room. Napasinghap ito nang makita ang dugo sa mga hita niya. "Dali! Ipasok mo siya rito."
Malalaki ang hakbang na pumasok si Ymar sa pinanggalingang kuwarto ni Dra. Singzon, saka ihiniga siya sa hospital bed na naroon.
"Aray! Sperm ka, Ymar! Isa kang sperm! Ang sakit-sakit na! Letse ka! Sperm ka!" sigaw niya habang humihilab ang tiyan niya.
Bumaon ang kuko niya sa balikat ni Ymar nang makaramdam naman siya ng nakakawalang ulirat na sakit.
"Ymar! Ang sakit! Kasalanan mo 'tong sperm ka! Bakit mo ako binuntis?"
Ymar looked at her with pure innocence. "Czarina, ikaw ang humiling sa akin na buntisin ka. At saka after this pain, lalabas na si baby—"
"Sperm ka—aray! Ymar! Papatayin kita 'pag nakalabas ako rito! I swear!"
"Let me handle this," sabi ni Dra. Singzon. "Ihanda mo na lang ang gamit ng baby."
Ymar's face was pale. "Okay." Ibinalik nito ang atensiyon sa kanya. "I love you." He pressed her lips on hers and then he ran towards the parking lot of Romero's Hospital. Naroon pa kasi sa sasakyan nila ang gamit ng mga baby.
Mariing napapikit si Czarina nang may sumigid na nakakawalang ulirat na sakit sa tiyan niya.
"Manganganak na yata ako, Doktora," nakangiwing wika niya.
"Sige umire ka."
Humawak siya sa gilid ng hospital bed, saka ibinuhos niya lahat ng lakas sa pag-ire.
HINDI MAPAKALI SI YMAR habang nasa loob ng delivery room ang asawa niya. Shit! So ito ang nararamdaman ni Calyx habang nanganganak ang asawa nitong si Etheyl noon? Pinagtatawanan pa niya ito.
Now I know that it's not funny.
Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Tatayo siya at uupo naman. He couldn't stay still. Nanunuyo ang lalamunan niya sa bawat minutong lumilipas. Nanginginig ang kamay niya at nanlalamig ang buong katawan niya.
Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha.
"Oh, God. Please, huwag Mong pahirapan si Czarina," nagmamakaawang sabi niya. "Please..." Nag-angat siya ng tingin sa orasan. It was already past midnight. January 1 na.
Sa kabila ng kaba na nararamdaman, nagawa pa ni Ymar na tumawa nang mahina. January 1 ang magiging kaarawan ng panganay niyang anak. What a nice way to welcome the new year.
It will be a very lucky year.
Para siyang napaso sa kinauupuan na tumayo nang lumabas si Dra. Singzon sa delivery room.
"Doktora!" Mabilis siyang lumapit dito. "Kumusta ang asawa at anak ko?"
Dra. Singzon smiled. "It was an uncanny birth."
"What do you mean by uncanny?" Ano ang kakaiba sa panganganak ni Czarina. Was it because it was New Year?
"Well..." Dra. Singzon chuckled. "The baby boy came out at exactly 11:59 PM."
Baby boy? So it was Ymaz then.
Gustong-gusto niya ng anak na babae, but God gave him a boy. He was happy kahit hindi babae. Sa wakas, isa na siyang ganap na daddy. At sapat na iyon para lukubin ng kasiyahan ang buo niyang pagkata—
"And his twin, the baby girl came out at 12:01."
"Wait—what?!" Namilog ang mga mata niya at halos mahulog ang panga. "Pakiulit, Doktora." He wanted to hear it again.
Dra. Singzon smiled. "Kambal ang anak ni misis. Your eldest is a boy, born on December 31, 2015. And the youngest twin was born on January 1, 2016. Ang galing, 'di ba? Magkambal sila pero magkaiba ang taon ng kapanganakan."
Ymar just gaped. Unmoving. Speechless. Stunned.
"Mr. Stroam?" pukaw nito sa kanya.
Napakurap-kurap siya. "Ha?"
"Ita-transfer na ang asawa mo sa private room," sabi ng doktora.
Napakurap-kurap siya uli, saka itinikom ang nakangangang bibig. "Okay." Nakatayo lang siya habang wini-wheel in patungo sa private room ang asawa niya.
Twins.
Ymaz and Ymarina.
Oh, God.
He couldn't explain the happiness he was feeling at that moment. He was happy. Very happy.
It all started from pretending. And look at them now. His family waas now complete. He had a very loving and quirky wife and their newborn twins.
Life couldn't get any better than this.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top