CHAPTER 21
CHAPTER 21
NAPAIGTAD SI CZARINA nang makarinig ng katok sa labas ng pinto ng kuwarto niya. Then he heard Ymar's voice.
Shit! Bakit hindi niya naman ini-lock ang pinto? Nakalimutan niyang may peste pala na puwedeng pumasok sa bahay niya.
"Czarina. Open up," matigas ang boses na sigaw ni Ymar mula sa labas ng kuwarto. "Gusto kitang makausap."
Nagmatigas siya. Hindi siya umalis sa pagkakaupo sa gilid ng kama at itinikom ang bibig. Bahala ito mawalan ng boses sa kakatawag sa kanya. Sana mamaos ito.
Letseng sperm!
"Czarina!" Ymar shouted. "Buksan mo ang pinto, please."
She stayed silent. Paki ko sa kanya.
"Kapag hindi mo 'to binuksan, sisirain ko 'tong pinto mo!" pananakot nito pero hindi siya magpapatakot.
Isa itong sperm! Sperm! Argh!
Itinikom ni Czarina ang bibig, saka bumuntong-hininga. She crawled into the bed and laid there like no one was shouting outside her door.
"Czarina, open up, will you?"
Hindi niya ito pinansin. Letse naman kasi ang may-ari ng boses na 'yon.
Bigla siyang napabalikwas nang makarinig ng malakas na tunog galing sa pinto. She looked at the door and gasped when she saw it opened.
Talagang sinipa ng hinayupak ang pinto ng kuwarto niya!
"Ymar!" singhal niya sa lalaki na ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya. "Babayaran mo iyang nasira mong pinto ng kuwarto ko."
"Fuck the door." Lumuhod ang isang binti ni Ymar at itinukod ang mga kamay sa kama, saka dumukwang palapit sa kanya. "Say it again, Czarina."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Wala siyang kaidi-ideya kung ano ang uulitin niya. "Ahm, babayaran mo ang pinto—"
"Not that." Tumaas ang isang kamay nito, saka hinaplos ang pisngi niya. "Tell me you love me. Say it again. I want to hear it, Czarina."
Pagak siyang tumawa. "O, so gusto mong marinig ngayon ang pagtatapat ko sa pagsinta ko sa 'yo? Ang kapal din naman ng mukha mo, ano? Walang kasing kapal. Pagkatapos mo akong iwan at nagpunta ka sa Taiwan kasama ang haliparot na 'yon, sasabihin mong gusto mong marinig ang sinabi ko kanina? Ymar, ibahin mo ako kasi hindi ako katulad ng mga babae na nakilala mo. Oo nga at mahal kita pero galit ako sa 'yo ngayon kaya lumayo ka sa akin bago pa magdilim ang paningin ko."
Ymar's face saddened. "Czarina, please, let me explain—"
"Ayoko. Umalis ka na." Itinuro niya ang pinto na sinira nito. "Leave my room, Ymar. Alam mo kapag galit ako, galit ako. Kaya umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin."
Mataman siyang tinitigan ni Ymar. Halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nila. She didn't blink. She wasn't fazed by their nearness. Napakabilis ng tibok ng puso niya pero nilalabanan niya ang sarili na huwag mag-iwas ng tingin. She wanted to show Ymar how angry she really was.
"Hindi mo man lang ba ako pakikinggan?" May pagsusumamo ang boses nito.
"Hindi." Her eyes were blank. "Ako ba pinakinggan mo? Hindi ba, hindi? Kaya wala kang karapatang mag-demand sa akin ngayon na pakinggan ka, Ymar, wala."
Ymar's eyes glimmered in defeat. "Tama ka, wala akong karapatang mag-demand ng kung ano-ano. And I regret everything that I did. I regret not listening to you. I regret being a jerk to you. Nagsisisi ako na hindi ko sinabing mahal kita." Lumamlam ang mga mata nito na nakatingin pa rin sa kanya. "Matagal na kitang mahal, Czarina. I just couldn't accept that a woman can make me crazy. When I saw you, my heart became insane. Pakiramdam ko, naging ibang tao ako. I never gave flowers to anyone, yet, I always left a flower for you outside your door. Pangalan mo ang binanggit ko kay Mommy noong nagtanong siya kung may kasintahan na ako kasi kahit noon pa, hindi ko man maamin sa sarili ko, gusto ko talagang maging akin ka. So when you got pregnant, I was happy. Akala ko kasi 'yon na 'yon, akin ka na, magkakaanak na tayo. Pero naging makitid ang utak ko. I'm sorry. Please, Czarina, believe me. Please, forgive me for being a jerk to you."
Nalukot ang mukha niya. Sa halip na kiligin, mas dumoble pa ang inis na nararamdaman niya. "Gusto mong maniwala ako? Huwag kang puro salita lang, kumilos ka. Gusto mong mawala ang galit ko sa 'yo? Do something. Mahal mo ako? Kung ganoon patunayan mo iyang pagmamahal mo. You want me to be yours? Sinasabihan na kita, hindi ako madadala sa matatamis na salita na lumalabas diyan sa bibig mo, lalo na ngayon na galit ako sa 'yo."
Nawalan ng imik si Ymar.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Umalis ka sa bahay ko, Ymar. Lalo mo lang dinadagdagan ang galit na nararamdaman ko."
Walang imik na umalis sa pagkakaluhod si Ymar sa kama at laglag ang mga balikat na lumabas ng kuwarto niya.
Saka lang niya pinakawalan ang pinipigil na hininga. She had been holding her breath for too long.
Talagang nagagalit siya sa lalaki. Mahal na mahal niya ito pero hindi niya hahayaan na saktan siya nito. Dahil kung talagang mahal siya nito, hindi nito sasaktan ni dulo ng buhok niya, hindi nito paluluhain ang mga mata niya at hindi nito pupunit-punitin ang puso niya.
Nahiga si Czarina sa kama at tinitigan ang kisame. Gabi na, dapat na siyang matulog. Dapat na siyang magpahinga para sa baby niya. Bukas na niya ie-entertain ang inis na nararamdaman para sa lalaki.
YMAR LEFT CZARINA'S HOUSE in a hurry. Being this fucking crazy towards a woman scared him, but crazy was normal when it came to the woman he was in love with.
Naniniwala siyang walang babae na magtatali sa kanya dahil hinding-hindi siya magpapatali. Pero bigla na lang nag-iba 'yon nang makilala niya si Czarina Salem. Ang tanging babaeng hinahayaan niyang utos-utusan siya, ang tanging babaeng gagawin niya ang lahat masunod lang ang kagustuhan nito at ang tanging babaeng hindi yata kompleto ang araw niya kapag hindi niya nakikita.
That day when he left to Taiwan, he couldn't calm down. Hindi siya mapakali. Kaya naman pagkatapos niyang i-troubleshoot ang problema sa YS Pharmaceutical Taiwan Branch, umuwi agad siya. Balak talaga niyang suyuin si Czarina pero nakita niyang kayakap ng babae ang ex-boyfriend nito.
The green monster ate him up. Nawalan siya ng lakas ng loob na lapitan ito at angkinin. Naduwag siyang lumapit dahil ang puso niyang nasasaktan, natatakot na baka hindi nito kayang suklian ang nararamdaman niya.
And then she told him she loved him. Ymar could run heaven and earth just to hear Czarina say that, and she did, in a spur of anger.
Ngayon, gusto nitong patunayan niya ang nararamdaman? So be it. Hindi niya hahayaang lumipas pa ang isang araw na hindi siya nakakapag-usap nang masinsinan ng babaeng nagpatibok sa puso niya.
Ipinirada ni Ymar ang sasakyan sa labas ng isang gusali. Natigilan siya nang makita sa loob si Lath na nakangisi habang nakatingin sa kanya.
"Hey, man," nakangiting bati nito sa kanya. "I have something to show you." Kinuha nito sa bulsa ang cell phone at may ipinakita sa kanyang larawan.
Umakyat ang dugo niya sa ulo sa nakita. He snatched the phone away from Lath's hands and threw it on the wall. Nagkawasak-wasak ang cell phone nito.
Lath gaped at him. "What the fuck?!"
"That's what you get for pissing me off," sabi niya na hindi maipinta ang mukha.
Sino ba ang matutuwa na makita ang babaeng mahal mo sa larawan at may nakaakbay ritong lalaki? It angered him. Czarina was his, damn it! Kailangan na talaga niyang gawan ng paraan para mapasakanya na nang buong-buo ang babaeng 'yon na mahilig sa saging.
"Alam mo ba kung gaano kamahal ang cell phone ko?"
"Mura lang 'yon," sabad ni Ream, ang may-ari ng gusali na kinaroroonan nila na isa rin sa mga maituturing niyang kaibigan. Nasa likuran ito ng mahabang salamin na puno ng mamahaling alahas.
Lath glared at Ream. "Mura lang?" Ibinuka nito ang palad sa harap ng mukha ni Ream. "Sige nga, bigyan mo ako ng perang pambili."
Umasim ang mukha ni Ream. "Ako ba ang nakasira?"
"Hindi."
"'Yon naman pala, eh." Ream rolled his eyes. "Lumayas ka na nga," pagtataboy nito kay Lath na masama ang tingin sa kanya. "Malas ka sa negosyo."
Lath scoffed. "FYI, Oliveros, masuwerte ako."
Umingos si Ymar. "Sino namang nagsabi sa 'yo?"
"Si Mommy." May pagmamalaki ang boses nito. "Mom knows best 'ika nga. Ibig sabihin, isa akong masuwerteng nilalang."
Napailing-iling na lang si Ymar. Hindi niya pinansin ang pinagsasasabi ni Lath. He faced Ream. "Kukunin ko na ang order ko," sabi niya.
May makahulugang ngiti na gumuhit sa mga labi ni Ream. "Finally."
Ymar smiled. "Yeah. Finally."
Nang iabot sa kanya ni Ream ang order niya, narinig niyang napasipol si Lath.
"Kailan ang kasal? Gusto ko isa ako sa mga groomsman," Lath demanded. "Don't forget, ako ang bumili ng banana smoothie. Utang-na-loob mo 'yan sa akin."
"Whatever, man." Ymar sighed and looked at Ream again. "Do you have a box of chalk?"
"Ano'ng gagawin mo sa chalk?" nagtatakang tanong ni Lath.
Ymar give Lath a middle finger. "Hindi ikaw ang kausap ko. Fuck off."
"Wala akong chalk," sagot naman ni Ream na nakakunot ang noo.
"Aanhin mo nga?" pamimilit na tanong ni Lath sa kanya.
Ymar blew a frustrated breath. "Why the hell are you asking—"
"Teacher si Mommy, so malamang may chalk sa bahay," nakangising putol ni Lath sa sasabihin niya. "At tutulungan pa kita sa kung ano man ang balak mo sa chalk na 'yan."
Ymar narrowed his eyes on Lath's smirking face. "Ano'ng kapalit?"
Biglang sumeryoso ang mukha ni Lath. "Kaibigan ni Czarina mo si Haze."
"So?"
"I want you to tell Czarina to introduce me to Haze."
Kinunutan niya ito ng noo. "So, gagawin mong tulay si Czarina?"
"Nope." The smirk was back on Lath's face as he extended his hand at him. "Just introduce me. I'll do the rest."
Ymar clasped his hand on Lath's. "Deal."
Ream sighed heavily. "Magsilayas na nga kayo," pagtataboy sa kanila ng kaibigan. "Mga malas kayo."
"Inggit ka lang, wala kang love life," pang-asar ni Lath kay Ream.
Ream just rolled his eyes and pointed the door of the store. "Leave my store. Now. Malas kayo sa negosyo. Ang iingay n'yo. Itinataboy n'yo ang suwerte."
Tatawa-tawa silang lumabas ni Lath sa jewelry store ni Ream. Takot ito sa malas, parang Intsik na maraming pamahiin para mataboy ang kamalasan.
Naghiwalay sila ni Lath. Nagtungo ito sa bahay ng mga magulang nito para kunin ang chalk at siya naman ay inihanda ang iba pa niyang gagamitin.
After thirty minutes, Ymar and Lath met outside Czarina's house.
"Heto." Ibinigay nito sa kanya ang isang box ng chalk. "Ano'ng gagawin mo riyan?"
"Magsusulat ako."
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top