CHAPTER 2
CHAPTER 2
IBINABA SI SHUN ang teleskopyong hawak nang makalapit si Ymar sa may mga saltik niyang kaibigan. Ymar was frowning as he walked near his car that was parked next to his friends' car.
"Bakit mo siya hinalikan? Wala naman 'yon sa dare, ah," Shun instantly interrogated him. "May something kayo?"
Umiling siya. "She's just my freaking neighbor," nakakunot ang noo na sabi niya. "So, are we done here? May ipapagawa pa kayo sa 'kin?"
Napailing si Calyx na sumilip sa pinto ng kapitbahay niya. "Damn, man. Kung si Dark ay na-heartbroken ngayong gabi, mukhang iba ang nangyari sa 'yo. Did you enjoy showing your dick to her?"
Ymar grimaced. "What?"
"Nothing." Sumakay na si Calyx sa kotse nito.
Tinapik ni Shun ang balikat niya. "Want me to do a background check?" he offered.
Ymar's frown deepened. "Sorry, Shun Kim. Kapitbahay ko siya. I think I can squeeze some information from her if I want to."
Umingos si Shun. "I can do a detailed background check."
"For what?"
"Well." Ngumisi ang kaibigan. "I have an unused car in my disposal. You can buy it in exchange."
Napailing-iling si Ymar. "Mandurugas ka talaga."
Tinawanan lang nito ang sinabi niya. "Gasgas na ang linyang iyan, kaibigan. Mag-isip ka ng bago."
"Whatever, Shun. Whatever." Ymar rolled his eyes, rode his car and drove it behind Calyx's car.
Mga walang magawa talaga ang mga kaibigan niya. Pati tuloy ang makulit niyang kapitbahay ay nadamay sa kalokohan ng mga ito. Naipakita pa tuloy niya ang alaga niya rito.
Napapailing si Ymar habang naalala ang paghuhubad niya sa harap ng kanyang kapitbahay. Pakiramdam niya, wala na siyang maihaharap na mukha sa babae. Pero bakit naman niya mararamdaman iyon? His manhood was something to be proud of.
Yep. He was proud.
MAAGANG NAGISING SI CZARINA. Pagkabangon niya sa kama, agad na binuksan niya ang bintana. She stilled when she saw Ymar leaning on the terrace, facing her window.
Nagtama ang mga mata nila. Agad na pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi.
Oh... that banana...
Ymar's blue-gray eyes were staring at her like he was memorizing her face. Kapagkuwan ay bigla na lang itong umalis sa teresa at pumasok sa loob ng bahay nito.
Hmp! Masungit at snob talaga!
Umalis na rin si Czarina sa bintana at humarap sa salamin. Napasinghap siya nang makitang parang ginawang pugad ng manok ang buhok niya.
What the fudge! Humarap siya kay Ymar na ganoon ang hitsura niya?! Gandang-ganda pa naman siya sa sarili niya kanina habang nakikipagtitigan dito.
Sinabunutan muna ni Czarina ang sarili bago tumakbo patungo sa banyo at naligo.
After taking a bath, she wore a black leather short and a slash collar solid color spliced blouse. Pinaresan niya iyon ng ankle boots, saka bumaba patungo sa kusina. Hindi siya nag-a-apply ng make up kasi nagiging oily ang mukha niya. Naiinis siya dahil do'n. Saka hindi rin siya makapag-lipstick dahil nagkakasugat-sugat ang mga labi niya.
Binuksan niya lahat ng bintana sa kusina. Masyadong mahigpit ang security sa village na iyon kaya naman hindi siya natatakot na iwang nakabukas ang bahay niya.
When Czarina opened the window, she came face to face with Ymar again. Naka-lab gown na ang lalaki at sumisimsim ng kape habang may hawak na namang libro.
"Good morning," masaya niyang bati sa lalaki na hindi man lang siyang pinansin.
Napasimangot siya. Napaka-snob talaga ng lalaking 'to. Goodness!
Inirapan niya si Ymar na hindi man lang pinansin ang kagandahan niya. Nagtimpla siya ng kape, saka nagbalat ng saging. Nagluto siya ng bacon at inilagay ang sliced bread sa oven toaster.
After she toasted the bread, nilagyan niya iyon ng two slices of tomato, two slices of cheese and mayonnaise, saka niya inilagay ang bacon na niluto.
"Yum," nakangiti niyang sabi at sinimulang kainin ang agahan niya.
While eating the bacon sandwich that she made, pakiramdam ni Czarina ay may nakatingin sa kanya pero ipinagsawalang-bahala naman niya 'yon. Ipinagpatuloy niya ang pagkain ng saging at pagsimsim ng kape.
Wala sa sariling napatingin siya sa gawi ng teresa ni Ymar at nahuli niya ang lalaki na nakatingin sa kanya. Tumikhim ito at pumasok sa loob ng bahay.
Napakunot ang noo niya. Hmp! Isnabero!
Tinapos niya ang pagkain, saka umalis ng bahay para pumunta sa clinic niya.
ABALA SI YMAR sa araw na iyon. Pabalik-balik siya sa bawat branch ng Romero's Hospital sa Metro Manila para sa mga pangangailangan ng pharmacy ng ospital. Ibang pharmaceutical company ang nagde-deliver dati ng gamot sa nasabing ospital. Pero nang maging asawa ni Wolkzbin kamakailan lang ang anak ng may-ari ng Romero's chains of hospitals, napagkasunduan nila na ang YS Pharmaceutics na ang bahala sa mga gamot. And that would start today kaya kailangang siya mismo ang mag-asikaso kasi marami siyang papeles na pipirmahan. Ayaw niyang iasa sa mga empleyado niya ang mga gawain kung kaya naman niya.
Ymar was walking towards the exit when he passed the emergency room. Napatigil siya sa paglalakad nang makitang nakatayo ang kapitbahay niya sa paanan ng isang buntis ng babae.
An ob-gynecologist. He remembered now. Hmmm... the first day I saw her.
Mukhang naramdaman ng babae ang titig niya dahil lumingon ito sa gawi niya. Nagtama ang mga mata nila at hindi man lang niya ito nakakitaan ng gulat. She looked at ease and cool.
Pinigil ni Ymar ang mapangiti nang bumaba ang tingin niya. Naka-ankle boots ang babae. Bawal iyon sa ospital pero 'yon ang suot nito. Kung hindi ito naka-lab gown, baka mapagkamalan itong bantay ng pasyente.
"Malayo pa ang bata, maglakad-lakad ka muna," wika nito sa pasyente, saka lumabas ng emergency room.
Nang tumapat sa kanya ang babae, hindi niya napigilang magtanong. "Bakit ka naka-ankle boots?"
Tumaas ang gilid ng labi nito. "Bakit? Gusto mo? Feeling ko hindi kakasya sa paa mo."
"No. Hindi lang iyan akma para sa ospital," sabi niya. "You should know the proper dress code of a doctor."
Tumaas ang kilay nito at taas-noong tumingin sa kanya. "Ano ba ang problema mo? Kung susungitan mo lang naman ako, huwag mo na lang akong kausapin. Nakaka-bad trip ka, alam mo ba 'yon?"
Kinunutan niya ito ng noo. "Masungit agad? I'm just telling you what to wear and all that."
Kinunutan din siya nito ng noo. "Anong telling me? Letse! Huwag mo akong kausapin," singhal nito sa kanya, saka nagmamartsang umalis.
He sighed and went after his neighbor. "Hey! I'm just correcting you."
Tumigil ang babae sa pharmacy at may ibinigay na listahan ng gamot sa loob, saka siya hinarap.
"Puwede ba Mr. Sungit na snob na walang modo, huwag mo akong kausapin," pagtataray nito sa kanya.
Napakunot ang noo ni Ymar. "Ano'ng nangyari sa makapal ang mukha kong kapitbahay?"
Mabilis itong pumihit paharap sa kanya at pinandilatan siya. "Look here, Mr. Stroam, kapag may pasyente ako na nanganganak, high blood ako palagi. Kaya lumayo-layo ka sa akin, ha? Baka bigla kitang ma-black eye-yan, kawawa naman ang guwapo mong pagmumukha. Mamaya mo na ako, kausapin, okay?" Pagkasabi niyon ay iniwan siya.
He frowned. What a weird woman.
CZARINA WAS DEAD TIRED. Apat ang pasyente na ipinaanak niya. At lahat ay lalaki ang mga anak.
Hay, naku! Dagdag na naman sa mga manloloko sa mga babae.
Napailing-iling siya, saka lumabas ng kanyang kotse. Biglang nawala ang pagod na nararamdaman niya nang makita may tulip na naman sa labas ng pinto ng bahay niya.
Now, she was wondering. Sino kaya ang naglalagay ng tulip sa harap ng bahay niya?
Maimbistagahan nga.
Pinulot niya ang tulip at binasa ang papel na naka-roll sa stem ng bulaklak.
Hey, banana.
Don't frown. I wanna see your smile today.
Naku-curious na talaga siya kung sino ang naglalagay ng bulaklak sa labas ng pinto ng bahay niya. Magpapalagay na siya ng CCTV para malaman niya. It was sweet yet it was creepy. Baka kung sino ang naglalagay, 'tapos may gawing masama sa kanya.
Pumasok si Czarina sa bahay at inilagay ang tulip sa vase. Ang maliit na note naman ay inilagay niya sa isang glass jar. Doon niya inilagay lahat ng note na kasama ng bulaklak.
Then she went to her room. Pagbukas niya ng bintana, naroon na si Ymar sa terasa. Nagbabasa na naman ito ng libro.
Natigilan siya nang biglang tumingin sa gawi niya ang lalaki at nagtama ang mga mata nila. His blue-gray eyes really were tantalizing. Idagdag pa ang matangos nitong ilong, ang medyo may kakapalan na mga kilay at ang manipis at mapupula nitong mga labi. And his faded style haircut suited him very well.
"Stop staring at me, Czarina. Baka matunaw na ako niyan," sabi ni Ymar sa kanya.
Her lips parted in shock. Did he call her by her name? Shucks! Parang tumalon ang puso niya.
Iningusan niya ito para itago ang gulat na naramdaman. "Nakatingin ka rin naman sa akin, eh. Pareho lang tayo."
The upper corner of Ymar's lips tugged up. "Hindi naman ako nakatingin sa 'yo," sabi nito habang titig na titig pa rin sa mukha niya.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi nakatingin? Palit tayo ng puwesto, para malaman mong natutunaw na ako sa tingin mo."
And like a slow motion in the movie, a small appeared on Ymar's lips. Napakapit si Czarina sa gilid ng bintana nang makita ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Pakiramdam niya ay nanlambot ang mga tuhod niya dahil sa ngiting iyon.
Tumikhim siya at pinilit ang sarili na magsalita. "B-bakit ka ba ngumingiti riyan?"
Ymar shrugged. "I just feel like smiling."
"Baka naman pagbayarin mo ako sa ngiti mo?"
Ymar narrowed his eyes on her. "Hmmm... yeah, sure. Papagbayarin kita."
Nanlaki ang mga mata niya. "Say what?!"
Nangingiting umiling-iling ito at bigla na naman siyang tinalikuran.
Walang modo talaga. Hmp!
Aalis na sana si Czarina nang bumalik si Ymar sa teresa.
"Here. Catch." May ihinagis itong libro sa kanya.
Ginawa niya ang lahat para masalo ang ihinagis nito. When she caught it, she quickly looked at the title of the book.
Psychiatry.
Napakurap-kurap siya, kapagkuwan ay napakunot ang noo at tumingin kay Ymar. "Psychiatry?"
May itinuro si Ymar sa likuran niya. Nang lingunin niya iyon, it was no other than her very thick Psychiatry book.
Ibinalik niya ang tingin kay Ymar. "Ano 'to?"
"It's the volume two of that book of yours," sagot nito habang nakakunot ang noo. "Alam ko ang aklat na binabasa no because I have a twenty-twenty vision. Kaya naman nang makita ko 'yan sa National Bookstore kanina, binili ko na."
Napamaang siya. "But why?"
Lalong lumalim ang gatla sa noo nito. "Hindi pa puwedeng mag-thank you ka na lang at itikom iyang bibig mo? Utang-na-loob mo iyan sa akin, ha?"
Irritation filled her. "Gusto mong ibato ko sa 'yo 'tong libro?"
"Eh, di ibato mo," panghahamon nito.
Nagtagis ang mga bagang ni Czarina sa inis. Ipinosisyon niya ang libro na hawak at ibinato iyon pabalik kay Ymar.
Mabilis na sinalag ni Ymar ang libro na ibinato niya. Tumama iyon sa braso nito.
"Heh! Isaksak mo sa baga mo iyang libro. Buwisit ka!" Malakas na isinara niya ang bintana at humiga sa kama.
Naiinis pa rin siya habang nakatingin sa kisame. Hmp! Ang lalaking 'yon! Kung makapagsalita para namang hindi niya kayang bumili ng librong 'yon.
Peste talaga! Letse! Argh!
Sa halip na mainis at pagsusuntukin ang unan niya, bumangon siya at nagtungo sa kusina. Napadaan siya sa nakabukas niyang bintana at natigilan.
She took a step back and faced the window. May nakapatong doon na libro na kaparehang-kapareha sa libro na ibibigay sana sa kanya ni Ymar pero ibinato niya pabalik dito.
She picked up the book. It had a Post-it-note on the cover.
Take the book. I bought it for you. Bayaran mo 'yan, ha? - Ymar Stroam
She gaped at Ymar's penmanship. Ang pangit. Napaghahalatang doktor ang may-ari ng sulat-kamay na iyon.
Kinuha ni Czarina ang libro at binasa iyon habang naghahanda ng makakain niya sa gabing iyon. It was a good book about understanding and dealing people with problems.
Hindi niya tinantanan ang libro hanggang sa matapos. Pinagpuyatan pa niya iyon dahil natutuwa siya sa mga nababasa. And when she flipped the last page, there was a small note.
I know that you like the book. May utang ka na sa akin. - Ymar S.
Napakunot ang noo niya. Ano ba ang problema ng lalaking 'to at pinipilit na magkaroon siya ng utang dito? Hmp.Pasalamat talaga ito at nagustuhan niya ang libro. Pero hindi siya nagpapasalamat dito. Babayaran naman niya iyon, eh.
Pagkatapos magbasa, ang laptop naman niya ang kanyang hinarap. She typed "YMAR STROAM" in the search bar.
Czarina felt triumphant when bunch of articles came out. Cool. Mukhang sikat ang lalaki. Marami rin ang nagkalat na pictures nito.
Hmm... makapag-print nga nang mailagay sa wallet ko. Napabungisngis siya sa naiisip.
This thing she had for her very hot and handsome neighbor was really not good for her health. Heto nga at nagpupuyat siya dahil dito.
Not good. Not good at all.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top