CHAPTER 19

CHAPTER 19

WALANG IMIK NA NAKAMASID LANG si Czarina habang nasa sala sila at pinipirmahan ni Ymar ang mga papeles na magta-transfer ng CF Pharmaceutical sa pangalan nito. Nakangiti ang ina nito, ganoon din naman ang haliparot na si Tatiana. Masaya ang mga ito para kay Ymar. Pero siya, hindi niya magawang maging masaya para sa asawa.

Nangyari na ang gusto ni Ymar, nakuha na nito ang kompanya ng ina, buntis na siya katulad ng kasunduan nila. Ano pa? Wala nang dahilan pa para magpanggap silang dalawa. It was over.

Parang may umaararo sa puso niya habang nakatingin sa masayang mukha ni Ymar habang pumipirma. Her heart was in pain. She felt suffocated.

"Magpapahangin lang ako sa labas," paalam niya. Hindi na niya hinintay ang tugon ni Ymar.

Mabilis siyang lumabas sa bahay nito at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa Starbucks na nasa labas ng Bachelor's Village. Pumasok siya sa loob at um-order ng cappuccino. Nang makuha ang order, umupo siya sa nasa gilid na mesa at sinimsim ang inumin.

"Czarina?" A familiar voice called her name.

Nag-angat siya ng tingin. Natigilan siya nang makita si Justine, ang lalaking una niyang minahal at nanloko sa kanya. But as she looked at her first love, she felt nothing. Hindi na siya galit dito. Maybe because she already moved on.

"Hey." She smiled at Justine. "Last time I heard, you were in Chicago."

Umupo ito sa kaharap niyang silya at hinawakan ang kamay niya. "Damn, Czarina, you look radiant."

Inagaw niya ang kamay at inirapan ito. "Mambobola ka pa rin hanggang ngayon, Justine. Your lips are still dripping with honey."

Justine chuckled. "And you're still pretty."

She rolled her eyes. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Napadaan lang ako kasi nauuhaw ako. Who knows na makikita kita rito. I'm happy." Masaya ang ngiti sa mukha nito. "How are you? It's been years."

"Well, I'm now a doctor."

"And I'm an architect."

Napangiti siya. "Natupad mo rin pala ang pangarap mo."

Tumango ito at hinawakan na naman ang kamay niya at parang sinuri ang daliri niya. "Ikaw rin, natupad mo na ang gusto ng mommy mo. How about your own dream?"

Isa si Justine sa mga tao na alam ang pangarap niyang maging isang psychiatrist.

"Nag-aaral ako ngayon," sabi niya habang inaagaw ang kamay niya pero hindi naman nito binibitawan.

"Cool."

"Yeah." Dumako ang tingin niya sa magkahawak nilang kamay. "Let go of my hand, Justine. Please."

Nginitian lang siya ni Justine at hindi pinakinggan. "We should go out sometimes." Nagulat siya nang bigla na lang itong dumukwang at hinalikan ang gilid ng mga labi niya. "What do you think?"

How dared him kiss her!

But before she could raise her hand to slap him, someone shoved Justine on the floor. Napasinghap siya at mabilis na hinanap ang may kagagawan niyon. She froze when she saw Ymar. He looked mad. Really mad.

"Who do you think you are to kiss Czarina?" Ymar's asked between greeted teeth.

"I'm Justine." Nakatayo na ngayon ang lalaki. "I'm Czarina's ex-boyfriend. But I'm trying to patch things up. Magkakabalik din kami. Ikaw, sino ka ba?" maangas na tanong nito kay Ymar.

Napakagat-labi si Czarina nang makitang tumalim ang mga mata ni Ymar. Shit! Mabuti na lang at hindi matao sa loob ng Starbucks. Nakakahiya!

"I'm Czarina's husband, moron," Ymar said then punched Justine in the face, then on the stomach. "Wala kang karapatang hawakan o halikan ang asawa ko!" He punched Justine again.

"Holy shit. Stop it, Ymar," nag-aalalang sabi niya. Ayaw niyang magsampa ng kaso si Justine laban kay Ymar nang dahil sa kanya. "Ymar, please..."

Justine was trying to fight and defend himself but Ymar was fast and strong. Mas matangkad din si Ymar kaysa rito kaya madali para kay Ymar na bugbugin si Justine.

"She's mine." Another punched on the chest. "And mine." He punched Justine on the face. "And mine alone!" He raised his leg and kicked Justine unto the floor. "Isiksik mo 'yan sa isip mo."

Hindi nito tinigilan sa kakasipa si Justine hanggang sa mawalan ng malay ang lalaki.

Before Ymar left the Starbucks, he glared at her first then he stormed off.

Nagpakawala si Czarna ng buntong-hininga at mabilis na sinundan ang asawa pero hindi niya ito nakita kaya naman umuwi na lang siya sa bahay.

"Si Ymar ho?" tanong niya sa ina nito na nasa sala.

"Hindi ko alam, hija. Basta narito lang siya sa bahay. Kapapasok pa lang niya, eh."

Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto ng lalaki at naroon nga ito. Nag-eempake ng damit.

"Where are you going?" He was leaving her and she was afraid.

"I'm leaving to Taiwan. May aasikasuhin lang ako ro'n." His voice was cold.

"Ymar—"

"Don't talk to me." He looked at her coldly. "Ngayong nakuha ko na ang CF Pharmaceutical, at buntis ka na, tapos na ang kasunduan natin. Pero sana naman sinabi mo sa akin na ayaw mo nang magpanggap, na tapos na ang lahat, hindi na makikita na lang kita na may kahalikang ibang lalaki! You could have told me, Czarina!"

"Ymar, that's not what you think—"

"Fuck what I think! I saw what I saw, Czarina! Let's end this shit. Mukha namang nakahanap ka na ng ibang lalaki na papalit sa akin sa buhay mo." Isinukbit nito sa balikat ang backpack at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

Naiwan siyang nanghihinang napaupo sa kama. Tears swelled and fell from her eyes. Sinapo niya ang tiyan at lalo pang napahagulhol nang maisip ang baby niya.

Why is this happening to me?

But no... she couldn't let this happen to her. Magpapaliwanag siya kay Ymar. Kailangang marinig nito ang totong nangyari.

Mabilis niyang hinabol ang asawa, pero nasa hagdan pa lang siya ay napatigil siya. She saw Tatiana and Ymar. She could hear their conversation. Masayang nag-uusap ang dalawa tungkol sa Taiwan. And then Ymar offered to carry Tatiana's bag. Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya sa isiping magkasama ang dalawa sa Taiwan.

Napaupo siya sa hagdanan at walang ingay na umiyak nang umiyak hanggang sa makalabas sina Tatiana at Ymar ng bahay. And when they were gone, she forced herself to stand up and leave Ymar's house. Bumalik siya sa bahay niya at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.



NAMUMUGTO ANG MGA MATA ni Czarina nang pumasok siya kinabukasan sa clinic. Pilit niyang itinatago ang pangingitim ng ibaba ng mga mata gamit ang concealer. She had been crying all night. Madaling araw na siyang nakatulog at nang magising ay bigla na lang uling namalisbis ang luha niya nang makita ang bahay ni Ymar.

She wasn't really good in dealing with heartbreak. Kaya ayaw niyang nasasaktan kasi ang puso niya ay umiiyak kasabay ng kanyang mga mata. Pero ang puso niya, dugo ang iniiyak dahil sa sakit na nararamdaman.

Kahit masama ang pakiramdam, pinilit niya ang sarili na magtrabaho. She needed to work for her unborn child. Hindi naman yata susuportahan ni Ymar ang bata.

Nang sumapit ang uwian, mabigat ang pakiramdam niya habang naglalakad palabas ng clinic. She felt so down and depressed. She shouldn't feel this way because it would affect her baby, but she couldn't help but to be depressed.

She was brokenhearted. She was depressed.

Good God, help me survive this. Kaya ko 'to.

Natigilan si Czarina nang makakita ng Lexus na nakaparada sa harap ng bahay niya. Her heart pounded excitedly inside her chest. She was breathing nervously.

Ymar. Ymar was here! In her house!

Lumabas siya ng sasakyan at muntik na siyang madapa sa pagmamadali. Her heartbeat quickened when she saw a man standing in front of the door, his back was on her.

"Ymar—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil napansin agad niyang hindi iyon si Ymar. Para siyang balloon na nawalan ng hangin nang ma-realize na hindi si Ymar ang lalaki kundi si Justine.

Anger bubbled inside her.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" galit ang boses na tanong niya.

Humarap sa kanya si Justine at lumamabot ang mukha nito nang makita ang namamaga niyang mga mata. "You've been crying. I'm sorry. That was stupid of me." May mga pasa ang mukha nito. "Akala ko kasi kahapon wala ka pang asawa, wala naman kasing singsing na nakasuot sa daliri mo. I didn't know that you are married. Let me talk to your husband, I'll explain and—"

"Too late." Walang buhay siyang napangiti. "He already left me."

Bumagsak ang mga balikat nito. "I'm really sorry, Czarina. I didn't mean to—"

"Just leave me alone." Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na umiyak pero may nakatakas pa ring luha sa mga mata niya. "U-umalis ka na."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Justine, saka masuyo siyang niyakap. At sa balikat ng ex niya na nanloko sa kanya noon, umiyak siya at doon niya ibinuhos lahat ng hinanakit na nararamdaman. She cried, she sobbed and she soaked Justine's shirt with her tears, but he didn't complain. Hinayaan siya nitong umiyak hanggang sa wala nang luha na lalabas pa sa mga mata niya.

And when her eyes were red and swollen, she stopped crying.

"S-sorry... nabasa ko ang damit mo," hingi niya ng tawad habang tinutuyo ang basang pisngi.

Justine gave her a friendly smile. "It's okay. Kasalanan ko naman, eh. Ipinahanap talaga kita para kausapin ang asawa mo. Kung alam ko lang na may asawa ka, sana hindi ko ginawa 'yon. I'm really sorry, Czarina."

Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Hayaan mo na 'yon." Hinawakan niya ang tiyan at ngumiti. "Ayokong ma-stress o ma-depress dahil baka maapektuhan ang baby ko. Pero hindi ko napigilan ang umiyak." Binuksan niya ang pinto ng bahay at binalingan si Justine. "Hindi kita iimbitahang pumasok. Ayoko."

Justine chuckled. "I understand." Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. "You'll be a good mother."

That made her smile. "I will be."

Pumasok siya sa bahay at isinara ang pinto. Narinig niya ang papalayong tunog ng sasakyan ni Justine. Bumuga siya ng buntong-hininga, saka naglakad patungo sa kuwarto niya. She didn't feel like eating. Maybe it was the pregnancy thing. Bukas ay magpapatingin siya kay Dra. Singzon. Siguradong magugulat ito na malamang buntis siya.

No one knew about her pregnancy. Not even her best friends. Hell, not even her parents. Ayaw niyang sabihin sa mga ito. Dahil umaasa pa rin siya na kapag sinabi niya, katabi niya si Ymar. Ibinasura na niya ang dating kagustuhan na magkaanak nang walang ama o asawa. Ngayon, gusto niyang magkaanak at naroon sa tabi niya ang ama ng anak niya.

And it was none other than Ymar. Ito lang ang gusto niyang maging asawa. Wala nang iba.



CZARINA COULDN'T BELIEVE that she was now buying milk for pregnant women. Kailangan niya iyon para magkaroon ng sustansiya ang bata na nasa sinapupunan niya.

Masyadong mataas ang pinaglagyan ng gatas. She tiptoed and reached for the box of milk. Frustration filled her when she couldn't reach it. Tatawag na sana siya ng tutulong sa kanya nang may kumuha n'on para sa kanya.

Nang tingnan niya kung sino ang nag-abot sa kanya ng gatas, natigilan siya. It was Ymar's friend, Lath Coleman.

"Thank you," she mused.

Lath smiled. "No problem." Biglang kumunot ang noo nito. "Why are you buying groceries alone? Hindi ka ba sinamahan ni Ymar?"

Umiling siya. "Nope."

He tsked. "Kasabay ko siyang umuwi kahapon galing Taiwan," he said then shrugged. "Baka busy."

"Siguro."

Kahapon pa umuwi si Ymar? Her heart twisted in pain. Talagang wala na itong pakialam sa kanya at ayaw na siya nitong makita. Nasasaktan siya.

Natigilan si Czarina sa pag-iisip nang makitang mataman siyang tinititigan ni Lath na para bang binabasa ang saloobin niya. "What?" she inquired.

"Nothing, ahm, can we take a picture?" tanong nito na nagpakunot sa noo niya.

"Ahm, sure?" nagtatakang sagot niya.

Lath fetched a very expensive phone from his pocket. Nakita na niya sa market ang cell phone nito at talagang namahalin 'yon. Inakbayan siya ni Lath, saka itinutok ang front camera ng cell phone sa kanilang dalawa.

"Smile!" He grinned.

Czarina smiled at the camera, and then she heard a click.

"Thanks." Ibinalik ni Lath ang cell phone sa bulsa. "Ahm, I have to go." He smiled at her again before leaving.

Siya naman ay itinulak ang cart patungo sa counter para bayaran ang mga pinamili niya para sa kanyang pagbubuntis.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive