CHAPTER 17
CHAPTER 17
CZARINA AND YMAR have been arguing for thirty minutes now. Ano ang pinag-aawayan nila? Their baby's gender. Ipinagpipilitan kasi ni Ymar na babae ang anak nila, at siya naman ay ipinagpipilitan na lalaki ang magiging anak nila.
"No. It's a girl." Ipinaglalaban talaga ni Ymar na babae ang laman ng tiyan niya.
"No. It's a boy!"
"Girl!"
"Boy!"
"Ewan ko sa 'yo." Humalukipkip si Ymar. "Babae nga sabi, eh. Gusto ko ng babae. Gusto ko kamukha mo."
Biglang nawala ang kagustuhan niyang maging lalaki ang anak. So that's his reason? "Oo na. Babae na."
Ymar rewarded her with a sweet smile. "Yes!" Yumakap ito sa kanya habang nakasandal siya sa railing ng terasa ng kuwarto nito. "Gusto ko talaga babae. I want her to have your tantalizing eyes, your cute nose, your kissable lips and your personality. Gusto ko magmana siya lahat sa 'yo. I want to see a small replica of you at tatawagin niya akong daddy."
Her heart swelled in happiness. "Kabaliktaran tayo. Gusto ko kamukha mong lalaki."
"Babae sabi, eh." Ymar smiled and kissed the corner of her lips. "Gusto kong pangalan ng baby natin ay Ymarina."
"Ymarina?"
"Yma from Ymar and Rina from Czarina. So, it's Ymarina."
"Nice." Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito. Then she rested her head on his chest. "Ymarina... I like it."
Hinaplos ni Ymar ang buhok niya habang yakap siya sa baywang. "At kapag lalaki naman, not that it's a boy, nararamdaman kong babae siya, ang gusto kong pangalan ay Ymaz."
"Ymaz?"
"Yeah."
She nuzzled his neck. "I like it. Ymarina and Ymaz. Cute. Puwedeng-puwede."
Masuyong sinapo ni Ymar ang mukha niya, saka pinakatitigan siya nang matiim. His eyes were glistening in happiness. "Wanna go out with me, banana?"
Czarina stilled. "What?"
"Wanna go on a date with me?"
Namilog ang mga mata niya. Simula nang magpanggap silang dalawa, hindi pa siya nitong inayang makipag-date. Ngayon lang. She couldn't help but to feel giddy and happy. Para sa kanya, assuming na siya kung assuming pero nararamdaman niyang nag-i-improve na talaga ang relasyon nilang dalawa.
Czarina could feel it. Ymar really liked her. Kailangan na lang niyang maging mabait dito para ma-in love na ito sa kanya.
Kaya ko 'to! Ako pa! Mabait naman talaga ako, eh. Hindi lang halata.
"Sige. Date tayo," sabi niya na may masayang ngiti sa mga labi. "Pero ako ang pipili ng lugar—" Czarina! Be nice, remember? Tumikhim siya, "I mean, puwedeng ikaw rin naman ang pumili," biglang bawi niya.
Ymar rolled his eyes at her. "You don't need to be nice, banana." Mukhang napansin nitong pinipilit niyang maging mabait. "Hindi bagay sa 'yo. Saka sanay na ako sa ugali mong bossy."
Mahina siyang natawa. "Sanay ka na?"
Ymar grimaced. "Oo naman. Medyo matagal na rin tayong magkasama. Sanay na ako."
Pinangigilan niya ang pisngi nito. "Asus, ang asawa ko."
Pinagsalikop ni Ymar ang mga kamay nila. Czarina instantly felt contented and happy. Ymar made her feel happy and blessed. Sana nagagawa rin niyang ibalik ang kasiyahang naibibigay nito sa kanya.
"So, saan mo gustong pumunta?" tanong ni Ymar habang naglalakad silang dalawa palabas sa kuwarto nito. "Kahit saan, dadalhin kita."
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa asawa. "Kahit saan?" Tumaas ang kilay niya. "Totoo?"
Tumango ito. "Kahit saan. Name it and I'll bring you there."
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para mag-isip. And when she opened her eyes, she had decided.
"Ayaw kitang pangunahan. You decide where to go," sabi niya. "Surprise me."
Mukhang na-challenge si Ymar sa sinabi niya dahil may kakaibang kislap ang mga mata at tumaas ang sulok ng mga labi nito.
"Challenge accepted," sabi nito, saka pinangko siya at ibinalik sa kuwarto. Ihiniga siya nito sa kama. "Dito ka lang," sabi nito. "Give me two hours. Gusto ko pagbalik ko, nakabihis ka na. Wear something comfortable."
She smiled. "Okay."
He dropped three sweet kisses on her lips before leaving.
Nang makalabas si Ymar, agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Kailangang maganda siya sa date na inihahanda ng lalaki. Kailangang bonggang-bongga siya para maakit ito sa kagandahan niya. And she would seduce him tonight. Kailangan nakapaglalaway ang bango niya.
Matapos maligo, pinili niyang isuot ang kulay-itim na skater skirt at baby pink na flouncy shirt. Pinaresan niya iyon ng itim na wedge na hindi masyadong kataasan. As usual, hindi siya nag-make up. Nagpabango lang siya at nag-lotion, 'tapos may ngiti sa mga labi na hinintay na bumalik si Ymar.
"WHERE ARE YOU TAKING ME?" Pansampung beses na niya yata iyong tinanong si Ymar simula nang umalis sila ng bahay nito.
They were now inside his Lexus and it was speeding towards their destination.
"Surprise," sabi nito at nginitian siya.
Inirapan niya ang lalaki at nakasimangot na tumingin sa dinaraanan nila. It was just five in the evening, near sunset. Hindi siya mapakali sa kaiisip kung saan siya nito dadalhin.
Napalitan ng kunot-noo ang pagsimangot niya nang pumasok ang sasakyan nito sa isang pier at itinigil ang sasakyan sa harap ng isang mahabang dock.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong niya na naguguluhan.
Sa halip na sagutin, lumabas si Ymar ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Nag-isang linya ang kilay niya habang naglalakad sila patungong sa mahabang dock nang magkahawak-kamay. And then they stopped in front of a yacht.
Walang imik na nagpahila si Czarina kay Ymar pasakay sa yate. And when they reached the top deck, bahagyang umawang ang mga labi niya nang makita ang papalubog na araw. She could feel the cold and salty breeze of the sea. From where she was standing, she could see the breathtaking sunset that made the sea looked like a sparkling autumn. Napakasarap sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa mukha niya habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"This feels so good." She breathed in.
"Yeah," sang-ayon ng asawa niya na nakayakap sa likuran niya. "But you should really look at your left."
She opened her eyes and looked at her left. Namilog ang mga mata niya sa nakita. Her jaw went slack. Napakurap-kurap siya pero hindi pa rin nawala ang nasa harap niya. That it was not just her imagination... it was real.
The romantic table for two in front of her was real!
Hindi rin nakatakas sa pansin ni Czarina ang romantic ambiance ng top deck ng yate. Sa gitna mismo ng top deck, naroon ang mesa na may bouquet of tulips at champagne. Sa tabi niyon ay maliit na buffet table na abot kamay lang ng uupo sa mesa. Doon nakalagay ang mga paborito niyang pagkain tulad ng banana smoothie, banana chips, banana cake, cream de fruta at halo-halo na may naninipis na slices ng saging sa ibabaw. Bigla siyang natakam at nanubig ang mga bagang sa mga pagkain sa harap niya.
"Hope you like dinner under the moon and the stars," sabi ng boses ni Ymar. "Naisip ko na wala naman 'yon kung saan kita dadalhin, wala iyon sa karangyaan ng pagdadalhan ko sa 'yo, nasa sa 'kin 'yon kung paano ko ipaparamdam sa 'yo kung gaano ka kaespesyal sa akin. And this is it."
Hindi niya kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman. Basta nakatanga lang siya sa ginawa ni Ymar para sa kanya. Tama ito, she didn't need expensive dates nor expensive restaurants and places. What she needed was this. Sapat na 'yon para sa kanya.
"Ikaw ang nag-prepare ng pagkain?" tanong niya habang nakatingin sa maliit na buffet table sa harap niya.
"No. 'Yong banana chips lang ang niluto ko sa mga 'yan." Inilapit nito ang bibig sa tainga at hinalikan ang likod niyon. "I know how much you love banana chips."
Her body tingled. Iba ang epekto ng sinabi ni Ymar sa katawan niya. Siguro dahil ibang saging ang pumasok sa isip niya. Hilaw na saging. Hilaw na hilaw pero masarap na masarap.
Iginiya siya ni Ymar patungo sa mesa at ipinaghugot siya ng upuan. "Wait for just a couple of minutes," wika nito bago umalis sa tabi niya.
And then minutes later, the yacht started moving. Napalinga-linga siya habang gumagalaw ang yate, hinahanap niya si Ymar... and then she saw him. Nasa loob ito ng isang maliit na kuwarto na hindi kalayuan sa kanya. She could saw Ymar steering the wheel through the glass front wall of the room.
Napakurap-kurap si Czarina habang nakatingin sa asawa na minamaneho ang yate na sinasakyan nila. He looked hot as he directed the yacht where to go. And then suddenly, the yacht stopped moving and she saw Ymar walking towards her with a small smile on his sexy lips.
"Hey," sabi nito at umupo sa katabi niyang silya. "Okay na ba sa 'yo rito? Ayokong masyadong lumayo sa dock."
"Okay lang." Nakatingin pa rin siya rito at puno ng paghanga ang kanyang mga mata. Her husband knew how to maneuver a yacht!
Dayum hot!
"So, ahm, matagal na akong hindi nakikipag-date, so bear with me, okay?" sabi ni Ymar na ikinataas ng kilay niya.
"Gaano katagal?"
"Years."
Czarina gave Ymar a disapproving look. "You mean to say, wala kang naging girlfriends for years?"
"Flings." Nagkibit-balikat ito. "I'm a hump and dump kind of guy," nahihiyang pag-amin nito. "Yeah, I was an ass."
"Was?"
"Was because I'm not an ass anymore." He looked deep in her eyes.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya. "Sigurado ka?"
"Oo." His stare was intimate and seductive. "I don't think I can do that to you."
"Talaga? You won't hump and dump me?"
"I already hump you, Czarina, but I will never dump you. Masyado ka nang espesyal sa 'kin para iwan ka."
Tumingin siya sa kalangitan na ngayon ay madilim na at puno ng mga bituin para itago ang kinikilig na ngiting gumuhit sa mga labi niya.
Espesyal ako sa kanya? Gosh! Sana naman hindi langgamin ang puso ko na sobrang kinikilig sa ka-sweet-an ni Ymar.
"Czarina?" Napakalambing ng boses na gamit nito nang tawagin ang pangalan niya.
"Yeah?" Ibinalik niya ang tingin sa lalaki na nakatingin din sa kanya.
"Salamat."
She frowned. "Salamat saan?"
"For making me happy today." Dumapo ang kamay nito sa tiyan niya at hinalikan ang leeg niya. "Thank you so much."
"Wala 'yon," nakangiting tugon niya. "Ako nga dapat ang magpasalamat. You gave me a child, Ymar. Bayad na bayad ka na sa pagpapanggap natin."
Naramdaman niyang natigilan ito sa sinabi niya. "Can we forget that we're just pretending? Kahit ngayong gabi lang? Puwede bang kalimutan mo muna ang kasunduan natin? Can you do that, Czarina?"
Yes! She could definitely do that. Ayaw naman talaga niyang inaalala ang kasunduan na 'yon. She wanted to be Ymar's wife, for real.
"Sure. I can do that."
Bumaling siya sa lalaki at sinalubong nito ang mga labi niya ng mapusok na halik na agad din naman niyang tinugon.
Si Ymar ang unang pumutol sa halik, saka ngumiti. "Let's eat?"
Tumango siya. "Sige."
And the next couple of minutes, Czarina felt like a queen. Nakaupo lang siya habang nilalagyan ni Ymar ng pagkain ang pinggan niya. At mukhang hindi pa ito nasiyahan, he decided to feed her. Kaya naman nakaupo lang siya habang sinusubuan nito. Wala namang silbi kung tatanggi siyang subuan nito dahil nagpupumilit ang asawa niya.
And here came the dessert.
Siya mismo ang kumuha ng banana smoothie. Nang makakita ng whip cream ay nilagyan niya ang ibabaw ng smoothie. Masarap ang smoothie kapag may maraming whip cream na nakahalo. Well, para sa kanya masarap 'yon.
"You really like banana smoothie," komento ni Ymar na nakamasid lang sa kanya habang enjoy na enjoy niyang iniinom ang smoothie. At tuwing nauubos ang whip cream na inilalagay at inihahalo niya sa smoothie, agad niyang nilalagyan iyon ng panibago.
"Masarap naman kasi ang banana smoothie," sabi niya at tinunga ang natitirang kaunting laman ng baso.
Czarina sighed in pleasure when she finished drinking the banana smoothie.
Nakangiting binalingan niya si Ymar. "Ang sarap."
Napailing-iling si Ymar habang nakatingin sa mga labi niya. "May nagkalat na whip cream sa gilid ng labi mo."
Kitang-kita ni Czarina ang pagnanasa sa mga mata ni Ymar habang nakatingin sa mga labi niyang bahagyang nakaawang. That was her cue to seduce him tonight.
She gave him her most seductive look. "Lick it off then."
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top