CHAPTER 16

CHAPTER 16

NAUNANG UMUWI SI CZARINA kaysa kay Ymar. It was already six PM. At dahil ayaw niyang makita si Tatiana dahil nanggigigil siya sa inis kapag nakikita ang pagmumukha nito, doon siya tumuloy sa bahay niya. Mag-iisang linggo na rin na walang tao ang bahay niya. She missed her house.

As she entered her room, she smiled. Na-miss niya ang kuwarto niya. Naalala pa niya noong naka-bra lang siya habang palakad-lakad doon. She knew that Ymar was looking but she didn't mind. Kahit naman noon ay gusto na niya si Ymar at lalo pang nadagdagan 'yon ngayon na palagi niya itong nakakasama.

Czarina was wrong. Ymar was not snob nor serious and silent. Ymar was sarcastic yet sweet and caring. Talagang naniniwala na siya sa kasabihang "Don't judge the book by its cover."

Her fear of being fooled and being cheated on slowly disappeared. Kapag si Ymar ang kasama niya, hindi niya naiisip na iwan ito dahil baka lokohin siya. No. She wanted to stay. She wanted to be with him.

But would he let her? Kaya lang naman nila ginagawa iyon dahil sa gustong makuha ni Ymar ang kompanyang ng ina nito. But her heart was hoping... hoping that the smile on Ymar's lips when they talked, the passion in his eyes when they made love and the care he had always showed her were real and not just a pretense.

You can't fake that, right?

Mapait siyang napangiti. Hanggang assume lang siya. Oo nga at inaalagaan siya ni Ymar pero hindi naman nito sinabi na mahal siya nito. Ymar just liked her, that was all. He didn't say love, it was just like. And her heart contracted in pain.

Mukhang sa ikalawang pagkakataon na nagmahal siya, masasaktan na naman ang puso niya na wala namang ibang hinangad kundi ang mahalin din siya nang buo at walang halong panloloko.

Life and love was really unfair... well, it was never fair in the first place. She just had to suck it up, deal with it and survive.

Hinubad niya ang lahat ng saplot sa katawan bago nahiga sa kama. Napakasarap matulog ng nakahubad o kaya naka-panty lang. She felt free and her body could breathe.

Habang nakatihaya sa kama, hinimas niya ang kanyang puson. Kailan kaya iyon magkakalaman? Sana ngayon na. Gusto niyang pagkatapos ng tatlong buwan na usapan nila ni Ymar at hindi naman siya nito mahal, at least, may alaala siya rito. She really wanted a child very bad. Kaya lang ayaw talaga ng Panginoon na bigyan siya ng anak. It saddened her.

Ipinikit niya ang mga mata at agad siyang nakatulog nang mahimbing.



MAAGANG-MAAGA PA ay lumipat na si Ymar sa kabilang bahay. Sa bahay ni Czarina. Alas-onse na siya kagabi nakauwi kasi nag-overtime siya. Ang dapat ay trabaho niya ngayong araw ay tinrabaho niya kagabi para makasama niya si Czarina.

Balak niyang bumawi sa asawa.

Dahil bukas naman palagi ang backdoor ng bahay ni Czarina, doon siya dumaan at dumeretso agad sa kuwarto nito.

Nang hindi niya nadatnan si Czarina sa bahay niya kagabi, alam niyang doon ito natulog sa sariling bahay. And it took him an hour to fall asleep. He was already used of cuddling Czarina's soft body in his arms as he slept. At ngayong umaga, hinanap-hanap niya ang amoy ng asawa na gustong-gusto niya. Kaya naman nga lumipat-bahay agad siya dahil hindi siya mapakali. He needed to see her, hug her, smell her and feel her.

I always wanted to be with her.

Good God. Was he falling for this woman? It wasn't a simple like anymore?

Biglang nawala ang mga katanungang iyon sa isip niya nang pumasok siya sa kuwarto ni Czarina at narinig niyang may nagduduwal. Mabilis na hinanap niya ang asawa at natagpuan ito na mahigpit na nakakapit sa lababo at sumusuka.

"Holy shit!" Napamura siya nang makitang maputlang-maputla si Czarina. "Oh, God." He felt anxious as he looked at her vomiting in the sink.

Hinawi niya ang hibla ng buhok nito na tumatabing sa mukha at hinagod niya ang likod.

"Why are you vomiting?" nag-aalalang tanong niya.

Hindi sumagot si Czarina, sa halip ay patuloy lang sa pagsuka sa lababo. Panay naman ang hagod niya sa likod nito.

At last, after a minute or so, she stopped vomiting.

"Ymar." Her voice sounded weak. Kumapit ito sa balikat niya, saka yumakap sa kanya. "My knees are shaking."

Mabilis niyang pinangko si Czarina at dinala sa kama, saka hiniga. Mabuti na lang pala at napaaga ang pagpunta niya sa bahay nito. Then he went back to the bathroom to soak a towel, then he hurriedly returned to his wife.

Masuyo niyang pinunasan ang mukha nito na nakapinta ang pagod dahil sa pagsusuka.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, banana?" he asked, worried.

Bahagyang nagmulat ang mga mata nito. "Nagising ako kaninang madaling-araw dahil gusto kong kumain ng saging, bumaba ako sa kusina at kumuha ako ro'n. After eating the banana, minutes later, tumatakbo na ako patungong banyo at nagsusuka."

"Baka sira na ang saging na nakain mo."

"Siguro." Napakahina ng boses nito. "Anyway, ano'ng ginagawa mo rito?"

"Na-miss kita," simple niyang sagot, saka hinalikan ito sa noo. "'Buti nga at nagpunta ako rito. Good God, banana, you made me worried. Akala ko kung napaano ka na. Sa susunod kasi, huwag kang kumakain ng kung ano-ano," he scolded her. "Pinag-alala mo ako nang sobra."

Tumaas ang kamay ni Czarina para paghiwalayin ang magkasalubong niyang kilay. "Don't frown." She smiled. "Hindi bagay sa 'yo."

He smiled back. "Okay. I won't."

Masuyong hinaplos nito ang kanyang pisngi, kilay, ilong, panga at panghuli ang kanyang mga labi. "Have I told you how handsome you are?"

His heart leaped. "Parang hindi mo pa nasasabi 'yon sa 'kin."

Czarina tapped the space beside her. "Higa ka rito."

Agad naman siyang sumunod. Humiga siya sa tabi nito habang magkahugpong pa rin ang kanilang mga tingin sa isa't isa.

They shared the same pillow. Magkaharap silang dalawa at patuloy pa ring hinahaplos ni Czarina ang pisngi niya.

"You're so handsome, Ymar," Czarina said with admiration in her eyes. "Really handsome."

Napangiti siya. "You're not so bad yourself."

Isiniksik nito ang katawan sa katawan niya, saka niyakap siya nang mahigpit sa baywang. "Ymar?"

"Hmm?"

"Huwag mo akong iwan," sabi nito at lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya. "I fell madly in love when I was in college. I thought we love each other. He promised to never hurt me. It turns out he's cheating on me for months. Kaya may trust issue ako. Kaya ayokong pinapangakuan ako at hindi tutuparin. Ayokong masaktan na naman uli. I already moved on but the fear in my heart still lingers like a fog. Alam kung pagkalipas ng tatlong buwan maghihiwalay na tayo, pero puwede bang huwag mo akong iwan? Nakakasawa na ang mag-isa palagi araw-araw."

Anger filled him. How dare that man had hurt Czarina? Wala itong karapatang saktan ang babaeng katulad ni Czarina. He wanted to strangle the man who had hurt her.

"Give me a name, Czarina," he said between his greeted teeth. "And I'll burry him alive for you."

Nag-angat ng tingin sa kanya si Czarina at nginitian siya. "Ewan ko kung nasaan siya. Wala na akong paki sa kanya. Hayaan mo na 'yon. Don't waste your time plotting his murder, I already moved on."

"Nakakainis kasi sinaktan ka niya. Wala siyang karapatang gawin 'yon. It pisses me off." Ymar sighed and hugged her tight. "Nagsasawa na rin akong mag-isa palagi, banana. At saka masyado na akong sanay na nasa tabi kita. I don't think I'll be able to let you go after three months. You're part of me now. I need you—"

Czarina lightly snored.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Ymar ang asawa na mahimbing na palang natutulog. Napailing-iling siya, saka sinuklay ang buhok nito gamit ang kamay niya.

"I need you, Czarina. My heart needs you. I'm already falling for you. And trust me when I say, I want you to stay by my side for as long as we live."

There was no response from Czarina. Kaya malakas ang loob niyang magsalita. Alam kasi niyang tulog ito at hindi siya naririnig.



PAGKAGISING NI CZARINA, mataas na ang sikat ng araw. Wala na si Ymar sa tabi niya. Tanging maliit lang na note ang iniwan nito sa nightstand.

I'm taking a bath right now. – Your hubby

Ibinalik niya ang note sa pinagkunan, saka mabilis na inayos ang sarili. Tinawagan muna niya si Tinna para ipaalam dito na hindi siya makakapasok bago nagsuot ng disenteng damit. Mabilis siyang umalis ng bahay para magpunta sa pinakamalapit na botika.

Habang nagsusuka siya kaninang madaling-araw sa lababo, hindi niya naisip na baka sira ang saging na nakain niya. Isa lang ang nasa isip niya... baka buntis siya. Sinakyan lang niya kanina ang sinabi ni Ymar na baka may sira ang nakain niya dahil hindi siya sigurado kung tama ang hinala niya o hindi.

She had to confirm it first before she shouted it to the world.

When Czarina got a hold of the pregnancy test—two pieces to make sure— she hurriedly went back to her house and took the test.

The result could either make her happy or make her feel depressed.


NAGULAT SI YMAR nang makalabas siya sa banyo at nakita niya si Czarina na nakaupo sa gilid ng kama niya. Her face was impassive as she looked at him.

The memory of Czarina vomiting entered his mind. Bigla siyang nag-alala.

"Okay ka lang?" Nilapitan niya ito at iniangat ang mukha para magtama ang mga mata nila. "Sumuka ka na naman ba? Should I take you to the hospital? Baka ma-dehydrate ka."

Walang imik lang si Czarina habang nagsasalita siya. And when he stopped blabbering worriedly, she handed him a...

"Ano 'to?" Ymar asked Czarina while frowning at the white object in his hand.

"It's a pregnancy test."

Ymar stopped breathing... literally. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya habang hinihintay si Czarina na ipagpatuloy ang sasabihin. Everything faded in the background. His attention was focus on his wife.

"What?" Hindi na siya nakatiis. "And then what, Czarina? Tell me." He'd been holding his breath as he waited for Czarina to speak.

"Tingnan mo ang pulang guhit at bilangin mo kung ilan," sabi nito sa kalamadong boses. Wala pa ring emosyon ang mukha.

Inilapit niya ang pregnancy test sa mga mata niya at binilang ang guhit.

Two red lines.

Nabitawan ni Ymar ang pregnancy test at nakaawang ang mga labi na tumingin siya kay Czarina na nakatingin din sa kanya. "T-two red lines..." bulong niya. "T-tama ba ako, Czarina? Am I right?"

Czarina's beautiful face broke into a wide grin. "Two red lines means positive. Meaning, I'm pregnant!"

Every nerve, veins and cells in his body came alive at that news.

"What the... What the... What the... What the..." Humugot siya ng isang malalim na hininga, saka sumigaw. "Fuck! Hell, yeah! Yes! Yes! Yes!"

Mabilis na pinulot niya ang nabitawan niyang pregnancy test, saka nakatapi lang ng tuwalya na tumakbo palabas ng kuwarto.

"Mom! Mommy! Mommy!" sigaw niya habang pababa sa hagdan. "Mommy! Mommy!"

Humahangos na lumabas ang kanyang ina mula sa kusina. "Ano 'yon, Ymar? May sunog ba? Good heavens! Ano'ng nagyayari?" Halata ang pag-aalala sa mukha nito.

Ymar chuckled... and his chuckle turned into a fit of happy laughter. Walang pagsisidlan ang kaligayahan na nararamaman niya.

"Ymar! Ano ba?!" Galit na pinukol siya ng tingin ng mommy niya. "Bakit ka ba nagsisisigaw kanina?"

Ipinakita niya sa ina ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test. "Czarina is pregnant, Mom. My wife is pregnant. Hell, yeah!" Sumuntok siya sa hangin at nagtatalon sa tuwa. "Yes! Yes! Yes! I'm now a dad. A dad! Yes! Hell, yes!"

His mom grinned as tears of joy swelled from her eyes. "Congratulations. I'm happy for you, anak."

He was in so much happiness. He embraced his mother so tight. "I'm so happy, Mom," sabi niya habang may malapad na ngiti sa mga labi niya. "God, thank you so much."

Tender yet strong arms surrounded his waist from behind. It was Czarina. She looked so radiantly happy. Pero may munting ngiti ito sa mga labi na nagpakunot ng noo niya. He was grinning from ear to ear but she was just smiling? Why was that?

"Hindi ka ba masaya na buntis ka na? You don't look happy and excited."

Czarina rolled her eyes at him. "Ymar, nagpagulong-gulong na ako kanina sa kama ko. Nagtitili na ako at kung puwedeng lang akong mag-tumbling ay gagawin ko sa sobrang kasayahan na nararamdaman ko."

Ymar face his wife and gathered her in his arms. "Thank you for making me happy."

Czarina hugged him back. "No. Thank you for giving me a baby."

Kumawala siya sa pagkakayakap dito at sinapo niya ang mukha nito, saka siniil ng maiinit na halik sa mga labi ng asawa na agad naman nitong tinugon.

Their lips parted and they looked into each other's eyes.

"Ang saya ko," sabi niya.

"Halata naman." Mahina itong tumawa. "Me too."

Maputol ang pagtititigan nila ng asawa nang marinig nilang magsalita ang kanyang ina.

"Mag-celebrate kayo ngayon," sabi nito. "Bukas, papupuntahin ko rito ang abogado ko para ayusin ang mga papeles na kakailangan para sa pag-transfer ng kompanya ko sa pangalan mo. Magkakaanak na kayo ni Czarina, good job. You made me happy."



MAPAIT NA NAPANGITI SI CZARINA sa narinig. Masaya na sana siya eh. Ipinaalala pa ng ina ni Ymar ang deal nito at si Ymar. And that made her feel suffocated.

Kahit buntis siya, she couldn't change the fact she and Ymar would only be married for three months. After that, it was "sayonara, my love."

But no! She was hoping... hoping that what she felt for Ymar wasn't unrequited.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive