CHAPTER 15

CHAPTER 15

CZARINA came awake when she felt like someone was on top of her and kissing her neck. It sent tingles down her belly. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at napangiti nang magtama ang mga mata nila ni Ymar.

"Good morning, banana," sabi nito habang nakangiti. "How's your sleep?"

"Okay lang." Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ng asawa at ginawaran ito ng halik sa mga labi. "How about you?"

"I woke up next to you, banana. That means I had a good night sleep." He buried his head on the crook of her neck. "Hmm... you smell good in the morning." He licked her neck. "Hmm... damn, banana, you're making me hard."

Napangiti siya sa narinig, saka gumapang ang kamay niya pababa sa pagkalalaki ni Ymar at sinapo 'yon.

"Czarina!" Nagulat ito sa ginawa niya. "Why do you always do that?"

She giggled. "Why are you always shocked?"

"Because you always caught me off guard."

Napangiti siya. "Asus, para namang wala pang gumawa nito sa 'yo."

"Wala pa nga. Ikaw pa lang."

Mahina siyang natawa. "Kaya pala palagi kang nagugulat." Binitiwan niya ang pagkalalaki nito at hinalikan ang asawa. "Bumangon ka na at ipagluto mo na ako ng breakfast."

Ymar glared at her. "Hayan ka na naman, always bossy."

Nginitian niya ito nang pagkatamis-tamis. "Please?"

Ymar sighed. "As if I could say no." Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya, saka naglakad palabas ng kuwarto.

Napangiti siya Czarina sa pagpayag ni Ymar na ipagluto siya ng breakfast. So sweet.

Siya naman ay bumangon na at naligo, saka nagbihis ng simpleng T-shirt at pencil skirt. Pinaresan niya iyon ng kulay-beige na ankle boots at kaparehong kulay na shoulder bag.

Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makita si Tatiana na tumutulong kay Ymar sa pagluluto.

Agad siyang nawalan ng gana.

"Ymar," tawag niya sa atensiyon ng asawa.

Ymar turned to her and smiled. "Hey, banana. Come here. Kumain ka na."

Tumaas ang kilay niya nang dumako ang tingin niya kay Tatiana na may matagumpay na ngiti sa mga labi. Inirapan niya ang babae. Ayaw niyang makipagplastikan dito baka masabunutan niya ito nang wala sa oras.

"Wala akong gana," walang emosyon ang boses na sabi niya, saka umalis ng kusina.

"Banana! Hey, wait up!" narinig niyang sigaw ni Ymar, saka hinabol siya hanggang sa pinto ng bahay. Pinigilan siya nito sa braso. "Cza, ipinagluto kita."

"O, 'tapos?" Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Sa tingin mo kakain ako ng pagkain na pinagtulungan n'yong lutuin ng babaeng 'yon? No, thanks. May pera naman ako para kumain sa labas."

Ymar's face darkened. "Wala akong pakialam kay Tatiana, ako ang nagluto n'on."

"Tumulong pa rin siya—"

"Fuck it, Czarina, stop being irrational!"

She stilled and coldly looked at Ymar. "Pasensiya na, ha?" Puno ng sarkasmo ang boses niya. "Hindi kasi ako plastic, eh. Kapag ayoko, ayoko. Kapag hindi ko gusto, hindi ko gusto."

Inagaw niya ang braso niya na hawak nito, saka naglakad patungo sa kotse niya na nakaparada sa labas ng bahay ni Ymar. Sumakay siya sa kotse at pinaharurot iyon patungo sa clinic niya.

Galit siya kasi nagseselos siya. Couldn't Ymar see that? Kailangan ba niyang ipagsigawan sa mukha nito na nagseselos siya para maintindihan nito ang inis na nararamdaman niya?

Buwisit! Letse! Naiinis ako!

Nang makarating siya sa clinic, nag-uumpisa nang humilab ang tiyan niya. Nagugutom siya pero nawalan siya ng pagkakataon magpabili ng agahan sa sekretarya niya dahil marami na siyang pasyente na naroon at hinihintay siya.

Kaya naman inasikaso niya ang mga pasyente na walang laman ang tiyan. Nagugutom na siya pero hindi niya ipinapahalata. Breakfast was the very important meal of the day and she just missed it. Salamat sa haliparot na egg cell na 'yon. Palagi na lang siyang bad vibes pagdating kay Tatiana. Nakakainis kasi ang pagmumukha nito, eh.

Czarina just finished checking up her fifth patient that morning when someone knocked on the door. Nagdilim ang mukha niya nang lingunin ang pinto at nakita si Ymar. He was holding a paper bag in his left hand and a Starbucks coffee in his right.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong sa asawa.

Pumasok ito sa private office niya at inilapag ang paper bag, saka ang Starbucks sa ibabaw ng mesa. "Mag-breakfast ka na. I know you're hungry," sabi nito, saka lumapit sa kanya at ginawaran niya ng masuyong halik sa mga labi. "Eat well," he said then left.

Napapantastikuhang napatitig siya sa nilabasan nitong pinto. Pumunta si Ymar doon para lang hatiran siya ng pagkain? Hindi niya napigilan ang ngiti na kumawala sa mga labi niya.

Damn that guy was sweet. Agad na natunaw ang inis na nararamdaman niya.

Someone knocked on the door.

"Hello," sabi ng babaeng boses mula sa pinto.

When Czarina looked at the door, she smiled. "Etheyl! How are you?"

Etheyl Vargaz was one of her patients. Sa kanya ito palaging nagpapa-check-up kaya naman naging kaibigan na niya ang babae.

Etheyl smiled. "I'm fine. Ikaw?" Agad itong nahiga sa clinic bed.

Sinalat niya ang puson nito. "Mukhang ayos naman ang triplets sa tiyan mo. Have you told your husband yet?"

"Nope. Gusto kong sorpresahin si Calyx," sabi nito na tinutukoy ang asawa. "Next week na ako manganganak, kaya ako narito dahil gusto ko sanang ikaw ang magpaanak sa 'kin. My husband can be very possessive sometimes."

That made her smile in envy. "Pasalamat ka at possessive ang asawa mo, eh, 'yong sa 'kin, manhid."

Namilog ang nga mata ni Etheyl sa gulat. "May asawa ka na? Kailan ka ikinasal?"

Czarina shrugged. "Three weeks ago? I don't know. Hindi ko naman binibilang ang araw na nagdaan."

Nanunudyong ngumiti si Etheyl. "How's the honeymoon?"

Hinimas niya ang puson. "Heto, wala pa ring laman."

Natawa si Etheyl. "Magkakalaman din 'yan. Araw-arawin n'yo lang."

Napailing-iling siya. "'Yan ba ang ginawa n'yo ng mister mo kaya naka-triplets agad kayo?"

Etheyl smiled proudly. "Nah. Sharpshooter ang mahal kong asawa. Isang putok lang, tatlo agad ang laman."

Czarina chuckled. "Suwerte mo."

"Yeah."

Huminga siya nang malalim. "Okay naman ang heartbeat ng mga baby mo," sabi niya habang inilalapat ang stethoscope sa tiyan nito at pinapakinggan ang tibok ng puso ng mga bata. "Kung ako ang gusto mong magpaanak sa 'yo, tawagan mo ako kapag manganganak ka na." Tinanggal niya ang stethoscope sa tainga at kumuha ng calling car sa bag niya. "Here." Iniabot niya ang calling card kay Etheyl na ngayon ay nakaupo na sa clinic bed. "Call me."

Tinanggap ni Etheyl ang calling card. "Thanks." She smiled.

"Don't mention it."

Nang makaalis si Etheyl, umupo siya sa kanyang mesa at inilabas ang laman ng paper bag. Czarina bit back a chuckle when she saw that it was banana chips. Lots of banana chips.

At hindi nakaligtas sa mga mata niya ang maliit na note na nakadikit sa takip ng Tupperware na pinaglagyan ng banana chips.

Banana, I made this for you. Walang tumulong niyan sa akin. Huwag ka nang magalit, okay? I miss you. Mwah. – Hubby

Napatitig siya sa "mwah" na nakalagay sa hulihang parte ng mensahe nito. Kinikilig na napangiti siya. Just like that. Her anger melted.

Binuksan niya ang Tupperware at inumpisahang kainin ang banana chips. Nang maubos iyon, kinuha niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Ymar. They exchanged numbers when they were in Isla Tech.

After two rings, her husband picked up.



YMAR WAS FROWNING DEEPLY as he looked at the sales report presented to him in his office. "So you are saying na bumaba ang sales natin sa Taiwan pero wala ka man lang ginawa?" His eyes were cold as he looked at the director of YS Pharmaceutical in Taiwan branch. "What the hell have you been doing there?"

Nagbaba ng tingin ang direktor. "I'm sorry, Mr. Stroam, hindi ko ini-report last month kasi akala ko mababawi pa namin ang sales ngayong buwan pero hindi na talaga. Gumawa naman kami ng paraan para—"

"Anong paraan ang ginawa n'yo?"

"We gave flyers—"

"Do you think a fucking flyer can increase the sales?" Walang emosyon siyang natawa at napailing-iling. "Look, Mr. Tingkingko—"

His phone rang. He sighed and looked at the caller.

Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makitang si Czarina ang nasa kabilang linya. Biglang nawala ang iritasyon na nararamdaman niya nang marinig ang boses ng kanyang asawa.

"Hey, Ymar."

"Hey, banana," bati niya sa asawa, saka tinakpan ang mouth piece ng cell phone at binalingan si Mr. Tingkingko. "Umalis ka na bago pa kita sesantihin. Bumalik ka bukas kapag hindi na mainit ang ulo ko."

Mabilis na tumango ang lalaki at umalis sa opisina niya. Ibinalik niya ang buong atensiyon kay Czarina na nasa kabilang linya.

"Salamat sa banana chips at sa black coffee," sabi nito na may bahid na ngiti ang boses.

"Don't mention it," sabi niya at sumandal sa likod ng kanyang swivel chair. "Nagustuhan mo ba?"

"Oo. Banana chips 'yon, eh."

Mahina siyang natawa. "So, ahm...." Nag-aalangan siyang magtanong. "Galit ka pa?"

"Hindi na." Czarina chuckled lightly. "The banana chips melted my anger away."

Nakahinga si Ymar nang maluwag sa narinig. Ayaw na ayaw niyang nagagalit o kahit naiinis man lang si Czarina. Hindi siya mapakali kapag ganoon. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakikita ang ngiti nito.

Kailangan talaga niyang iwasan si Tatiana. Nagagalit lang naman si Czarina dahil sa mga pinaggagagawa ni Tatiana na hindi niya maiwasan minsan. Oo nga at wala siyang gusto kay Tatiana pero ayaw rin naman niyang bastusin ang babae.

"That's good," nakangiting sabi niya. "By the way, Czarina ..."

"What?"

"I miss you." It was easy to say those three words to Czarina now.

"Na-miss din kita." Napakalambing ng boses nito. "Ymar?" Her voice was sweet and soft. "Puwede mo ba akong ibili ng banana smoothie? I feel like drinking one. Please? I'm salivating here."

Dumako ang tingin ni Ymar sa schedule niya ngayong araw. Ten minutes from now, he had a board meeting to attend. Then after that, he had a lunch meeting with Mr. Langdon, an investor of YS Pharmaceutical from California. He couldn't cancel it. And then after lunch, kailangang nasa opisina siya kasi marami siyang pipirmahang mga papeles. At sa tingin niya, hindi niya mapipirmahan lahat 'yon sa loob lang ng isang oras.

Shit!

"Banana, puwede bang bukas na lang 'yan? Wala akong spare time, eh. I have important meetings today."

Czarina's angry voice filled his ears. "Sige, unahin mo 'yang meeting mo dahil yayakapin ka niyan mamayang gabi. Hmp! Sperm ka! Sperm! Ewan! Galit ako sa 'yo!"

Hindi na nagulat si Ymar nang patayan siya ng tawag ng asawa. Kung siya lang, bibilhan niya ito ng smoothie at ihahatid pa niya iyon sa clinic nito pero hindi siya puwedeng mag-cancel ng schedule ngayong araw. Masyadong importante ang meetings niya.

Fuck it!

Ymar blow a loud frustrated breath before pushing himself up from his swivel chair. He couldn't calm down knowing that Czarina was mad at him. He had to do something.

Bahala na.

He dialed Lath's number.

"Hey, man, 'di ba may café riyan malapit sa bahay mo?" tanong agad niya nang sagutin ni Lath ang tawag.

"Yeah..." Lath answered, confusion was visible on his voice. "Bakit?"

"Can you buy me a banana smoothie and deliver it to Mother's Care Clinic?" Ibinigay niya ang address ng clinic ni Czarina. "Pagkatapos ibigay mo 'yan sa babaeng nagngangalang Czarina Salem."

"Ahm, sure?"

He rolled his eyes. "Just do it." Bumuga siya ng marahas na hangin. "Please."

Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. "You said please," Lath said, stunned.

Mariin siyang napapikit. "Yeah."

"Okay. Sure. I'll do it," sabi ni Lath.

"Thanks."

"Sure."

"Oh, and, Lath?"

"Yeah?"

"Touch her in any way and I'll kill you."



NAKASIMANGOT SI CZARINA habang nakaupo sa mesa niya at nakatingin sa screen ng cell phone niya. Naniningkit ang mga mata niya habang titig na titig sa numero ni Ymar sa phonebook. Gusto niya itong tawagang muli pero naiinis siya!

Hmp! Mas inuna pa nito ang meeting kaysa sa kanya. Ang sarap nitong kalbuhin. Makikita nito mamaya, hindi niya ito papansinin. Gusto lang naman niya ng banana smoothie hindi pa maibigay sa kanya. Anong klaseng asawa 'to?

With the thought of banana smoothie, her gums watered for a taste. Yum. Nai-imagine na niya ang matamis na amoy ng banana smoothie at ang napakasarap n'ong lasa.

Please, God, I want a smoothie.

Napalunok siya. Naglalaway na talaga siya.

"Doktora, may delivery po kayo rito!" malakas na sigaw ni Tinna mula sa labas ng opisina niya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tinatamad siyang tumayo at lumabas. She frowned when she saw a very handsome man sitting in the waiting area of her clinic. Nakasuot ng sunglasses ang guwapong lalaki. Pero kahit natatakpan ang mga mata nito ay halatang nag-uumapaw ang kaguwapuhan at kakisigan nitong taglay.

But Ymar is more handsome, sabi ng munting tinig sa isip niya.

Humarap siya kay Tinna. "Anong delivery?"

Itinuro ni Tinna ang guwapong lalaki na nasa waiting area ng clinic. "Siya ho, Doktora. Hinanap ka niya. May ide-deliver daw siya."

Magkasalubong ang mga kilay niya nang humarap sa guwapong lalaki, saka lumapit dito. She stopped three steps away from him. "Do I know you, Mister?"

Bumaling sa kanya ang lalaki, saka ngumiti. He took off his sunglasses first—showing his gorgeous amethyst eyes— before he offered his hand at her. "Hey, I'm Lath Coleman," pagpapakilala nito habang may matamis na ngiti sa mga labi. "I'm Ymar's friend."

Kaibigan ito ni Ymar? Wow. Ang guwapo, ha.

"I'm Czarina Salem." Akmang tatanggapin niya ang nakalahad nitong kamay nang bigla nitong ibinaba iyon.

"Shit! I forgot." He cursed again. "Hindi pala akong puwedeng makipagkamay sa 'yo. Ymar said to not touch you in anyway or else he'll kill me and I don't want to die yet. So, here..." He handed her a plastic bag. Maingat ito na hindi magkadikit ang kamay nilang dalawa. "From Ymar." He smiled. "Bye."

Mabilis na umalis ang lalaki at naiwan siyang naguguluhan sa inakto nito.

Bumaba ang tingin niya sa plastic bag na ibinigay sa kanya ng lalaki. She opened it and what she saw filled her heart with delight.

A banana smoothie... from Ymar. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para itago ang kinikilig na ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya.

Patakbo siyang nagtungo sa opisina niya, saka mabilis na kinuha ang cell phone sa ibabaw ng mesa at tinext si Ymar.

Got the banana smoothie, my hubby. I miss you too. Mwah. – From your banana.

Seconds passed before Ymar replied.

I miss you more. Mwah. – Your hubby.

Czarina sighed in happiness. Grabe ang bilis ng tibok ng puso niya. Kapag nagpatuloy si Ymar sa pagiging sweet nito... siguradong bago sumapit ang tatlong buwan, hulog na hulog na siya rito.


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive