CHAPTER 14
CHAPTER 14
MASAYA SI CZARINA nang lumabas sila ni Ymar sa Lexus nito. Kauuwi lang nila sa Manila galing sa Isla Tech. They both have smile on their faces as they walked, holding each other's hands towards Ymar's house.
Instead of three days, nagtagal sila ni Ymar ng isang linggo sa Isla Tech. Halos hindi na sila lumabas sa cabin na inookupa nila. They made love all day and all night. They only stopped when their sleeping, resting and eating. It was the best one week of her effing life.
Pero agad na nawala ang ngiti ni Czarina nang ang nagbukas ng pinto ay si Tatiana.
Bad vibes agad siya. Gusto niyang sabunutan ang babae nang tumingin at ngumiti ito kay Ymar na parang nang-aakit.
"Welcome back, Ymar," nakangiting sabi ni Tatiana na kay Ymar lang nakatingin.
Dumukwang ang haliparot at akmang hahalikan sa pisngi si Ymar nang biglang umatras ang asawa niya na parang umiiwas. Lihim siyang napangiti. Good boy naman pala itong si Ymar.
Magaling. Palakpakan.
Tumikhim si Czarina dahilan para mapatingin sa kanya si Tatiana. "Puwede bang umalis ka na sa daraanan namin?" Pinipigil niyang hindi magtaray. "I'm tired and I want to rest."
Humakbang naman ito palayo sa pinto para makapasok sila ni Ymar. Agad silang dumeretso sa kuwarto at nahiga siya sa kama. Si Ymar naman ay nagbibihis nang biglang tumunog ang message alert tone ng cell phone nito.
"Banana, pakibasa ang text, please?" wika ni Ymar.
Dumapa siya sa kama at inabot ang cell phone na na nasa nightstand, saka binuksan iyon. And of course, may password.
"May password," sabi niya.
Ini-expect ni Czarina na lalapit sa kanya si Ymar at ito mismo ang magta-type ng password sa cell phone nito pero nagulat siya sa sinabi nito.
"Type banana01."
Nanlaki ang mga mata niya at inulit ang sinabi nito. "Banana01?"
"Yeah." He winked at her before putting on a shirt.
Parang dinuyan ang puso niya dahil lang sa simpleng password na iyon. Sino ba ang hindi kikiligin? Eh, banana ang password... siya 'yon. 'Tapos 'yong 01, baka number niya sa buhay nito!
Naiihi siya sa kilig.
Mabilis niyang itinype ang banana01 sa password at mas lumapad ang ngiti niya nang makitang bumukas nga ang cell phone. Agad siyang nagtungo sa inbox at binasa ang mensahe. It came from his secretary.
"Mr. Stroam, are you available for a board meeting at ten o'clock and a lunch meeting at eleven-thirty o'clock?" basa niya sa text, saka tumingin kay Ymar. "Pupunta ka?"
Dumapa rin si Ymar sa kama at hinalikan siya sa mga labi. "Yes. I have to go. Dito ka na lang muna sa bahay. Magpahinga ka. Magpakita ka kay Mommy. Hinahanap ka na n'on. Baka ano pa ang sabihin ni Mommy at mabuko pa tayo na nagpapanggap lang."
Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ni Czarina. Hayan na naman ang nagpapanggap na 'yan. Palagi na lang nitong sinasabi na nagpapanggap lang sila at nakakasakit na ito ng damdamin.
Nakakainis naman kasi si puso. Sinabi nang huwag mahalin si Ymar pero hayun, hindi nakinig. Kaya tuloy nasasaktan sila ni puso ngayon.
"Sige," walang buhay niyang sabi at ibinigay rito ang phone. "Magpapahinga na ako. Ingat."
Umayos siya ng higa sa kama at nagkumot hanggang sa leeg, saka ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang makita ni Ymar ang inis sa mukha niya. Ayaw niyang mag-away na naman sila.
Habang nakapikit ang mga mata, naramdaman niyang may humalik sa pisngi niya. Her heart fluttered.
"Rest well, banana," sabi ng boses ni Ymar. At narinig niya ang papalayong yabag ng mga paa nito.
BUMUNTONG-HININGA SI YMAR habang nakikipag-usap sa investors ng kompanya niya. Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan ng mga ito habang ang isip niya ay naroon sa kuwarto ng bahay niya.
Damn. He should be in bed right now, cuddling with Czarina. Pero hayun at nasa meeting siya.
"Mr. Stroam, what can you say about our expansion in Dubai?"
Napakurap-kurap siya nang marinig ang pangalan niya. "Pardon?"
Napapantastikuhang tumingin sa kanya ang mga investors. Kanina pa kasi siya walang imik at nakikinig lang, 'tapos hindi niya masagot ang tanong ng mga ito. Wala kasi siyang interes na makipag-usap sa mga ito kaya naman palaging bumabalik ang isip niya sa babaeng nasa kuwarto niya ngayon.
"Ahm, what can you say about our expansion in Dubai?" ulit na tanong ng investor na malapit sa upuan niya.
Ymar took a deep breath and spoke with no emotion whatsoever. "It's good. The sales are high and our pharmaceutical company is on top in Middle East."
Tapos na siyang magsalita pero nakatingin pa rin sa kanya ang mga ito na para bang may sasabihin pa siya.
Ymar sighed. "That's all." Bumuga siya ng hangin nang bawiin na ng mga investors ang tingin sa kanya.
Lihim siyang napailing-iling. This had always happened. Maikli lang siya kung magsalita. It wasn't necessary to talk long if it was senseless. And he didn't feel like talking. Nakakapagod magsalita nang magsalita.
And why did they have to ask him? Nakikita naman ng mga ito na mataas ang sales. Malamang 'yon din ang isasagot niya.
Maayos na natapos ang meeting niya at ng mga investors. Gusto na niyang umuwi para makasama si Czarina pero may meeting pa siya para sa negosyo na itatayo nila nina Lath, Lash at Valerian.
Malalim siyang napabuntong-hininga bago sumakay sa kotse niya at nagtungo sa Délicieux Cuisine kung saan sila magmi-meeting kasama ang mga kaibigan.
Nang makarating sa restaurant, naroon na ang mga ka-meeting niya at siya na lang ang hinihintay.
"You're late," puna sa kanya ni Lath.
Ngiting aso lang ang tugon niya rito, saka umupo sa bakanteng silya sa tabi ni Valerian.
"Let's start," sabi ni Lash at may ibinigay sa kanilang tig-isa-isang folder na naglalaman ng business plan na papasukin nila. "Read it and if you have a comment, speak."
Binuklat ni Ymar ang folder at binasa ang business plan. Napatango-tango siya habang nagbabasa. It was well-planned.
"It will be like this, guys," sabi ng boses ni Lash. "We all know that tourists come and go in our country. What we have to do is to offer them the best of the Philippines. That's where the Black Pearl Luxury Hotel and Resort comes in. It will not just be a normal hotel and resort. We have to offer them more than what the other hotels and resorts can offer. And those are listed here." Itinuro nito ang business plan na hawak nila. "Read it, analyze it, and then we'll talk again."
Inilapag niya ang business plan at tumingin sa magkambal na Coleman. "I'm in."
Lath smiled. "Great! Comments or suggestions?"
Ymar shook his head.
Bumuga ng marahas na hangin si Lath. "Ymar, magsalita ka naman, hindi na umiiling-iling ka lang."
Ymar sighed. "I don't feel like talking."
Napapantastikuhang tumingin sa kanya si Lash. "What? Are you normal? Hindi mo feel magsalita? Stroam, tao ka ba?"
Valerian, who was quietly sitting beside him, chuckled. "Hayaan n'yo na si Stroam, mahal ang salita niyan. Sabi nga sa akin ni Calyx, si Ymar daw ang taong may halaga ang lalabas na salita sa bibig."
Ymar rolled his eyes. "I just don't feel like talking. At saka wala naman akong sasabihing mahalaga, so why talk?"
Kinunutan siya ng noo ni Lath. "Man, you will spend millions on a business and you don't want to say anything? Anything at all?"
Ymar shrugged. "I'm bored and I don't feel like talking."
Napailing-iling si Lath. "You're so weird, Stroam."
Tumango naman ang kakambal nito bilang pagsang-ayon.
Ymar just keep quiet. Only one person could make him talk for hours, non-stop and she was not here.
"I'm in too." Inilapag ni Valerian ang business plan at tumayo. "And I have to go. May pupuntahan pa akong convention."
Kumunot ang noo ni Lath. "What kind of convention? Sama ako."
Pinukol ito ng masamang tingin ni Valerian. "Convention for animal lovers. Animal lover ka ba?"
Lash chuckled and looked at Valerian teasingly. "Should I tell Tyron to welcome you in their club?"
Valerian gave Lash a middle finger. "Shut your mouth or I blow your plane up," sabi nito at nagmamadaling umalis ng restaurant.
The Coleman twins then looked at him. It was Lash who spoke.
"Ikaw, Stroam? Kasali ka na ba sa club ni Tyron?"
Umiling si Ymar.
"Ows? I heard from Mr. Mandurugas Shun Kim that you are attracted to a certain woman."
Ymar just shrugged.
Napailing-iling ang magkambal.
"It was nice talking to you, Stroam," puno ng sarkasmo ang boses na sabi ni Lash.
He shrugged again and stood up. "I'm leaving," sabi niya at malalaki ang hakbang na lumabas ng restaurant, saka sumakay sa Lexus niya.
He should get back to the office but he couldn't stop himself from wanting to go home and see Czarina. Kahit silip lang, ayos na sa kanya. He just needed to see her and talk to her... and maybe hugged and kissed her too.
TAHIMIK NA NANANGHALIAN SI CZARINA nang umupo sa kaharap niyang silya si Tatiana. Nasa living room ang ina ni Ymar at nagbabasa ng magazine. Nahuli siyang kumain kasi kagigising pa lang niya.
"Akin lang si Ymar," Tatiana said with anger and jealousy in her voice. "He will never be yours."
Nagtaas siya ng tingin dito at bored na nagsalita. "Ipapaalala ko lang sa 'yo na kasal na kami ni Ymar. So kung balak mo siyang agawin, good luck sa 'yo."
Tatiana smirked. "May kasal bang walang singsing? It only shows na hindi ka talaga mahal ni Ymar at pinakasalan ka lang niya kasi may kailangan siya sa 'yo. I came here because of Ymar and I will have him. Soon."
Pain sipped through her heart, but she did not show it. Ayaw niyang makita nitong nasasaktan siya sa sinabi nito. She would not give Tatiana that satisfaction.
"Wala akong pakialam kung narito ka para kay Ymar. You know what, go, seduce him all you want, I won't stop you. Alam ko naman kasi na hindi niya papatulan ang isang haliparot na katulad mo. Magsasayang ka lang ng panahon at oras para sa wala. Ymar is my husband and he will never be yours, because he is mine and mine alone."
Ngumisi ito. "Ilusyunada. Akin si Ymar. You'll see, iiwan ka rin niya at magsasama na kaming dalawa—"
"Hindi pumapatol si Ymar sa mga haliparot na katulad mo. Mas gusto niya ang isang inosenteng katulad ko," sabi niya na nakangisi rin.
Take that, biatch!
Dumukwang ito para sana sampalin siya sa pagtawag niya ritong haliparot nang bigla niyang pinulot ang bread knife na nasa tabi ng pinggan niya at itinaas iyon kapantay ng mukha nito.
"Sige, sampalin mo ako. At itatarak ko 'to sa lalamunan mo," she threatened Tatiana. "Noon pa ako nagtitimpi sa 'yo, baka talaga maging kriminal ako kapag sinagad mo ang pasensiya ko."
Hindi niya ito aatrasan. Letse!
Bumaba ang kamay nito na sasampal sana sa kanya at nagmamartsang umalis ng hapagkainan. Siya naman ay malakas na bumuntong-hininga at inilapag ang bread knife sa mesa.
Sumandal si Czarina sa upuan at huminga nang malalim. That woman was pissing her off, but she should chill. Alam niya sa sarili niya na nasa kamay na ni Ymar kung magpapaakit ito o hindi. And it might sound cliché, but she trusted Ymar. Sana nga lang ay hindi nito sirain ang tiwala niya.
Bumuga siya ng hangin at ipinagpatuloy ang pagkain.
PUMASOK SI YMAR sa bahay niya at naabutan ang kanyang ina na nagbabasa ng magazine sa sala.
"Nasaan ang asawa ko, Mommy?" agad na tanong niya sa ina.
Mukhang nagulat ito nang makita siya. "Umuwi ka galing office?"
Tumango siya. "Oho. Nasaan ho ang asawa ko?"
Hmm... I like the sound of that.
"Nasa kusina, kumakain. Kagigising pa lang ni Czarina, eh."
"Thanks, Mom."
Mabilis siyang nagtungo sa kusina pero agad ding napatigil sa paglalakad nang marinig niya na nagsasalita si Tatiana.
"May kasal bang walang singsing? It only shows na hindi ka talaga mahal ni Ymar at pinakasalan ka lang niya kasi may kailangan siya sa 'yo. I came here because of Ymar and I will have him. Soon."
Ymar wanted to barge inside the kitchen but he wanted to hear Czarina's answer.
"Wala akong pakialam kung narito ka para kay Ymar. You know what, go, seduce him all you want, I won't stop you. Alam ko naman kasi na hindi niya papatulan ang isang haliparot na katulad mo. Magsasayang ka lang ng panahon at oras para sa wala. Ymar is my husband and he will never be yours, because he is mine and mine alone."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong gumihit sa mga labi niya.
"Ilusyunada," Tatiana said with pure anger in her voice. "Akin si Ymar. You'll see, iiwan ka rin niya at magsasama na kaming dalawa—"
"Hindi pumapatol si Ymar sa mga haliparot na katulad mo. Mas gusto niya ang isang inosenteng katulad ko," putol ni Czarina sa sasabihin ni Tatiana.
Ymar chuckled at the word "innocent." Czarina was far from being innocent, she might be a virgin but her mouth was already contaminated.
Natatawa pa rin si Ymar nang marinig niyang nagsalita uli si Czarina. Sa pagkakataong iyon, galit at nananakot ang boses nito.
"Sige, sampalin mo ako. At itatarak ko 'to sa lalamunan mo," she threatened Tatiana. "Noon pa ako nagtitimpi sa 'yo, baka talaga maging kriminal ako kapag sinagad mo ang pasensiya ko."
Dahan-dahang sumilip si Ymar sa pinto ng kusina at kitang-kita niya may hawak si Czarina na bread knife at malapit ang dulo niyon sa mukha ni Tatiana.
That's my wife! 'Yon ang gusto niya kay Czarina, kailanman ay hindi ito nagpaapi.
Kitang-kita ni Ymar kung paano nabahag ang buntot ni Tatiana at nagmamartsang umalis ito ng komedor. Napatigil ito nang makita siya, kapagkuwan ay inirapan siya at nagtuloy-tuloy sa pagmartsa paalis.
Walang ingay na pumasok siya sa kusina. Kumakain na uli si Czarina.
Nang makalapit siya sa asawa, hinalikan niya ang ulo nito, saka niyakap ito mula sa likuran.
"Hey, banana," he said then kissed her temple. "Miss me?"
Mabilis siyang nilingon ni Czarina at ngumiti ito nang makita siya. "Ymar!" masayang sambit nito sa pangalan niya, saka tumayo at niyakap siya nang mahigpit. "Na-miss kita."
He chuckled and tightened his hold on her. "Na-miss din kita."
Telling Czarina what he felt was very easy. Nararamdaman kasi niya na na-miss din siya nito kaya hindi na siya natatakot na ipaalam dito ang tunay na nararamdaman.
Humilig ito sa balikat niya. "Ymar?"
"Yes, banana?"
"Carry me to bed. Inaantok na naman ako," paglalambing nito na ikinangiti niya.
"Okay." Pinangko niya ito patungo sa kuwarto niya.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top