CHAPTER 11

CHAPTER 11

NAKANGITING ININAT NI CZARINA ang mga braso nang magising siya. Nasa tabi pa rin niya si Ymar at nakayakap sa kanya na para bang tatakbo siya. That made her feel so giddy. She was hopelessly falling for this man and she couldn't do anything about it. Kahit naman pigilan niya, wala, palagi siyang talo ng puso niya.

Humarap siya kay Ymar at pinaglandas ang dulo ng daliri niya sa pisngi nito, sa ilong, at sa gilid ng mga labi. She couldn't believe this snob handsome man had changed. Hindi siya nito pinapansin noon, kung magsalita ay bilang lang at ang mahal ng ngiti, pero simula nang magpanggap silang magkasintahan na nauwi sa biglaang kasal, may nakita siyang pagbabago rito.

He talked a lot, he laughed and sometimes smiled. And when they argued, he talked with thick sarcasm. Iyon ang side ni Ymar na gustong-gusto niya. Iyon ang side ni Ymar na hindi sana niya makikita kung hindi siya pumayag na magpanggap. And she was falling for this man.

"Ang aga-aga, pinagnanasaan mo na ako." Biglang nagsalita si Ymar dahilan para mapatigil siya sa ginagawa.

Pabiro niyang tinampal ang pisngi nito. "Ambisyoso."

Nagmulat ito ng mga mata at nginitian siya. "Good morning, banana."

"Morning."

Ymar leaned in and kissed the side of her jaw. "Papasok ka sa clinic?"

"Yeah." Isiniksik siya ang sarili sa katawan ni Ymar. "May manganganak akong pasyente. Kailangan kong bantayan at may bibisatahin din akong pasyente sa Romero's Hospital."

Tumango-tango ito na parang naiintindihan ang gagawin niya. That was the good side of having a doctor as husband. Naiintindihan nito ang kailangan niyang gawin para sa mga pasyente niya.

"Ingat ka ro'n," sabi nito at hinalikan siya sa noo. "I'll see you tonight then."

"Yeah."

Hinalikan uli siya ni Ymar sa noo at bumangon ito, saka nagbihis. "Punta muna ako sa bahay," sabi nito. "Then I'll be back. Sabay tayong mag-breakfast."

"Okay. Magluluto ako."

Ymar grinned. "Hmm. Siguruhin mong masarap, ha?"

"Oo naman."

Nakangiting lumabas si Ymar sa kuwarto niya at siya naman ay naligo, saka nagbihis. Excited siyang nagluto ng agahan nila ni Ymar. Inayos niya ang hapagkainan at hinintay ang lalaki na dumating.

Ten minutes passed, but there was no sign of Ymar.

Baka naliligo pa.

Tumayo si Czarina at nagtungo sa bintana ng kusina. Wala sa sariling napatingin siya sa bahay ni Ymar. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang nangyayari sa loob ng kusina ni Ymar. She could see his kitchen through the wide-open sliding door.

Magkaharap sina Ymar at Tatiana sa hapagkainan at seryosong nag-uusap. Panaka-nakang hinahaplos ni Tatiana ang braso ni Ymar.

Czarina gritted her teeth. Peste! Umasa siya sa wala. Parang naninikip ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman. She felt suffocated as she looked at Ymar and Tatiana. Pinigilan niya ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Walang lalaki na worth it iyakan. Wala. Lalo na kung sinasaktan naman siya.

Bumalik siya sa hapagkainan at iniligpit ang pagkain na niluto niya, saka lumabas ng bahay. Sa sobrang inis na nararamdaman, pumulot siya ng malaking bato at binasag niya ang bintana ng kotse ni Ymar.

"Sperm ka! Sperm!" galit na sigaw niya at sumakay sa sariling sasakyan, saka pinaharurot iyon patungo sa clinic niya.

Galit siya kay Ymar. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay 'yong pinapaasa siya. And that was what Ymar did.

Gago!



BUONG ARAW, badtrip si Czarina. Ilang beses niyang nabulyawan si Tinna, ang sekretarya niya. Mainit ang ulo niya buong maghapon. Nabubuwisit siya at naiirita.

"Ahm, Doktora?" nag-aalangang tawag sa kanya ni Tinna.

"Ano?" mataray niyang sagot.

"Ahm, may naghahanap po sa inyo."

"Sino?"

"Paolo raw ho."

Ayaw niyang harapin si Paolo pero nang maalala ang nakita sa kusina ni Ymar, napagdesisyunan niyang harapin ang lalaki.

"Okay. Tell him I'm coming," sabi niya at inayos ang sarili.

After making herself look pretty, she went out from her private office. Agad niyang nakita si Paolo na naghihintay sa waiting area ng clinic.

"Hey." Ngumiti siya kahit ayaw naman niyang ngumiti. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Alam ni Paolo kung nasaan ang clinic niya dahil minsan na siya nitong tinanong. And it was his second time being here.

"I'm here to ask you on a date," medyo nag-aalangang sabi nito. Sanay kasi ito na tinu-turn down niya palagi ang offer nito. "Sana pumayag ka."

"Sure." She smiled. "Kukunin ko lang ang shoulder bag ko."

Nanlaki ang mga mata nito, kapagkuwan ay masayang ngiti ang kumawala sa mga labi. "Thank you! Thank you so much, Czarina."

"Yeah. Sure."

Bumalik siya sa opisina niya para kunin ang bag niya. Hindi niya namalayan na sumunod pala sa opisina niya si Tinna.

"Makikipag-date ka, Doktora?"

"Oo. Bakit? Masama ba?"

"'Yong lalaki kahapon, si Mr. Ymar Stroam, sabi niya asawa ka raw niya. Nagtataka lang po ako."

Bumuntong-hininga siya nang marinig ang pangalang Ymar. "I hate liars." 'Yon ang tugon niya, saka lumabas ng opisina at nilapitan si Paolo. "Let's go."

"Great." Hinawakan siya sa siko ni Paolo at iginiya siya palabas, patungo sa nakaparada niyang sasakyan. "Convoy na lang tayo," he suggested.

"Sige. Saan tayo magdi-dinner?" nakangiting tanong niya.

"Sa Délicieux Cuisine. Masarap do'n."

"Sige. See you there." She smiled and got inside her car.

Nag-convoy sila ni Paolo patungo sa restaurant. Nang makarating doon, sa Thai floor ang pinili nilang kainan.

"Salamat talaga at pumayag ka," masayang sabi ni Paolo. "I always dream of dating you."

Creepy! Czarina smiled. "Oh. Is that so?"

"Oo. Napapanaginipan ko talaga palagi na nagde-date tayong dalawa. At heto na nga."

Nginitian niya ito nang pilit. "Ah. Okay."

When their orders arrived, natahimik din sa wakas si Paolo. But after a while, panay na naman ang kuwento nito ng mga kung ano-anong bagay na hindi naman siya maka-relate.

"Gusto ko talagang maging psychiatrist kasi sabi ng doktor na kilala ko ay magaling akong mag-handle ng mga baliw na pasyente." Ang hangin nito. "Saka magaling din akong pediatrician. May naging pasyente na nga ako na malapit nang mamatay pero mabuhay ko pa rin. They said I'm a miracle worker."

Tango lang siya nang tango habang nagsasalita ito. She was not actually listening to what Paolo was saying. Panay lang ang kain niya hanggang sa maubos ang order niya.

"Uwi na tayo," biglang sabi niya nang matapos kumain.

"Ha?" Gulat na tumingin si Paolo sa pinggan niya. "Pero hindi pa ako tapos kumain."

"Ah. Okay. Hintayin na lang kita."

Waiting for Paolo to finish eating meant twenty minutes of pure boastfulness torture. Ang hangin nito at ang sarap buhusan ng malamig na tubig para magising sa mga pinagsasasabi.

Finally, natapos din si Paolo at nakaalis din sila ng Délicieux Cuisine. And because she had a car, she and Paolo parted ways.

Thank God.

Mabilis siyang nagmaneho patungo sa bahay niya. Nagsisisi na siya sa pagpayag niya na makipag-date kay Paolo. Nakakaloka ang kahanginan nito. Parang ipuipo sa sobrang lakas.

Ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng bahay. Isinukbit niya ang bag sa balikat at lumabas ng sasakyan.

Nilalaro niya ang susi ng sasakyan nang may humaharurot na sasakyan na bigla na lang tumigil sa tabi ng kotse niya.

An angry looking Ymar stepped out from the car. Hindi maipinta ang mukha nito habang naglalakad palapit sa kanya.

"You are a liar!" he shouted at her through his greeting teeth.

Nagpanting ang mga tainga ni Czarina sa narinig. "Ako? Sinungaling? Ano ka pa kaya?"

Lalong tumalim ang mga mata nito. "When did I lie to you, huh? Ikaw ang sinungaling. You said no dating other male species. Ano sa tingin mo ang ginawa mo? That's called lying!"

Hindi siya nagpasindak sa sigaw nito. Kalmado siyang nagsalita. "Halika. Sa loob tayo ng bahay," aya niya at binuksan ang pinto ng bahay.

Nang makapasok sila pareho sa loob ng bahay niya at naisara ang pinto, matalim ang mga mata na tumingin siya kay Ymar.

"Hindi ako nagsinungaling sa 'yo. I'm just playing fair." Inisang hakbang niya ang pagitan nila ni Ymar at dinuro niya ito. "Ang pinakaayoko sa lahat ay 'yong pinapaasa ako, and that's what you did this morning." Dinuro niya ang dibdib nito. "Ipinagluto kita ng agahan, Ymar, kasi sabi mo sabay tayong mag-aagahan. Sabi mo babalik ka. I waited patiently, 'tapos makikita kitang kausap si Tatiana. Alam mo, sana siya na lang ang pinagpanggap mong fiancée mo, mukha namang gusto mo siya, eh. Eh, di sana wala kang poproblemahing annulment three months later."

Natahimik si Ymar at nakatitig lang sa kanya. Hindi ito nakapagsalita.

"Cat got your tongue?" She smirked. "In every action, there's always a corresponding reaction. Dapat alam mo 'yon kasi chemist ka. Sa susunod, huwag kang magsasabi at magpapaasa kung hindi mo naman pala kayang tuparin 'yon. At bukas na bukas din, sasabihin ko sa mommy mo na nagpapanggap lang tayo. Na hindi naman talaga natin mahal ang isa't isa para magkasama na kayo ni Tatiana. Salamat na lang sa sperm mo, hindi ko na kailangan ang donasyon mo."

Huminga si Czarina nang malalim, saka nagtungo sa kusina para uminom ng malamig na tubig para kumalma siya.

Letse! Letse! Letse! Sabi na nga ba masasaktan lang siya. Men were bunch of liars and cheaters!

I should have known that this will happen again.

Niloko na nga siya ng first love niya, pati ba naman ng unang lalaking nakabasag sa kainosentehan niya? Ayos lang sana kung nakipaglandian ito pagkatapos ng tatlong buwan na usapan nila. Tanggap niya iyon. But not like this. It did hurt. It did fucking hurt!

Uminom uli siya ng isang basong tubig at napasandal sa island counter. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdamang naninikip ang dibdib niya. Pumasok na naman kasi sa isip niya ang paghaplos ni Tatiana sa braso ni Ymar.

Nagseselos siya. Gusto niyang sabihin ni Ymar na wala iyon. Gusto niyang marinig na i-deny nito ang nakita niya. Pero hindi naman niya masabi sa lalaki ang gusto niyang sabihin nito. Natatakot siya na baka tama ang hinala niya na gusto rin ni Ymar si Tatiana. For the second time around, Cupid screwed her over again.

"Czarina..."

She opened her eyes and saw Ymar on the kitchen doorway.

"What?" walang buhay niyang tugon.

"Don't."

"Don't what?"

"Don't tell my mom. She'll get mad."

Pagak siyang tumawa. "Problema mo na 'yon. Hindi ko na kargo 'yon."

Naglakad ito palapit sa kanya at para siyang kinapos ng hininga nang maramdaman ang init ng katawan nito na isang dangkal ang layo sa katawan niya.

Napalunok siya. "Lumayo ka nga sa 'kin."

"Honestly, I don't care if you tell my mom," sabi nito at hinawi ang buhok niya. "Just please, let me explain my side before you tell my mom."

"It wouldn't change a thing."

"It will. Kung makikinig ka lang sasasabihin ko."

Czarina puffed a breath. "Fine. Explain. Make it fast."

Huminga nang malalim si Ymar bago nagsalita. "Balak ko talaga na bumalik agad pero na-corner ako ni Tatiana. Nakiusap siya sa akin na samahan siyang mag-agahan kasi tulog pa si Mommy. And I can't say no. Bisita ko pa rin siya dahil sa bahay ko siya nakatira."

Mapait siyang ngumiti. "So you chose her over me?" She chuckled nonchalantly. "Thank you for that fucking explanation. At least now I know."

Binundol niya ang balikat ni Ymar nang lampasan niya ito.

"Lock the door when you leave," sabi niya at patakbong tinungo ang kuwarto niya sa second floor at doon hinayaan na tumulo ang ilang butil ng luha na kanina pa niya pinipigilan.

Sa ikalawang pagkakataon, nasaktan na naman siya ng mga hinayupak na kalahi ni Adan. Wala ba talagang matino sa kanila? Umasa siya na iba si Ymar. Pero ang mga lalaki, isa lang sa isang milyon ang matino at hindi ka lolokohin.



BAGSAK ANG MGA BALIKAT na umuwi si Ymar sa bahay niya. He already explained his side and Czarina didn't understand him at all. Iba ang pagkakaintindi nito sa ginawa niya.

Bumalik siya kanina sa bahay ni Czarina pero naka-lock na ang pinto ng bahay nito at natagpuan niya ang kanyang kotse na basag ang bintana. When he went to the CCTV house, nalaman niyang si Czarina ang may gawa niyon sa sasakyan niya.

She was really mad at him and it was his fault.

Paakyat siya sa hagdan nang bigla na lang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Just the scent, he knew it was Tatiana.

"Let go of me, Tatiana," walang buhay na sabi niya, sabay baklas ng mga braso nito na nakayakap sa kanya. "I'm not in the mood to play nice."

Niyakap siya nito uli at nagtungo sa harap niya. "Bakit naman?" Hinalikan siya nito sa pisngi at gumapang ang mga labi patungo sa mga labi niya.

Ymar blinked. He didn't feel anything at all... Not like when he kissed Czarina whose lips could make his body burn.

Inilayo niya ang mga labi sa mga labi nito. "Don't do that again."

"Why? Wala naman dito ang asawa mo, eh—"

"Don't do it again," may diin niyang sabi.

Bumilang si Ymar sa isip ng hanggang lima. Nang hindi pa siya nito binitawan, malakas niyang tinanggal ang braso na nakapulupot sa kanya at mabilis siyang nagtungo sa kuwarto niya at ini-lock 'yon.

Ymar went to his terrace and face Czarina's room. Bukas ang bintana ng kuwarto ni Czarina. Natigilan siya nang makitang may kausap ito sa cell phone at may malapad itong ngiti sa mga labi habang nagsasalita.

Nagtagis ang mga bagang niya nang pumasok sa isip niya ang lalaking kasama ni Czarina kanina na mag-dinner.

Fuck! Is she talking to that guy?

Bumalik siya sa kuwarto niya at kinuha ang cell phone, saka tinawagan ang kaibigan.

"Shun, speaking. What do you want?" tanong agad nito nang sagutin ang tawag.

"I want you to investigate someone for me."

"At last!" masayang hiyaw nito. "Who?"

"I don't know who. Kasama siya ni Czarina sa Délicieux Cuisine. May CCTV naman do'n, tingnan mo na lang," iritadong sabi niya.

"Okay. Okay." Nanunudyo ang boses nito. "So, si Czarina pala. Sabi ko na, eh, ikaw ang susunod kay Dark. Awesome. Isa na akong manghuhula ngayon."

He rolled his eyes. "Yeah. So, how much?"

Shun chuckled. "It's free, my man. Bayad ko 'to sa ibinayad mo sa katahimikan ko."

"That's good to hear."

"Yeah, yeah. I'm Shun Kim the nice."

Itinirik niya ang mga mata. "Oo na. Ikaw na ang mabait."

Shun laughed. "Okay. I'll call you tomorrow for the update."

"Okay."

Tinapos ni Ymar ang tawag at sinilip niya si Czarina sa bintana ng kuwarto nito. May kausap pa rin ito sa telepono at halatang masayang nakikipagkuwentuhan sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

So annoying! 


CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #possessive