CHAPTER 1
CHAPTER 1
PAGOD NA PAGOD na umuwi si Czarina sa bahay niya. Apat ang ipinaanak niya ngayong araw, ang dalawa ro'n ay cesarean.
Natigilan siya sa pagbukas ng pinto nang makitang may isa na namang tangkay ng tulip sa labas ng pinto. She smiled and picked up the flower. Mabilis niyang tiningnan ang note na naka-roll sa stem ng bulaklak at binasa.
Hey, banana. Hope you have a great day.
Nangingiti na binuksan ni Czarina ang pinto at inilagay sa bagong vase ang tulip. Napuno na kasi ang isa niyang vase ng tulips.
Sa araw-araw kasi na ginawa ng Diyos sa loob ng isang buwan, palagi siyang nakakatanggap ng tulip na kulay-pula at palagi iyong my note na nakapalibot sa stem. Kung hindi umaga, gabi naman. Kung sino man ang nagpapadala sa kanya, hindi niya alam. Basta walang araw na hindi siya nakatanggap ng tulips.
Nang makapasok sa kanyang kuwarto, binuksan niya ang malaking sliding window para makapasok ang hangin. She still preferred fresh air rather than air-conditioning. Binuksan din muna niya ang radyo at napabungisngis nang marinig na "Careless Whisper" ang tugtog.
Hmmm... mga green minded lang ang makaka-relate sa kantang 'to.
Hinubad ni Czarina ang lab gown na suot at isinunod ang simpleng low back na bestidang kulay-itim. She was on her underwear when she faced at the wide-open window.
Natigilan siya nang makita ang kapitbahay niyang walang modo na nagngangalang Ymar Stroam. Nalaman niya ang pangalan nito mula sa isa pa niyang kapitbahay na si Mhel na masaya sa piling ng asawang si Iuhence Vergara.
Nasa may teresa sa second floor ang lalaki at nay binabasang makapal na libro. Lumapit siya sa bintana at kinawayan ito.
"Hello, Ymar," feeling close na sabi niya. Napakalapit lang ng bintana niya sa teresa nito kaya naman alam niyang narinig siya nito.
Ymar looked up and frowned at her. Bumaba ang tingin nito sa bra niya. His face contorted in disgust. "Ano ba sa tingin mo iyang suot mo?"
She gasped. "Hala! Nagsasalita ka? Akala ko pipi ka!" puno ng sarkasmo na sabi niya at tinaasan ito ng kilay. "For your info, nagbibihis ako."
"Alam ko."
Nanunudyong tiningnan niya ang lalaki. "So, kanina mo pa ako binobosohan?"
Nagsalubong na naman ang mga kilay nito. "Bakit naman kita bobosohan? May I remind you, narito ako sa paborito kong tambayan sa loob ng pamamahay ko. Hindi kita binobosohan dahil hindi ako ganoon. You're the one who just strip off your clothes like no one is looking."
Wow. Simula nang maging kapitbahay niya si Ymar, ngayon lang siya nito kinausap. At ang haba pa ng sinabi.
Nginitian niya ang lalaki. "I'm proud of my body. Anyway, puwedeng magtanong?"
Ibinalik nito ang mga mata sa binabasa. Akala niya hindi siya nito papansinin kaya laking gulat niya nang magsalita uli ito.
"Ask away," sabi nito.
Napakataray talaga ng boses ng lalaking 'to.
Her smile widened. "Magkano ang bayad sa 'yo kapag nagsasalita ka? You seldom talk so I assumed that the words that came out from your mouth have a price."
He sighed and closed the book he was reading. Tumingin ito sa kanya. "I am one of the highest paid chemists in Asia, malamang may bayad ang lahat na salita na lalabas sa bibig ko." Tumayo ito mula sa kinatatayuan at deretsong tumingin sa kanya. "Pero para sa 'yo, libre na lang." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito at pumasok sa loob ng bahay.
Napatanga si Czarina sa lalaki at napakurap-kurap. Libre para sa kanya? Puwede ba siyang kiligin? Hay! Naloloka na siya.
This was what happened when you have a secret crush towards your very snob neighbor.
Nangingiti na isasara sana niya ang bintana nang bumalik sa teresa si Ymar. May dala itong dalawang saging.
"Catch," sabi nito at ihinagis iyon sa kanya.
Mabilis naman niyang nasalo at napatitig sa mga saging na nasa kamay niya. Naguguluhang napatingin siya kay Ymar na papasok na naman sa loob ng bahay nito. "Ano'ng gagawin ko rito?"
He shrugged. "Kainin mo, malamang. Alangan namang ipagtirik mo iyan ng kandila."
Nanliit ang mga mata ni Czarina sa iritasyon. Pesteng lalaking 'yon. Napakapilosopo. Bakit ba naman kasi nagtanong pa siya? Malamang ang saging ay kinakain at wala nang iba.
Hmmm... puwede rin namang sipsipin. Pero ibang saging yata 'yon.
Napabungisngis siya sa sariling naiisip bago isinara nang tuluyan ang bintana.
Nang makapagbihis, bumaba siya sa kusina para magluto ng pananghalian niya. Medyo marami-rami rin ang ipinaanak niya ngayong araw, nakakapagod.
ISASARA NA SANA NI YMAR ang sliding glass door na kumokonekta sa veranda sa ibaba nang makita ang kapitbahay niyang napakahilig sa saging.
Napailing-iling siya. He knew that staring at someone was rude but he couldn't look away at the woman slowly grinding her hips as she was cooking something.
There was something about the woman cooking that appealed to him. Weird.
Ipinilig ni Ymar ang ulo at tuluyan nang isinara ang sliding glass door. Tapos na siyang kumain sa labas kaya naman dumeretso na siya sa kanyang kuwarto na napag-alaman niyang nakaharap sa kuwarto ng kapitbahay niyang mahilig sa saging.
Hindi pa siya inaantok kaya naman tumambay muna siya sa teresa. Dinala niya ang librong iniregalo ng kanyang ina noong kaarawan niya na I love Chemistry.
Both of her parents were chemists. They were already divorced. Sadly, sa Amerika nagpakasal ang mga magulang niya at doon na rin naninirahan kaya naman malaya ang mga itong mag-file ng divorce nang umayaw na. Pero kahit hiwalay ang dalawa, hindi naman siya pinabayaan ng kanyang ama. His father, Ymanuel Stroam, still made him his heir and successor to his successful company. Kaya nang makatapos siya ng pag-aaral sa Stanford at maging chemist, siya na ang namahala sa YS Pharmaceutical.
His father was a full-blooded American while his mother was pure Filipino. That made him a Fil-Am. Pero kahit may mansiyon sila sa New York, mas pinili niyang manatili na bansang sinilangan ng kanyang ina. People here were kind and generous. And he had lots of friends here. Friends that could be kept for life.
So after working for his father for three years, Ymar established his own pharmaceutical company. Itinayo niya ang sariling negosyo sa Pilipinas. At sa awa ng Diyos, nakagawa na rin siya ng sarili niyang pangalan sa business world. Not to mention that YS Pharmaceutical in US was now under his management. Nagretiro na ang kanyang ama dahil napapagod na raw ito.
Ymar sighed and started reading the book in his hand. Habang binabasa niya iyon ay panay ang sulyap niya sa bintana ng kuwarto ng babae. Hindi pa siguro ito tapos kumain.
Actually, he knew her name. But they were not close so, no, he would not call her using it.
Ymar wanted to erase the woman who was now started to camp in his mind again when the window facing his terrace opened. Napatingin siya roon at nakita niya ang babae na may dalang pinggan at kumakain ng... instant noodles?
Hindi na lang siya nagkomento. Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasa habang kumakain ang babae.
"Hey, Ymar," tawag nito sa pangalan niya pero hindi niya pinansin.
He would just be wasting his freaking time.
"Hey, Ymar," tawag uli nito sa pangalan niya pero hindi niya pinansin. "Come on, Ymar. Look here, handsome but snob Ymar," the woman said in a singsong voice.
Napailing-iling siya at bumuga ng hangin, saka umalis sa teresa. Malapit nang maubos ang pagtitimpi niya. Malapit na malapit na! Sasabog na siya. Nakakainis talaga ang kapitbahay niya.
Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto, narinig niyang nagri-ring ang cell phone niya. Mabilis niyang kinuha iyon sa study table at sinagot ang tawag.
"Hey. What's up, Vargaz," sabi niya sa naiinis na boses nang mabasa na si Calyx ang tumatawag.
Calyx chuckled. "Chill, Stroam. My penthouse. My stag party. You are invited. You're welcome." Iyon lang ang tinapos na nito ang tawag.
Napailing-iling na lang siya at nagbihis. Ikakasal na ang babaero niyang kaibigan. Shocking. Alam niya kung gaanon kaayaw ni Calyx sa salitang "kasal" pero nang makilala nito si Etheyl Vallega, mukhang magpapakamatay ito, maikasal lang.
Matapos magbihis, mabilis siyang lumabas ng bahay at sumakay sa Lexus niya, saka iyon pinaharurot paalis. Ano kayang klaseng stag party mayroon ang may saltik niyang kaibigan?
HINDI MAKATULOG SI CZARINA kaya naman tumambay siya sa sala habang inisa-isang buklatin ang mga Cosmopolitan Magazine niya.
She was flipping the pages of the magazine when someone rang her doorbell. Tumaas ang kilay niya. Ayaw niyang pagbuksan kung sino man iyon, pero sa isiping baka si Channing Tatum o kaya naman ay si Chris Evans ang nasa labas ay mabilis pa sa alas-kuwatro na binuksan niya ang pinto.
A girl can dream, right?
But her dream was crushed in front of her when she saw the doctor hottie. 'Yon ang tawag niya kay Ymar noong hindi pa niya alam ang pangalan nito.
"Hey, doctor hottie—este, Ymar pala," sabi niya na naguguluhan habang nakatingin sa lalaki na parang kinakabahan. "Ano'ng kailangan mo? Bago naman itong nandito ka sa pamamahay ko. May kailangan ka? Gusto mo ng kape, juice, tea o kaya naman ay saging?"
Pumikit ito at nang magmulat ng mga mata, ngumiti dahilan para mapahawak siya sa waistband ng panty niya para hindi iyon malaglag. Shit! Makalaglag-panty ang ngiti nito!
What the fuck! That freaking smile! Hell!
Inayos niya ang pagkakasuot ng panty niya at pilit na pinakalma ang puso niya na parang tinatambol sa sobrang lakas at bilis.
"Lose that smile, damn it," naiinis na sabi niya rito. "Medyo lose ang panty na suot ko baka biglang malaglag. Nakakahiya naman sa 'yo."
Lalo pang lumapad ang ngiti ng lalaki dahilan na naman para manginig ang mga tuhod niya. Punyeta! Ang panty at puso ko! Shemay naman, eh! Balak ba ng lalaking 'to na mawalan siya ng ulirat at maospital?
"Ready?" tanong nito.
She frowned. "Ready what?"
Ymar gripped the back neckline of his shirt and pulled it over his head.
Napanganga si Czarina sa mga pandesal sa tiyan ng lalaki. Oh, my God! Totoo ba iyon? Were those abs like Chris Evans? Sheyt!
Hindi pa siya nakaka-recover sa matitipuno nitong katawan nang bigla na lang nitong hubarin ang pantalon na suot.
"Holy fucking hell!" Napasinghap siya at sinapo ang kanyang bibig. "Oh... My... God..." anas niya habang nakatingin sa gitnang bahagi ng hita nito na natatakpan ng boxer. It was bulging! It was freaking bulging!
Napalunok siya nang hawakan ni Ymar ang waistband ng suot na boxer at ngumiti, saka mabilis na ibinaba iyon.
Sinapo ng isa niyang kamay ang kanyang matres. Holy mother of God! Napanganga siya sa kakaibang saging na nasa harap niya. Holy crap! Crap! Holy! Crap! Hindi yata kaya ng matres niya ang haba at laki ng saging nito!
Taas-baba ang dibdib ni Czarina habang nakatanga sa walang takip nitong pagkalalaki na nasa harap niya. At mukhang wala itong balak na takpan iyon.
Oh, God! Naeeskandalo ang ovaries niya sa nakikita!
And then her eyes stared at his oh-so-yummy balls. Napalunok siya. May masarap bang balls o baka guni-guni niya lang niya 'yon kasi napaka-neat looking ng kay Ymar?
Napaka-uhmmm!
Pinulot ni Ymar ang pantalon at boxer na nasa sahig at isinuot iyon. Pagkatapos ay isinunod naman nitong isuot ang shirt nito. Inisang hakbang ang pagitan nila, saka inilapat ang mga labi sa mga labi niya.
She was gaping at what was happening right now!
Nang pakawalan ni Ymar ang mga labi niya, kinindatan siya nito, saka naglakad palayo sa bahay niya.
Nakanganga pa rin si Czarina habang nakatingin sa kawalan. Holy cow. Did I just saw Ymar's big and long banana? And did he just kiss me? I think I'm dreaming...
Bakit naman ito magbuburles sa harap niya, eh, ayaw nga yata siya nitong makausap?
She turned around and accidentally hit her face on the door.
"Aray!" Nasapo niya ang noo na tumama sa pinto at hinimas-himas iyon. "Shit! I am so not dreaming!"
Isinara niya ang pinto at bumalik sa pagkakaupo sa sofa at tumunganga sa kawalan.
"What just happened?" tanong niya sa sarili, kapagkuwan ay napakurap-kurap. "I just saw Ymar's banana. Holy crap! What a big and long banana it was."
Marahas niyang ipinilig ang ulo. Saging lang naman 'yon, eh! Bakit ba siya nagkakaganoon? Urgh! That's just a banana! A freaking fucking big, tanned banana!
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top