EPILOGUE

I dedicate this story to Anniza Gonzales. Alam mo na kung sino ka. Sana magustuhan mo ang nakayanan ng utak ko :) So, yeah. Sana kapag nabasa mo 'to ay magustuhan mo. Hehe. Salamat at hinayaan mo akong gamitin ang pangalan mo :)


EPILOGUE

IT Was traumatizing! Akala ni Dark ay madali lang magpalaki ng anak. Noon, palaging nagrereklamo ang mommy niya na malikot siyang bata at hindi nakikinig. He would just shrug it off. But now? He couldn't just shrug it off. Masyadong matitigas ang ulo ng tatlo niyang anak na lalaki.

"Light! Take those eyeglasses off of you!" Sigaw niya sa panganay niyang anak na suot ang eyeglasses niya habang paikot-ikot at tumatawa. "Light, take that off!"

Tumigil sa pagikot ang anak niya saka tumingin sa kanya. "Daddy, I'm dizzy."

Nasapo niya ang ulo at mabilis na lumapit dito saka kinuha ang salamin sa mga mata nito. "Hindi pa ito puwede sayo. Damn it! You're just ten years old!"

Sumimangot ito. "Pero sabi ni tito Evren that will make me look smart."

"Light, matalino ka na. You don't need eyeglasses." Ginulo niya ang buhok nito at nginitian. "Imagine, at the age of ten, e, grade seven ka na. You're a genius."

Light shrugged. "Okay. No glasses."

Nakahinga siya ng maluwang. Si Light ang panganay nilang anak ni Anniza. Hindi nila alam kung saan ito nagmana sa katalinuhan.

Kakausapin pa sana niya si Light ng biglang may humiyaw. Nilingon niya ang pinanggalingan niyon.

"Fuck!" He cursed when he saw his second son sliding on the stairs railing.

Light tsked. "Bad, daddy. Isusumbong kita kay mommy. Bawal ang bad words diba?"

Malakas siyang napabuntong-hinga at kumuha ng fifty pesos sa bulsa at ibinigay iyon kay Light. "Here. Put this in the cursing jar."

Nakangiting kinuha ni Light ang pera saka inilagay iyon sa cursing jar. Naging batas na iyon ng bahay nila. Kapag mga bata naman ang nagba-bad words, bawas 'yon sa allowance ng mga ito. That was one of Anniza's rules. At kailangan iyong sundin. Iba pa naman magalit ang asawa niya kasi silent treatment talaga ang punishment sa kanila.

Lumapit si Dark sa ikalawa niyang anak na lalaki na nag-slide sa staircase railing.

"Gray, I told you to stop doing that. didn't I?" Pinandilatan niya ito.

Napasimangot ang anak niya. "But it's fun."

"Your only seven years old, baka mabalian ka ng buto."

Umiling kaagad si Gray. "But daddy, I know what I'm doing naman, e. Saka sanay na akong mag slide."

Bumuga siya ng hangin. "No, Gray, isusumbong kita kay mommy."

Napasimangot ang anak niya. "Daddy naman, e. Kapag nalaman 'to ni mommy pakakainin na naman niya ako ng gulay."

Napangisi siya. "That's your punishment."

Naglalambing na yumakap ito sa kanya. "Pero daddy, ayoko ng veges."

"O, tapos?" Sinapo niya ang mukha nito. "Kaya nga diba stop sliding down the staircase railing and mommy will not punish you with veges."

Gray's face contorted in disgust. "I hate veges."

"I know." Binuhat niya si Gray at dinala sa sala kung nasaan si Light na abala sa paglalaro ng Four Pics One Word at ang bunso niya namang anak na lalaki ay abala sa paglalaro ng Shadow Ninja sa tablet niya.

"Black," tawag niya sa pangalan ng kanyang bunso. "Tama na iyan. Baka ma damage ang mata mo. You're just five. Give it a rest."

Tumalima naman kaagad ang anak niya. Inilagay nito ang tablet sa center table at sumandal sa likod ng sofa.

"Daddy," ani Black habang nakatingin sa kanya. "When I grow up, I want to be a ninja."

Napatanga siya sa bunso niyang anak. They were now sitting on the sofa and waiting for Anniza and his angel to arrive.

"Black, ninja's don't exist," sabi naman ni Light sa nakababatang kapatid.

"Mag slide ka nalang, little bro," ani Gray na nagkibit-balikat.

Nagkibit-balikat lang si Black. "Basta. Gusto ko maging ninja."

Napabuntong-hinga siya. "Black, wala namang ninja, e."

"How'd you know?" Nakasimangot na tanong ni Black.

"I just do."

Bumagsak ang balikat ni Black. "Kasi naman, e. I want to be a ninja." Umalis ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya saka umupo sa hita niya. "Daddy, ninja kasi ang gusto ko, e."

Ginulo niya ang buhok. "Walang ninja, anak. But you can be a soldier or someone who protects people and their love ones."

Umaktong nag-iisip ang anak niya at humilig sa dibdib niya. "Ninja ang gusto ko, e."

"They're not real," sabad ni Light.

"Kuya Light is right," segunda ni Gray. "Wala talagang ninja, e. Wake up, little brother."

Nanubig ang mga mata ni Black habang nagmamakaawang nakatingin sa kanya. "Daddy, gusto kong maging ninja. I want to go to Japan and be a ninja!"

Hinagod niya ang likod nito at hinalikan sa nuo. "Tingnan natin kung anong magagawa ni daddy."

Tulad ni Anniza, hindi niya kayang makitang umiiyak ang anak niya. Parang may pumipipit sa puso niya sa sakit. God! Being a parent was really hard. Kailangan mong manimbang palagi. You had to balance between spoiling your child or teaching your child good manners. Most of the time, it was always the former. He loved spoiling his children.

"Kuya Light, nagugutom na ako," sabi ni Gray.

Tumayo naman kaagad si Light. "Wait here, ikukuha kita ng sandwich."

"Gusto ko Nutella!" Pahabol na sigaw ni Gray sa kuya nito.

"Me too, Kuya Light," pahabol din na sigaw ni Black sa nakakatandang kapatid.

"Okay," sigaw naman ni Light na nasa loob na ng kusina.

Napangiti si Dark. Oo nga at matitigas ang ulo ng anak niya at talagang makukulit pero pagdating sa relasyon ng mga ito bilang magkakapatid, sobrang mababait at maaruga ang mga ito sa isa't-isa at iyon ang palaging pinagmamalaki niya sa mga kaibigan niya.

Nang makabalik si Light, may dala itong tray na may limang sandwich at apat na baso ng juice.

"Here you go," ani Light at inilapag ang tray sa center table.

Pinagsasaluhan nila ng sandwich at juice ng pumasok sa bahay si Anniza at ang little angel niya.

"Daddy!" Ani ng matinis na boses ni Silver at tumakbo palapit sa kanya at yumakap sa kanya ng mahigpit. "I miss you, daddy." Hinalikan siya ni Silver sa pisngi at sa ilong at sa nuo. "I really miss you, Daddy."

"I miss you, too, baby." He hugged her baby back. "Daddy missed you, too."

Malambing talaga ang nag-iisa nilang babae. Silver was their princess. Masyado itong spoiled sa kanila pati sa mga kapatid nito.

Tumabi ng upo sa kanya ang pinakamamahal niyang asawa at hinalikan siya sa mga labi. Lumipat ng upo sa hita ni Anniza si Black at sa hita naman niya naupo si Silver. Si Gray naman ay tumabi sa kanila sa mahabang sofa habang maganang kumakain ng sandwich, samantalang si Light naman ay pasalampak na naupo sa sahig at nakahilig sa malahabang sofa ang likod.

"So, how's your shopping?" Tanong niya sa kaniyang mahal na asawa.

They had been together for eleven years now and Anniza could still make his heart beat so darn fast. Walang nagbago sa pagmamahal niya sa dalaga at alam niyang ganoon din ito sa kanya.

"Masaya," sagot ni Anniza na nakangiti. "Ikaw? Kumusta naman kayo?"

"Dad said a bad word," sumbong ni Light.

Anniza glared at him. "Dark, anong sabi ko sa bad words na 'yan?"

Napakamot siya sa ulo. "Sorry, agápi mou." He gave him a puppy dog eye.

Napailing-iling si Anniza. "Naglagay ka na sa cursing jar?"

"Yep. Fifty pesos," sagot niya at tinuro si Gray. "He slid on the staircase railing again."

Anniza narrowed her eyes on Gray. "Veges. Later."

Napasimangot kaagad si Gray. "But mom—"

"No buts," mariing sabi ni Anniza at pinandilatan si Gray.

Nagbaba ng tingin si Gray pero nakasimangot pa rin. Napailing-iling nalang siya. Takot talaga ang mga anak nila kay Anniza.

"Mommy." Yumakap si Black sa mommy nito. "Gusto kong maging ninja."

Napatingin sa kanya si Anniza. "Ninja?"

Tumango siya. "Yes. Ninja."

"Opo. Ninja. Diba Daddy?" Naglalambing paring sabi ni Black sabay baling sa kanya.

Bumuntong-hinga nalang siya ng pukulin siya ng masamang tingin ni Anniza. Mukhang masesermunan na naman siya nito mamaya.

And he was right. Kinagabihan, habang magkatabi sila ni Anniza sa kama at nakayakap siya rito, pinagsabihan siya nito.

"Dark, we can't give everything to our children," anito. "Alam kong kaya mong ibigay lahat ng mga materyal na bagay pero puwede, dahan-dahan lang? Gusto kong malaman nila ang kahalagahan ng paghihintay."

Malalim siyang napabuntong-hinga. "Sorry, agápi mou." Mas humigpit pa ang yakap niya rito. "You know me. I always spoil my love ones."

Isiniksik nito ang katawan sa katawan niya. "I know."

Napangisi siya. Alam niyang naiintindihan siya ng kanyang asawa. Anniza always understood his imperfections. Hindi pa rin naman nawawala ang anger management issue niya pero kapag galit siya, iniintindi ni Anniza ang mood niya at palagi nitong pinaparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal.

He really was lucky to have Anniza in his life.

"I love you, Anniza."

Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi. "I love you, Dark. But still, no spoiling our children."

Nangingiting tumango siya. "Pero kailangan nating pumunta ng Japan para sumaya si Black."

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "Hayan ka na naman. Kasasabi ko lang na huwag i-spoiled, e. Hindi ka naman nakikinig, e."

Niyakap niya ito. "Last na 'to, Anniza. Please?"

Umikot ang mga mata ni Anniza. "Fine. Last na 'to. Kapag hindi ka nakinig sakin sa susunod, matitigang ka talaga, Dark."

Napangiti siya. "So ngayong gabi, hindi ako tigang?" Hinalikan niya ito sa leeg. "Hmmm, ang bango naman ng misis ko."

Anniza rolled him over and straddled his waist. He groaned when Anniza rubbed her covered core against his already hard and erect shaft.

Hinubad nito ang lingerie na suot at nang-aakit na tumingin sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa malaman nitong katawan. He was thankful that Anniza didn't change a bit. She was still voluptuous, and he loved it.

Anniza leaned in and stared into his eyes. "I love you, Dark. Please, don't stop loving me."

"My heart only beats for you, Anniza. You're the one that I love, from moon and back," aniya.

Ngumiti si Anniza at inilapat ang labi sa mga labi niya. Damn. He really was the luckiest guy in the world. And it was all thanks to destiny, fate, cupid and God.


THE END

CECELIB | C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top