CHAPTER 9
CHAPTER 9
HINDI ni Anniza itinago sa mga magulang niya ang totoong status ng relasyon nila ni Paul. Kinaumagahan, habang nag-aagahan sila, ikinuweto niya ang nangyari habang wala ang mga ito.
"Ang walang-hiyang 'yon!" Nanggagalaiting sabi ng ama niya. "Huwag lang siyang magpakita sakin at mababaril ko siya!"
"Dad, it's okay," pagpapakalma niya sa ama. "Sinuntok ko na po siya, sinampal, at tinuhod."
"Hindi pa 'yon sapat, anak," anang daddy niya na galit parin. "Hindi sapat ang bugbugin lang siya." Nanggagalaiti talaga ang ama niya.
Humihingi ng tulong na tumingin siya sa ina niya na nagkibit-balikat lang.
"Gusto ko rin siyang patayin sa ginawa niya sayo, Any," sabi ng ina niya. "Huwag lang siyang magpapakita sakin. He shamed our family just because you're plus size? Sino ang magulang na matutuwa kapag nalaman nila 'yon?"
Hinawakan ng kanyang ama ang kamay niya at pinisil. "Anak, Paul is a piece of crap. Akala namin noon ay makakabuti siya sayo pero nagkamali kami. Makakahanap ka pa ng iba. Isang lalaki na tatanggap sayo kung ano ka."
Biglang pumasok sa isip niya si Dark. Tanggap siya nito. At parang may sariling isip ang mga bibig ni Anniza na nagsalita. "Tanggap ako ni Dark."
Natigilan at natahimik ang mga magulang niya saka nagtatanong na tumingin sa kanya.
Gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi niya malagyan ng preno ang bibig! God!
"Sino si Dark?" Nakakunot ang nuong tanong ng ama niya.
Tinaasan siya ng kilay ng ina niya. "Sino naman itong taong ito, ha? Baka isa na namang manloloko na sasaktan ka lang."
Pinagsiklop niya ang kamay na nanlalamig sa kaba. "Siya po ang bagong may-ari ng lupa na kinatatayuan ng restaurant natin. Long story short, Paul tried to buy the land from Mrs. Lopez and Dark saved our restaurant by tripling the price. Kaya siya na ngayon ang bagong may-ari at sa kanya na natin ibibigay ang upa sa bawat buwan."
Tumango-tango ang ama niya. "Gusto kong makilala itong Dark na 'to."
"Me too," anang mommy niya. "Nang mapag-usapan ang pagbabayad ng upa natin."
Napalunok siya. "Busy po siya." Wala namang ginagawa ang lalaking 'yon. "Siya po kasi ang may-ari ng sikat na State Trend Magazine," dagdag na dahilang niya.
Malakas na napaubo ang ama niya at ibinaba nito ang sinisimsim na kape saka namimilog ang matang nagtanong sa kanya ang ama. "Teka lang, si Dark Nikolov Megalos Stavros Montero ba ang tinutukoy mo, anak?"
Tumaas ang kilay niya ng marinig na sinabi ng daddy niya ang napakahabang pangalan ni Dark? E, siya nga 'The Greek' lang ang ginagawa niyang panghalili sa napakahaba nitong pangalan.
Tumango siya. "Opo. Siya nga po."
Parang kinakabahang uminom ng tubig ang ina niya. "Oh my God! Oh my God! Baka patatayuan niya ng building ang lupang 'yon at wala tayong magagawa! Do you know how ruthless he is in terms of business? Oh, God! Wala tayong laban sa kanya."
Si Dark? Ruthless? Hindi naman. Weirdo kamo.
"Hindi naman ho siya ruthless," sabi niya. "Weird kamo."
"Hindi, anak," anang Daddy niya na umiiling-iling. "He is ruthless. Siya lang naman ang dahilan kung bakit nalugi ang San Carlos Shipping Line, ang isa sa mga malaking shipping line rito Asya."
"Baka naman may nagawa sila kaya ganoon?" Depensa niya. Hindi niya gusto na may nagsasalita ng masama kay Dark kahit pa ang mga magulang nila 'yon.
Dark was one of nicest people she knew. Kahit minsan weird ito at may ugaling bigla-bigla nalang nagagalit, para sa kanya mabuting tao pa rin ito.
"Mayroon nga," sagot ng mommy niya.
Napangiti siya. "See? Hindi naman kasi masamang tao si Dark." Kapagkuwan ay na-curious siya kung ano ba ang nangyari. "Teka, ano po ba ang nangyari, mommy?"
"Walang nakakaalam ng tunay na nangyari. May mga sabi-sabi na kasalanan ng San Carlos Shipping Line. Pero may nagsasabing hindi natuwa si Mr. Dark Montero sa serbisyo ng San Carlos kaya pinabagsak niya ito. But whatever happened, it made Mr. Montero a very dangerous businessman that you don't wanna cross."
Dark was dangerous? Parang hindi naman. Parang wala naman sa ugali nitong magpabagsak ng kung sino man na walang dahilan. Pero kahit ano pang sabihin ng mga magulang niya, hindi siya maniniwala doon. She knew that Dark was a good person.
Matapos nilang mag-agahan, sabay-sabay silang umalis ng bahay. May sariling sasakyan ang mga magulang niya at siya naman ay may sarili rin sasakyan. Naunang umalis ang mga magulang niya dahil siya ang nag-lock ng bahay nila.
Habang nagmamaneho siya patungong restaurant, may isang motorsiklo na biglang humarang sa dinaraanan niya. Buti nalang mabilis niyang naapakan ang preno ng sasakyan kaya hindi niya ito nasagasaan.
Balak niyang lampasan nalang ang motorsiklo ng makita niyang Ducati iyon. Ilang tao ba sa Pilipinas ang may ganoong motorsiklo?
The rider took off his helmet. Anniza wasn't shock when she saw Dark. Of course, naka leather jacket na naman ang binata na para bang nag-i-snow sa Pilipinas.
Minaneho niya ang sasakyan niya patungo sa gilid ng kalsada para hindi siya maka-isturbo sa mga sasakyan. Ganoon din ang ginawa ni Dark. Kapagkuwan ay lumabas siya ng kanyang sasakyan at lumapit kay Dark na nakaupo sa motor nito.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Pagalit niyang tanong sa binata. "Bakit ba bigla-bigla ka nalang humaharang sa dinaraanan ko? Paano kong hindi ko naapakan kaagad ang preno at nasagasaan kita? So, what now? Hindi ka ba nag-iisip—"
Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla nalang siya nitong niyakap at bumulong. "I miss you, Anniza."
Sumikdo ang puso niya pero hindi niya pinahalata 'yon. "Puwede ba, Dark, nagkikita palang tayo kagabi," ang sabi nalang niya para hindi ito makahalata na ganoon din ang nararamdaman niya.
"E sa na-miss kita, e." Ginawaran siya nito ng masuyong halik sa mga labi. "May angal ka?"
"Oo." Tinaasan niya ito ng kilay. "Muntik na kitang masagasaan. Mag a-I miss you ka lang naman pala."
"Hindi lang naman 'yon." May kinuha itong maliit na box na nasa ibabaw ng leather seat ng Ducati nito at ibinigay iyon sa kanya. "Here. For you."
Nakakunot ang nuong tinanggap niya ang box na may nakasulat na 'Lord Stow's Bakery'.
"Ano 'to?" Tanong niya kay Dark.
"It's an egg tart," sagot ni Dark na nakangiti.
"Alam kong egg tart to pero bakit mo sakin binibigay 'to?" Nagtatakang tanong niya.
"Because you said it's delicious."
Napatanga siya kay Dark saka napailing-iling habang pumapasok sa isip niya ang sinabi nito ng nagdaang kagabi habang nasa opisina niya sila. He told her about an egg tart from Macau. At sinabi naman niyang gusto niyang matikman 'yon.
Napapailing na tumingin siya kay Dark. "Please, don't tell me na galing pa 'to sa Macau. Alam mo ba kung gaano kalayo ang Macau?"
"Yeah." Tumatangong sagot ni Dark. "One hour and forty-six minutes."
Hindi siya makapaniwalang napatitig sa binata. "Ewan ko sa'yo, Dark. Ewan ko talaga sayo. Don't tell me pumunta ka roon para lang bilhin ito?"
Napakamot ito sa ulo. "Sige, hindi ko sasabihin."
Umawang ang labi niya. She couldn't believe this! Hell. Pumunta talaga ito sa Macau para lang bilhan siya ng egg tart?
"Dark naman, e," naiinis na aniya.
"What?" Dark smiled softly at her. "It's no big deal, ómorfos. It's no big deal."
"It's a big deal, Dark." Pinandilatan niya ito. "It's a freaking big deal. Sino ba ang lalaking pupunta sa Macau para lang bilhan ang isang babae ng egg tart dahil lang sa gusto niyang matikman 'yon?"
"Ako," ani Dark.
Bumuntong-hinga siya at napailing-iling. Ano ba ang mayroon sa utak ng lalaking 'to? Malala na talaga 'to. He really is weird.
"Kailan ka pumunta sa Macau?" Tanong niya habang pinapakalma ang sarili na halo-halong emosyon ang nararamdaman.
"Kagabi. Nang makaalis ako sa bahay niyo."
Tumaas ang kilay niya. "So, ano, four hours kang nasa eroplano? Wala ka bang jetlag? Natulog ka na ba?"
Umiling ito saka nagkibit-balikat. "Sanay naman ako." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa nuo at gilid ng pisngi niya. "Sige na. Bumalik ka na sa kotse mo. Pumunta ka na sa restaurant niyo baka hinahanap ka na nang mga magulang mo. Pinigilan lang naman kita para riyan at syempre para mahalikan ka." May kinuha ito sa pitaka at iniabot sa kanya. It was a calling card. "Call me?"
May pag-aalangang tinanggap niya ang card nito. "Okay."
Nginitian siya nito. "See yah, ómorfos."
"Yeah. See yah."
Naglakad siya pabalik sa kotse niya. Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan ng bigla nalang may pumihit sa kanya paharap at isinandal siya sa kaniyang sasakyan.
It was Dark and he was so closed to her.
"Dark," mahina niyang sambit ng makitang napakalapit ng mga labi nila sa isa't-isa.
"I really miss you, Anniza," pabulong na sabi nito at walang sabi-sabing sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya.
Kaagad na binuka niya ang mga labi para tanggapin ang halik ng binata. Wala siyang pakialam kahit nasa gilid sila ng kalsada, Gusto niyang tugunan ang halik nito. At naghalikan nga sila hanggang sa hindi na sila makahinga.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, nakangiti ng malapad si Dark.
"Go. Umalis ka na," anito saka hinalikan ag tungki ng ilong niya. "Bago pa kita sapilitang iuwi sa bahay ko."
Inirapan niya ito at pumasok sa loob ng sasakyan niya saka pinaharurot iyon palayo patungo sa restaurant nila. Pasulyap-sulyap siya sa egg tart na inilagay niya sa passenger seat.
Paano niya iyon ipapaliwang sa mga magulang niya?
KATATAPOS lang makipag-Skype ni Dark sa sekretarya niya dahil may pinagusapan sila tungkol sa ifi-feature ng State Trend Tourists Magazine ng marinig niyang bumukas ang pinto ng bahay niya. Hindi niya iyon sinasara kasi mahigpit naman ang security sa village na kinatatayuan ng bahay niya.
Pagkalipas ng ilang segundo, pumasok si Shun Kim sa sala.
"Napadalaw ka," aniya. Isinara niya ang laptop saka binigay ang buong atensyon dito. "May report ka na ba sa pinapahanap kong impormasyon?"
Tumango si Shun saka umupo sa pang-isahang sofa. "Oo, mayroon na. Puwede ko namang sabihin sa phone pero kailangan ko munang malaman kung anong paggagamitan mo sa impormasyong kailangan mo." Matiim siya nitong tinitigan na para bang binabasa ang saluobin niya. "Tell me... may balak ka bang sirain ang buhay ni Paul Menzon tulad ng ginawa mo sa San Carlos Shipping Line?"
Malamig siyang ngumiti. "I did that to San Carlos Shipping Line because of my business. Paul is a different story. It's something personal."
"And I'm seeing the monster in your eyes right now," nababahalang sabi ni Shun.
"Si Paul ang dahilan kung bakit ganoon nalang kababa ang tingin ni Anniza sa sarili niya. Kahit sino pa siya, wala siyang karapatan na insultuhin ang kahit na sinong tao. He doesn't have the right to inflect pain to Anniza. He doesn't have the fucking right to make her cry and crush her self-esteem. Kilala mo ako, Shun. Hindi ako mananakit ng tao dahil lang sa gusto at kaya ko. I have my reasons. At kahit hindi mo sakin ibigay ang impormasyon na hinihingi ko, bahala ka. Tuloy pa rin ang plano ko. Sit back and watch as I destroy everything that he holds dear."
Bumuga ng hangin si Shun. "Kilala kita, Dark. At alam ko rin kung anong kaya mong gawin. I've seen it. I've seen the monster you try to hide from everybody. I saw how you destroy San Carlos Shipping Lines from roots to tips kaya alam kong kaya mo rin iyang gawin kay Paul." Malakas itong napabuntong-hinga. "Fine. Here's the info." May inilapag itong folder sa ibabaw ng center table. "Nandiyan lahat ng kailangan mo. Have fun destroying him. Siguraduhin mo lang na maganda ang mapapanuod ko."
Ngumisi siya. "With pleasure."
Umiling-iling si Shun. "Sige. Alis na ako."
"Bye, bud."
Nang makalabas si Shun sa bahay niya, kaagad niyang binasa ang laman ng folder. Napailing-iling nalang siya habang binabasa ang mga impormasyong nalakap ni Shun tungkol kay Paul. Worth it ang binayad niya rito.
Napatigil siya sa pagbabasa ng tumunog ang cell phone niya. It was an unknown number.
Pinulot niya ang cellphone na nasa center table saka sinagot ang tawag. "Dark Montero speaking. Who is this?"
"Ahm, it's me. Anniza." May pag-aalinlangan ang boses ng nasa kabilang linya.
Binitawan niya ang folder at ibinigay ang lahat ng atensiyon sa kausap. "Hey, ómorfos. You called."
"Yeah. Ahm. Kasi..." Tumikhim ito na parang kinakabahan. "G-Gusto kang makausap ni daddy at mommy."
Kinabahan siya bigla. Shit! "Bakit daw?" Nalaman ba ng mga ito ang nangyari kagabi?
"Tungkol sa lupa ni Mrs. Lopez na binili mo."
"Oh..." Akala naman niya kung ano na ang pag-uusapan nila. "Sure. Saan nila akong gustong makausap?"
"Iniimbitahan ka raw nila sa bahay kung okay lang sayo," naiilang na sabi ni Anniza na ikinangiti niya.
"Sige," mabilis niyang pagpayag. "Dinner?"
"Yeah. Dinner."
"Ikaw ang magluluto?"
"Oo."
"Good. Siguradong kasing sarap mo ang luto mo." May panunudyo sa boses niya.
"Baliw." Pagkasabi no'n ay bigla siyang binabaan ng tawag ni Anniza na ikinatawa niya.
Sigurado siyang namumula na ang pisngi nito ngayon. Oh, how he loved to make her blush. Always.
Biglang tumunog ang cell phone niya. Akala niya si Anniza kaya excited niyang kinuha ang cellphone na inilapag niya ulit sa center table. Pero ng makitang ang ina niya 'yon, napabuga siya ng hangin.
Napipilitang sinagot niya ang tawag. "Mitéra. Hello."
"Oh, hello, my son." May bahid na ngiti ang boses nito. "How are you?"
"I'm fine, mom," sagot niya. "Bakit ka napatawag?"
"I called because I want to tell you that I am going to visit you there in the Philippines!" Excited na sabi nito. "Oh my! I'm so looking forward in meeting your woman, Dark. I bet she is beautiful!"
He groaned. "Mom, you are going to scare her off."
"Oh. Silly. I am a Queen of the Royal House of Stavros. Why would I scare her? She is my future daughter in law."
Nasapo niya ang kanyang nuo. "Mom, I have to go. I'm busy."
"Son, I know you are not—"
"I'm busy." Mabilis niyang pinatay ang tawag at pinatay ang cell phone niya.
His mother, sometimes, was a pain in his ass.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka pinagpatuloy ang pagbabasa ng impormasyon tungkol kay Paul. Nang matapos niyang basahin, pinulot niya ang cellphone saka tinawagan ang kaibigan niyang abogado na si Evren.
"Hey. Ba't ka napatawag?" Evren asked.
"You're a lawyer, right?"
"Oo, bakit?"
"May tanong ako."
"What?"
"Would I go to jail if I destroy a whole company and some of its branches?"
"Yes," walang pag-aalinlangan na sagot ni Evren. "But since I'm your lawyer, you'll get away with it."
"Good answer."
Pinatay niya ang tawag at ang kaibigan naman niyang si Khairro Sanford ang tinawagan. Unlike Evren whom he met after college, Khairro was his friend since college. Magkatabi lang kasi ang bahay nila noon kaya madali silang naging magkaibigan. They were partners in crime. And it also helped that Khairro had a Filipino blood. Sila lang kasi ang nagkakaintindihan noon ng salitang Tagalog ng nasa U.S. siya.
"Yes, Montero? May kailangan ka?" Tanong ni Khairro ng sagutin ang tawag.
"Bibilhin ko ang isla mo na kinatatayuan ng Menzon Hotel and Resort. Hindi ba umuupa lang naman sila sayo?"
Ilang minutong nawalan nang imik ang nasa kabilang linya. "Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"Simple. I'm angry at its owner, Paul Menzon."
Khairro tsked, but then chuckled. "Is this about that chef in Zaired Restaurant that you've been pinning for for more than a year now? Ang alam ko kasi, fiancé siya ni Mr. Menzon. I was invited to their wedding."
"Walang magaganap na kasalan. Anniza called the wedding off. Paul cheated on her."
"Oh," anito at alam niyang nakuha kaagad nito ang rason kung bakit gusto niyang bilhin ang isla nito. "Man, you're my best friend and all pero hindi ko pinagbibili ang isla. Pero puwede ko silang palayasin."
"You can do that?"
"Of course!" Khairro exclaimed. "That's my freaking island, dipshit! At saka tapos na naman ang five years contract namin ni Mr. Menzon. Dapat mag ri-renew sila bukas kasi nagkausap na kami. But for you, my friend, I'll cancel our meeting."
Dark grinned, deviously. "Thanks."
"No problem, my friend."
"Thanks again."
Pinatay niya ang tawag at naghanda na para sa dinner na pupuntahan niya mamaya. Meeting Anniza's parents must be successful. Kailangan siyang magustuhan ng mga ito. Gagawin niya ang lahat. Lahat-lahat.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top