CHAPTER 3
CHAPTER 3
MAAGANG pumasok sa restaurant si Anniza. Natuwa siya ng makitang kompleto na ang waitress nila. Hindi na niya kailangang mag waitress ngayong araw.
Habang dumadaan ang mga oras, palabas-labas ng Manager's Office si Anniza. Ang alam ng lahat nag o-obserba siya pero ang totoo ay hinahanap palagi ng mga mata niya si Dark. Pero hanggang sumapit ang hapunan, ni anino ni Dark Montero ay hindi niya nakita.
Why did she even expect that he would come today? Sabi na nga ba niya, pare-pareho lang ang mga lalaki sa mundo. Mga walang isang salita at puro mga sinungaling.
After that disappointing night, her life came back to normal. Araw-araw siyang pumapasok sa restaurant at mina-manage iyon. Nag-umpisa nang magtanong ang mga empleyado ng restaurant kung bakit hindi na bumibisita si Paul at buong puso naman niyang sinabi sa mga ito ang dahilan.
They pitied her. Of course. Tama si Paul. Palaging issue ang pagiging plus size niya. At iniisip ng mga taong nakakaalam na wala na sila ni Paul dahil sa pagiging plus size ng katawan niya ang dahilan. Masakit. Kahit pa ngumingiti siya sa harap ng mga tao na naawa sa kanya pero ang totoo, sa loob niya, nabibiyak ang buo niyang pagkatao.
Kung alam lang niya na ganoon ang kalalabasan ng relasyon nila ni Paul, e di sana hindi nalang siya nakipag-relasyon sa lalaki.
"I'm sorry, hija," sabi ni Dina, ang kapit-bahay nila na isa sa mga imbetado sa kasal. Puno ng awa ang mukha nito. "Sana mas nagpapayat ka pa para hindi ka niya niloko."
Mapait siyang ngumiti. "Hindi ko naman po alam na size na pala ngayon ang batayan sa isang magandang relasyon."
"Hija, hindi man natin tanggapin, iba na talaga ang mga lalaki ngayon. Kita mo naman ang nangyari sayo."
Tinanguan niya ang ginang bilang pag-respito saka tinalikuran niya ang ginang at mabilis na pumasok sa bahay nila.
Hindi niya napigilan ang ilang butil ng luha na nalaglag sa pisngi niya. Mabilis niya iyong pinahid at naiinis na sinabunutan ang sariling buhok. Walang mangyayari kung iiyak siya. Walang magbabago kahit ilang balde pa ang iluha niya.
It had been a week since she found out that Paul was cheating on her. Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang niya na wala na sila ni Paul. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ng mga ito.
Anniza couldn't help but ask herself if she really was the one in fault. Naloloka na siya sa kakaisip kung kasalanan ba niya o hindi. Dahil ba talaga ito sa size niya?
Biglang naputol ang pag-iisip niya ng may kumatok sa pinto ng bahay nila. Inayos muna niya ang sarili bago mabilis niyang binuksan iyon at napangiti ng makita si Czarina at Haze sa labas. May dalang mga prutas si Czarina—no, isang prutas lang pala at iyon ay ang paboritong nitong saging— at si Haze naman ay may dalang champagne. Tuwing linggo, tulad ngayon, bumibisita ang mga ito sa bahay nila at nag-iinoman sila. That was their routine. Linggo lang sila nakakapag-bonding kasi nga busy sila sa kani-kaniyang trabaho.
"Hey, guys!" Natutuwang sabi niya at niyakap ang dalawang matalik na kaibigan.
"Hey, Any," sabay na sabi ng dalawa at pumasok sa loob ng bahay.
Kumuha muna siya ng highball glass sa kusina saka dumeretso na sila sa kuwarto niya at pasalampak na naupo sa carpeted floor. Binuksan ni Czarina ang champagne at sinalinan ang mga highball glass nila na nakalapag lang sa sahig.
"So anong nangyari sayo ngayong linggo?" Tanong ni Haze sa kanilang dalawa ni Czarina.
Si Czarina ang unang sumagot. "Hindi ba kalilipat ko lang?
Tumango sila ni Haze habang sumisimsim ng champagne.
Malapad na ngumiti si Czarina. "I have a very hot neighbor. And I think I'm falling for him.He is so hot, he burns my whole body." Nakatirik ang matang anito.
Bumungisngis si Haze. "Ang tanong, is the feeling mutual?"
Nawala ang dreamy-like na itsura ni Czarina at inirapan nito si Haze. "Kainis ka. Ang bitter mo. At saka, pinakitaan ko na siya nga mga nakakapaglaway kong body parts kaya magiging feeling is mutual din iyon."
Umingos si Haze. "Yeah, right." Inubos nito ang champagne sa baso at nagsalin ulit. "Anyway, my week is very boring."
"Boring?" Gagad ni Czarina na hindi naniniwala. "Haze, you are a freaking stewardess. Halos araw-araw iba't-ibang bansa ang napupuntahan mo. Boring pa 'yon sayo?"
Nagkibit-balikat si Haze. "Kasi naman, e. Nakakaumay na minsan ang trabaho ko. I mean, I had been a flight attendant for seven years now. Halos lahat ng bansa napuntahan ko na. Well, except Spain and Japan. Mukhang may disgusto ang may-ari ng AirJem Airlines sa dalawang bansa na iyon. Imagine, yung isa sa mga pilot ay nag suggest na magkaroon ng AirJem Airlines sa Japan, hayun, kinabukasan wala na siyang trabaho."
Umawang ang labi ni Czarina. "Baka may sapi sa utak ang lalaking 'yon."
Haze shrugged. "Ewan, hindi ko alam."
Anniza was silence the whole conversation. Iniisip niya kung sasabihin ba niya sa mga kaibigan ang kakaibang nangyari sa kanya ngayong linggong ito.
"How about you, Any?" Anang boses ni Haze. "Kumusta na kayo ni Paul?"
Walang pag-aalinlangan siyang sumagot. "Wala na kami."
Halatang nagulat ang dalawa pero bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga ito.
"Yes!" Sigaw ni Czarina.
"Hell, yeah!" Hiyaw naman ni Haze.
"Nakita ko siyang ka-sex ang sekretarya niya," dagdag niya na ikinawala ng kasiyahan sa mukha ng mga ito.
"What?!" Czarina looked shock. "Oh, God. Please tell me that you kick that bastard's ass!"
"Please, sabihin mo samin na pinagsasampal mo ang malanding sekretarya ni Paul," Dagdag naman ni Haze.
Mapakla siyang ngumiti at nag-uunahang namalisbis ang luha niya. Paul could still hurt her. Akala niya wala na siyang pakialam sa binata, pero kapag naalala niya ang panloloko nito, palaging may mga luha na dumadaloy sa pisngi niya.
"'Yong dala kong cake, sinampal ko sa mukha nung babae tapos binigyan ko ng mag-asawang sampal si Paul. Tapos nung gabing 'yon naglasing ako tapos ang gaga-gaga ko—" Napahagulhol siya siya ng iyak."Nakipag sex ako sa lalaking nakikilala ko palang. Hindi na ako virgin!" Umiiyak na nahiga siya sa sahig ng patagilid. "Ang gaga-gaga ko talaga. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yon!" She was now sobbing loudly. "I'm such a stupid woman."
Habang umiiyak siya sa kamiserablehan ng buhay niya walang imik ang dalawa niyang kaibigan na alam niyang mga virgin pa. Nakatitig lang ang dalawa sa kanya na bakas ang hindi makapaniwalang emosyon sa mukha ng mga ito.
"Y-You mean to say, s-sinuko mo na si bataan?" Si Czarina ang unang nakabawi sa pagkabigla.
Humihikbi na tumango siya. "Nuong lunes pa."
"Woah. Take that cheater Paul!" Humugot ito ng isang malalim na buntong hininga. "Who's the guy?"
"Dark Montero," sagot niya na hiyang-hiya sa sarili.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Haze. "Dark Montero, the owner of State Trend Magazine that distributes in the U.S. and Asia? "
Nagsalubong ang kilay ni Czarina. "Never heard of him pero pangalan palang mukhang katakamtakam na. Mahaba ba, Any? Masarap ba? Mag kuwento ka naman."
Umupo siya ulit at pulang-pula ang pisngi niya. "Oo, mahaba at masarap," nakatungong sagot niya kay Czarina. "And no, hindi ko alam kung siya ba ang may-ari ng sikat na State Trend Magazine."
"Well, kung siya man 'yon, ang swerte mo," ani Haze. "Natikman mo ang isang Dark Montero na habulin ng mga babae."
Napasimangot siya sa sinabi nito. "At nasisiguro kong wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng humahabol sa kanya."
Czarina rolled her eyes. "Of course, may laban ka!" Mariing sabi nito. "Maganda ka. Maputi. Matangkad. At higit sa lahat ma—"
"Mataba," aniya.
Pinukol siya ng masamang tingin ni Czarina. "Gaga. E, ano naman ngayon kung plus size ka? Sa 'yon ka na, e. Saka kahit naman hindi ka skinny, maganda pa rin ang hugis ng katawan mo. Makurba pa rin naman." Tinuro nito ang dibdib niya. "You have a 38D breast size." Ang beywang naman nito ang sunod na itinuro. "Thirty-one waistline and then 37 butt size. You're freaking sexy, Any."
Umiling siya. "No. Mataba ako."
Itinirik nito ang mga mata. "Ewan ko sayo. Basta para sa akin, isa kang malaman na sexy na babae. You are not fat. Just voluptuous."
Tumango si Haze bilang pag sang-ayon. "Tama. At maswerte si Dark Montero dahil natikman niya ang isang kagaya mo."
Hindi nalang siya nag komento pa. Alam naman niyang hindi sila magkakapareha ng opinyon. Her friends were trying to build her up kaya ng mga ito sinasabi ang mga 'yon. But she knew the truth. Mataba siya. At sa mundong ginagalawan niya, kapag mataba ka, walang lalaking magmamahal sayo ng totoo.
It was base on experience.
Nagsalin siyang muli ng champagne sa baso niya at mabilis na inubos ang laman niyon. Pagkatapos ay nagsalin siyang muli.
Mukhang napansin ng dalawa niyang kaibigan na balak niyang ubusin ang isang bote ng champagne kaya inaya siya ng mga ito na manuod ng action film. Ang the-A Team ang napili nilang panuorin. Isa 'yon sa mga paborito niyang pelikula pero hindi niya ma-appreciate 'yon ngayon. Malayo ang tinatakbo ng isip niya. Malayong-malayo.
Hanggang matapos ang pelikula, wala siya sa sarili. Hanggang sa umalis ang mga kaibigan niya, nag-dinner siya ng mag-isa, malayo pa rin ang isip niya sa kasalukuyan.
At nang sumapit ang araw ng lunes, hindi siya nag treadmill katulad ng nakasanayan niya tuwing umaga. Hindi siya nag-agahan at pumasok sa restaurant na walang laman ang tiyan niya. And as usual, she waited for Dark Montero to come by but nothing... not even his freaking shadow.
BUMUGA ng hangin si Anniza habang nagsasara ng restaurant. Monday was boring. Tuesday was still boring. Now it was Wednesday, and it still was boring as hell.
Pagkatapos niyang i-locked ang pinto, tamang-tama naman na tumunog ang cell phone niya.
Cousin Tyron calling...
Sinagot niya ang tawag at kaagad na nagsalita si Tyron na ikinagulat niya.
"Hey, cousin. Ano itong nalaman kong balita na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Paul? Sinaktan ka ba niya? Ano na naman 'to? Just an issue o—"
"It's true."
Ilang minutong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. "Gusto mong pag-usapan?"
"Nah. I'm good," pagsisinungaling niya.
She was not good. She was depressed!
"Sigurado ka? You could come by my house tomorrow."
"Marami akong gagawin bukas," aniya. "Maybe next time."
"Oh. Okay," ani Tyron na parang wala nang masabi.
"Yeah. I have to hang up now."
"Sige. Ingat ka, okay? Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Okay?"
"I will," walang buhay niyang sagot.
Nang mawala sa kabilang linya ang pinsan niya, ibinalik niya ang cell phone sa bag at akmang papasok siya sa kotse niya ng may lumitaw na yellow cab pizza sa harapan niya.
Mabilis niyang nilingon ang may-ari ng kamay na may hawak ng pizza at nakita niya ang lalaking naging laman ng isip niya nitong mga nagdaang araw.
"Dark," mahina niyang sambit.
Nagliwanag ang mukha ng binata. "Hi. Pizza?"
Sumama kaagad ang mukha niya. "Nang-iinsulto ka ba? Mataba na nga ako, gusto mo pa akong patabain."
Kumunot ang nuo nito. "You are so weird. Binili ko ang pizza na ito sa isiping magugustuhan mo 'to. Pero iba pala ang tingin mo." Napailing-iling ito. "Sayang lang pala ang effort ko."
Iningusan niya ang lalaki. "Heh!"
Sumakay siya sa kotse niya at binuhay ang makina ng sasakyan. Isang lihim na ngiti ang pilit niyang nilalabanan.
No. I'm not happy! I am so not happy that I saw him!
Pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa bahay niya. Masyado siyang focus sa pagmamaneho kaya hindi napansin ni Anniza ang nakasunod ditong motorsiklo na Ducati.
Nang makarating siya sa bahay nila, mabilis siyang pumasok sa loob.
Ilang segundo lang ang lumipas mula ng makapasok siya sa bahay ng marinig niyang nag-ingay ang doorbell nila.
Kaagad namang binuksan ni Anniza ang pinto ng bahay at natigilan ng makita ang nakangiting mukha ni Dark.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Itinaas nito ang kamay ng may hawak ng yellow cab pizza. "Pizza?"
Kinunotan niya ito ng nuo. "Really?"
Dark smiled then winked at her, making her heart flip. "Yeah. So, pizza?"
Hindi niya alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa kanya ng niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang lalaki. Saka lang siya nagsisi sa ginawa ng makitang komprotable nang nakaupo si Dark sa mahabang sofa sa sala nila at binubuksan ang karton ng pizza.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top