CHAPTER 24
CHAPTER 24
PANAY ng reklamo ni Ymar at Khairro habang naghahanda si Dark bago ang kasal. Naroon din naman ang iba niyang mga kaibigan pero ang dalawa talaga ang panay ang reklamo. Maliban nalang kay Calyx na hindi makaka-attend sa kasal niya kasi nasa honeymoon pa ito.
"Man, kailangan ba itong gawin?" Naiinis na tanong ni Ymar.
Dark rolled his eyes. "Isang tanong pa, Ymar, sisipain na talaga kita," naiinis na sagot niya rito. "Kailangan mong i-butones ang suot kong tuxedo para may maitulong ka sakin. That's why you are one my groomsmen. So, do it."
Hindi maipinta ang mukha nito habang binubutones ang polo niya.
Nang matapos, pinukol siya nito ng masamang tingin. "Baka naman pati pantalon mo isuot ko pa sayo?"
Humagalpak ng tawa si Iuhence. "Si Khairro daw ang gagawa noon. Ang best man kasi tapos na kanina."
Tumawa si Evren. "Yeah. I shaved that fucking retard groom."
"Hey!" Reklamo niya. "It's my family's wedding tradition! It's to show that we trust each other."
Evren flipped him off with his middle finger.
Masama namang tiningnan ni Khairro si Iuhence. "Shut up, Vergara, before I sue you in the higher court with Evren as my lawyer."
Tinawanan lang ni Iuhence ang pananakot ni Khairro at kinuha ang pantalon niya at ibinigay iyon kay Khairro. "Sige na, isuot mo na kay Dark."
Hindi maipinta ang mukha ni Khairro habang naglalakad palapit sa kanya hawak ang pantalon niya.
"Tell me, Montero, bakit ko ba kailangan itong gawin?"
Mahina siyang tumawa. It's tradition."
Ang sama ng tingin sa kanya ni Khairro. "Fuck you, Montero." Pero kahit ayaw nito, isinuot pa rin sa kanya ang pantalon. "Fuck you ka talaga, Montero."
Tinawanan lang niya ang kaibigan habang tinutulungan siya ni Tyron na isuot ang jacket ng tuxedo niya. At inayos naman ni Train ang bow tie niya. Shun was combing his messy hair and Ymar and Evren were pouting in the corner.
It' was part of his family's wedding tradition. And he was not kidding.
LOVE really changed people. Napatunayan na 'yon ngayon ni Anniaza. Their ways of thinking and how they see the world around them. Nuong una, napakababa ng self-esteem niya. Wala siyang confidence sa sarili. Palagi niyang hinihila pababa ang sarili na para bang normal na gawain 'yon ng isang babae.
She was in pain. She was cheated on. And she was hurt.
Then a prince in a shining armor came into her life, saving her wounded heart.
Anniza fell in love with the prince and now, as she stood in front of the church's door, she felt extremely happy and complete.
Kanina, habang naghahanda siya para sa kanyang kasal, ipinasulat ni mama Nikola ang mga pangalan ng kaibigan niyang wala pang asawa. She only had two friends. Kung sino raw ang unang matatanggal ang pangalan sa sapatos niya, yun daw ang susunod na ikakasal. Pasimpling umingos si Czarina, si Haze naman ay tumawa lang.
At habang naghahanda siya, napag-usapan nilang magkakaibigan si Paul. Salamat sa diyos at hindi na siya nito ginulo pa. Nalaman din niya na nag-uumpisa itong muli kasama ang sekretarya nitong nabuntis nito. At nagpapasalamat din siya ng malaman mula kay Dark na tinigilan na nito si Paul. Kahit naman malaki ang kasalanan sa kanya ni Paul, nagpapasalamat pa rin siya rito dahil kung hindi siya nito niloko, hindi niya makikilala ang isang tulad ni Dark. A very handsome and loving prince.
Now, she was about to get married with the man she never dreamed of. Pero kahit hindi niya pinangarap ang isang Dark Montero, sobra-sobra pa ito sa pinagdasal niya sa panginoon. Siya na ngayon ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.
Naramdaman ni Anniza na humigpit ang hawak ng ama niya sa kanyang kamay.
His father was teary-eyed when they told him she and Dark were getting married. Ang mama niya ay umiyak talaga at nagpasalamat ang mga ito kay Dark na minahal siya nito ng buong-buo.
"Dad, ayos lang ako," aniya.
Humugot ito ng malalim ma hininga. "Alam ko 'yon, anak. Pero bilang isang ama na ihahatid ang nag-iisa niyang anak na babae sa altar, sa tingin ko may karapatan akong kabahan."
Nginitian niya ito. "I understand."
"At 'yong mas nakakakaba, mga hari at reyna ang imbitado sa kasal mo," ani ng kaniyang ama sa naninerbiyos na boses. "Bakit naman kasi dito pa sa Greece ginanap ang kasal niyo?"
Pinisil niya ang kamay ng ama. "Dad, pumayag ka diba? At saka, ikakasal din naman ako ulit sa Pilipinas, e."
Napangiti nalang ang ama niya. "Oo nga pala. Ang yaman naman kasi ng mapapangasawa mo, Any. Prinsipe pa talaga."
Pinaikot niya ang mga mata. Hindi pa rin nakaka-get over ang ama niya sa kaalamang isang prinsipe si Dark.
Humugot siya ng isang malalim na hininga kasabay niyon ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan. Then she saw Dark standing beside the Altar with his best man, Evren Yilmaz. Hawak ni Dark ang bouquet niya habang hinihintay siya sa altar. Isa iyong tradisyon ng kinakasal sa Greece.
Habang hinahatid siya ng ama niya sa altar, hindi naghiwalay ang mga mata nila ni Dark. May masayang ngiti ito sa mga labi habang nagkakatitigan silang dalawa. She could see love and devotion in his eyes, it made her heart swell in so much happiness.
Nang makarating siya sa altar, ibinigay ng ama niya ang kaniyang kamay kay Dark.
"Ingatan mo ang anak ko, Dark. Mahalin mo siya ng buong-buo dahil mahal na mahal ka rin niya."
Tumango at ngumiti si Dark. Kapalit noon ay ibinigay sa kanya ni Dark ang bouquet niya at iginiya siya paharap sa Altar.
"Ang ganda mo, agápi mou," pabulong na sabi ni Dark habang hawak ang kamay niya.
Ngumiti siya. "You're not so bad yourself."
Then the priest started the ceremony. Wedding crowns were put on their heads with a strand of ribbon as the sign that they would rule over their household together. Then there was the candle and cup. And then said their vows to each other.
Inilagay ni Dark ang singsing sa daliri niya at puno ng pagmamahal na tumitig sa mga mata niya. "Take this ring as the sign of my love, loyalty and fidelity. I have so many vows in my head and I'm afraid that I might break them, so I'm not gonna tell you. Pero kung may ipapangako man ako sayo na alam kong hinding-hindi ko masisira, iyon ay ang mamahalin kita ng buong-buo hanggang sa magdesisyon ang panginoon na kunin ako."
Buong pagmamahal niyang nginitian si Dark saka isinuot sa daliri nito ang singsing. "Take this ring as the sign of my love, loyalty and fidelity. I vow to love you with all of my heart and soul. And I vow to be by your side as long as God lets me."
Pinisil ni Dark ang kamay niya. "Thank you, Anniza. I love you."
"I love you, too."
"I love you more."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I love you so much."
Mahinang natawa si Dark. "I love you from the moon and back."
"Oo na. Ikaw na." Tumawa siya. "Ikaw na talaga."
Ngumiti lang si Dark at humarap silang muli sa pari.
Mahaba ang seremonya ng kanilang kasal. Pero para sa kanya, wala naman 'yon halaga. Ang importante, kasama niya si Dark at nagmamahalan sila. At masaya siya na ikinasal siya kay Dark. She caould now officially called him hers and hers alone.
Nang i-announce ng pari na puwede na siyang halikan, mabilis pa sa alas-kuwatro ang mga kilos ni Dark. He lifted her veil and kissed her senseless!
Naghiyawan ang nga tao sa loob ng simbahan habang mas lumalalim ang paghahalikan nila ni Dark. Wala silang pakialam na nasa harapan sila ng maraming tao. They kissed like there was no tomorrow.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ni Dark, lumapit sa kanya si mama Nikola na namamasa ang mga mata at naiiyak.
"Welcome to Stavros Family, Anniza." Niyakap siya nito ng mahigpit.
Ang sunod na yumakap sa kanya ay ang ama ni Dark. Nakilala niya ang ama ng binata ng puntahan nila ito sa Texas at ipinakilala siya ng binata. Napag-alaman din niyang hindi in good terms ang mga magulang ni Dark at marami itong hindi pagkakaunawaan pero natutuwa siya dahil dumalo pa rin ito sa kasal nila ni Dark.
"Welcome to Montero's Family, hija," anito na nakangiti.
"Thanks, daddy," tugon niya.
Dark's father grinned. "Hmm... daddy. I like the sound of that. Pero kailan kaya may tatawag sa aking lolo?"
Anniza chuckled as she and Dark shared a knowing look.
Two weeks ago, nalaman niyang buntis siya. Salamat sa Ob-gynecologist niyang kaibigang si Czarina. Sinabi niya iyon kay Dark at sa sobrang saya nito, inaya siya nitong magpakasal sila kaagad. They were just preparing their wedding that time in the Philippines. Kaya naman sapilitan siyang nagpakasal dito sa Greece kasi ayaw ni Dark na malaki na ang tiyan niya habang naglalakad patungo sa altar.
Gusto nito na kapag ikinasal sila ulit sa pilipinas ay kasal na sila sa Greece para wala raw masabi ang mga taong tsismosa.
Niyakap siya ni Dark mula sa likuran at hinimas ang tiyan niya na hindi pa masyadong halata.
"Mom, dad," ani Dark. "Anniza is six weeks pregnant," balita ng asawa niya sa mga magulang nito.
Umawang ang mga labi ni mama Nikola at bigla nalang itong nagtititili. At dahil sa pagtitili ni mama Nikola, nalaman ng lahat na buntis siya.
Napakagat labi si Dark ng pukulin ito ng masamang tingin ng kapatid niyang lalaki na pumunta ng Greece mula sa Barcelona para umatend sa kasal niya.
"So, kailan mo balak ipaalam samin na ginagapang mo na pala ang kapatid ko noon pa?" Tanong ng kapatid niya kay Dark.
Napakamot ng ulo si Dark. "Sorry, man. Excited, e."
Pinandilatan nito si Dark. "Pasalamat ka at boto ako sayo."
"Andy!" Natatawang saway niya sa ama. "Stop it."
Umiling-iling ang kapatid niya. "Oo na. Gusto ko quadruplets para isang anakan lang. Ayokong mahirapan ang kapatid ko."
Tumawa ng malakas si Dark at niyakap siya ng mahigpit. "Okay na sakin ang kambal, Anniza."
Humarap siya sa binata at tinampal ito sa balikat. "Heh. Gagawin mo pa akong biik, e."
Mahinang natawa si Dark saka bumaba ang tingin sa mga labi niya. "One violent move?"
Itinirik niya ang mga mata. "One kiss."
Naglapat ang mga labi nila ni Dark at kung gugustuhin lang nilang dalawa, dederetso na sila sa honeymoon. Pero sila ang bride at groom, kaya dapat present sila sa kanilang reception. Kahit na ang gusto nilang gawin ay tumakas at mag-honeymoon na.
Magkahawak-kamay sila ni Dark habang naglalakad palabas ng simbahan. They had a contented smile on their faces.
They felt so very happy.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top