CHAPTER 22
CHAPTER 22
WALA SA SARILING nakatitig lang si Anniza sa kisame ng kuwarto niya habang nakahiga siya sa kama. Sa ganitong oras, nasa tabi na niya si Dark at magkayakap silang natutulog, pero sa pagkakataong ito masyadong maraming nangyari ngayon araw, marami rin ang nalaman niya na mas lalong nagpagulo sa isip niya.
Matagal na niyang alam na iba talaga magalit si Dark, pero iba ang nasaksihan niya ngayong araw. It wasn't just anger, it was something else, and it scared her. Natatakot siya na baka dumating ang panahon na magalit sa kanya si Dark at gawin nito ang ginawa nito kay Paul sa kanya.
She was scared. Pero habang tumatagal na mag-isa siya sa kama niya, mas lalong nasusumidhi ang kagustuhan niyang sana ay nasa tabi niya si Dark ngayon at kayakap. Sana puntahan siya nito ngayon. Napakaraming sana ang nasa isip niya na alam niyang hindi mangyayari dahil sa takot na naramdaman niya kanina.
Mabilis niyang tinuyo ang luha na namalisbis sa gilid ng mata niya ng bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Pumasok doon ang ina niya.
"Any, halika na, kumain na tayo," aya nito sa kanya habang nasa pinto.
Umiling siya na hindi tumitingin dito. "Hindi ako gutom, dad."
Naglakad palapit sa kaniya ang ama niya saka umupo ito sa gilid ng kama at pinakatitigan siya. "May nangyari ba? Gusto mo bang pag-usapan?"
Parang gumaan ang loob niya sa tanong na iyon ng ama niya. She had always been a daddy's girl, siguro dahil pareho silang palaging nasa kusina kaya palagi silang nagkakausap at alam niyang kilalang-kilala siya ng ama niya pero ayaw niyang malaman nito ang nangyari kanina. Ayaw niyang pati ito ay sumama ang tingin kay Dark.
He was maybe scary at time, but he was a good guy. He had been good to her.
"Any, ayos ka lang ba?"
Umiling siya kasabay ng pamamalisbis ng luha sa gilid ng mga mata niya.
Bumuntong-hinga ang ama niya ng makita ang luha niya. Mabilis nitong tinuyo kaagad iyon at masuyo siyang tinanong. "Any, kausapin mo ako, magsabi ka ng totoo, may nangyari ba?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi hanag patuloy ang patulo ng luha niya. "I miss him, dad."
Kumunot ang nuo ng ama niya. "Sino? Si Paul?"
Mabilis siyang umiling saka tinuyo ang mga luha niya. "Si Dark."
"Ha? Bakit? Diba magkasama palang kayo kanina?" Nagtatakang tanong ng ama niya.
Mahina siyang napahikbi. "Sinabihan ko siyang huwag na munang pumunta rito sa bahay."
"Bakit naman?" May kalakasan ang boses ng ama niya at halatang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya kay Dark. "Bakit mo ginawa 'yon, ha? At huwag mong sabihin sakin na dahil hindi mo mahal ang binatang 'yon dahil nakikita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo siya, Any, mas higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo noon kay Paul. Kaya bakit sinabi mo 'yon sa kaniya? Hindi ka na naawa sa kanya, alam mo bang mahal na mahal ka non?"
Malaki ang mga matang napatingin siya sa ama niya. "Sinabi niya 'yon sa inyo?"
Umiling ito. "Hindi pero hindi na niya kailangan pang sabihin sakin. I can see it in his eyes, Any. I can see it in his eyes especially when he looks at you and thinks that no one is looking." Mahina itong natawa. "Anak, lalaki din ako kaya alam kong totoo ang pagmamahal na nakita ko sa mga mata ng batang 'yon, hindi katulad kay Paul na napilitan lang akong tanggapin kasi akala ko siya ang magpapasaya sayo."
Pinahid niya ang luha sa pisngi. "Pero paano kung hindi sapat ang pagmamahal para malampasan ang takot na nararamdaman ng isang tao?"
"Bata ka pa nga, anak." Nangingiting umiling ang ama niya saka hinaplos ang buhok niya, "Any, love is the strongest weapon in the whole world. Iba ang nagagawa ng tunay na pag-ibig sa isang tao. Nagiging mapag-angkin, nagiging seloso, nagiging makasarili at nagiging bayolente ang isang taong nagmamahal. Pero hindi lang 'yon ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Love can make you stronger, it can make you brave, and it can make you the happiest person alive."
"Natatakot akong masaktan, daddy," pag-amin niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya saka masuyo siyang nginitian. "Ano ang mas nakakatakot, ang isiping baka saktan ka niya o ang isiping mawawala siya sayo dahil sa takot mo?"
Nanikip ang dibdib niya. "Natatakot akong mawala siya. Masyado na siyang mahalaga sa buhay ko, daddy. Nasanay na ako na parte siya ng araw-araw kong buhay at kapag tuluyan siyang nawala sakin, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot akong mawala siya, daddy. Hindi ko kakayanin."
"Then, don't let him get away." Nakangiting payo ng ama niya. "Bukas kausapin mo siya."
Napahikbi siya. "Baka hindi siya pumunta sa restaurant."
"Kung ganoon, maaga tayong magsasara bukas sa restaurant para mapuntahan mo siya at makausap."
Sumisinghot na tumango siya saka bumangon at niyakap ang ama niya. "Salamat, daddy. Maraming salamat at pina-realize mo sakin ang kagagahan ko dahil lang sa takot na nararamdaman ko. Natatakot lang talaga ako sa isiping baka saktan lang niya ako, baka mas dobleng sakit ang iparanas niya sakin kesa sa naramdaman ko noon kay Paul, pero tama ka, daddy, mas triple ang sakit na mararamdaman ko kung mawawala siya. Mas 'yon ang sobrang kinakatakot ko."
Hinagod ng ama niya ang kaniyang likod habang umiiyak siya. "Tahan na, anak. Tahan na."
Pilit niyang pinatahan ang sarili saka pinakawalan sa pagkakayakap ang ama niya at nginitian ito. "Kain na po tayo?"
Mahinang tumawa ang ama niya saka ginulo ang buhok niya. "Huwag na, dito ka nalang. Dadalhan nalang kita ng pagkain dito. Magpahinga ka na."
Tumango siya saka bumalik sa pagkakahiga sa kama ng lumabas ang ama niya sa kuwarto. At habang nakatitig sa kisame, bumalik sa isip niya ang mga ala-ala nila ni Dark sa kuwartong 'yon. Ang pag-akyat nito sa bintana niya, ang mainit nilang pagtatalik, 'yong sa nutella, ang mga pag-uusap nila. At lahat ng ala-ala na 'yon ay napakasaya para sa kanya at napuno noon ng pagmamahal ang puso niya.
Yes. She loved Dark. So much. At hindi niya hahayaang ang takot ang magdikta sa mga desisyon niya. Hindi niya hahayaang ang takot ang maging dahilan para tuluyang mawala sa kanya ang binata.
Bukas... aayusin niya ang lahat ng 'to. Sasabihin niya kay Dark na pareho din sila ng nararamdaman.
NAKASALAMPAK ng upo si Dark sa sahig ng sala niya habang umiinom ng whiskey sa mismong bote ng pumasok si Shun sa bahay niya. Gulat siyang napatingin sa lalaki at kinunotan naman siya ng nuo nito ng makita ang ayos niya.
"What the hell, Montero?" Tanong ni Shun na magkasalubong ang kilay.
Itinaas niya ang bote ng alak na hawak saka isinandal ang likod sa sofa. "Anong kailangan mo?"
"Anong nangyari sayo?" Sa halip ay tanong nito. "You look like shit, man."
"I feel like shit, too." Bumuga siya ng marahas na hangin saka bumaling kay Shun. "Alam na niya ang ginawa ko kay Paul. At natatakot siya sakin." Mahina siyang natawa, walang emosyong nakapaloob doon. "Dapat lang naman siyang matakot. I'm a monster when I'm mad."
"Want to talk about it?"
Umiling siya. "I'm fine." Kaya pa naman niya ang sakit. "I'm okay."
Shun tsked. "Pull yourself together you lunatic. Ikakasal na si Calyx two days from now."
"Oh, tapos?" May sarkasmo sa boses niya. "Maliban sa mukhang magiging myembro na siya ng club ni Tyron, anong gusto mong gawin mo, magpa-party?"
Napailing-iling si Shun. "Pinapasabi ni Calyx na imbetado ka sa stag party niya."
Tumaas ang isa niyang kilay saka uminom ng alak. "Stag party? Pumayag si Calyx?"
Nagkibit-balikat si Shun. "Malay ko sa lalaking 'yon. Basta ako, pupunta ako. Iinisin ko pa si Valerian, e."
Kahit papaano nabawasan ang bigat sa dibdib niya sa sinabing iyon ni Shun. "Ang kaibigan nating iyon talaga, may history problem. Hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move sa history."
"We all know the reason why," ani Shun. "Pero iinisin parin naman siya ni Knight."
Tumawa siya ng mahina. "Kaya palaging naiirita sa inyo si Valerian, e."
Mahinang tumawa si Shun. "Bahala siya mairita. Baliw naman kasi siya, e."
He chuckled. "Medyo may saltik nga si Valerian."
"Nagsalita ang matino." Tumayo si Shun at naglakad palabas ng bahay niya. "Sige, aalis na ako. See yah later. And please, take a bath. You stink."
Mahina siyang natawa pero nang makaalis si Shun, unti-unti ring nawala ang tawa sa mga labi niya at bumalik siya sa ka-miserablehan tulad kanina. Inubos niya ang laman ng alak ng bote ng hawak saka inis iyong itinapon sa sahig ng maubos na ang laman.
Kapagkuwan ay sinabunutan niya sa sariling buhok sa sobrang frustrasyong nararamdaman dahil sa mga nangyari kahapon. Kait ilang bote pa ng alak ag inumin niya, hindi pa rin babalik ang pagtingin sa kanya ni Anniza. Hindi na babalik ang pagtingin sa kanya ni Anniza na puno ng pagtitiwala.
Now, she looks at him with fear in her beautiful eyes. And that scared him. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa buhay niya kapag tuluyang nawala sa kanya ang dalaga.
He would be lost. That was for sure.
HALOS BUONG araw na abala si Anniza sa pagta-trabaho sa restaurant. Paminsan-minsan ay pumapasok sa isip niya si Dark at ang plano niyang kausapin ito mamayang gabi. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya, hindi tulad kagabi na parang may nakadagang mabigat na bagay sa dibdib niya.
Hanggang sa sumapit ang gabi, abala pa rin siya. Binibilisan niya ang pagluluto dahil iyon ang huling lulutuin niya at hahayaan na siya ng ama niya na umalis at puntahan si Dark.
At nang matapos siya, lumabas siya ng kusina at ganoon nalang ang gulat niya ng makita si Paul at nilapitan siya nito.
"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya sa binata.
Nginitian siya nito. Bakas parin sa mukha nito ang mga pasa. "Can we talk?"
Kumunot ang nuo niya. "Para ano pa?"
Hinawakan ni Paul ang kamay niya. "Gusto kong magpaliwanag."
"Bilisan mo." Inagaw niya ang kamay at naglakad patungo sa bakanteng mesa. Gusto na niyang tapusin ang lahat kay Paul para maayos na 'to at masabi na niya ang nararamdaman kay Dark.
Nang umupo siya, kaagad na nagsalita si Paul.
"Anniza, let's get back together," panimula nito.
Bumuntang-hinga siya. "Paul, ayoko. Hindi ako makikipagbalikan sa'yo."
Hinawakan na naman ni Paul ang kamay niya. "Alam kong nagkasala ako sayo. Alam kong mali ang nagawa ko. Pero, Anniza, mahal talaga kita. Oo, nahihiya ako noon na isama ka sa mga event kasi mataba ka at pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko pero nagbago na ako. Nang magkahiwalay tayo, saka ko lang na realize na mahalaga ka talaga sakin. Nang wala ka na, saka kita palaging naiisip. Saka kita hinanap-hanap. Please, Anniza, patawarin mo na ako. I want you back, Anniza. Please. Please... come back to me."
Pinakatitigan niya si Paul. Ito ang lalaking minahal niya ng dalawang taon. Ito ang lalaking nanakit sa kanya at naging dahilan kung bakit nahirapan siyang pagkatiwalaan si Dark. Ito ang lalaking nagpaiyak sa kanya at yumurak sa ego niya bilang isang babae.
Mapait siyang ngumiti. "Paul, sinaktan mo ako. Hinding-hindi na maibabalik ang pagmamahal ko sayo. Ayoko na. Mahal ko si Dark at hindi mo siya mapapalitan sa puso ko."
"No!" Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Akin ka, Any! Akin ka! Akin! Hindi ako makakapayag na piliin mo ang Dark na 'yon! Pagkatapos ng ginawa niya sakin, hindi ko siya hahayaang sumaya! Hindi ako makakapayag! Dapat pagbayaran niya ang ginawa niya sakin! Siya ang dahilan kung bakit bumagsak ang negosyo ko! Akin ka, Any. Akin ka! Mahal na mahal kita, Any..."
Inagaw niya ang kamay niya na hawak nito at umalis siya sa kinauupuan. Pero hindi siya hinayaan ni Paul na makaalis. Hinarang nito ang dinaraanan niya saka sinapo ang mukha pagkatapos ay hinalikan siya sa mga labi.
Nanigas siya sa kinatatayuan at para siyang binuhusan ng tubig ng makita sa gilid ng mga mata niya na pumasok si Dark sa loob restaurant. Bago pa siya makapag-react, pinakawalan ni Paul ang mga labi niya at lumuhod ito sa harapan niya.
Paul slid a ring on her finger. "Anniza, please, marry me."
Nawala ang atensiyon niya kay Paul, nakatingin siya kay Dark na may sarkastikong ngiti sa mga labi kapagkuwan ay umiling-iling ito at nagmamadaling lumabas ng restaurant.
Mabilis niyang tinanggal ang singsing at ibinalik iyon kay Paul. "Ayoko. Hindi kita mahal, so please, get lost!"
Pagkasabi niyon ay mabilis niyang sinundan si Dark sa labas ng restauran, pero hindi na niya ito inabutan dahil nakaalis na ito sakay ng motor nito. Kaagad siyang sumakay sa kotse niya saka nagmamadaling nagmaneho at sinundan ang binata sa Bachelor's Village.
Nang makarating siya sa gate ng Bachelor's Village, pinahinto ng security guard ang taxi na sinasakyan niya.
Lumabas siya sa Taxi at kinausap ang security guard.
"Manong, please, kailangan ko lang makausap si Dark." Nagmamakaawang sabi niya. "Please... please, I need to talk to him."
Umiling ang security guard. "Pasensiya na, ma'am. Hindi ka puwedeng pumasok."
"No!" Marahas siyang umiling. "I need to talk to him!" Desperado siyang makausap ang binata at magpaliwanag na mali ang nakita nito. Malakas niyang itinulak si manong guard at tumakbo papasok sa Village.
Mas binilisan pa niya ang pagtakbo ng makitang hinabol siya ng guard. Pero hindi niya hahayaang maabutan siya nito, mabilis niyang tinahak ang daan patungo sa bahay ni Dark. At nang makarating siya doon, pumasok siya sa hindi nakasarang gate at malakas na kumatok sa pinto ng bahay nito.
"Dark! It's me, Anniza! Please open the door!" Nagmamakaawa niyang sigaw habang binabayo ang pinto ng bahay ni Dark.
Walang sagot mula sa loob, pero alam niyang naroon ang binata dahil nakaparada ang Ducati nito sa labas ng bahay.
"Dark! Please! Let me explain!" Sigaw niya. "Dark!"
Then Dark's baritone voice spoke from inside the house. "Go away, Anniza. Ayaw kitang makausap."
Parang pinitas ang puso niya sa sobrang sakit dahil sa sinabi ito. Alam niyang mahal siya ni Dark. And Anniza knew that it was his anger talking but it made her heart clenched in pain.
"Please," nag-uunahang namalisbis ang luha niya. "Kausapin mo naman ako."
"Ayoko. Umalis ka na," galit na ani ni Dark mula sa likuran ng pinto. "Ayaw kitang makausap o makita. Just leave, Anniza. And don't bother me anymore!"
Napaigtad siya sa malakas nitong boses at nararamdaman niya ang katutuhanan sa sinabi nito. Ayaw na siya nitong makita o makausap. Her tears were heavily falling from her eyes as she stepped back from the door. Parang kinakatay ang puso niya habang naglalakad palayo sa bahay ni Dark.
Sapo-sapo ang pusong umiiyak na naglakad siya palayo. Mas masakit pa ito kesa ng makita niya si Paul na may katalik na iba. She only needed a chance to explain, but Dark didn't let her. Nasasaktan siya pero kailangan niyang tanggapin ang sakit na nararamdaman. Galit si Dark at normal na sa ugali nito na magsalita ng masasakit kapag galit. Hihintayin niyang kumalma ang binata saka niya ito susuyuin. Hindi niya ito hahayaang mawala sa kaniya dahil sa kagagahan niya at maling akala nito.
Sa ngayon, kailangan niyang tanggapin ang sakit. She deserved it. Kung sinabi niya ng maaga na mahal niya ito, at hindi siya natakot dito, e di sana okay sila ngayon. Sana masaya sila ngayong magkasama.
Talagang nasa huli palagi ang pagsisisi.
But regretting about what happened would not do her any good. Kailangan niyang tanggapin ang bunga ng takot niya, ang bunga ng pagdadalawang-isip niya. At 'yon ang pinakamasakit, kasalanan kasi niya talaga ang lahat ng ito. Pero masisisi ba niya ang kanyang puso na natatakot lang na masaktang ulit?
MALAKAS NA IBINATO ni Dark sa pader ang susi ng motor na hawak niya. Lahat ng nahahawakan niya, tinatapon niya sa pader hanggang sa mabasag iyon at masira. It was his way of letting go of his anger towards Paul. Hindi siya galit kay Anniza, kay Paul siya galit. Kasi kahit anong gawin niya, kahit anong effort niya, wala siyang laban sa lalaki. Ito pa rin ang mahal ni Anniza.
Pumunta siya sa Zaired Restaurant para gawin ang dare ng mga baliw niyang kaibigan at para na rin may dahilan siyang makita ulit si Anniza pagkatapos ng mga nangyari kahapon. He was with his friends because of Calyx's stag party. And they played a dare game. At ang dare sa kanya ay ang halikan si Anniza. Napakadali lang noon, pero nang makita niyang hinalikan ni Paul si Anniza, para siyang tinakasan ng lakas. And when he asked her to marry him, umatras siya. Natakot siya na marinig ang sagot nito kay Paul. Nakakaduwag na marinig mula sa bibig ng babaeng mahal niya na may iba itong mahal. Nakakaduwag tanggapin na ang babaeng mahal niya ay ikakasal sa ibang lalaki. It pained him to think that Anniza would choose Paul over him. Sino ba siya? Isa lang naman siyang simpling stalker na nagpasalamat ng maghiwalay ang dalawa.
In the mood he was in now, kaya niyang ipapatay si Paul. Pero si Anniza ang inaalala niya. Kung mahal nito ang lalaking 'yon, hindi niya ito puwedeng saktan. Hindi niya kayang saktan si Anniza. Hindi niya kaya.
Sisigawan sana niya ang kumatok sa pinto ng marinig niya ang boses ng mga kaibigan niya.
"You're in there, Dark?" Anang boses ni Tyron.
Huminga siya ng malalim, pinakalma niya ang sarili saka binuksan niya ang pinto. Kanina, hindi niya pinagbuksan si Anniza. Ayaw niyang may masabi siyang masasama rito kaya hindi niya ito hinarap.
"Anong kailangan niyo?" Walang buhay niyang tanong sa mga kaibigan na nasa labas ng bahay niya.
Ngumiti si Iuhence. "We saw it. Need a drinking buddy? Available kami."
Itinaas ni Calyx ang kamay. "Can I pass? Kasal ko na sa makalawa. And anyway, stag party ko 'to e tapos kay Dark ang focus? Kayo na talaga. Mga walang respeto!"
Umikot ang mga mata niya. "Ayokong uminom, ayokong makipag-usap at ayokong makakita ng tao. Kaya magsilayas na kayo."
Sa halip na sundin, hindi sineryuso ng may mga saltik niyang kaibigan ang sinabi niya.
They all grinned.
"Huwag kang maarte. Hindi ka babae." Itinulak siya ni Tyron papasok sa bahay at pumasok ito na para bang inimbitahan niya itong pumasok sa loob.
At sunod-sunod nang pumasok sa bahay niya ang iba pa niyang mga kaibigan. Wala siyang nagawa kundi ang isara ang pinto at sundan sa kusina ang mga kaibigan niya.
Nang makapasok siya sa komedor, abala na ang mga kaibigan niya sa pagbukas ng kanya-kanyang bote ng beer.
"So." Humarap sa kanya si Tyron. "You love my cousin, Anniza?"
Malalaki ang matang napatitig siya kay Tyron. "Pinsan mo siya?"
"Yes. So, answer me."
Tumango siya at pabagsak na umupo sa isang stool, katabi ng island counter. "Yeah. I do. Medyo matagal ko na siyang mahal."
Nagsalubong ang kilay ni Tyron. "Anong matagal na? So, what? Matagal mo na siyang kilala?"
Umiling siya. "I don't want to talk about it."
Bumuga ng hangin si Tyron. "Spill it, Dark."
"Ayoko."
Tumayo siya at naglakad palabas ng kusina. He went to his room and locked it. He was mad and he had to calm down. Ayaw niyang may madamay sa galit niya.
Nang makahiga siya sa kama, tumunog ang cellphone niya. Kaagad niyang kinuha iyon sa bulsa saka sinagot ang tawag.
"Hey, Evren," aniya sa kabilang linya.
"Hey, Montero," anito sa kabilang linya. "I dig some info about Paul Menzon. Napag-alaman kong ang ama pala niya ay isang kurakot na congressman. Ipapagkakalat ko ba para tuluyan na siyang mawalan ng investors?"
Bumuntong-hinga siya at mapait na ngumiti. "Just drop it. Ayoko nang marinig ang pangalang Paul Menzon mula ngayon." Nagtagis ang bagang niya.
"Damn..." Evren trailed. "Anong nangyari?"
"Nothing. I'm okay." Tinapos niya ang tawag at binato ang cellphone sa pader at dumapa ng higa sa kama.
Love sucked!
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top