CHAPTER 19
CHAPTER 19
THE welcome party was amazing. Anniza met a lot of people, especially Dark relatives who seemed to like her for Dark. Nakakatuwa na tanggap siya ng mga tao rito at hindi siya tinatawag na plus size kundi big-boned and tawag sa kanya. It was a nice feeling and a nice change of pace for her.
Napatigil siya sa pag-iisip ng nangyari sa welcome party kagabi ng may yumakap sa kanya mula sa likuran. Alam kaagad niya si Dark iyon dahil naamoy niya ang pabango nito na napaka-suwabe sa ilong.
Nakayakap si Dark sa kanya mula sa likuran habang nasa teresa sila ng silid nito at nakatingin siya sa napakagandang tanawin sa labas ng Stavros Palace.
"Good morning," bulong ni Dark sa tainga niya. "Kumusta ang tulog mo?"
"I slept well." Humilig siya sa dibdib nito. "Ang ganda rito, no? So very relaxing. View palang, sapat na."
Hinalik-halikan siya ni Dark sa leeg na nagpapagising sa katawan niya. "Mamasyal tayo mamaya. I'll show you how beautiful Thrace is."
Nilingon niya ang binata. "So, nasa Thrace tayo? Malayo pa ba rito ang Santorini?"
Dark smiled. "You don't have to go to Santorini. Thrace has a lot to offer to you, ómorfos."
Tumango-tango siya. "Okay. Nakakahiya mang aminin pero Santorini at Athens lang talaga ang alam kung lugar dito sa Greece. 'Yon naman kasi yung sikat na tourist spot ng bansa."
"Well, we are in the east of Macedonia and Thrace." Pinaglandas ni Dark ang labi nito sa leeg niya dahilan para kagatin niya ang pang-ibabang labi. "And I'll show you how beautiful the land of Thrace is."
Humarap siya rito saka siya na ang humalik sa mga labi nito at bumulong, "Show me, agápi."
Naramdaman niyang natigilan ito at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. "D-Did you just c-call me a-agápi?"
Nakangiting tumango siya. "Yeah. I did."
Napalitan ng malapad at masayang ngiti sa mga labi ang gulat sa mukha nito. "It sounds good."
Mahinang natawa si Anniza saka naglalambing na yumakap siya sa leeg ni Dark. Pero kaagad na nawala siya sa mood ng makarinig ng tunog ng sasakyan at nang bumaba ang tingin niya sa balkonahe, nakita niya si Kallea na lumabas sa kadarating lang na sasakyan.
She heard Dark groaned in annoyance.
"Hindi talaga niya ako titigilan." Hindi maipinta ang mukha ni Dark ng makita si Kallea.
At aminin man niya sa hindi, nasiyahan siya sa reaksiyon ni Dark kay Kallea, kaya naman nakangiting sinapo niya ang pisngi ng binata at hinalikan ito sa mga labi. "Ako ang bahala sayo."
Napatitig sa kanya si Dark at bakas ang pagkamangha sa gwapo nitong mukha. "Talaga? Hindi mo ako ibibigay sa kanya?"
"Bakit naman kita ibibigay sa kanya?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Akin ka diba?"
Umawang ang mga labi ni Dark at parang tumigil ito sa paghinga. "H-ha?"
Tumawa siya sa reaksiyon ng binata saka hinalikan ito ulit sa mga labi at hinila ito palabas sg silid.
Nang makalabas sila, si Dark na ang gumiya sa kanya patungo sa sala ng palasyo. Magkahawak kamay silang dalawa ng makarating doon.
Anniza instantly saw Kallea's face contorted in anger when she saw her. Matapang niyang sinalubong ang matalim na tingin ni Kallea.
"Dark... agapiménos..." Lumapit si Kallea kay Dark para siguro landiin naman ang binata pero hindi niya ito hinayaan. Mabilis niyang niyakap si Dark at hinalikan sa mga labi. Her main purpose was, of course, to taste Dark's sexy lips and next was to get rid of Kallean the Biatch.
Gusto niyang matawa ng makarinig ng nagmamartsang yabag palayo sa kanila.
Akmang paghihiwalayan niya ang mga labi nila ni Dark ng yakapin siya ng binata at mas pinalalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila. Dark's tongue slid inside her mouth and she moaned at the sensation it made her feel. Napayakap siya sa leeg nito habang mainit silang naghahalikan.
Mas naging mainit at mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila ni Dark ng bigla nalang nilang narinig ang boses ni Ikov.
"Your highness." Tumikhim ito. "Breakfast is ready."
Nakangiting pinakawalan kaagad ni Dark ang mga labi niya at matiim ang mga matang tinitigan siya. "Yes, Ikov. We're coming."
Ikov left and Dark kissed her passionately again. Buong puso naman niyang tinugon iyon. Kissing Dark was like a necessity now. Hindi kompleto ang araw niya kapag hindi natitikman ang mga labi nito. And it was scaring her. Nakikinita na niyang darating ang araw na hindi na niya kakayaning mawalay pa kay Dark.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ni Dark, magkahawak kamay silang naglakad patungo sa kumedor kung saan naroon na naghihintay ang pamilya ni Dark.
They shared an amazing breakfast. Mababait ang mga auntie at uncle ni Dark. Minu-minuto ay tinutudyo sila. Syempre pa, hindi pahuhuli si mama Nikola na panay ang tanong kung may laman na bang tagapagmana ang tiyan niya. She would just blush and stay silent. Si Dark naman, pangiti-ngiti lang at hindi nagkokomento.
Pagkatapos ng agahan, dinala siya ni Dark sa rooftop ng palasyo kung saan may helicopter doon na naghihintay sa kanila.
"Get in," ani Dark at binuksan ang pinto ng helicopter. "Mamamasyal tayo."
"Mamamasyal tapos naka Helicopter?" Manghang tanong niya.
Dark smiled. "Just get in, agápi mou."
Kaagad namang sumunod si Anniza at sumakay sa Helicopter. Nang makaupo na siya ng maayos, sumakay na si Dark at nilagyan siya ng helmet. Magtatanong sana siya kung para saan ang helmet habang papataas ang helicopter ng magsalita si Dark.
"Naririnig mo ako?" Tanong nito na ikinagulat niya dahil narinig niya ang boses nito sa loob ng helmet. Nginitian siya ng binata ng makita ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. "May nakalagay na mini-microphone at mini-speaker sa loob ng helmet para magkarinigan tayo. Maingay kasi, e."
Naatango-tango siya. "Ahh.."
Nasa himpapawid na ngayon ang helicopter at may nakikita siyang kabundukan at kagubatan sa ilalim. The mountain looked breathtaking. Talagang napaawang ang labi niya ng makita ang napakagandang kulay berdeng kabundukan.
Tinuro ni Dark ang kabundukan na tinititigan niya. "That's the Rodopi Mountain Range. And beside that is the Saos Mountain Range that covers the Samothrace Island. They said that the Samothrace Island is the island of the great gods. Naroon sa isla na iyon ang sikat na Statue ni Goddess Nike. Nakahimlay ang isla ng Samothrace sa Aegean's sea, one of the most famous sea where there are vast of archeological finds in the world."
Napatitig siya kay Dark. Nakatingin ito sa Rodopi Mountain Range habang nagsasalita.
Dark was really something. Gwapo, mayaman, mapagmahal, sweet at maramimg alam. Pero sa likod ng perpektong Dark Montero, nagtatago ang nakakatakot nitong ugali kapag nagagalit ito at iyon ang hindi perpekto sa binata. Pero hindi man ito perpekto sa iba, para sa kanya, perpekto pa rin si Dark. His imperfection made him who he was. At iyon ang lalaking minahal niya.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
Napakurap-kurap siya at nagtama ang mga mata nila ni Dark. Nakatingin na pala ito sa kaniya.
"Paano ba ako tumingin?" Balik tanong niya.
Ilang segundo siya nitong tinitigan saka umiling. "It's nothing."
A little later, they were flying above a beautiful city.
"Ano 'yan?" Tanong niya kay Dark habang tinuturo ang magandang syudad na nasa ibaba nila.
"That's Xanthi District." Tinuro nito ang malaking orasan na maihahantulad niya sa Big Ben, medyo maliit nga lang. "That's the central district and the Big Clock."
"Ang ganda naman," puno ng paghangang komento niya
Ngumiti ito. "Maganda nga." Itinuro nito ang nadaanan nilang brick mansion. "Yan naman ang Brick Mansion na ngayon ay isa nang Folk Art and History Museum."
At habang gumagalaw ang helicopter, panay naman ang bigay ni Dark sa mga impormasyon ng nadadaanan nilang mga makakuha-pansing gusali.
Nagsilbing tour guide si Dark sa kanya. Tinuro nito ang Stone Bridge na nasa Kompsatos River at ang Landscape sa Northern Part of Samothrace. Paikot-ikot lang ang helicopter sa Aegean Sea hanggang sa makarating sila sa lugar na tinatawag nitong Sanctuary of the Great Gods. Para iyong gumuhong palasyo o yung tinatawag nilang ruins. Pero kahit gumuho na iyon, tumindig pa rin ang balahibo niya ng ipababa ni Dark ang helicopter para makita niya ng malapitan.
And then they passed the Magnificent Cyclopes Cave.
"Hindi ko alam ang rason pero hindi iyang open for tourists," ani Dark.
"Baka may cyclopes sa loob," biro niya.
Dark chuckled. "Yeah. Maybe."
At ang huli nilang pinuntahan ay ang Soufli City na puno ng snow.
"That's the Soufli City known as the City of Silk," imporma sa kaniya ni Dark. "Sikat sila sa paggawa ng tela gamit ang silkworm. And they are also famous in making wines."
"Wow. Ang dami mong alam." She was impressed.
Dark smiled. "I told you, Thrace has a lot to offer."
"Yes. Napakaganda nga ng Thrace. I never knew."
Habang bumabiyahe pabalik ang helicopter, maghawak ang kamay nila ni Dark. Medyo wala na ang araw ng makauwi sila sa Stavros Palace.
Maaga silang nananghalian dahil na rin sa gutom dahil sa pamamasyal nila ni Dark at mahimbing siyang nakatulog dahil na rin siguro sa pagod.
NANG MAGISING si Anniza kinabukasan, gising na si Dark at nag-aaya itong mag-swimming.
"Get up, Anniza. Nagyaya si mommy mag-swimming sa Abdera. Maganda doon." Nakakubabaw ito sa kaniya habang pinipilit siyang sumama.
"Oo nga, sasama ako," aniya saka napasimangot. "Just let me get up."
Tumawa si Dark at umalis sa pagkakakubabaw sa kanya. Inunat muna niya ang mga braso saka siya bumangon at nagtungo sa banyo.
When she came out from the bathroom, she looked fresh and ready to face the day ahead.
"Hmm..." Niyakap siya ni Dark sa beywang at hinalikan siya sa mga labi. "You smell good, agápi mo."
Bahagyan siyang napapikit ng halikan siya nito sa leeg at bumiyahe iyon patungo sa dibdib niya. Akmang ipapasok nito ang kamay sa loob ng pang-itaas niya ng pigilan niya ito.
"Halika na, baka naghihintay na si mama Nikola," aniya na pinapakalma ang sarili na nag-uumpisa nang mag-init ang katawan.
Napipilitang tumango si Dark saka lumabas sila ng silid at nagtungo sa sala. Nang makarating doon, naroon na sila auntie Aetna at mama Nikola na may ibinigay sa kanyang paper bag.
"I want you to wear that, agapiménos," ani Mama Nikola sa malambing na boses. "Later. Okay?"
Tumango siya at tiningnan ang laman ng paper bag.
"Holy crap!" Napamura siya ng makita ang laman niyon.
It's a freaking bikini! Shit! Oh my God!
"Ano 'yan? Bakit ka namumula?" Tanong sa kaniya ni Dark habang sumisilip sa loob ng paper bag.
Mabilis niyang itinago ang bag sa likuran. "Don't!"
Kinunotan siya ng nuo ni Dark. "Ano yan?" Pangungulit nito. "Let me see it— aray! Mom!" Sigaw ni Dark na nakangiwi dahil piningot ito ni Mama Nikola.
Mahinang tumawa si Anniza. "Go, mama! Punch him, too."
"Ouch!" Dark shouted when mama Nikola let go of him. Pinukol siya nito ng masamang tingin. "Bakit hindi mo ako pinagtanggol."
Kaagad na naglalambing na niyakap niya ito at hinalikan ang tainga nito na piningot ni mama Nikola. "There. Mawawala na ang sakit. May magic yata ang halik ko."
Hinuli ni Dark ang mga labi niya saka hinalikan siya saka bumulong, "yes, I agree." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Nang una kong matikman ang mga labi mo, nabaliw ako sa kakaisip sayo, kaya naniniwala akong may mahika iyan kasi nakakabaliw at hinanap-hanap ko pagkatapos kung mahalikan."
Namula ang pisngi niya saka bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Dark. Iba talaga ang epekto ng lalaking 'to sa puso niya. Hindi siya nakapagsalita at namalayan nalang niya na ginigiya siya ni Dark patungo sa limousine na nakaparada sa labas ng palasyo. Kasabay nila sa sasakyan sila mama Nikola at auntie Aetna.
Nang makarating sila sa Adbela, napanganga siya sa ganda ng beach. Talagang mag-i-enjoy siya rito. Hinawakan ni Mama Nikola ang kamay niya at hinila siya palayo kay Dark, patungo sa isang pribadong cottage.
"Here." Binuksan nito ang cottage. "This is my personal cottage in this beach. Go. Change."
Wala siyang nagawa kundi ang magpalit ng damit at isuot ang kulay itim na High-Waisted Plus Size Bikini Set. Habang isinusuot iyon, panay ang ngiwi niya. Nararamdaman niyang hindi bagay sa kanya ang bikini na 'to. Si mama Nikola naman kasi, e.
"Done changing, dearest?" Boses iyon ni mama Nikola mula sa labas ng cottage.
"Y-Yeah," kinakabahang sagot niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama Nikola na may malapad na ngiti.
Nang makita nito ang kabuonan niya, impit itong tumili. "Oh, my goddesses! Oh God. You're so pretty!" Hinawakan nito ang beywang niya. "You're so sexy. Oh, goodness! I'm sure Dark will salivate when he sees you." Inayos nito ang buhok niya at hinaplos ang mukha niya. "Ómorfos, Anniza."
Ngumiti siya saka umikot para makita nito ang likod niya. "Do I look okay?"
"Of course!" She exclaimed. "You are beautiful." Hinawakan nito ag baba niya saka itinaas iyon. "Feel it. Own it. And walk like you are a goddess and they need to bow down to your beauty."
Natawa siya sa tinuran nito. "I'll try."
"No trying. Do it." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya palabas ng cottage.
Gusto niyang takpan ang sarili ng makalabas sa cottage. Gusto niyang itago ang sarili o kaya naman ay ilibing ang sarili dahil sa hiyang nararamdaman pero hindi siya hinayaan ni mama Nikola.
"Chin up!" Anito.
Anniza quickly raised her chin.
Nginitian siya ni mama Nikolaa. "Good girl."
They walked to the floating cottage. Naroon na Dark at nakikipag-usap ang binata sa mga kapamilya nito. Nakita niyang kinalabit ni auntie Aetna si Dark at itinuro siya na naglalakad palapit dito. Kaagad namang nilingon siya ng binata at umawang ang labi nito ng makita siya. Adoration and desire were visible in his beautiful granite eyes.
Malapit lang ang floating cottage sa dalampasigan kaya naman hindi siya nahirapan na sumakay doon.
Kapagkuwan ay nahihiyang naglakad siya palapit kay Dark na matiim na nakatitig pa rin sa kanya.
"Anniza..." Hinawakan siya nito sa beywang ng makalapit siya. He raked a hot and hungry stare over her body. "Damn it... you know how to make a man lose her cool facade. You know that, right?"
Umiling siya. "Hindi."
Dark smiled seductively at her as he gripped her hips. "You look so beautiful, agápi mou. So sexy. I really love that bikini on you, but you are mine and mine alone, agápi mou. And I won't let any men feast their hungry eyes on you. Akin ka lang, Anniza. Para sa akin lang ang nakikita ko ngayon."
Napakurap-kurap siya habang ang pisngi niya ay unti-unting namumula sa hiya dahil alam niyang narinig ng buong pamilya ni Dark ang sinabi ng binata.
"So possessive," anang boses ni auntie Aetna at may isinuot sa damit sa kanya. "That's a plunging neck see-trough cover up." Napailing-iling ito at iningusan si Dark. "To cover your sexiness from head to knees, and of course, to calm down prince possessive here."
Tinulungan pa ito ni Dark na isuot sa kanya ang cover up.
"There. All cover," masayang sabi ng binata.
Nangingiting napailing nalang si Anniza saka sumang-ayon kay auntie Aetna. "Yep. So possessive."
Hinuli ni Dark ang mga mata niya at matiim siyang tinitigan. "Yes, I am possessive of you." He kissed her full in the mouth.
At habang tinutugon ang halik ng binata, nakikinita na ni Anniza na magiging masaya ang araw na 'to sa buhay niya.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top