CHAPTER 18
CHAPTER 18
NAGISING SI Dark na wala sa tabi si Anniza. Agad siyang bumangon at mabilis niyang hinanap ang dalaga pero hinarang siya ni Ikov sa hallway. May dala itong penguin cut tuxedo.
Kinunotan niya ng nuo si Ikov. "What?"
"The queen wants you to wear this, your highness," anito habang nakatingin ng tuwid sa kanya.
Tinanggap niya ang tuxedo. "For what?"
"For the welcome party tonight," imporma nito sa kaniya.
Malalim siyang napabuntong-hinga. Bakit ba hindi niya naisip 'yon. He thought his mother would change. Even after so many years, his mother still loved throwing parties. Specially for him and—crap! Si Anniza! Baka kung ano na ang ginawa ng ina niya rito!
"Have you seen my lady?" Tanong niya kay Ikov na nasa harapan pa rin niya at hindi umaalis dahil hindi pa niya sinabihang umalis. Good God!
"I haven't, your highness," Ikov answered. "But I heard that Lady Anniza is with the Queen in the salon room with your other relatives."
Mariin siyang napapikit! Fuck! His mother would really stop at nothing! Alam niya kung gaano kaayaw ni Anniza na mag-ayos sa sarili, kaya nga kahit kailan ay hindi niya ito pinilit na mag-ayos at ayos naman sa kanya kahit ano pa ang itsura nito.
But his mother was another case.
He took a very deep breath. "You may leave."
"Thank you, your highness," nakatungong sabi ni Ikov at iniwan siyang mag-isa sa hallway.
Bumalik siya sa kaniyang silid at naligo. Malapit nang gumabi kaya kailangan na niyang mag-ayos. Kailangan niyang mag-ayos baka kung ano-ano na naman ang sabihin ng ina niya kapag nakita siya nitong hindi nakaayos. Kesyo nagmana siya sa ama niya na ayaw ng party.
Tamang-tama naman na kasusuot lang niya ng tuxedo ng may kumatok sa pinto ng silid niya.
"Come in!" Sigaw niya mula sa loob.
Bumukas ang pinto at pumasok doon si Kallea. May nang-aakit itong ngiti sa mga labi habang naglalakad palapit sa kaniya.
"Hello, Dark," anito habang may nang-aakit na ngiti sa mga labi. "How's my Prince?"
Kallea was a Princess of the Royal House of Michelakis. The Stavros was close to Michelakis. They were good friends. Pero mukhang hindi pagkakaibigan ang pakay sa kanya ni Kallea. Mula pa nuong mga high school sila ay palagi na itong nakadikit sa kanya. He, as a hormonal teenager liked it. Pero nuong nag-college na siya at sinundan siya nito sa Stanford, doon niya na realize na tawag lang ng laman kung ano man ang namagitan sa kanila noon.
"I'm good." Tinalikuran niya ito at inayos ang tuxedo. "What are you doing here, Kallea?" Kailangan na nitong makaalis baka makita ito ni Anniza.
"Oh, nothing." Hinaplos nito ang likod niya saka niyakap siya sa beywang at idinikit ang dibdib nito sa likod niya. "I just missed you," she said in a seductice voice.
Kaagad na binaklas niya ang mga braso nito na nakayakap sa kanya mula sa likuran at hinarap ang babae. "Look, Kallea, I'm with Anniza and she is here in the Stavros Palace. So please, stay away from me," seryuso niyang pakiusap sa babae.
Namungay ang mga mata ni Kallea at niyakap siya sa leeg pagkatapos ay inilapit nito ang mga labi sa mga labi niya. "She's not here," bulong nito sa mga labi niya. "We could do a quickie. I know how much you like sex, Dark. You cannot resist me, agapiménos. We used to have sex a lot."
Huminga siya ng malalim sa matiim na tinitigan ang dalaga. "Kallea, that was ten years ago, okay?" Napailing-iling siya at tinanggal ang braso nito na nakayakap sa leeg niya. "That was an idiot me."
Hindi na niya hinintay ang tugon ni Kallea sa sinabi niya. Nilampasan niya ang dalaga at nauna nang lumabas sa silid niya. Iirritation filled him when Kallea run after him and circled her arms around his waist. Napamura siya ng maalala si Anniza. Kailangan niyang makalayo kay Kallea, baka kung ano ang isipin ni Anniza kapag nakita siya nitong may kasamang ibang babae. Ayaw niyang mag back to zero na naman siya kay Anniza. Ayaw na niyang bumalik sa dati na nakatingin lang siya sa dalaga mula sa malayo.
Binaklas na naman niya ang braso ni Kallea sa braso niya. "Let go, Kallea."
"No," matigas ang boses na sabi nito. "We will enter the grand hall of Stavros with me in your arms, not the woman you brought home."
Dark let out a loud breath. He really needed to get rid of this woman. Hindi naman niya puwedeng singhalan ito baka iyon pa ang maging ugat ng pag-aaway ng dalawang pamilya. Ayaw niyang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang pamilya Stavros at Michelakis ng dahil lang sa kanya. Kaya naman napilitan siyang sundin ang gusto nito, pumasok siya sa grand hall ng Stavros na nakahawak sa bisig niya si Kallea.
Walang emosyon ang mukha ng kanyang ina habang naglalakad palapit sa kanya. Matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa magkalingkis nilang braso ni Kallea.
"Kallea?" His mother grabs his arm. "May I borrow my son?"
Hindi nito hinintay ang sagot ni Kallea. Hinila siya nito bigla, palayo kay Kallea at doon lang nito pinakita ang totoong emosyon sa mukha nito.
"What are you doing with that woman?" She hissed at him. "What will Anniza say if she sees you with Kallea?" Dinuro nito an dibdib niya. "Remember this, Dark Nikolov Megalos Stavros Montero, if Anniza decline to marry you, I will disown you! And I'm not kidding. I like her for you."
Napangiti siya sa tinuran ng kanyang ina. She really liked Anniza for him that much.
"Mama, I don't like Kallea," sabi niya para mapanatag ang ina niya. "Where is Anniza, anyway?"
"Just wait..." Misteryusong ngumiti sa kanya ang ina na para bang may alam ito na hindi niya alam. "And see."
Naglakad ang ina niya patungo sa puting platform na nakaharap sa mga bisita nila at nagsalita ito sa mikropono. "Good evening, ladies and gentlemen, prince and princesses, kings and queens," narinig niyang sabi ng kaniang ina pero wala doon ang atensiyon niya.
Abala siya sa paghahanap kay Anniza. Sinuyod na ng mga mata niya ang bawat sulok ng grandhall pero hindi niya pa rin makita ito. Wala ang dalaga sa loob ng grand hall. Nasaan kaya 'yon? He missed her already, damn it!
Humarap siya sa kaniyang ina na nagsasalita parin.
"This party is for my son, Dark Nikolov Megalos Stavros Montero." his mother raised her glass of champagne at him. "And of course, to his woman, his beloved, his bride-to-be, Lady Anniza Gonzales."
Biglang nagdilim ang buong paligid at naka-sentro ang ilaw sa grand staircase na siya ring nagsisilbing entrance ng Stavros Grand Hall.
Kaagad na dumako ang tingin ni Dark sa puno ng hagdan. And there, he saw a breathtaking woman wearing a Black V-Neck Zipper Design gown that hugged her every curves. Umawang ang mga labi niya ng mapagtantong ang magandang babae na nakatayo sa puno ng hagdan ay walang iba kung hindi ang babaeng kanina pa niya hinahanap.
Dark couldn't look away as Anniza descended down the staircase. Napako ang mga mata niya sa pinakamagandang babae sa gabing iyon.
Anniza had a cute smile on her lips as she walked towards him. Him! Sa kanya ito palapit. Parang kinapos siya ng hininga ng tumigil sa harapan niya si Anniza at mas lumapad pa ang ngiti sa mga labi nito.
"Sisihin mo ang mama mo," anito na parang nahihiya. "Siya ang may kagagawan nito."
Nakaawang pa rin ang mga labi niya habang hinahagod ng tingin ang buong katawan nito mula ulo hanggang paa. Dark knew that Anniza saw the desire in his eyes because her cheeks blushed.
Dark heard murmurs of 'ómorfos' from their guests and he definitely agreed with them. Anniza took his breath away. Habang nakatitig parin sa maganda nitong mukha, inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa at pinagsiklop niya ang kamay nila.
"You're so beautiful, Anniza," aniya.
Mahina itong natawa na parang nahihiya. "Sa pagkakataong ito, sasang-ayon ako sayo. Hindi ko rin nakilala ang sarili ko pagkatapos akong i-make over ni mama Nikola kanina."
Mama Nikola. Hmm... that sounds good.
Napangiti siya saka inilapit ang labi sa tainga nito saka bumulong, "I bet you're more beautiful naked. Let's ditch them."
Naiiling na natatawa si Anniza. "You and your horniness."
Hinalikan niya sa pisngi ang dalaga saka bumulong ulit, "Kasalanan mo 'to. Ang ganda-ganda mo kasi, e."
Mahina Itong natawa. "Oo na, maganda na ako. Can we sit now?"
Doon lang niya na-realize na nakatayo sila at nakasentro ang ilaw sa kanilang dalawa. Napailing nalang siya saka magkahawak kamay silang naglakad ni Anniza patungo sa mesa na nasa unahan. Kasama nila sa mesa ang malalapit niyang kamag-anak.
HABANG magkahawak kamay sila ni Dark na naglalakad palapit sa nasa unahang mesa, nahagip ng mga mata niya ang isang babae na matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, kanina pa siya bumulagta.
She knew the woman.
Habang inaayusan siya kanina, may ipinakitang larawan ng isang babae si mama Nikola sa kanya. Sabi nito ang pangalan nang babae ay Kallea at nasisiguro raw nito na gagawin ng babae ang lahat para maakit si Dark at dapat ay hindi daw niya hayaan itong magtagumpay.
Kaagad namang kinain ng selos ang buong pagkatao ni Anniza. Hindi siya makakapayag na may umagaw kay Dark mula sa kanya. Subukan lang ng babaeng 'yon na akitin ang binata, gagamitin niya ang plus size niyang katawan para pipitin ang babae hanggang sa hindi na ito makahinga!
Nang maka-upo siya, sinalubong niya ang matalim na mga mata ng babae. Tinaasan niya ito ng kilay at inirapan. Siniguro niyang hindi iyon makikita ni Dark. Ayaw niyang malaman nito ang nararamdaman niya. May takot parin sa puso niya hanggang ngayon dahil sa ginawa sa kaniya ni Paul.
"Auntie Aetna," tawag ni Dark sa babae na nasa tabi nito. "I want you to meet—"
"Anniza, darling!" Nakangiting sansala ni Auntie Aetna kay Dark. "You look gorgeous tonight."
Nahihiya siyang ngumiti. "Thank you, auntie Aetna."
Pinaglipat-lipat ni Dark ang tingin sa kanila ng auntie nito. "Wait. You know each other?"
"Yes," naunang sumagot sa kanya si auntie Aetna. "I was with her earlier in the salon room. She's a perfect woman for you, Dark. Big-boned, beautiful face, and with magical hands because she's a chef. Just perfect." Kinindatan siya ni Auntie Aetna saka malapad na ngumiti.
Mahina siyang natawa sa mga papuri nito. "Thank you, auntie Aetna."
Nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya si Dark. Nginitian niya ito at bumulong siya sa tainga ng binata, "Kasama ko siya kanina sa salon room. We bonded. We talked a lot about everything. Ang cool ng family mo. Nakakatuwa pa si mama Nikola."
"So." Iminuwestra nito ang kamay sa kapamilya nito na kasalo nila sa mesa. "You know them all?"
"Basta ang hindi ko lang nakilala 'yong mga hindi ako pinuntahan sa salon room."
Napanganga ito. "For real? Pinuntahan ka nila doon?"
"Yep." Tumango siya na nakangiti. "Minsan ka lang daw kasi dumalaw at ito ag unang beses na may sinama kang babae kaya gusto nila akong makilala."
Napailing-iling nalang ang binata. "Kita mo nga naman ang kagandahan mo, agápi mou. Pati yata pamilya ko, nabighani sayo."
Sumikdo ang puso niya at para siyang kinapos ng hininga sa huling sinabi nito. Ibig bang sabihin nito ay nabighani din ito sa kagandahan niya kahit pa ganoon ang katawan niya?
Akmang magsasalita siya ng biglang may yumakap kay Dark at humalik sa pisngi nito. Kaagad na kinain ng selos ang puso niya ng makitang si Kallea ang humalik sa binata. Pero wala siya sa lugar para mag-eskandalo kaya naman hinayaan niya lang ang dalawa.
Magkahawak pa rin ang kamay nila ni Dark sa ilalim ng mesa at mas lalong humigpit ang hawak nito sa kamay niya ng pilit niyang inaagaw ang kamay niya na hawak nito.
"Kallea, let go of me," ani Dark sa matigas na boses at walang emosyong mukha.
"No." Hinalikan nito ang leeg ni Dark. "I miss you so much, Dark. Please, dance with me?" Nagmamakaawa ang boses nito.
Nang maramdamang lumawag ang pagkakahawak ni Dark sa kamay niya, mabilis niyang inagaw ang kamay niya at walang emosyong nagsalita habang nakatingin kay Dark. "Go on. Dance."
Pain crossed his handsome face. "Pinamimigay mo ba ako?"
Umiling siya at kinuyom ang kamao dahil sa selos na nararamdaman sa puso niya. "Isayaw mo nalang siya."
Mapait na ngumiti si Dark. "Oo nga pala, bakit mo naman ako ipamimigay samantalang hindi mo naman ako pagmamay-ari."
Parang may tumarak na patalim sa puso niya dahil sa sinabi nito pero hindi niya pinakitang nasaktan siya. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya.
Tumayo si Dark at hinila si Kallea patungo sa dance floor at magkadikit na magkadikit ang katawan ng mga ito habang nagsasayaw. Her heart being torn apart as she watched them. Damn! Ang sakit-sakit naman nito! Kaya pa ba niya ang sakit?
"Darling." Hinawakan ni auntie Aetna ang kamay niya. "You know that I like you for Dark, right?"
Tumango siya at pilit na ngumiti.
"I have a question."
Pinilit niyang maging maayos ang pakiramdam niya kahit parang nadudurog ang puso niya sa bawat segundo na nagsasayaw si Dark at Kallea. "Yes, Auntie?"
"Do you love Dark? And don't lie to me, I beg of you."
Napakagat-labi siya at tumango. Ang mga nasa mesa nila na kamag-anak ni Dark ay masayang ngumiti sa kanya dahil sa pag-amin niya. Ang iba naman ay tumango-tango na para bang sang-ayon ang mga ito sa pagtango niya.
Umangat ang kamay ni auntie Aetna saka hinaplos ang pisngi niya at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. "If that's so ... then get him." Pinalakihan siya nito ng mga mata. "Go. Get your man. Don't let that woman ruin your night. Fight for what you love, my dear. And win."
Sasagot sana siya ng biglang sumulpot sa tabi niya si mama Nikola. Hindi maipinta ang mukha nito.
"Anniza, dearest, please tell me that you are going to show that biatch that you are the one who owns my son," mataray na sabi ng reyna at panay ang hinga ng malalim na parang pinapakalma ang sarili.
Nabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya at nadagdagan ang lakas ng loob niya. Nasa kanya ang suporta ng pamilya ni Dark. Siya nalang ang hinihintay nang mga ito na gumalaw.
Huminga siya ng malalim saka ngumiti at inangkin ang binata. "Dark is mine."
Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ng ina ni Dark saka hinaplos ang pisngi niya. "Go and get my son. And while you're there, get rid of that biatch!"
Bumuga siya ng hangin at humugot ulit ng isang malalim na hininga bago tumayo at naglakad palapit sa nagsasayaw na si Dark at Kallea.
Kaagad na dumako ang tingin ni Dark sa kanya habang papalapit siya sa mga ito. Halo-halong emosyon ang nababasa niya sa mga mata nito pero mas nangingibabaw ang pagtataka sa mukha nito.
Nang makalapit siya, kaagad na hinaplos niya ang braso nito, dumukwang palapit sa tainga nito saka matalim ang boses na bumulong. "Bitiwan mo siya kung ayaw mong sapakin kita rito mismo sa dance floor. I swear Dark, kaya kong gawin 'yon. At hindi sakin uobra iyang 'one violent move, one kiss rule' mo."
Mabilis na binitiwan ni Dark si Kallea na halos patayin siya sa tingin. Matapang naman niyang sinalubong ang tingin nito. Hindi niya hahayaang maliitin siya at takutin ng babae. Minsan nang may babaeng umapak sa pagkatao niya, hindi niya hahayaang masundan pa 'yon. She would not let anyone stomp on her just because of her size. No one. At kung insulutuhin siya ng babaeng 'to, makikita nito kung paano magalit ang isang Pilipina!
Pagkatapos ng matalim nilang titigan, ngumisi si Kallea habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Well? Aren't you gonna leave, pig?"
"No, but I think you should. It's very clear that Dark doesn't want to associate with a desperate hoe like you" Pagkasabi niyon ay nginitian niya ng matamis si Kallea na nakakamatay ang tingin sa kanya.
Mas lumapad ang matamis niyang ngiti ng nagtatagis ang bagang nito na tumalikod at mabilis na lumayo sa kanila.
Nang mawala si Kallea, humarap siya kay Dark at tinaasan ito ng kilay. "Nakakainis ka, alam mo 'yon?" Aniya.
Nagsalubong ang kilay ni Dark. "Ako? Nakakainis? Baka ikaw."
"At bakit ako?" Sikmat niya.
"Nagtatanong ka pa talaga?" Pinalibot nito ang braso sa beyang niya saka hinapit siya nito palapit sa katawan nito. "Pinamimigay mo ako. Akala mo ba hindi masakit 'yon?"
Namilog ag mata ni Anniza. "N-nasaktan ka?"
"What do you think?" He looked pissed. "The woman I like passed me to another woman. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?"
Mabilis ang tibok ng puso niya na napatitig siya sa binata na halata pa rin ang iritasyon sa mukha nito.
"Oh, ba't natahimik ka?" Usisa ni Dark sa kaniya habang nagsasayaw sila at nakatitig lang siya rito. "Gusto mo itigil nalang natin itong pagsasayaw at ibalik kita sa mesa?" May iritasyon sa boses nito.
Sa kawalang masabi, iniyakap niya ang mga braso sa leeg ng binata saka idinikit pa lalo ang katawan niya sa katawan nito.
"I'm sorry," mahina niyang sabi habang nagsasayaw sila sa malamyos na musika. "Ayaw ko naman talaga na makipagsayaw ka sa babaeng 'yon."
"Then why did you let me?" May pagtatampo sa boses nito.
"Because I thought you want to dance with her." Alam niyang selos na selos ang boses niya. "She's very pretty, Dark. And she's a princess. Anong laban ko sa kanya?"
Hinaplos nito ang tagiliran niya saka bumulong ito sa tainga niya. "Wala namang labanang magaganap, Anniza. Because for me, you'll win hands down."
Her heart thumped rapidly as her arms tightened around his neck. "Mas gusto mo akong makasayaw?"
"Yes, of course." Hinagod nito ang likod niya saka hinalikan ang balikat niya. "Ikaw ang gusto ko, Anniza, wala nang iba."
Mariing pinikit ni Anniza ang mga mata saka tinanggap niya sa sarili na hindi na siya basta nahuhulog lang para sa binata, sigurado na siya ngayon sa nararamdaman niya, mahal na niya si Dark at natatakot siyang sumugal na naman sa ngalan ng pag-ibig. Natatakot siyang masaktan. Pero kaya ba niyang kalabanin ang gusto ng puso niya? Tiyak na mahihirapan siya.
"Dark?" Mahina niyang sambit sa pangalan nito.
"Hmm?" He hummed.
Pinaglandas niya ang kamay sa leeg nito at humaplos pababa sa dibdib nito. "Let's ditch them."
Mahinang natawa ang binata sa sinabi niya saka bahagyang tinampal ang pang-upo niya. "Such a tease, agápi mou. You're being a bad girl."
Umikot ang mga mata niya. "Thanks to you."
Dark chuckled. "Well, I am, sort of just a little, slightly a bad boy."
Bahagyan siyang kumawala sa pagkakayakap sa binata saka tinitigan ito. "You're a bad boy, Dark. Period."
Mahinang tumawa lang si Dark saka yinapos ulit ang katawan niya at sinayaw niya. At hinayaan niya lang ang binata. She liked dancing with him. This felt very intimate. And God knew she wanted to be more intimate with him.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top